Sexy Starlet, tinalakan ang bading na stalker ng kaniyang BF na aktor!

Sunday, November 22, 2009

Blind item time na naman!
Sino itong isang sexy female starlet na produkto ng isang reality-search sa tv, na iritang-irita daw sa isang bading na staff sa network nila! Na-discover kasi ni sexy starlet na si bading, panay ang text sa kanyang BF na gwapong young actor (na nanggaling din sa reality search!). As in kung ano-anong pagpapa-sweet daw ang tine-text nitong staff na ito kay young actor! Kaya si sexy starlet, may i sumbong na sa superior ni bading na staff. Pero mukhang di natigil ang pagte-text nito kay young actor... Kaya ang ginawa ni sexy starlet, sa isang party kung saan present ang maraming artista at mga staff ng network nila, mismong siya na ang nag-confront kay bading! At ang sabi niya : "Hoy kalalaki mong tao, bakit mo tinetext ng kung anu-ano si [young actor]? Nakakaloka ka! Stop! Stop!" Syempre ang bading daw, super deny! Pero ang sexy starlet ito pa rin ang naging sagot : "Stop! Stop!" OMG! Nakakatuwa ang ka-cheapan ng eksena! Hahaha!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP