Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Thursday, December 17, 2009

PIOLO PASCUAL and RUFFA GUTIERREZ, pwede nga bang maging more than friends?

Sa The Buzz Tough Ten last Sunday, Ruffa asked Piolo kung sino ang kaya niyang titigan 24 hours nang hindi siya nagsasawa. Diretsahang sinagot ni Piolo si Ruffa ng "Ikaw!". Dahil dito, nagsimula na ang ilang taong i-explore ang possibility na magkaroon silang dalawa ng romantic feelings for each other. Nang ma-interview naman si Ruffa tungkol dito, umamin siya na during her interview kay Piolo on The Buzz, hindi niya magawang titigan ang matinee idol dahil sa hiya. Idinagdag pa niya na during the shoot of their commercial - na secret pa until now - panay din ang titig sa kanya ni Papa P. When asked naman kung posibleng magkamabutihan sila ng loob, ito ang naging sagot ni Ruffa : "Wala naman! Ikaw over naman! Napaka-excited wala pa naman. It's just a working relationship. A friendship, hindi naman kami masyado close pero at least yung unang pagsasama namin talagang magaan."

On the other hand, ang isa pang intrigang ibinabato kay Ruffa ngayon, diumano may nakakita daw sa kanya sa Narita [Japan] Airport last weekend [kung saan napabalitang nandoon si John Lloyd Cruz]. Mabilis naman itong pinabulaanan ng tv host-actress, dahil sa super hectic na schedule niya imposible daw siyang makaalis ng bansa! Oo nga naman, with The Buzz, commercial shoots and promo for Shake, Rattle & Roll 11 malabong makapag-lamyerda si Ruffa.


HEART EVANGELISTA, kinumpirmang nagalit sa kanya si CRISTINE REYES dahil kay DENNIS TRILLO!

Matagal nang issue ang diumano'y pagte-text ni Cristine kay Heart ng mga not-so-nice messages. Ngayong parehong very visible ang dalawa with their MMFF movies, muli na namang nakalkal ang intriga! In her previous interviews, Cristine denied sending Heart such text messages. According to her, wala siyang time gawin yun at nakakasama ng loob na siya pa ang pinagbibintangan.

But in her latest interview, Heart confirmed na nakatanggap nga siya ng message na diumano'y galing kay Cristine - forwarded to her by their common friend. Diumano, Cristine was "very mad" sa text message na iyon and was telling her na "tantanan" [si Dennis]. Nagsorry naman daw si Cristine sa kanya and explained to her na hindi niya nagustuhan ang rapport na meron sina Heart at Dennis sa isang hosting stint nila sa SOP. Instead of confronting Cristine herself, Heart asked daw her manager Tita Annabelle Rama to tell Cristine "to leave her out of it."

Nang tanungin naman si Dennis kung sa tingin niya capable talaga si Cristine na gawin ang ganitong bagay, ang naging sagot lang ng aktor ay : "Hindi ko alam, siguro wag na lang nating pag-usapan..."


BEA ALONZO, umaming na-miss si JOHN LLOYD CRUZ!

Sino ba naman ang hindi na-in love sa colorful love story nina Popoy at Basya sa "One More Chance"? O di ba, kapag naaalala niyo yung movie hanggang ngayon may kilig pa rin. Yung iba doon lang nalaman na may 3-months rule pala kapag nagbi-break ang magsyota. Aminin!


Sa 2010... hihigitan daw ang movieng ito ng "Miss You Like Crazy," ang pelikulang muling magbabalik sa tambalang Bea-John Lloyd na ilang taon nang tinatangkilik ng bayan. Ngayong nagsisimula na silang mag-shooting para dito, umamin si Bea na parang bago lang ulit silang magkakilala ni Lloydie! As in yung dating closeness nila, medyo nawala dahil sa tagal nilang nahiwalay sa isa't isa. Kaya naman kapag pini-preview daw nila ang mga eksenang nakukunan nila, andun yung sarap ng pakiramdam na "uy namiss ko 'to!" Kung sina Bea at Lloydie mismo na-miss ang isa't isang katrabaho, eh paano pa ang mga fans nilang kaytagal nang hinihintay ang reunion nila di ba? So, sa 2010, abangan nating lahat ang "Miss You Like Crazy." Sa isang poll naman sa SNN, proven na marami pa rin ang umaasang mauwi na sa totohanan ang kilig na meron sina Bea at Lloydie on screen.

News Source : SNN, December 16, 2009

8 comments:

Anonymous,  December 17, 2009 at 11:17 AM  

Miss Darla, Parang saksakan ng ganda dat new loveteam na gusto ninyong pakuluin, sabagay ruffa has dalawang anak na and Piolo has one son. Super bonga-bonga ang sobrang bahong gimik na yan o shall we say a very nasty chemisty. Puwede silang gumawa ng isang bold movie di veh? So wish ko and it's possible puno ng bed scenes at halikan. Sana ang third wheel sa movie nila yung ubod yaman na dating asawa ni Ruffa feelingera,oh! so kilig and yak to the max. Pwe!

Anonymous,  December 17, 2009 at 12:57 PM  

Ano ba? Tigilan nyo yan! Never Ever! PJ-KC lang, match made in heaven, at wala ng iba. Masyado naman feelingera!

Anonymous,  December 18, 2009 at 12:42 AM  

naku naman huwag na hindi naman sila talaga bagay they look like bro/sis lang PJ n Kc are the one whatever they have i am still solid PJ/KC tandem super kinikilig lang iyang si Ruffa kay Piolo

Anonymous,  December 18, 2009 at 8:28 PM  

Piolo/Ruffa, Piolo/Sarah - pwede brother/sister.

Piolo/KC, Piolo/Bea - pwede as lovers.

Anonymous,  December 19, 2009 at 11:12 AM  

Just wanna know the main objective of the surveys/polls. Is it knowing the number of fans supporting the Artist or knowing how supportive the fans are? I have been following a lot of surveys and noticed that the results totally gone out of proportion.

Using an IP-based survey, I think is more reliable and effective than a survey where you can just vote and vote as many times as you want just by clearing your cookies/cache. A fan can casts a thousand votes/even a million votes with this kind of poll (esp when a computer program is made to do this), so how is this relevant to what we want to know? is this what we really want to achieve?
--- just asking?

Anonymous,  January 2, 2010 at 6:25 PM  

C ruffa & piolo??wag naman! Dba halos magkaidad c ruffa & kris?? Ruffa is too old for piolo haha

Anonymous,  January 7, 2010 at 9:36 AM  

I don't like the idea of PJ/Ruffa. There's no chemistry at all. During the Buzz Tough Ten, it's obvious that PJ was misleading Ruffa so KC's name won't be brought up. Obviously, the song Can't Take My Eyes Off You is only dedicated to KC, PJ said it himself during the launch of his Decade cd. Ang dali kasing lituhin ni Ruffa. Kilig pa siya talaga hah! Next time, please have Ms. Kris Aquino interview Piolo and/or KC. Mas magaling siya, she knows how to handle an interviewee like PJ who won't reveal anything about his relationship with KC. PJ is really very protective of anything involving the love of his life...KC.

Anonymous,  January 7, 2010 at 9:43 AM  

How come the entire media is mum about the PJ/KC relationship? Even Boy Abunda and Kris Aquino who surely know something about the two are very quiet. Even when they had stories about them during and after the Lovers in Paris teleserye, they kept quiet and didn't comment at all. Walang POV's unlike all the rest of their stories in their show the Buzz.Everyday I wait for any story about them, but there's none. I guess this is better though, at least the PJ/KC relationship could remain private and personal. Love them talaga!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP