Mommy DIONISIA, P6 Million ang halaga ng suot na alahas sa "Ang Tanging Pamilya" premiere night!

Wednesday, November 11, 2009

Contrary to the initial reports na Cartier ang suot-suot na alahas ni Mommy D during the premiere night of her first movie "Ang Tanging Pamilya," sa "Mixed Gems" daw binili ang mga alahas niya.

According to some reliable sources, during her preparation for the premiere, ang suot ni Mommy D na alahas ay worth P600, 000 'lang' bigay ng son niyang si Manny Pacquiao. Pero ang ikinagulat ng marami, pagdating sa meeting place ng cast bago tumuloy sa Megamall, ang Mommy D nag-change alahas! Mas malalaki, mas makikinang... at mas mahal! Ang price : tumagatinting na P6 Million! Ibang level talaga ang Pacmom!

Pero sa kabila ng kasikatan at kayamanan niya now, alam niyo ba na super simple pa rin si Mommy D at lagi pa rin niyang ina-alala ang mga amigas niya sa General Santos City! Kasi sa mga guestings niya sa mga shows sa ABS-CBN at GMA-7, gusto ni Mommy D na maiuwi ang mga outfit na sinusuot niya. Ang sagot niya when i asked her why : "Para souvenir ba, kasi pag-uwi ko magtanong ang mga tao asan yung suot mo sa Wowowee, yung suot mo ganyan..." O di ba?! Sa ngayon, nasa Las Vegas na si Mommy D. At ang aabangan natin, ang pagkikita nila ng idol niyang si Imelda Papin [na inakala niyang patay na!]! Good luck Mommy D!

Matuloy kaya ang showdown nila sa Las Vegas?

This Just in : The other diva-na-kalevel-ni-imelda-papin - Ms. Claire dela Fuente, nag-react na sa sobrang pag-iidolize ni Mommy D kay Ms. Papin! Ang sagot ni Ms. Dela Fuente, kakantahan niya daw live si Mommy D ng version niya ng "Isang Linggong Pag-ibig" para magustuhan din siya nito. At eto pa ang huling hirit niya... Kung gusto daw ni Mommy D si Imelda, si Michael Bolton naman siya ang gusto! At kakanta daw si Bolton ng Filipino song dahil sa kanya! Ang taray!!! (Thanks to Red Lips for the information)


*Mommy D's premiere night photo courtesy of RV.

1 comments:

csndz November 12, 2009 at 3:32 PM  

bongga na tlga si Mommy D!!! ang taray!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP