Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Bagets couple, uber deny sa relasyon nila!

Monday, December 21, 2009

Blind Item time again!
Magiging happy ba ang isang relasyon kung patuloy itong itatago sa publiko? Yan ang gusto kong itanong dito sa bagets couple na bida sa hulaan session natin.

Si girl : produkto ng isang artista search.
Si boy : produkto rin ng talent search at ng 3 failed relationships.

As of now, wala namang strong loveteam na kailangang pangalagaan ang dalawa. Kaya medyo ang labo kung bakit hindi pa nila magawang aminin ang romantic relationship meron sila. Just a while ago, my new source - misty blue carr - told me na nakita niya ang dalawang bagets na ito sa isang dressing room. Hindi naman sila mag-barkada or something para hindi lagyan ng source ko ng malisya ang pag-stay nila in one room. After one hour daw, lumabas na ang dalawa at kitang-kita ng little birdie friend ko ang pag-kiss --- na hindi beso level --- nila bago maghiwalay. Ayon sa mga sabi-sabi, pabor kay boy ang pagiging "mag-secret on" nila dahil free itong nakakapambabae. Naalala ko tuloy ang bulung-bulungan tungkol sa isang older actress na pumupunta daw sa bahay ni boy dati, nang palihim, para lang makipag-ano kay boy. Ganun ka babaero at ka-ano si boy.

Kaya lang, blinded yata masyado si girl sa feelings niya para sa boy na ito dahil dedma lang siya sa posibilidad na may ibang chinochorva ang secret bf niya. Sana lang wag siyang mabuntis ni boy at naku, siguradong ikakasira ng career niya. Eh ang tantiya pa naman ng marami kay boy, gagawin ang lahat mapangalagaan lang ang career. Oh well. HULA ko lang, pag nag-break sila biglang magpapasabog ng kani-kanilang emote ang dalawang ito. Ganun naman lagi diba? Ang dami dyang hindi umaaming sila pero biglang nagco-confirm na break na. Nakakaloka lang.

2 comments:

truehearts December 21, 2009 at 10:26 AM  

nakakaloka tlaga! hehehe...

chismosaLANG,  April 10, 2010 at 5:37 PM  

sino ba sila? napangalanan na ba?hehe...cencia na po chismosa lang talaga aq!hahaha

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP