Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Thursday, December 31, 2009

HAPPY 2010 EVERYONE! SALAMAT SA SUPORTA NIYONG LAHAT!

Read more...

TV... o yung J na lang ang kulang!

Wednesday, December 30, 2009

Waaah si Bossing talaga binaliktad pa! Uy hello sa darling mong aswang there o! Hahaha! Love you AA!
Of course naman, thank you Ate Mash for these photos! Mwah!

Read more...

EJAY FALCON, NAG-FEELING SIKAT AT MAGALING NA AKTOR NGA BA KAY ERICH GONZALES?!

Erich at Ejay, magka-away daw?!

Ang puno't dulo daw ng lahat ay ito :
1. Sa set daw ng teleserye nilang dalawa, napagsabihan diumano ni Erich si Ejay na dapat kapag pumupunta sa taping --- memorized na ang lines, as in ready dapat.
Para sa akin : dapat naman lahat ng artista ganto, lalo na kung baguhan at wala pang napapatunayan.

2. Lumabas naman sa ibang reports na nasabi diumano ni Ejay kay Erich na hindi sisikat ang BIDA ng Katorse kung hindi dahil sa kanya.
Para sa akin : ang una kong reaksyon nang marinig ko to, huh? Totoo ba ito? Paano nasabi ni Ejay yun - I mean, bakit niya sasabihin ito kay Erich na bida sa show na kinabibilangan niya --- di ba? Siya si Nene, siya si Katorse. Hay crush ko pa naman si Ejay.

So ang tanong ngayon : Totoo ba talagang nagkaroon ng ganitong palitan ng salita sina Erich at Ejay?

Inamin ni Erich sa isang press conference na totoong nagkapalitan sila ng salita, sa 4 years niya daw sa showbiz ay never siyang nanggamit o nangailangan ng ibang tao para sumikat kaya super hurt siya. Dagdag ng source ko, diumano ay hindi nagpapansinan ang dalawa sa set ng bago nilang teleserye. Sa interview naman kay Erich sa SNN, natanong si Erich kung naayos na nila ni Ejay ang gulong ito. "He never said sorry to me so wala... Let's just leave it..."

Sa TV Patrol interview naman ni Ejay, itinanggi ni Ejay na sinabi niya ang mga salitang iyon kay Erich dahil wala naman daw siyang karapatan para sabihin yun.

Oh well. Basta sana nga hindi ito totoo. Dahil hindi kapani-paniwalang si Ejay ang nagpasikat kay Erich, dahil hindi... basta hindi! At kung kasikatan ang pag-uusapann... di ba di hamak naman na mas sikat si Enchong Dee kay Ejay Falcon?

Read more...

POKWANG... in love?!

Tuesday, December 29, 2009

Sa isang segment sa Wowowee, kung saan biniro ni Willie ang mga female co-hosts niya tungkol sa kani-kanilang boyrfriends... hindi inaasahan ng lahat ang hirit niya kay Pokwang. "Ikaw may foreigner ka... May foreigner kang boyfriend sama mo rin," ang banat ni Willie kay Pokie.

Si Pokwang... In a relationship na nga ba?

Kaagad hinanap ng SNN ang komedyante para tanungin tungkol dito at ang naging pag-amin ni Pokie, hindi pa daw niya boyfriend ang foreigner na taga-UK pala. Fini-friendship pa lang daw nila ang isa't isa... pa-chat-chat sa Facebook kung saan sila nagkakilala. [Friend daw si foreigner guy ng isang avid TFC fan nina Pokwang, at in-add nito si Pokie sa FB]. Ang madalas daw na bungad sa kanya ni foreigner friend sa chat? "Hi hello! You're so beautiful today in Wowowee. Yes, I know! My mom raised me inside the well! Sadako?!," ang natatawang kwento ng in demand comedienne.

Ang businessman friend daw niyang ito ay may initial na "R," at mid-next year ay nagsabi daw itong pupunta dito sa Pinas para bumisita sa Wowowee... syempre kay Pokie na rin! Kung saan man patungo ang "Nagsimula sa Facebook" na kwento ng dalawa, ang statement ni Pokie : "Hindi na ako iibig nang bonggang-bongga, iniingatan ko na yung puso ko. Pero kailangan ko rin bigyan ng chance ang sarili ko para maging masaya."

Read more...

NO DOUBT! It's GWEN STEFANI!

Wednesday, December 23, 2009

Sa mga bitter dyan... Don't Speak na lang! Dahil ineffortan ito ng bonggang bongga ni Jhey Dela Cruz! Thank you so much Jhey! O sa iba dyan, mag-contribute na rin kayo! Lalo na to my TFC friends! Hahaha!


Read more...

2010's Loveteam to Watch Out for!

Tuesday, December 22, 2009

It's confirmed! Well, at least sa ngayon... Si Jericho Rosales ang magiging leading man ni KC Concepcion sa susunod niyang movie sa Star Cinema sa 2010. Bonggang bongga ang movieng ito dahil dito rin makakasama ni KC si Gabby Concepcion!

Read more...

10 SHOWBIZ NEWSMAKERS OF 2009

Monday, December 21, 2009

You have made your choice! The votes are all in! Here are the 10 Showbiz Newsmakers of 2009:

1. KC CONCEPCION - 8, 704 votes
2. PIOLO PASCUAL - 7, 980 votes
3. SHARON CUNETA - 7, 700 votes
4. KIM CHIU - 6, 122 votes
5. GERALD ANDERSON - 6, 101 votes
6. ANGELICA PANGANIBAN - 5, 222 votes
7. DEREK RAMSAY - 5, 211 votes
8. KRIS AQUINO - 5, 009 votes
9. KRISTINE HERMOSA - 1, 128 votes
10. JERICHO ROSALES - 1, 118 votes


Read more...

Sa intriga sa kanila nina HEART EVANGELISTA AT DENNIS TRILLO, CRISTINE REYES Reveals All!

Ilang araw nang laman ng balita : Diumano, Cristine Reyes tinext si Heart Evangelista na tantanan si Dennis Trillo! Mas lalo pa itong pinainit nang diretsahang kumpirmahin ni Heart ang issueng ito. Pero ang tanong ng marami, ano nga ba ang buong kwento sa likod ng alitang ito? At nasaan si Dennis sa gitna ng lahat? December 20, super exclusive sa The Buzz, finally Cristine decided to reveal everything para tuluyan nang matuldukan ang gulo!

Simula pa lang ng interview ni Kris Aquino kay Cristine, prangkahan na agad ang naging pag-amin ng sexy actress. After all the haka-haka na until now ay may relasyon pa rin sila ni Dennis, ito ang malinaw na sagot ni Cristine kay Kris when asked kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon : "Wala na, hindi na po kami."

May daw this year nang magsimula silang magkalabuan ng aktor, hanggang noong June nga ay they decided na tuldukan na ang kanilang relasyon. Sa diretsahan namang tanong kung bakit noong una ay inililihim pa nila ang pagiging mag-on nila, ginulat ni Cristine ang lahat sa kanyang super honest answer. "Kasi syempre yun po yung utos nila eh, wag po kami umamin." Inamin naman ng aktres na ang desisyong ilihim ito ay nanggaling sa pareho nilang kampo, dahil naiintindihan nilang hindi makakatulong sa kanilang careers kung aamin silang sila.

Umabot ng almost two years ang relasyon nina Dennis at Cristine, at ayon sa huli, ang aktor daw ang kanyang first serious love. Naging masaya naman daw siya sa dalawang taon nila ni Dennis, except na lang nang pumasok ang 2009 kung kailan nagkaroon na sila ng maraming issues. Pinaka-matindi daw dito : selosan. Walang preno ding pinangalanan ni Cristine sina Jericho Rosales, Jason Abalos, at Joross Gamboa bilang mga lalakeng naka-trabaho niyang pinagselosan ni Dennis. Nang siya naman ang tanungin ni Kris kung sino ang pinagselosan niyang babae sa buhay ni Dennis... "Syempre si ano, si Carlene [Aguilar - ex-gf ni Dennis, na naanakan niya]. Nagseselos talaga ako. Syempre pinupuntahan niya yun sa bahay palagi, para sa baby nila eh. Si Carlene talaga yung pinaka-pinagselosan ko talaga. Pero friends na kami ni Carlene, magka-BBM [BlackBerry Messenger] pa nga kami eh," ang pag-amin ni Cristine.

When finally asked about the controversial text that she allegedly sent Heart, nilinaw ni Cristine na she did not directly send a text message to Heart. Si Rufa Mae Quinto daw ang tinext niya, para ipaabot kay Heart ang mensaheng ito : "Uy, pagsabihan mo si Heart na tantanan niya si Dennis ha. Wag siyang lumapit-lapit dyan, may girlfriend yun. Sinabi ko that time na kami pa ni Dennis."

Ipinaliwanag din ng aktres na nagsimula ang lahat ng ito sa pagho-host together nina Heart at Dennis sa SOP. "Tapos live sila lagi silang nagkaka-spiels. Nung time na yun, syempre girlfriend niya ko, syempre nagseselos ako pag may mga babaeng dumidikit sa kanya, akbay nang akbay. Tapos nagpapa-sweet. Nagseselos ako. Kasi siya [Heart] lang naman sa lahat ng hosts ang ganun kay Dennis," ang sabi ni Cristine.

Pinag-awayan daw nila ni Dennis ang text message na ito. At ang sinabi daw sa kanya ng aktor : "That time sabi niya hindi naman daw siya ang lapit nang lapit. Yung babae ang lapit nang lapit. Kasi that time pag nakikita ko pag umaakbay si Heart gumaganun [demonstrates tila pag-iwas na reaction ni Dennis sa akbay ni Heart] naman siya. Takot siya sa akin [si Dennis]. Kasi alam niyang aawayin ko siya eh. So yung kamay niya, nandyan lang nakaganun. Eh siguro talagang malambing 'tong si Heart so yun, nag-away kami talaga."

Pero ngayong halos anim na buwan na silang wala ni Dennis, kinlaro ni Cristine na wala na siyang sama ng loob kay Heart. Sa katunayan, when asked for her message para kay Heart, nag-reach out si Cristine sa aktres. "Ahm kay Heart, ahm wala akong galit sa'yo and actually, gusto ko pang ma-meet ka para maayos na lahat. Kasi napalaki na masyado yung issue and ahm, sorry din dahil nagkagulo tayo na hindi naman tayo dapat nagkagulo in the first place. Alam ko na alam mo kung sino yung nagte-text na yun," ang pahayag ni Cristine. On the other hand, nabanggit din ng sexy actress na nababalitaan niya ngayong may nagte-text diumano kay Heart at ang ginagamit na pangalan ay K/Cristine. Imposibleng maging siya ito dahil after the text message she sent Rufa Mae, wala na siyang kahit ano pang ipinadala para kay Heart o kay Heart mismo. Pero ang deklarasyon niya, alam nila pareho ni Heart kung sino ang impostorang texter na ito.

Nang tanungin naman kung anong saloobin niya patungkol sa ex-boyfriend na si Dennis, hindi na napigilan ni Cristine ang maging emotional. "Kay Dennis ahm, sana naman minsan makuha mong ipagtanggol ako kahit wala na tayo. Kasi lagi na lang ang nega ng dating ko. [Voice breaks, and starts to cry] palaging ako yung masama eh di ba? Palaging nagmumukha na ano, na naghahabol sa kanya na hindi na. Naka-move on na ako. Tama na. Di ba Ate Kris alam mo naman yun eh. Naka-move on na ako," ang umiiyak na pahayag ng aktres.

At kung may gusto siyang sabihin kay Dennis after ng lahat ng ito, prangka pa rin ang ipinaabot na mensahe ni Cristine. "Kilala ko kasi si Dennis eh, mas pinipili niyang manahimik na lang palagi, ayaw niya ng issues. Pero ngayon kasi maawa ka naman, nada-drag yung name ko na nagmumukhang naghahabol sayo palagi na hindi ko alam bakit, kahit minsan hindi mo man lang ako pinagtanggol. Di ba nag-usap na tayo, nagkita na tayo one time tapos para ma-clear na, maging okay na tayo, maging friends. Tapos eto may issue na naman, tapos nananahimik ka na naman. So lumalabas na naman na ano? Binubulabog ko kung sino man yung nililigawan mo ngayon?" sabi niya.

Sa mistulang pag-aaway ng mga babae dahil kay Dennis Trillo, tinanong ni Kris si Cristine kung ano ba ang meron si Dennis at na-in love siya dito. Ang sagot ni Cristine? "Kasi cute siya. Until nakilala ko na siya syempre nadagdagan na yun."

Sa TELL ALL niyang ito, umaasa si Cristine na matatapos na ang pang-iintriga sa kanilang tatlo. Pare-pareho na nga naman silang busy sa kanilang careers, at pare-pareho na ring nakapag-move on. Kaya sana... love, love, love at peace, peace, peace na lang!

Oh by the way, ang dating grupo nila nina Angel Locsin na "AMPLAYA ANONYMOUS," is dead na according to Angel's tweet. Ngayon, they have formed a "bigger, better, co-ed and may quality control" na group. And they call it... KALAMANSI ANONYMOUS!

Source : The Buzz, December 20, 2009 episode

Read more...

Bagets couple, uber deny sa relasyon nila!

Blind Item time again!
Magiging happy ba ang isang relasyon kung patuloy itong itatago sa publiko? Yan ang gusto kong itanong dito sa bagets couple na bida sa hulaan session natin.

Si girl : produkto ng isang artista search.
Si boy : produkto rin ng talent search at ng 3 failed relationships.

As of now, wala namang strong loveteam na kailangang pangalagaan ang dalawa. Kaya medyo ang labo kung bakit hindi pa nila magawang aminin ang romantic relationship meron sila. Just a while ago, my new source - misty blue carr - told me na nakita niya ang dalawang bagets na ito sa isang dressing room. Hindi naman sila mag-barkada or something para hindi lagyan ng source ko ng malisya ang pag-stay nila in one room. After one hour daw, lumabas na ang dalawa at kitang-kita ng little birdie friend ko ang pag-kiss --- na hindi beso level --- nila bago maghiwalay. Ayon sa mga sabi-sabi, pabor kay boy ang pagiging "mag-secret on" nila dahil free itong nakakapambabae. Naalala ko tuloy ang bulung-bulungan tungkol sa isang older actress na pumupunta daw sa bahay ni boy dati, nang palihim, para lang makipag-ano kay boy. Ganun ka babaero at ka-ano si boy.

Kaya lang, blinded yata masyado si girl sa feelings niya para sa boy na ito dahil dedma lang siya sa posibilidad na may ibang chinochorva ang secret bf niya. Sana lang wag siyang mabuntis ni boy at naku, siguradong ikakasira ng career niya. Eh ang tantiya pa naman ng marami kay boy, gagawin ang lahat mapangalagaan lang ang career. Oh well. HULA ko lang, pag nag-break sila biglang magpapasabog ng kani-kanilang emote ang dalawang ito. Ganun naman lagi diba? Ang dami dyang hindi umaaming sila pero biglang nagco-confirm na break na. Nakakaloka lang.

Read more...

Thursday, December 17, 2009

PIOLO PASCUAL and RUFFA GUTIERREZ, pwede nga bang maging more than friends?

Sa The Buzz Tough Ten last Sunday, Ruffa asked Piolo kung sino ang kaya niyang titigan 24 hours nang hindi siya nagsasawa. Diretsahang sinagot ni Piolo si Ruffa ng "Ikaw!". Dahil dito, nagsimula na ang ilang taong i-explore ang possibility na magkaroon silang dalawa ng romantic feelings for each other. Nang ma-interview naman si Ruffa tungkol dito, umamin siya na during her interview kay Piolo on The Buzz, hindi niya magawang titigan ang matinee idol dahil sa hiya. Idinagdag pa niya na during the shoot of their commercial - na secret pa until now - panay din ang titig sa kanya ni Papa P. When asked naman kung posibleng magkamabutihan sila ng loob, ito ang naging sagot ni Ruffa : "Wala naman! Ikaw over naman! Napaka-excited wala pa naman. It's just a working relationship. A friendship, hindi naman kami masyado close pero at least yung unang pagsasama namin talagang magaan."

On the other hand, ang isa pang intrigang ibinabato kay Ruffa ngayon, diumano may nakakita daw sa kanya sa Narita [Japan] Airport last weekend [kung saan napabalitang nandoon si John Lloyd Cruz]. Mabilis naman itong pinabulaanan ng tv host-actress, dahil sa super hectic na schedule niya imposible daw siyang makaalis ng bansa! Oo nga naman, with The Buzz, commercial shoots and promo for Shake, Rattle & Roll 11 malabong makapag-lamyerda si Ruffa.


HEART EVANGELISTA, kinumpirmang nagalit sa kanya si CRISTINE REYES dahil kay DENNIS TRILLO!

Matagal nang issue ang diumano'y pagte-text ni Cristine kay Heart ng mga not-so-nice messages. Ngayong parehong very visible ang dalawa with their MMFF movies, muli na namang nakalkal ang intriga! In her previous interviews, Cristine denied sending Heart such text messages. According to her, wala siyang time gawin yun at nakakasama ng loob na siya pa ang pinagbibintangan.

But in her latest interview, Heart confirmed na nakatanggap nga siya ng message na diumano'y galing kay Cristine - forwarded to her by their common friend. Diumano, Cristine was "very mad" sa text message na iyon and was telling her na "tantanan" [si Dennis]. Nagsorry naman daw si Cristine sa kanya and explained to her na hindi niya nagustuhan ang rapport na meron sina Heart at Dennis sa isang hosting stint nila sa SOP. Instead of confronting Cristine herself, Heart asked daw her manager Tita Annabelle Rama to tell Cristine "to leave her out of it."

Nang tanungin naman si Dennis kung sa tingin niya capable talaga si Cristine na gawin ang ganitong bagay, ang naging sagot lang ng aktor ay : "Hindi ko alam, siguro wag na lang nating pag-usapan..."


BEA ALONZO, umaming na-miss si JOHN LLOYD CRUZ!

Sino ba naman ang hindi na-in love sa colorful love story nina Popoy at Basya sa "One More Chance"? O di ba, kapag naaalala niyo yung movie hanggang ngayon may kilig pa rin. Yung iba doon lang nalaman na may 3-months rule pala kapag nagbi-break ang magsyota. Aminin!


Sa 2010... hihigitan daw ang movieng ito ng "Miss You Like Crazy," ang pelikulang muling magbabalik sa tambalang Bea-John Lloyd na ilang taon nang tinatangkilik ng bayan. Ngayong nagsisimula na silang mag-shooting para dito, umamin si Bea na parang bago lang ulit silang magkakilala ni Lloydie! As in yung dating closeness nila, medyo nawala dahil sa tagal nilang nahiwalay sa isa't isa. Kaya naman kapag pini-preview daw nila ang mga eksenang nakukunan nila, andun yung sarap ng pakiramdam na "uy namiss ko 'to!" Kung sina Bea at Lloydie mismo na-miss ang isa't isang katrabaho, eh paano pa ang mga fans nilang kaytagal nang hinihintay ang reunion nila di ba? So, sa 2010, abangan nating lahat ang "Miss You Like Crazy." Sa isang poll naman sa SNN, proven na marami pa rin ang umaasang mauwi na sa totohanan ang kilig na meron sina Bea at Lloydie on screen.

News Source : SNN, December 16, 2009

Read more...

Ang taray! Nasa SNN na!

Wednesday, December 16, 2009

This VTR was aired last Friday, December 11, 2009. Uploaded to youtube by Danceballmonday [thank you!]. Ang bongga na-quote na! Hahaha! Thank you SNN!

video

Read more...

Hunk Actor, nawawala tuwing madaling araw?!

Tuesday, December 15, 2009

Blind item time again friends!
Isang hunk actor : confirmed na super babaero!

My source Chiclet told me the other day, si hunk actor huling-huli niyang hiningi ang number ng isang showbiz newcomer na pretty naman at may pagka-sosyal. As in pasikreto kuno pa ang pag-exchange ng number ng dalawa - mala-under the table ang drama! Dinedma ko lang ito dahil ano naman masama sa magpalitan ng numbers di ba?

Pero nang minsang makausap ko naman ang source kong si Red Lips, medyo napa-tumbling ako sa ikinuwento niya! Itong si hunk actor pala may weird na ugali pagdating sa relasyon. May bagong girlfriend na ngayon si hunk actor... pero yung ilang past relationships niya hindi maganda ang naging ending. Ang nakakaloka, itong dalawang ex niya may parehong statement! Yung ex niyang singer-actress, nagulat daw dahil ang sentiment ng latest ex ni hunk actor parehong pareho sa kanya! At ito ay : habang bf nila si hunk actor, bigla na lang daw itong nawawala kapag madaling araw! As in pag chini-check niya [bilang gf naman siya], nowhere to be found ang aktor! At kapag nag-confrontation scene na sila, si hunk actor pa ang galit! Ang kuro-kuro, nambababae --- as in intimate pambababae ha --- ang aktor! Uh-oh. Kaya ang dalawang exes na ito ni hunk actor, ang stand pagdating sa "pakikipagbalikan" sa aktor, no way daw! Naku kaya malamang, kapag may girls na nag-claim na nabuntis sila ni hunk actor wag niyong i-dismiss agad ang idea dahil malaki ang possibility na true ito! At yung showbiz newcomer na nakipag-palitan ng number sa kanya... nagte-text at nagkikita na kaya sila ngayon? Well... Kawawa naman ang current girlfriend ni hunk actor!

Thanks Chiclet and Red Lips for the inside info!

Read more...

SHOWTIME pinasuko na nga ba ang SIS?


Dahil sa super init na pagtanggap ng viewers sa Showtime ng ABS-CBN, how true na hanggang end of December na lang ang SIS ng GMA-7? At ang papalit diumano, pinaghalong Showtime-Game Ka Na Ba-Wowowee? Ang hosts daw : Manny Pacquiao, Mommy Dionisia, Gelli de Belen, Carmina Villaroel, at Bayani Agbayani! Aba naman, kung confirmed na ito... CONGRATULATIONS Anne Curtis, Vhong Navarro and the rest of the Showtime gang!

Read more...

Presenting : The Ampalaya Anonymous!

Monday, December 14, 2009

Mahilig ba kayo sa Ampalaya? Well, eto ang grupong siguradong magugustuhan niyo! Presenting : the Ampalaya Anonymous- isang grupo ng celebrities plus their non-celeb friends na talaga namang nakaka-aliw ang kakaibang "liking" sa "ampalaya"! Ang president daw ng grupo : si Cristine Reyes! Hehehe! Kasama rin dito sina Angel Locsin, Carla Humphries, Maxene Magalona, Bea Saw, Bianca King, Bubbles Paraiso, etc.


Pero ang mas nakakatuwa sa grupong ito, kahit hindi sila pare-pareho ng tv station they find time to be with each other para makapag-bonding! Ang happy di ba na may gantong magkakaibigan sa showbiz! Go AA! Ano bang qualifications para maging member? Hehehe!


Photos from AA. Thanks AA and Angel for allowing me to post these pictures here. Hehehe! Mwah!

Read more...

Regine Velasquez, gusto na nga bang umalis sa SOP?

Friday, December 11, 2009

A little birdie tweeted this chika : Diumano, gusto nang mag-resign ni Asia's Songbird Ms. Regine Velasquez from her Sunday fully-charged variety show na SOP! Hindi na diumano happy si Miss Regine sa quality ng program. Ay... Ms. Songbird may katotohanan ba ang balitang ito?

Read more...

The Indie Prince

Read more...

Piolo Pascual's choices of Leading Ladies!

Thursday, December 10, 2009

Isang gabi na lang at matatapos na ang Lovers in Paris! Kaya naman ang dami nang nalulungkot dahil magkakahiwalay na sina Vivian at Carlo - KC Concepcion at Piolo Pascual. Ang inaabangan ng marami ngayon : sino ang susunod na leading man ni KC? At sino naman ang next leading lady ni Papa P?

Last night sa Christmas / Farewell party ng Lovers in Paris, kung saan dumating lahat ng crew, staff and cast nila, na-corner ng SNN si Papa P at diretsahang itinanong sa kanya ang tanong ng bayan! Ang unang babaeng pumasok sa isip ni Papa P? Well, matutuwa ang mga PasIonistas! "Masaya ako na nakasama ko si KC, you know this is a dream come true for me. Matagal na hinintay ng mga tao yun eh," ang sabi ng in demand leading man.


Pero syempre, kung hindi na sila ni KC ang magiging magka-partner, nagbigay din si Papa P ng ilang names na gugustuhin niyang maka-trabaho! "Si Bea [Alonzo] gusto ko ulit makasama, last ko siyang nakasama i think 17 years old pa lang yata siya sa Dreamboy [Mr. Dreamboy - Star Cinema movie]. And there’s Angelica Panganiban, of course na nakasama ko sa Mangarap Ka. So, maliit lang naman ang mundo natin i'm sure naman iikot pa rin yan and ah, i don't mind you know, doing soap or a movie with anybody. You know kasi masarap katrabaho yung mga kasama ko... Wala akong maisip na pwedeng iwasan o kailangang iwasan."


Nang tanungin naman kung aware siyang siya ang ultimate crush ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo, ito ang pa-iwas na sagot ni Papa P : "Si Sarah naman palabiro masyado yun eh, okay naman kami pero hindi pa nagkaka-boyfriend yung tao so kung sino man yung magiging boyfriend niya eh napakaswerte kasi talagang napakaworkaholic pa." Pero when asked again if he knows na siya ang laging sinasabi ni Sarah na crush niya, umamin din si Papa P! "Hehehe! Akala ko naka-ano ako! Ah, naririnig ko naman, nababasa ko, napapanood ko kung minsan. Oo. Oo lang talaga nasabi ko! Miski naman ako pag nakikita ko siya sa asap nagbibiruan pa rin kami eh, sabi ko wag mo kong tatawaging kuya."


Read more...

I Love Darla by PACMAN!



Naku, Team Jinkee wag kayong magagalit dito ha! Hehehe! Thanks Ms. LBM for this big contribution!

Read more...

Hayden Kho, Jr.'S LATEST VIDEO! Exclusive!

O...o... magpapasko na. Wag nang mag-isip ng kung anu-anong video. Lahat tayo mag-move on na at magpatawad. Hehehe! Aga ng Christmas!


video

Read more...

I Love Hayden Kho, Jr.!

Wednesday, December 9, 2009

Kung noong December 2008... Hayden said : "I Love Vicks..."

Ngayong December 2009... Hayden says : "I Love Darla!"

Hahaha! Hihihi!

Kanina ko lang nakita in person si Hayden Kho, Jr. At totoo nga ang mga naririnig ko noon : super gwapo at charming ng ex ni Dra. Vicki Belo. Naku... I Love Hayden Kho, Jr. na!




Pero kung love din lang ang pag-uusapan... isang proof ng love ni Hayden for Dra. Vicki Belo ang ipinakita niya sa amin. Ang "ambigram" na tattoo sa left arm niya na kapag binasa mo ay "VICTORIA" - real name ni Dra. Vicki. Kapag binasa mo naman ito ng pabaliktad, "HAYDEN" naman ang kalalabasan nito. Ang bongga!

Read more...

Statement ng family ni Hayden Kho, Jr. regarding his Alleged Second Suicide Attempt

Para sa mga gustong mabasa ang buong statement na ipinadala ng pamilya ni Hayden Kho, Jr. sa SNN last December 7, 2009, regarding the latest controversy na kinasasangkutan ng former doctor... Eto siya :
.
---o---
STATEMENT FROM THE KHO FAMILY

07 December 2009

Over the past several days, there have been various reports and sinister speculations regarding the present state of our son, Dr. Hayden Kho, Jr., and the cause and circumstances of his sudden hospitalization. Most morbid of all were the reports that our son once again attempted suicide.

We had remained silent and avoided the media for many months now in the hope of regaining some semblance of normalcy in our lives. This time, however, we find it necessary to clarify the malicious rumors involving our son. Hayden did NOT commit suicide.

Last Thursday night, Hayden was driving to Tagaytay to join his friends who were there when he started feeling nauseous and feverish. He stopped his car as he felt the need to throw up. He had successive bouts of vomiting accompanied by severe abdominal pains. Some people brought him to the Estrella Hospital in Cavite. We then asked that he be transferred to the Manila Doctors Hospital. When he arrived at the Manila Doctors Hospital, he was running a very high fever and experiencing intense pain in the midsection. His attending doctors there suspect that he is suffering from intestinal flu, which could have been induced or aggravated by stress. As you are all aware, Hayden is undergoing tremendous physical and emotional stress, with the unfortunate decision of the Board of Medicine to revoke his license to practice medicine.

We appeal to the public’s compassion and understanding, as the preference of our family is to maintain our privacy and to stay away from the limelight. Please allow our family, most especially our son, to deal with this matter in private. We have been through enormous amounts of pain and suffering since this whole ordeal started. We have kept our silence even when so many people were very quick to pass judgment and condemn our son. We have kept our silence even when some politicians ride on the issue in order to gain political mileage. Please allow us some space so that our son can mend his life and find his path. We implore Hayden’s accusers to not condemn him prematurely and just let the legal system decide his fate.
---o---

Read more...

Bianca King, pinalayas nga ba ni Krista Ranillo sa Dressing Room?

Tuesday, December 8, 2009

Isang reliable source ang nagtext sa akin kanina, at ito ang fineed niyang chika sa akin :

DIUMANO : Sa shooting ng pelikulang Wapakman, dahil tatlo lang daw ang tents for the stars, nagshare sa isang tent ang dalawang female villains sa pelikula na sina Bianca King at Krista Ranillo. After daw kunan lahat ng sequences ni Bianca, she went back na to their tent. Ang ikina-shock niya, lahat ng stuff niya ay nasa floor na outside the tent pagdating niya! Diumano, ayaw na rin siyang papasukin sa loob ng tent nila! Ang reason : diumano again, sosolohin ni Krista ang tent. At ang malala pa, diumano for the nth time, mismong ang Tita daw ni Krista ang naglabas ng gamit ni Bianca!

Ay ano ba yan. Kung true ito, ibig bang sabihin dumidiva attitude na si Krista? Ayaw niya lang bang may magtanong sa kanya about the controversy na hanggang ngayon hindi niya pa sinasagot... O sadyang "big star" na ang tingin niya sa sarili niya? Naku, "magkapatid" pa naman sila ni Bianca bilang parehas sila ng manager!

Read more...

Iba talaga ang LOVERS in Paris!

Monday, December 7, 2009

Mall show para sa Lovers in Paris. Grabe. Iba talaga ang hatak nina Papa Piolo Pascual, KC Concepcion, Papa Z Marudo and the rest of the LIP cast sa fans!!! Ang daming tao! Ganito ang totoong mall show! Hahaha!

video


video

To those offended by my previous post, sorry lalo na sa kookieberks! The first video uploaded kasi si Piolo lang nandun kaya ganun yung text kanina. Now here's the complete set na! Kayo naman di niyo nahintay. Hehehe! Mwah!

Read more...

HAPPY BIRTHDAY Derek Ramsay!

Si Derek ang taong gwapo sa lahat ng bagay. Hehehe!

Read more...

HAYDEN KHO : Suicidal na nga ba?

Sunday, December 6, 2009

December 2008 : magpapasko rin nang maging laman ng lahat ng newspapers / tabloids at showbiz talkshows ang pangalan ni Hayden Kho. Nagulat ang lahat noon nang mapabalitang nagpakamatay daw ang doktor, at nang isugod sa hospital ay may nakasulat sa katawan niya ang mga words na : "I love you you Vicki". Inamin ito ni Hayden at ang naging dahilan niya : patong-patong na problema na mas pinabigat ng love / relationship issues nila ni Dra. Vicki.

December 2009 : magpapasko na naman nang kumalat ang balitang si Hayden Kho, natagpuang nakahandusay sa isang taniman ng pinya sa Lalaan 2nd, Silang, Cavite. Mabilis na kumalap ng details and witnesses ang media. Hanggang sa lumutang na naman ang anggulong si Hayden : muli na naman diumanonng tinangkang tapusin ang sariling buhay.

Mula ba nang magkasira sila ni Dra. Vicki, nalulunod na si Hayden sa lungkot at pagsisisi tuwing magpapasko? Hindi niya ba kinakaya ang lamig na dala ng hangin pag December... o sobra lang siyang nako-konsensya dahil sa mga ginawa niya naging mailap na sa kanya ang "saya" ng pasko?

Sa official statement na ipinadala ng legal counsel ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan sa media ito ang naging paliwanag niya sa nangyari sa dating doktor, na ngayon daw ay naka-confine sa Manila Doctors Hospital :
"Dr. Hayden Kho, Jr. was admitted to this hospital very early this morning. He was running a very high fever and was throwing up with severe abdominal pains. Initial impression is that he is suffering from intestinal flu, although stress-induced gastric ulcer is also being considered. The Kho family is requesting for privacy. No visitors are allowed at this time. He was admitted under the care of his father, Dr. Hayden Kho, Sr."

Pero sa The Buzz kahapon, ilang witnesses ang nakausap at iba ang sinasabi nilang totoong kondisyon ng pag-iisip at pangangatawan ni Hayden nang makita nila ito sa taniman ng pinya sa Lalaan 2nd. Sa picture sa baba na ipinadala sa The Buzz ng isang reliable source, isang lalake ang nakatalukbong ng kulay green na kumot. Kuha ito sa Estrella Hospital kung saan unang isinugod ang dating doktor nang matagpuan siya ng mga residente at pulis ng Lalaan 2nd. Kinumpirma ng witness na si Hayden Kho ang lalakeng nakahiga sa stretcher. Sinuportahan pa ang account na ito ng maraming taga-ABS-CBN na nagkataong nasa ospital ding iyon para sa taping sa isang show, nang isugod si Hayden.


Ayon sa The Buzz witness na si Dr. Anghel Estrella, ang doktor sa nasabing ospital na unang tumingin kay Hayden, at first ay hindi nila nakilala ang dating doktor dahil maruming-marumi ito at hindi nag-aahit. Wala rin daw itong ulirat. Ang unang obserbasyon daw niya ay depression ang pinagdadaanan ni Hayden, pero hindi na nila ito nagawang suriing mabuti dahil kaagad din itong inilipat ng ospital. Pero ayon sa mga taong nandoon ng mga oras na iyon, may mga kataga na namang paulit-ulit na sinasabi ang dating doktor. Ito ay : "Vicks, Vicks, where's Vicks? I need to hold her hand." Kaya naman mabilis pumutok ang isa pang anggulo : ang vicks ba na tinutukoy ni Hayden ay si Vicki Belo? Muli na naman bang nagtangkang magpakamatay si Hayden dahil sa kanya?

According to the residents sa lugar kung saan natagpuan si Hayden, paulit-ulit daw nitong sinasabing patayin na siya, dahil nakapag-paalam na siya sa Diyos. Sa bersyon naman ng mag-amang witnesses ng Showbiz Central, sinasabi nilang habang nakahandusay sa lupa, panay daw ang ring ng cellphone ni Hayden at sinasagot niya naman ito. Ang sinasabi daw ng dating doktor kapag sinasagot ang cellphone ay : "Wag niyo na akong hanapin" at "Mahal na mahal kita Vicks". Sa text message naman na ipinadala ni Dra. Vicki Belo sa reliable soure ng The Buzz, sinabi nitong hindi na daw nagwo-workout ang kung anumang meron sila ni Hayden, at nag-decide na sila to stay away from each other. Idinagdag pa ng doktora na since binawi ng PRC ang medical license ni Hayden, 2 1/2 weeks na raw itong depressed at kusang inilalayo ang sarili sa kanila at sa ibang tao.

Malaking palaisipan din sa marami kung may kinalaman naman ang pagkakaroon ng ibang ka-date ni Vicki sa Star Awards last week sa ipinagkakaganito ni Hayden. Ang ka-date ng doktor : si John David Young [o KC Cruz para sa iba niyang kakilala], kapatid ng Bamboo band member na si Ira Cruz. Si John David o KC ang bagong Operations Manager ng Belo Medical Group.

Pero hindi lang ito ang diumano'y eksena ni Hayden Kho. Dahil ayon naman sa isang barangay tanod na nakakita kay Hayden that night, sinasabi daw nito na bakit siya ginanun ni Katrina. No comment naman daw sa issueng ito si Katrina Halili, ayon sa ilang sumubok kumuha sa reaksyon ng sexy star.




Samantala, tinitingnan ng iba ang pagkakatanggal ng PRC ng license ni Hayden sa pagka-doktor bilang isa sa dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Sa interview kay Hayden ni Korina Sanchez sa programang Rated K, inamin ng doktor na masakit sa kanya ang pagkakatanggal ng lisensya niya sa pagka-doktor dahil pinaghirapan niya at ng kaniyang mga magulang ang pagdodoktor niya. He also said na whatever happened in his personal life, walang kinalaman sa kanyang pagiging doktor. Ayon naman sa mga taga-PRC, pwede pang mag-apply ulit si Hayden for a license at pag napatunayan nilang maayos na ang behavior nito, pwedeng siyang mabigyan ulit ng license. Sa interview ding ito, sinabi ni Hayden na humihingi siya ng tawad sa lahat ng nasaktan niya. At sa tindi daw ng pinagdadaanan niya, nabanggit niyang suicide ang minsang pumapasok sa isip niya.

Kayo, ano sa tingin niyo ang pinagdadaanan ni Hayden Kho?

Read more...

LOVERS IN PARIS : FAB 5!

LOVERS IN PARIS... last 5 days na! Pero sa mga araw na ito... Limang matitinding rebelasyon ang babago sa gabi ninyong lahat! Kaya tutok lang pagkatapos ng May Bukas Pa!

video


video

Read more...

Patay na Kuko ni Derek, most cherished gift ni Angelica!

Saturday, December 5, 2009


Sa mga showbiz couples na kinakikiligan [
at kina-iinggitan] ng marami ngayon, for sure pasok sa top 10 sina Angelica Panganiban and Derek Ramsay. Ang kanilang more-than-three-years of relationship is surely hard para sa maraming showbiz people to have --- and to maintain.


Last month, naging usap-usapan at object ng inggit ng maraming girls ang isa na namang bonggang-bonggang gift na sorpresang ibinigay ni Derek kay Gel during her mafia-themed birthday asalto --- isang orange Hermes Lindy bag! Kaya naman sa photos ng actual pagbibigay kay Gel ng bag, kitang-kita kung paano siyang na-surprise at na-touch---naiyak!

(thanks gel for giving me permission to post these photos --- taken by her friends during the actual birthday asalto)

Kaya naman during her SNN interview, inamin ni Angelica na excited-kinakabahan siya sa ire-regalo niya kay Derek this coming Christmas, at sa nalalapit na birthday nito. Pero kung si Derek daw ang tatanungin, ang tanging regalong hinihingi lang niya kay Gel ay ang maging free ito sa araw ng kanyang kaarawan. He wants Angelica to be with him and his family sa Tagaytay para sa isang simple celebration.

Pero bago pa ang kotse at mamahaling bag na naibigay ni Derek kay Angelica, ni-reveal niya na ang mga unang gifts niya sa girlfriend ay super simple... at malamang para sa iba weird. "Yung first gift ko kay Angel, putik binigyan ko siyang putik and she has that 'til this day. And yung second gift ko sa kanya patay na kuko, namatay yung kuko ko sa Australia, eh natanggal binigay ko sa kanya and she has it 'til this day. I think she cherishes those kinds of gifts more than the car or the bag, it’s just a car, it’s just a bag," ang nakakatuwang pahayag ni Derek.

Kwentong kinumpirma naman ng aktres : "Totoo yun, totoo yun! Ganun siyang tao eh, alam mo yun nagkukwentuhan kami bigla siyang pumitas ng bulaklak tapos binigay niya sa akin. Kasi sa akin mas importante yung ganun, bibigyan niya ako nung tangkay nung mga puno. So nakakatuwa na may ganun siyang side."

According to Derek, hindi siya materialistic na tao at madalas, spontaneous siya lalo na sa pagbibigay ng something sa kanyang minamahal. Hindi importante sa kanya ang presyo ng regalo - dahil kahit gaano pa daw ka-mahal o ka-mura ang isang bagay, kapag yun ang naisipan niyang ibigay kay Angelica, yun na yun. Kaya naman, totoong hanggang ngayon, Gel has the patay na kukong ibinigay ni Derek sa kanya. Kahit kuko yun, na patay pa, priceless daw yun para sa kanya. Syempre kuko daw kasi yun ng taong mahal niya. At para sa lahat ng curious, here's the exclusive photo of that patay na kuko - sent by Angelica.

Photos courtesy of Angelica Panganiban

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP