Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Hunk Actor, nawawala tuwing madaling araw?!

Tuesday, December 15, 2009

Blind item time again friends!
Isang hunk actor : confirmed na super babaero!

My source Chiclet told me the other day, si hunk actor huling-huli niyang hiningi ang number ng isang showbiz newcomer na pretty naman at may pagka-sosyal. As in pasikreto kuno pa ang pag-exchange ng number ng dalawa - mala-under the table ang drama! Dinedma ko lang ito dahil ano naman masama sa magpalitan ng numbers di ba?

Pero nang minsang makausap ko naman ang source kong si Red Lips, medyo napa-tumbling ako sa ikinuwento niya! Itong si hunk actor pala may weird na ugali pagdating sa relasyon. May bagong girlfriend na ngayon si hunk actor... pero yung ilang past relationships niya hindi maganda ang naging ending. Ang nakakaloka, itong dalawang ex niya may parehong statement! Yung ex niyang singer-actress, nagulat daw dahil ang sentiment ng latest ex ni hunk actor parehong pareho sa kanya! At ito ay : habang bf nila si hunk actor, bigla na lang daw itong nawawala kapag madaling araw! As in pag chini-check niya [bilang gf naman siya], nowhere to be found ang aktor! At kapag nag-confrontation scene na sila, si hunk actor pa ang galit! Ang kuro-kuro, nambababae --- as in intimate pambababae ha --- ang aktor! Uh-oh. Kaya ang dalawang exes na ito ni hunk actor, ang stand pagdating sa "pakikipagbalikan" sa aktor, no way daw! Naku kaya malamang, kapag may girls na nag-claim na nabuntis sila ni hunk actor wag niyong i-dismiss agad ang idea dahil malaki ang possibility na true ito! At yung showbiz newcomer na nakipag-palitan ng number sa kanya... nagte-text at nagkikita na kaya sila ngayon? Well... Kawawa naman ang current girlfriend ni hunk actor!

Thanks Chiclet and Red Lips for the inside info!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP