Singer-actress, nakiki-share ng benefactor sa isang Sexy Star!

Thursday, November 26, 2009

Blind item na naman mga Teh at Kuya!

Chikang gold-digging naman tayo this time! Sino itong isang singer-actress na may isang show lang sa kanyang mother network... pero pagdating sa yaman - as in pera, hindi siya magpapatalbog sa bigger stars ng kanilang station.


Napapanood niyo si singer-actress sa isang daily show [Monday-Friday]. Ito lang ang kanyang regular show, at ang TF niya dito, panigurado namang mas maliit compared to her co-stars. Pero ang nakakapagtaka, halos every month siyang magpalit ng sasakyan - na imposible namang nakukuha niya ang pambili sa kanyang business na hindi naman ganun ka-big. Hindi lang yun, pati ang kanyang dear mother aba kabog pa ang mga sosyalerang stars sa pagbalandra ng kanyang Chanel bags. Maliban sa mamahaling bags ni mother, si singer-actress suki din ng isang alahera! As in frequent visitor niya sa taping - sa kanyang standby area - si alahera, at walang palya kung kumuha siya ng alahas ha! Dahil dito... marami na ang nagtataka kung saan kumukuha si singer-actress ng budget. Eh kung tutuusin... STARLET lang siya. Naging leading lady na okay, pero STARLET pa rin kung ningning ang pag-uusapan.

Eto na, a little birdie found out na si singer-actress... may rich non-showbiz benefactor! At ang nakakaloka, ang benefactor na ito... the same benefactor na nagbibigay pera sa co-star ni singer-actress sa kanilang show! Napa-tumbling pa ako sa idinagdag ng friend kong birdie... aware daw ang dalawang female stars na ito na nagshe-share sila sa isang lalake at dedma lang sila! Well, kung pareho nga naman silang nakikinabang di ba?

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP