DIREK PAUL SORIANO, Tom Ford shades at Christian Louboutin na sapatos ang regalo kay Birthday Girl TONI GONZAGA!

Saturday, January 23, 2010



Kagabi, sa SNN pa rin, Toni revealed kung ano ang special gift na natanggap niya from Direk Paul nung birthday niya - last January 20. Sa nakakatuwang pagku-kwento ni Toni, hindi niya daw ine-expect ang regalong ito from Direk Paul, dahil nag-emote na daw sa kanya ang boyfriend na kesyo wala na yung style na gusto niya, at mahirap ang shipment nung bagay na iyon. Isa pa, nagbigay na daw ng regalo sa kanya si Direk Paul --- Tom Ford na shades. Pero on the night of her birthday, ginulat si Toni at kinabahan naman ang kanyang Mommy Pinty sa isang box na naghihintay sa bahay nila!

"After ng surprise party dito sa PBB, may malaking box sa bahay, tapos nung binuksan ko mabuhay box, ay nakakaramdam na ako parang may shipment ngang naganap. So ayun na nga nai-ship nga ng maganda," ang masayang kwento ni Toni sa SNN. Kaharap daw ang kanyang mommy nang nangyari ang bukasan ng regalong ito, at according to her "akala kasi ng mommy ko kung ano yung laman ng box. Kasi pagbukas ko ng box, may isa pang box, hanggang sa papaliit yung box, eh nasabi ko napanood ko na sa pelikula to, alam ko ang ending nito, maliit na box. So wag na wag kang aarte ng hindi tama, so nakabantay si mudrax! Pero hindi naman, inasar lang niya ako yung last naka-wedding na wrapper. So na-tense si Mommy Pinty ano yan! Sabi ko hmph halata namang tense na tense tong si mommy!" Isang pares ng Christian Louboutin na shoes ang laman ng box. Ang mamahaling brand ng shoes na ito ay favorite ni Toni, at nagco-collect daw siya ng ganito. Ano yung Christian Louboutin na shoes? Basta sosyal yun, malalaman mong Louboutin ang suot ng female star basta RED ang sole nung shoes --- oh well, at least yun ang trademark ng nasabing brand.

Nang matanong naman kung nagpapahiwatig na si Direk Paul ng engagement o proposal sa papaliit na boxes gimmick na iyon, eto ang sagot ni Toni : "Wala! Walang mga senyales na ganun dahil may mga matitinding senyales naman siyang makukuha sa akin pag dumating naman siya sa point na yun, hindi, hindi."

7 comments:

noypi_ako,  January 23, 2010 at 2:48 AM  

Thank you for posting this! I sooo love this couple! Both God-fearing and kind-hearted. Siguro around 3-5 years from now, pwede na ang kasal;)

Anonymous,  January 23, 2010 at 3:00 AM  

ANG GWAPO NG BOYPREN NI TONI!!!!!!

Anonymous,  January 23, 2010 at 3:05 PM  

thanks for psoting this...i missed the interview last night on snn...:))

queen,  January 23, 2010 at 4:39 PM  

i luuurrrvvveee toniii! she and dpaul are meant to be;) thanks 4 posting!

Happi January 23, 2010 at 8:01 PM  

Cool! Haha! I want that shoes, too. But, seems to be verrrrrry pricey! wag na! :))

Anonymous,  January 23, 2010 at 8:40 PM  

Thanks for the article! I love it when Toni is being interviewed. She is so witty and funny! God Bless Toni and Paul. :)

Anonymous,  January 25, 2010 at 10:36 PM  

nakakatawa talaga si Toni. :))

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP