JINKEE-MANNY-KRISTA : The Individuals Behind the Controversy

Wednesday, November 25, 2009

Last Sunday sa super shocking episode ng The Buzz, isa-isang ipinakilala sina Manny and Jinkee Pacquiao at si Krista Ranillo... Ang mga taong nadadawit sa hottest controversy ngayon. Sa mga hindi nakapanood... here's what you've missed!


Bago siya maging asawa ng pinaka-sikat na boksingero ngayon sa buong mundo... JINKEE PACQUIAO was a simple middle-class woman from General Santos City, South Cotabato. Ipinanganak noong January 12, 1979 si Jinkee Jamora at ang kanyang kakambal na si Janet. Sila ang pangatlo / pang-apat na anak nina Nestor at Rosalina Jamora. Ang pamilya Jamora sa GenSan ay ay may lupain ng niyogan at nagba-buy and sell ng copra. Sa tahimik nilang pamumuhay dati, Nanay Rosalina described Jinkee as a kind and obedient daughter.

Jinkee was a consistent honor student at the Notre Dame of General Santos City. She then took up a 2-year computer programming course at the AMA University, GenSan. Pagkatapos nito, napagdesisyunan ni Jinkee na magwork bilang isang beauty consultant sa Fitmart Mall in GenSan. Sa mga panahong ito, ipinakilala sa kanya ng kanyang Tito Renaldo Jamora ang noo'y amateur boxer pa lamang na si MANNY PACQUIAO.


December 17, 1978 ipinanganak si Emmanuel Dapidran Pacquiao. Laking GenSan-laking hirap si Manny, na pangalawa sa anim na magkakapatid. Binatilyo pa lamang, iniwan na sila ng kanilang amang si Roselio, kaya naman para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang inang si Nanay Dionisia... sumama siya sa pagtitinda ng pandesal at donut sa kalsada.

Mahilig si Manny noon na makinig ng drama sa radyo and according to Nanay Dionisia, isang kwento [sa radyo pa rin] tungkol sa isang taong naka-ahon sa hirap dahil sa boxing ang nagbigay idea at inspiration sa kanyang anak para pasukin ang mundo ng boxing. Nagpaturo sila ng kanyang kapatid na si Bobby sa isang kapitbahay nilang nagngangalang Dizon Cordero. Noon pa man, kinakitaan na si Manny ng kakaibang lakas ng kamao at liksi ng galaw sa ring. Kaya naman bago niya pa makuha ang bansag na Pacman, si Manny... nakilala noon bilang si Kid Kulafu - hango daw sa isang inumin noon na malakas kung "sumipa." At first, inilihim ni Manny kay Nanay Dionisia ang pagsali niya sa "Boxing at the Park," isang weekly boxing thing sa oval plaza ng GenSan. Minsan din, nakakarating pa siya sa Sarangani para lang makapag-training. When his mother found out about it and started reprimanding him, anng isinagot lang daw ni Manny "Wala kayo magagawa ma, gusto ko mag-boxing para tayo magkapera!"

From GenSan, sinubukan ni Manny ang kanyang kapalaran sa Tondo, Manila. He worked as a "piyon" sa isang construction site, habang patuloy pa rin ang pag-eensayo ng boksing during his free time. 1994 : 16 years old pa lang si Manny nang una siyang makita sa tv, sa evening boxing show na Blow by Blow ng Vintage Sports. Mula dito... unti-unti nang gumawa ng sarili niyang pangalan si Manny sa boxing world. Ang Kid Kulafu naging Pacman na. Mula sa pagiging isang patpating binatilyo to a fighter feared by all. Ngayon, meron na siyang pitong world championship belt titles [IBF FLYWEIGHT CHAMPION vs CHATCHAI SASAKUL, IBF SUPERBANTAM WEIGHT CHAMPION vs LEHLOHONOLO LEDWABA, WBC SUPER FEATHERWEIGHT CHAMPION vs ERIK MORALES, WBC SUPER FEATHERWEIGHT CHAMPION vs MANUEL MARQUEZ, WBC LIGHTWEIGHT CHAMPION vs DAVID DIAZ, IBO LIGHT WELTERWEIGHT CHAMPION vs RICKY HATTON, and WBO WELTERWEIGHT CHAMPION vs MIGUEL COTTO] at bilyon-bilyong pera mula sa mga panalong ito.

Pero ang isa sa mga pinaka-mahalaga at meaningful na panalong maituturing sa buhay ni Manny, ay ang time na ma-win niya ang heart ng nakilala niyang beauty consultant sa Fitmart Mall sa GenSan na si Jinkee. 1999 nang una silang magtagpo. Manny was 21 years old, 20 naman si Jinkee. Love at first sight daw ang nangyari kay Manny. From the time they met, lahat ginawa ng boksingero hanggang sa mapasagot si Jinkee --- na si Manny ang itinuturing na first serious relationship. After six months ng pagiging mag-on, hiningi na ni Manny ang kamay ni Jinkee mula sa mga magulang nito. August of year 2000, ikinasal sila sa Our Lady of Peace and Good Voyage sa GenSan. Ngayon, magsa-sampung taon nang nagsasama ang dalawa na biniyayaan ng apat na anak.

Kasabay ng pagsikat ni Manny ang pagginhawa ng buhay nila. Pero dala ng kayamanan at pagsabak sa showbiz, ang kanilang pagsasama ay nagsimulang mabahiran ng intriga. Si Manny, na-link na sa iba't ibang aktres na nakasama niya sa pelikula. Ilan sa mga na-link sa kanya : sina Geneva Cruz, Ara Mina, Valerie Concepcion, Rufa Mae Quinto... at ngayon nga, ang pinaka-mainit at maingay na pangalang iniu-ugnay sa Pound-for-Pound King... si KRISTA RANILLO.


Born as Cristalle Lauren Tupaz Ranillo, siya ang panganay na anak ng dating matinee idol na si Matt Ranillo III at former model na si Linda Tupaz. Apo siya ng tinaguriang "King and Queen of Visayan Movies" na sina Matt Ranillo, Jr. at Gloria Sevilla. Krista got her nickname [and screen name] from the movie "Kristo," kung saan ang daddy niya ang gumanap bilang si Jesus Christ.

May dalawang kapatid si Krista : si Kevin at si Trixie, ang bunso : ipinanganak na may cleft palate. Para makatulong sa pagpapagamot sa sister niya, at the age of 13 pumasok si Krista sa showbiz. Lumabas sa ilang programa sa kanyang mother network noon, ang GMA-7. 2002, temporarily ay nilisan niya ang showbiz para pagtuunan ng pansin ang pag-aaral niya sa Ateneo de Manila University. She was a consistent dean's lister, and even graduated with honors para sa kursong Interdisciplinary Studies, with tracks in Communication Arts and Psychology last 2007.

2008 : Krista shocked everyone --- including her father --- when she suddenly let go of her pa-tweetums image and became an instant sexy star via the indie film "Paupahan." Hindi dito natapos ang kanyang bold decision, dahil later on ay naging cover naman siya ng mga men's magazines na FHM and Maxim-which then hired as a regular sex columnist.

Krista's lovelife was also controversial even before. Diumano, she was involved sa break-up nina Michael de Mesa at Gina Alajar. Diumano, naging boyfriend niya rin noon ang super sikat ngayon na si John Lloyd Cruz. Hanggang sa makilala niya ang TV Director na si Dominic Zapata, at maka-relasyon ito for more or less 8 years. Sa pagkakataong ito, na-intriga naman si Krista na "bilmoko girl" kay Direk. Issueng itinanggi ng sexy actress. Just recently, pep.ph's twitter account - scoopbox - announced that September this year, nag-break na sina Krista at Direk Dominic.

Sa kabila ng mga pang-iintriga sa kanya, naging focused pa rin si Krista sa kanyang career. Nakapag-taping na siya para sa ABS-CBN Agimat series na "Tonyong Bayawak," na pagbibidahan ni Coco Martin. Nag-shooting [at magshu-shooting pa dahil until now hindi pa raw siya tapos] na rin siya for the MMFF movie na "Wapakman" kung saan una niyang nakasama si Manny Pacquiao... at kung saan nag-ugat lahat ng intrigang ibinabato sa kanya ngayon.

Sa dami ng naglalabasang diumano'y ebidensiya sa Manny-Krista alleged affair, marami pa rin ang ayaw magbigay ng opinyon hangga't hindi naririnig ang panig ni Krista. A source of Boy Abunda already cleared na ang paglipad ng pamilya nina Krista papuntang U.S. ay hindi sponsored ni Manny, dahil ang tickets daw nila Krista ay "fly now, pay later" at kaya nandoon ang pamilya ng aktres ay para sa regular na pagpapagazmot ng kapatid niyang may cleft palate. Kinumpirma naman ni Jinkee thru her text message kay Kris Aquino last week din sa The Buzz na totoong nagkita sina Krista at ang misis ni Pacman sa Chanel store at the Wynn Las Vegas. But contrary to the reports na may talakang naganap, Jinkee told Kris na she just looked at Krista na first time niyang makita that time, and didn't say a single word to her.

Samantala, sa isang GMA-7 interview sa kanya aired last Saturday night, Manny Pacquiao apologized sa pamilya ni Krista dahil sa eskandalong ito. At ang asawa niyang Jinkee, nagpa-interview na rin kay Jiggy Manicad at sinabing nasasaktan siya sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ngayon. Pero ipaglalaban niya daw ang kanyang pamilya, dahil hindi biro ang sampung taong pagsasamang binuo nila. When Manicad asked her about the Krista-Manny alleged affair, hindi raw sumagot si Jinkee. Pero ang message daw ni Jinkee kay Krista : "Bata pa siya marami pa siyang gustong gawin sa buhay n’ya, may future pa siya so isipin n’ya kung magiging masaya ba siya kung makiki-join siya sa isang tao na may family."

Sa interview pa ring ito ni Manicad for GMA-7, idinagdag ni Jinkee : “Magiging masaya ba siya kung makasira siya ng isang pamilya? So, madami pa siyang makikilalang iba na single ‘di ba? Bakit kailangan pa sa isang may asawa? Si Manny may mga anak, masaya ang family namin, mahirap yung masisira yung family… Dapat tulungan na lang na buo ang family magiging masaya sila para sa amin."

Today, ang hinihintay na boses... ang babaeng inaakusahan... dadating na sa Pilipinas. Ano kaya ang mga buwelta ni Krista Ranillo sa mga intrigang ibinabato sa kanya? Sa Sunday, exclusive on The Buzz.. sina Jinkee-Manny-Krista... once and for all, walang takot na haharapin ang matinding eskandalong ito. Abangan!

jinkee-manny-krista profile / story source : ABS-CBN's The Buzz, November 22, 2009 episode

2 comments:

csndz December 1, 2009 at 7:35 AM  

true or false,, sana maayos pa rn nila Jinkee and Manny for the sake of their kids..

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP