Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Sa intriga sa kanila nina HEART EVANGELISTA AT DENNIS TRILLO, CRISTINE REYES Reveals All!

Monday, December 21, 2009

Ilang araw nang laman ng balita : Diumano, Cristine Reyes tinext si Heart Evangelista na tantanan si Dennis Trillo! Mas lalo pa itong pinainit nang diretsahang kumpirmahin ni Heart ang issueng ito. Pero ang tanong ng marami, ano nga ba ang buong kwento sa likod ng alitang ito? At nasaan si Dennis sa gitna ng lahat? December 20, super exclusive sa The Buzz, finally Cristine decided to reveal everything para tuluyan nang matuldukan ang gulo!

Simula pa lang ng interview ni Kris Aquino kay Cristine, prangkahan na agad ang naging pag-amin ng sexy actress. After all the haka-haka na until now ay may relasyon pa rin sila ni Dennis, ito ang malinaw na sagot ni Cristine kay Kris when asked kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon : "Wala na, hindi na po kami."

May daw this year nang magsimula silang magkalabuan ng aktor, hanggang noong June nga ay they decided na tuldukan na ang kanilang relasyon. Sa diretsahan namang tanong kung bakit noong una ay inililihim pa nila ang pagiging mag-on nila, ginulat ni Cristine ang lahat sa kanyang super honest answer. "Kasi syempre yun po yung utos nila eh, wag po kami umamin." Inamin naman ng aktres na ang desisyong ilihim ito ay nanggaling sa pareho nilang kampo, dahil naiintindihan nilang hindi makakatulong sa kanilang careers kung aamin silang sila.

Umabot ng almost two years ang relasyon nina Dennis at Cristine, at ayon sa huli, ang aktor daw ang kanyang first serious love. Naging masaya naman daw siya sa dalawang taon nila ni Dennis, except na lang nang pumasok ang 2009 kung kailan nagkaroon na sila ng maraming issues. Pinaka-matindi daw dito : selosan. Walang preno ding pinangalanan ni Cristine sina Jericho Rosales, Jason Abalos, at Joross Gamboa bilang mga lalakeng naka-trabaho niyang pinagselosan ni Dennis. Nang siya naman ang tanungin ni Kris kung sino ang pinagselosan niyang babae sa buhay ni Dennis... "Syempre si ano, si Carlene [Aguilar - ex-gf ni Dennis, na naanakan niya]. Nagseselos talaga ako. Syempre pinupuntahan niya yun sa bahay palagi, para sa baby nila eh. Si Carlene talaga yung pinaka-pinagselosan ko talaga. Pero friends na kami ni Carlene, magka-BBM [BlackBerry Messenger] pa nga kami eh," ang pag-amin ni Cristine.

When finally asked about the controversial text that she allegedly sent Heart, nilinaw ni Cristine na she did not directly send a text message to Heart. Si Rufa Mae Quinto daw ang tinext niya, para ipaabot kay Heart ang mensaheng ito : "Uy, pagsabihan mo si Heart na tantanan niya si Dennis ha. Wag siyang lumapit-lapit dyan, may girlfriend yun. Sinabi ko that time na kami pa ni Dennis."

Ipinaliwanag din ng aktres na nagsimula ang lahat ng ito sa pagho-host together nina Heart at Dennis sa SOP. "Tapos live sila lagi silang nagkaka-spiels. Nung time na yun, syempre girlfriend niya ko, syempre nagseselos ako pag may mga babaeng dumidikit sa kanya, akbay nang akbay. Tapos nagpapa-sweet. Nagseselos ako. Kasi siya [Heart] lang naman sa lahat ng hosts ang ganun kay Dennis," ang sabi ni Cristine.

Pinag-awayan daw nila ni Dennis ang text message na ito. At ang sinabi daw sa kanya ng aktor : "That time sabi niya hindi naman daw siya ang lapit nang lapit. Yung babae ang lapit nang lapit. Kasi that time pag nakikita ko pag umaakbay si Heart gumaganun [demonstrates tila pag-iwas na reaction ni Dennis sa akbay ni Heart] naman siya. Takot siya sa akin [si Dennis]. Kasi alam niyang aawayin ko siya eh. So yung kamay niya, nandyan lang nakaganun. Eh siguro talagang malambing 'tong si Heart so yun, nag-away kami talaga."

Pero ngayong halos anim na buwan na silang wala ni Dennis, kinlaro ni Cristine na wala na siyang sama ng loob kay Heart. Sa katunayan, when asked for her message para kay Heart, nag-reach out si Cristine sa aktres. "Ahm kay Heart, ahm wala akong galit sa'yo and actually, gusto ko pang ma-meet ka para maayos na lahat. Kasi napalaki na masyado yung issue and ahm, sorry din dahil nagkagulo tayo na hindi naman tayo dapat nagkagulo in the first place. Alam ko na alam mo kung sino yung nagte-text na yun," ang pahayag ni Cristine. On the other hand, nabanggit din ng sexy actress na nababalitaan niya ngayong may nagte-text diumano kay Heart at ang ginagamit na pangalan ay K/Cristine. Imposibleng maging siya ito dahil after the text message she sent Rufa Mae, wala na siyang kahit ano pang ipinadala para kay Heart o kay Heart mismo. Pero ang deklarasyon niya, alam nila pareho ni Heart kung sino ang impostorang texter na ito.

Nang tanungin naman kung anong saloobin niya patungkol sa ex-boyfriend na si Dennis, hindi na napigilan ni Cristine ang maging emotional. "Kay Dennis ahm, sana naman minsan makuha mong ipagtanggol ako kahit wala na tayo. Kasi lagi na lang ang nega ng dating ko. [Voice breaks, and starts to cry] palaging ako yung masama eh di ba? Palaging nagmumukha na ano, na naghahabol sa kanya na hindi na. Naka-move on na ako. Tama na. Di ba Ate Kris alam mo naman yun eh. Naka-move on na ako," ang umiiyak na pahayag ng aktres.

At kung may gusto siyang sabihin kay Dennis after ng lahat ng ito, prangka pa rin ang ipinaabot na mensahe ni Cristine. "Kilala ko kasi si Dennis eh, mas pinipili niyang manahimik na lang palagi, ayaw niya ng issues. Pero ngayon kasi maawa ka naman, nada-drag yung name ko na nagmumukhang naghahabol sayo palagi na hindi ko alam bakit, kahit minsan hindi mo man lang ako pinagtanggol. Di ba nag-usap na tayo, nagkita na tayo one time tapos para ma-clear na, maging okay na tayo, maging friends. Tapos eto may issue na naman, tapos nananahimik ka na naman. So lumalabas na naman na ano? Binubulabog ko kung sino man yung nililigawan mo ngayon?" sabi niya.

Sa mistulang pag-aaway ng mga babae dahil kay Dennis Trillo, tinanong ni Kris si Cristine kung ano ba ang meron si Dennis at na-in love siya dito. Ang sagot ni Cristine? "Kasi cute siya. Until nakilala ko na siya syempre nadagdagan na yun."

Sa TELL ALL niyang ito, umaasa si Cristine na matatapos na ang pang-iintriga sa kanilang tatlo. Pare-pareho na nga naman silang busy sa kanilang careers, at pare-pareho na ring nakapag-move on. Kaya sana... love, love, love at peace, peace, peace na lang!

Oh by the way, ang dating grupo nila nina Angel Locsin na "AMPLAYA ANONYMOUS," is dead na according to Angel's tweet. Ngayon, they have formed a "bigger, better, co-ed and may quality control" na group. And they call it... KALAMANSI ANONYMOUS!

Source : The Buzz, December 20, 2009 episode

1 comments:

truehearts December 21, 2009 at 10:31 AM  

love Cristine here! very straight forward... well, totoo bang ending na ito ng textmsg SAGA?? o madadagdagan pa? Sino nga kaya ang mystery texter! Haha, Abangan! Dito lang yan sa 'www.darlasauler.com' hehe, Merry Christmas teh!!! =)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP