Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

EJAY FALCON, NAG-FEELING SIKAT AT MAGALING NA AKTOR NGA BA KAY ERICH GONZALES?!

Wednesday, December 30, 2009

Erich at Ejay, magka-away daw?!

Ang puno't dulo daw ng lahat ay ito :
1. Sa set daw ng teleserye nilang dalawa, napagsabihan diumano ni Erich si Ejay na dapat kapag pumupunta sa taping --- memorized na ang lines, as in ready dapat.
Para sa akin : dapat naman lahat ng artista ganto, lalo na kung baguhan at wala pang napapatunayan.

2. Lumabas naman sa ibang reports na nasabi diumano ni Ejay kay Erich na hindi sisikat ang BIDA ng Katorse kung hindi dahil sa kanya.
Para sa akin : ang una kong reaksyon nang marinig ko to, huh? Totoo ba ito? Paano nasabi ni Ejay yun - I mean, bakit niya sasabihin ito kay Erich na bida sa show na kinabibilangan niya --- di ba? Siya si Nene, siya si Katorse. Hay crush ko pa naman si Ejay.

So ang tanong ngayon : Totoo ba talagang nagkaroon ng ganitong palitan ng salita sina Erich at Ejay?

Inamin ni Erich sa isang press conference na totoong nagkapalitan sila ng salita, sa 4 years niya daw sa showbiz ay never siyang nanggamit o nangailangan ng ibang tao para sumikat kaya super hurt siya. Dagdag ng source ko, diumano ay hindi nagpapansinan ang dalawa sa set ng bago nilang teleserye. Sa interview naman kay Erich sa SNN, natanong si Erich kung naayos na nila ni Ejay ang gulong ito. "He never said sorry to me so wala... Let's just leave it..."

Sa TV Patrol interview naman ni Ejay, itinanggi ni Ejay na sinabi niya ang mga salitang iyon kay Erich dahil wala naman daw siyang karapatan para sabihin yun.

Oh well. Basta sana nga hindi ito totoo. Dahil hindi kapani-paniwalang si Ejay ang nagpasikat kay Erich, dahil hindi... basta hindi! At kung kasikatan ang pag-uusapann... di ba di hamak naman na mas sikat si Enchong Dee kay Ejay Falcon?

5 comments:

Anonymous,  January 3, 2010 at 11:04 PM  

hahhaha katawa...feeling???

Anonymous,  January 15, 2010 at 11:59 PM  

i dnt wanna believe this. i think ejay cant say that. seeing him frm pbb bfore, hnde nman ganun ugali nya. or mybe lumaki ulo? sna hnde. anu kya ang totoo?

Anonymous,  January 21, 2010 at 3:07 AM  

Before Ejay came out to PBB,ERICH GONZALES has a name already..

Anonymous,  April 10, 2010 at 5:19 PM  

sina ejay at erich lang ang nakakaalam kung ano ang totoo...tulad din ng naririnig ko na si erich lumalaki raw ang ulo at ang mga tao lang sa paligid ni erich ang makapagsasabi kung totoo nga kaya...

Anonymous,  October 16, 2010 at 1:31 PM  

Excuse me lang ha. I know Ejay personally and I asked him kung totoo nga ba na sinabi niya yun kay Erich. This is what he said to me: Ate sa pagkakilala mo sa akin, sa tingin mo masasabi ko yun sa kay Erich? Hinding hindi ko masasabi yun sa kanya kahit kelan. Sino ba naman ako para sabihin yun sa kanya. At anu ang karapatan ko para umasta ng ganun?

I believe him when he said na never niyang sinabi yun kay Erich, because Ejay is not like that. He is the nicest guy I know.

si Erich marami nang reports about sa pagmamaldita niya. While sa kay Ejay, si Erich palang ang gumawa ng kasinungalingan laban kay Ejay. Bakit si Queenie Padilla has only good things to say about Ejay? How humble he is and what a gentleman he is.

Halata naman na si Erich ang nagsinungaling because pa iba iba ang statement niya sa media. On her first interview she said na narinig niya lang daw sa iba na sinabi yun ni Ejay about her...but days later iba na naman ang statement niya that Ejay said it to her face daw. So anu ba talaga Erich? If she is telling the truth, then why cant she get her story straight?

It's so obvious that she did what she did to Ejay because she wanted Enchong as a loveteam, because she knew that having Enchong as a loveteam would benefit her career more, so her camp created such lies para makawala siya sa loveteam nila ni Ejay.

Kakarmahin din siya sa ginawa niya...it may not be now...but someday karma will come to bite her.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP