Angelica, niregaluhan ni Derek ng Hermes bag! Yan ba ang hiwalay?!

Thursday, November 5, 2009

Last night, sa simple pero kilig na birthday celebration ni Angelica Panganiban with her 3-year boyfriend Derek Ramsay, saglit na humarap ang Bida-Kontrabida ng showbiz sa SNN para harapin ang issue na hiwalay na daw sila ng aktor.

Boy & Kris, Manila Bay Cruise (2008), Derek and Angelica's first time to celebrate a "monthsary"

Ilang beses nang napapabalitang hiwalay ang dalawa, kaya medyo naloloka na si Angel sa issue. According to her, mga inggitero at inggitera daw siguro ang mga nagkakalat ng balitang break na sila. Hindi naman daw siya nagtataka bakit marami ang naninira sa kanila, dahil ang boyfriend niya daw - total package! Pang-ideal man kumbaga! So to those wishing na maghiwalay sila, ang message ni Angelica : "Sorry pero hindi kami naghiwalay, at never kaming maghihiwalay!"

At dahil birthday niya nga, aside from the asalto that her family and friends prepared for her... isang surprise pa ang nakuha ni Angel, of course from Derek. Isang bagay na she thought she'll have daw pag nasa 40's na siya! Isang bonggang bonggang Hermes bag! Sabi ni Derek, knowing that Angel loves bags, wala na siyang ibang naisip kundi ang yun ang ibigay sa kanyang girlfriend.

I searched for the Hermes bag that Derek gave Angel, at sa paghahanap ko - based sa itsura nung bag na bitbit ni Angel - Angel has the orange Hermes Lindy bag! According to features about this kind of Hermes, ang price range daw nito ay nasa $4, 300 - $4, 800 nung bagong labas. Aabot ng tumataginting na 230, 000 pesos! Isa sa mga famous celebrities na merong ganito - Naomi Campbell!
O may ex-boyfriend bang magbibigay ng ganto kabonggang gift?! Let's all be happy for Derek and Angel na lang kasi! (=

*PAHABOL : According to Derek, he had two bags nung gabing sosorpresahin nila si Angelica. The orange Hermes Lindy and a Chanel - ang reason : hindi niya alam kung ano ang mas magugustuhan ni Angel. But when Angel saw the orange Hermes, naiyak na daw agad ito... kaya yun na ang ibinigay niya. Ang taray!

2 comments:

dYuLi November 7, 2009 at 4:07 AM  

naman! inggit lang ang mga nagchuchurva na split na sila. :)

csndz November 12, 2009 at 3:56 PM  

kaloka! bait naman ni Derek!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP