Derek Ramsay's knee surgery, successful! Thanks Bro!

Friday, February 5, 2010

Early this morning ay pumunta na sa ospital  sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban kasama ang ilang kapamilya para sa knee surgery ni Derek. Around 8:30 am ay isinagawa na ang operasyon, na tumagal ng humigit-kumulang sa 30 minutes. Ang pinakamatagal daw na 30 minutes para kay Angelica.

Sa tulong na rin ng dasal ng mga supporters ng dalawa,  after the wait ay successful ang naging resulta ng operasyon. Kahit si Derek ay happy na lumabas sa operating room, sabi nga ni Gel eh high na high daw dahil finally okay na ang tuhod niya. 


Para sa lahat ng nagdasal para sa success ng operation, eto ang message nina Angelica para sa lahat, sent to me through BBM :
"Maraming salamat. :) Iku-kwento ko lahat kay Derek ang mga mensahe nila sa Twitter. Basta salamat sa lahat ng dasal. Importante wala na yung cyst niya sa tuhod. Di na kasi maayos yung knee niya. :( Pero ang maganda, pag lumakas na tuhod niya, makakapag-sports na ulit siya bilang di niya yun kayang mawala. :)"

While writing this ay papunta naman si Angelica sa Tarlac, para humingi ng paumanhin sa mga tao doon dahil supposedly ay may meet-and-greet si Derek ngayon doon. Pero dahil nga sa operation ay hindi makakarating ang ating universal leading man.  Mamayang gabi ay ilalabas na sa ospital si Derek. Ngayon friends, let's pray na maging mabilis recovery ni Derek. Again, thanks kay Bro!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP