Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Patay na Kuko ni Derek, most cherished gift ni Angelica!

Saturday, December 5, 2009


Sa mga showbiz couples na kinakikiligan [
at kina-iinggitan] ng marami ngayon, for sure pasok sa top 10 sina Angelica Panganiban and Derek Ramsay. Ang kanilang more-than-three-years of relationship is surely hard para sa maraming showbiz people to have --- and to maintain.


Last month, naging usap-usapan at object ng inggit ng maraming girls ang isa na namang bonggang-bonggang gift na sorpresang ibinigay ni Derek kay Gel during her mafia-themed birthday asalto --- isang orange Hermes Lindy bag! Kaya naman sa photos ng actual pagbibigay kay Gel ng bag, kitang-kita kung paano siyang na-surprise at na-touch---naiyak!

(thanks gel for giving me permission to post these photos --- taken by her friends during the actual birthday asalto)

Kaya naman during her SNN interview, inamin ni Angelica na excited-kinakabahan siya sa ire-regalo niya kay Derek this coming Christmas, at sa nalalapit na birthday nito. Pero kung si Derek daw ang tatanungin, ang tanging regalong hinihingi lang niya kay Gel ay ang maging free ito sa araw ng kanyang kaarawan. He wants Angelica to be with him and his family sa Tagaytay para sa isang simple celebration.

Pero bago pa ang kotse at mamahaling bag na naibigay ni Derek kay Angelica, ni-reveal niya na ang mga unang gifts niya sa girlfriend ay super simple... at malamang para sa iba weird. "Yung first gift ko kay Angel, putik binigyan ko siyang putik and she has that 'til this day. And yung second gift ko sa kanya patay na kuko, namatay yung kuko ko sa Australia, eh natanggal binigay ko sa kanya and she has it 'til this day. I think she cherishes those kinds of gifts more than the car or the bag, it’s just a car, it’s just a bag," ang nakakatuwang pahayag ni Derek.

Kwentong kinumpirma naman ng aktres : "Totoo yun, totoo yun! Ganun siyang tao eh, alam mo yun nagkukwentuhan kami bigla siyang pumitas ng bulaklak tapos binigay niya sa akin. Kasi sa akin mas importante yung ganun, bibigyan niya ako nung tangkay nung mga puno. So nakakatuwa na may ganun siyang side."

According to Derek, hindi siya materialistic na tao at madalas, spontaneous siya lalo na sa pagbibigay ng something sa kanyang minamahal. Hindi importante sa kanya ang presyo ng regalo - dahil kahit gaano pa daw ka-mahal o ka-mura ang isang bagay, kapag yun ang naisipan niyang ibigay kay Angelica, yun na yun. Kaya naman, totoong hanggang ngayon, Gel has the patay na kukong ibinigay ni Derek sa kanya. Kahit kuko yun, na patay pa, priceless daw yun para sa kanya. Syempre kuko daw kasi yun ng taong mahal niya. At para sa lahat ng curious, here's the exclusive photo of that patay na kuko - sent by Angelica.

Photos courtesy of Angelica Panganiban

3 comments:

truehearts December 30, 2009 at 12:02 AM  

I just saw I love you Goodbye tonight... ganda ng LS ni Gel at Derek sa beach! Owwver!... ramdam na ramdan...hay, tlgang perfect match ang 2 ito... Kaabang abang ang wedding nila...hmmm....san kaya? ;)

Anonymous,  March 6, 2010 at 12:47 AM  

grabe kahit crush na crush ko si derek ayoko nga ng patay na kuko nya! yuck much!? kadiri ha oa naman at pati kuko ibibigay, etiquette naman jusko at ang isa naman ay chinerish daw! achu

Anonymous,  March 19, 2010 at 10:12 PM  

pag mahal mo ang nag bigay sayo ng kahit na ano simple man o bongga pag papahalagahan mo at iingatan.hanga ako kay angelica mag mahal pati na rin kay derek bagay sila..sana sila na 4ever..at sa mga naninira sa kanila..inggit lng sila hehehehe!!!!!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP