WATCH: Mccoy De Leon for PBB Teens Lucky Season 7's Badjao Girl, Rita Gaviola

Wednesday, September 7, 2016

Last Monday on PBB Online, we surprised the latest PBB Teens Lucky Season 7 evictee Rita Gaviola with a video greeting from her crush, PBB Celebrity Edition and Hashtags member Mccoy De Leon.

In all fairness talaga kay Mccoy, super bait. Isang text lang. Sinend niya agad sa akin yung video. Thanks again Mccoy, and good luck Baby Rita! Sana talaga makasama ka sa Ang Probinsyano!

Watch and share the video below!


Read more...

James Reid, From Greece with Love

Friday, August 12, 2016


Read more...

Vote for Darla Sauler on Push Awards!


Beke nemen! Hehehe! Vote for Darla Sauler para sa Popular Celebrity Blogger sa Push Awards! Hehehe! Nasa pinakadulo po ng page yung category! Hihihi! Just log on to PUSHAWARDS!

Read more...

Macoy go with the flow daw muna sa kanila ni Elisse!

Sa interview namin kina Macoy at Elisse sa PBB Online, nakakatuwa ang pagsasaluhan nila sa mga tanong kung saan nung patapos na ang show, sinabi ni Macoy na go with the flow lang muna sila - sa tanong kung may chance bang magkatotoo ang panunukso sa kanila. 



Pero ang nasagap ko lang... soon may gagawin silang dalawa na ikakatuwa ng mga Mclisse supporters! Sana tuloy na tuloy na!





Read more...

TRES KANTOS, WAGI BILANG KAUNA-UNAHANG GRAND CELEBRITEAM NG “WE LOVE OPM”

Monday, July 18, 2016


Wagi ang trio nina Jovit Baldivino, Bugoy Drilon, at Dominador Aviola na Tres Kantos bilang kauna-unahang grand CelebriTeam sa Grand Celebrity Sing-Offs ng “We Love OPM” noong Linggo ng gabi (July 17) sa Newport Performing Arts Theater.

Nakakuha ang grupo, na sumailalim sa mentor na si Erik Santos, ng 80.45% na combined scores mula sa public votes at score na ibinigay ng music icon na si Maestro Ryan Cayabyab.


Nag-uwi ang grupo ng P2 milyon, na ang kalahati ay mapupunta sa kanilang napiling charity, ang Casa San Miguel.

Tinalo ng Tres Kantos ang Oh My Girls na binubuo nina Ylona Garcia, Krissha Viaje, at Alexa Ilacad – na mi-nentor ni Yeng Constantino – na nakakuha ng 58.27% ng combined scores. Samantala, nagkamit naman ng 57.78% ang O Diva ni KZ Tandingan at kinabibilangan nina Emmanuelle Vera, Liezel Garcia at Klarisse de Guzman.




“Sobrang saya, kaba, excitement, happiness. Halo-halo, mixed emotions,” saad ni Bugoy sa isang interview matapos ang show.

Ayon naman kay Jovit, na siyang nanalo sa unang season ng “Pilipinas Got Talent,” “Hindi namin talaga ma-explain ang nasa loob namin. Grabe, this is the second time na naging grand champion ako at ngayon sobra talagang naramdaman ko ulit ‘yung lumalaban.”

“Sobrang nagpapasalamat ako sa bumubuo ng programang ‘to. Bakit nandito ako ngayon, utang ko sa kanilang lahat,” sambit naman ni Dominador or Daddy D, na nauna nang nakipagtagisan sa bosesas sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.”

Ibinahagi naman ni Erik na kahit na nagsilbi siyang mentor sa programa, marami rin siyang natutunan tungkol sa kanyang sarili dahil sa buong karanasan niya rito. “Sobra ang learning na nabigay nitong show na ito. Sobra akong grateful na napasama ako sa napakagandang show na. Ang dami kong na-discover sa sarili ko, 'yung weaknesses and strengths ng bawat miyembro ko.”

Bukod sa mga bigating performances ng grand finalists, nag-perform din ang “I Love OPM” Grand TouriStar na si Yohan Hwang, Sam Concepcion, at Inigo Pascual.

Ang iba pang “We Love OPM” CelebriTeams na nakipaglaban sa programa ay ang Voice Next Door ni Richard Poon na kinabibilangan nina Kyle Echarri, Bailey May, at Juan Karlos Labajo, Hot Spots ni Jay-R na kinabibilangan nina Marrki Stroem, Ryan Sy, at Alex Diaz, at Power Chords ni Nyoy Volante na kinabibilangan nina Kaye Cal, Marlo Mortel, at Marion Aunor.

Sa pangunguna ni Anne Curtis inilunsad ang “We Love OPM: The Celebrity Sing Offs” noong Mayo matapos ang matagumpay na season ng “I Love OPM.”


Muli namang magsasama-sama ang mentors at celebriteams sa isang espesyal na “We Love OPM: Ang Soundtrack ng Buhay Natin” ngayong Sabado (July 23) pagkatapos ng “MMK” sa ABS-CBN.

Read more...

Team Real! My loves, Nadine and James!

Friday, June 24, 2016


Read more...

COGIE DOMINGO, MAGBABALIK-TELEBISYON SA “IPAGLABAN MO”

Nagbabalik-telebisyon ang aktor na si Cogie Domingo sa kanyang pagganap sa papel na isang asawang pinagtaksilan ng kanyang misis  ngayong Sabado (June 25) sa hit legal drama ng ABS-CBN na “Ipaglaban Mo.”



Mapagmahal na asawa si Dan (Cogie) kay Claire (Yam Concepion) at masipag na ama sa kanilang tatlong anak. Dahil sa pagmamahal sa pamilya at sipag sa trabaho, nakabili si Dan ng bagong bahay at nakapagdesisyon silang lumipat na sa probinsiya.

Lingid sa kaalaman ni Dan, hindi naging madali para kay Claire ang paglipat sa probinsiya dahil nababagot ito sa bahay. Dahil palaging nasa trabaho, hindi napansin ni Dan na nagkakamabutihan na si Claire at ang kanilang kapitbahay na si Mark (Patrick Garcia).



Namulat lamang si Mark sa masahol na katotohanan nang mahuli niyang magkasama sa kama sina Claire at Mark sa gitna ng pagtatalik. Papatayin na sana ni Dan si Mark sa pagkakataong iyon ngunit biglang naglabas si Mark ng baril at itinutok kay Dan.

Nauwi na ba sa patayan ang paghaharap nina Dan at Mark? Tuluyan na kayang mawasak ang pamilya nina Dan at Claire?


Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” episode na “Kapitbahay” sa ilalim ng direksyon ni Dondon Santos ngayong Sabado (June 25), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin muli ang nakaraang episodes ng programa via iwantv.com.ph o skyondemand.com.phpara sa Sky subscribers. Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like angwww.facebook.com/IpaglabanMoABSCBN sa Facebook.

Read more...

Jeric Raval, biktima ng viral death hoax!

Friday, June 3, 2016

Isa na namang aktor ang nabiktima ng mga walang magawa sa buhay, at nagpapakalat ng false report about a person's death. Hoax ang kumakalat na picture at balita sa Facebook ngayon, patungkol sa pagkamatay umano ng action star na si Jeric Raval. Si Jeric ay napapanood natin ngayon sa Kapamilya teleserye na We Will Survive, at as of this time, ay nasa taping siya ng nasabing teleserye. At eto pa nga ang sabi niya sa akin o!



Read more...

Oh hello, Baste Duterte! Thanks Ellen Adarna!

Wednesday, June 1, 2016


Read more...

Hoping to have you soon on Magandang Buhay my babies, LizQuen!

Tuesday, May 24, 2016


Waiting for your available sked babies! Grabe, lalo akong napapahanga at napapamahal sa inyo dahil hindi kayo nagbabago at nagsasawa, at nakukulitan sa akin. Pagpasensyahan nyo na, forever akong FAN kaya hilig ko yang mga ganyan hehehe!

Read more...

VIDEO: Paul Jake Castillo's proposal to Kaye Abad

Tuesday, May 17, 2016


Video from Pooh. Thanks so much Pooh! 

Congrats again Kaye and PJ, yehey!!!!

Read more...

Paul Jake Castillo proposes to Kaye Abad!


Photo from Jovy! Congrats Kaye and PJ! Waaah may forever hehehe!


Photo from Pooh's IG.

Read more...

#Happy23rdBirthdayJamesReid

Wednesday, May 11, 2016








Read more...

PHOTOS: James Reid celebrates his birthday with the kids from Asociacion De Damas De Filipinas

Tuesday, May 10, 2016

Mas lalo ko tuloy minahal si James Reid. Mula DNP, lagi na kaming may contact at mula noon hindi nagbabago. Walang ka-arte arte. Sobrang thankful ako di ka naiinis o nagsasawa kaka-video greet sa akin Hayme hehehe. 

Last Sunday nagkaroon siya ng pre-birthday celebration kasama ang mga bata mula sa Asociacion De Damas De Filipinas in Paco, Manila. At kwento sa akin ng mga nakasama niya that day, sobrang nag-enjoy ang kids at si James. Walang ka-showbiz showbiz sa katawan our Hubby love. More blessings to come James. At wish namin sana lagi kayong happy and healthy ni Nadz.







Click here for more photos!
And please like my FB page - https://www.facebook.com/darlasaulerDOTcom/
and subscribe na sa YouTube channel ko kasi I will be uploading videos of James from this party. Ang cute ng pakikipagsayaw, games at pagkanta niya for the kids > https://www.youtube.com/user/darlasauler

Read more...

JaDine LOVE


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP