Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

HAYDEN KHO : Suicidal na nga ba?

Sunday, December 6, 2009

December 2008 : magpapasko rin nang maging laman ng lahat ng newspapers / tabloids at showbiz talkshows ang pangalan ni Hayden Kho. Nagulat ang lahat noon nang mapabalitang nagpakamatay daw ang doktor, at nang isugod sa hospital ay may nakasulat sa katawan niya ang mga words na : "I love you you Vicki". Inamin ito ni Hayden at ang naging dahilan niya : patong-patong na problema na mas pinabigat ng love / relationship issues nila ni Dra. Vicki.

December 2009 : magpapasko na naman nang kumalat ang balitang si Hayden Kho, natagpuang nakahandusay sa isang taniman ng pinya sa Lalaan 2nd, Silang, Cavite. Mabilis na kumalap ng details and witnesses ang media. Hanggang sa lumutang na naman ang anggulong si Hayden : muli na naman diumanonng tinangkang tapusin ang sariling buhay.

Mula ba nang magkasira sila ni Dra. Vicki, nalulunod na si Hayden sa lungkot at pagsisisi tuwing magpapasko? Hindi niya ba kinakaya ang lamig na dala ng hangin pag December... o sobra lang siyang nako-konsensya dahil sa mga ginawa niya naging mailap na sa kanya ang "saya" ng pasko?

Sa official statement na ipinadala ng legal counsel ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan sa media ito ang naging paliwanag niya sa nangyari sa dating doktor, na ngayon daw ay naka-confine sa Manila Doctors Hospital :
"Dr. Hayden Kho, Jr. was admitted to this hospital very early this morning. He was running a very high fever and was throwing up with severe abdominal pains. Initial impression is that he is suffering from intestinal flu, although stress-induced gastric ulcer is also being considered. The Kho family is requesting for privacy. No visitors are allowed at this time. He was admitted under the care of his father, Dr. Hayden Kho, Sr."

Pero sa The Buzz kahapon, ilang witnesses ang nakausap at iba ang sinasabi nilang totoong kondisyon ng pag-iisip at pangangatawan ni Hayden nang makita nila ito sa taniman ng pinya sa Lalaan 2nd. Sa picture sa baba na ipinadala sa The Buzz ng isang reliable source, isang lalake ang nakatalukbong ng kulay green na kumot. Kuha ito sa Estrella Hospital kung saan unang isinugod ang dating doktor nang matagpuan siya ng mga residente at pulis ng Lalaan 2nd. Kinumpirma ng witness na si Hayden Kho ang lalakeng nakahiga sa stretcher. Sinuportahan pa ang account na ito ng maraming taga-ABS-CBN na nagkataong nasa ospital ding iyon para sa taping sa isang show, nang isugod si Hayden.


Ayon sa The Buzz witness na si Dr. Anghel Estrella, ang doktor sa nasabing ospital na unang tumingin kay Hayden, at first ay hindi nila nakilala ang dating doktor dahil maruming-marumi ito at hindi nag-aahit. Wala rin daw itong ulirat. Ang unang obserbasyon daw niya ay depression ang pinagdadaanan ni Hayden, pero hindi na nila ito nagawang suriing mabuti dahil kaagad din itong inilipat ng ospital. Pero ayon sa mga taong nandoon ng mga oras na iyon, may mga kataga na namang paulit-ulit na sinasabi ang dating doktor. Ito ay : "Vicks, Vicks, where's Vicks? I need to hold her hand." Kaya naman mabilis pumutok ang isa pang anggulo : ang vicks ba na tinutukoy ni Hayden ay si Vicki Belo? Muli na naman bang nagtangkang magpakamatay si Hayden dahil sa kanya?

According to the residents sa lugar kung saan natagpuan si Hayden, paulit-ulit daw nitong sinasabing patayin na siya, dahil nakapag-paalam na siya sa Diyos. Sa bersyon naman ng mag-amang witnesses ng Showbiz Central, sinasabi nilang habang nakahandusay sa lupa, panay daw ang ring ng cellphone ni Hayden at sinasagot niya naman ito. Ang sinasabi daw ng dating doktor kapag sinasagot ang cellphone ay : "Wag niyo na akong hanapin" at "Mahal na mahal kita Vicks". Sa text message naman na ipinadala ni Dra. Vicki Belo sa reliable soure ng The Buzz, sinabi nitong hindi na daw nagwo-workout ang kung anumang meron sila ni Hayden, at nag-decide na sila to stay away from each other. Idinagdag pa ng doktora na since binawi ng PRC ang medical license ni Hayden, 2 1/2 weeks na raw itong depressed at kusang inilalayo ang sarili sa kanila at sa ibang tao.

Malaking palaisipan din sa marami kung may kinalaman naman ang pagkakaroon ng ibang ka-date ni Vicki sa Star Awards last week sa ipinagkakaganito ni Hayden. Ang ka-date ng doktor : si John David Young [o KC Cruz para sa iba niyang kakilala], kapatid ng Bamboo band member na si Ira Cruz. Si John David o KC ang bagong Operations Manager ng Belo Medical Group.

Pero hindi lang ito ang diumano'y eksena ni Hayden Kho. Dahil ayon naman sa isang barangay tanod na nakakita kay Hayden that night, sinasabi daw nito na bakit siya ginanun ni Katrina. No comment naman daw sa issueng ito si Katrina Halili, ayon sa ilang sumubok kumuha sa reaksyon ng sexy star.




Samantala, tinitingnan ng iba ang pagkakatanggal ng PRC ng license ni Hayden sa pagka-doktor bilang isa sa dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Sa interview kay Hayden ni Korina Sanchez sa programang Rated K, inamin ng doktor na masakit sa kanya ang pagkakatanggal ng lisensya niya sa pagka-doktor dahil pinaghirapan niya at ng kaniyang mga magulang ang pagdodoktor niya. He also said na whatever happened in his personal life, walang kinalaman sa kanyang pagiging doktor. Ayon naman sa mga taga-PRC, pwede pang mag-apply ulit si Hayden for a license at pag napatunayan nilang maayos na ang behavior nito, pwedeng siyang mabigyan ulit ng license. Sa interview ding ito, sinabi ni Hayden na humihingi siya ng tawad sa lahat ng nasaktan niya. At sa tindi daw ng pinagdadaanan niya, nabanggit niyang suicide ang minsang pumapasok sa isip niya.

Kayo, ano sa tingin niyo ang pinagdadaanan ni Hayden Kho?

1 comments:

truehearts December 10, 2009 at 11:24 PM  

i think hayden should leave the country for a while... then he could have the normal life he longs again, maybe pagbalik niya things will be much better. =)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP