Megastar Sharon Cuneta, TUTOL sa KC Concepcion-Robin Padilla TEAM-UP!

Wednesday, November 18, 2009

Ngayong isang buwan na lang matatapos na ang teleserye niyang "Lovers in Paris" with Piolo Pascual and Zanjoe Marudo, marami ang curious kung sino ang next leading man na makakatrabaho ni KC Concepcion. Sa launch niya as the newest Swatch endorser, KC expressed na ang gusto niyang maging next leading man ay ang Bad Boy ng showbiz na si Robin Padilla! Bata pa lang daw siya, idol niya na si Binoy. Bilib daw siya kung paanong sa kabila ng pagkakaroon ng Bad Boy image, napapanatili naman ng action star ang pagiging Good Boy nito sa tunay na buhay. Kaya lang... ex-leading man daw ito ng mama niya kaya medyo nakakahiya kung sila naman ang magiging magka-partner!


Samantala, kagabi sa SNN, ang Megastar Sharon Cuneta nag-react sa naging pahayag na ito ni KC! According to her : "Parang... nakakailang lang din. Pag mga naging leading ko, oo nga no? Kasi anak ko yun para namang nag-aagawan kami sa pag-kiss! Naku parang hindi best to stick to people of our own age. Sila na lang ng Papa [Gabby Concepcion] niya okay lang. Hindi siguro, okay lang yun artista naman kami, okay lang yun pero wag na si Robin. Hahaha! Nakaka-nerbiyos yan, wag tayo dyan! Hahaha!"

Nang siya naman ang tanungin kung handa na siyang makipag-tambal ulit kay Gabby, diretsahang sinabi ni Megastar na hindi muna siya gagawa ng project with any leading man --- lalo na with Gabby --- hangga't hindi pa siya namamayat!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP