Angel Locsin, umaming nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ng ama dahil sa issueng paglalasing at pagiging pasaway!

Monday, March 29, 2010

Finally ay hinarap na ni Angel Locsin ang hindi matigil-tigil na intriga tungkol sa diumano'y paglalasing, paglalayas at pagiging pasaway niya sa trabaho. Aminado ang aktres na nagulat siya dahil may mga taong naniwala sa balitang ito. 

APEKTADO ANG AMA. Nasasaktan si Angel at hindi naiwasang mapaluha nang ma-bring up ang tungkol sa nangyaring hindi pagkaka-unawaan nila ng ama. Naapektuhan si Angel ng issueng ito dahil ang kanyang ama daw, na ilang taon niyang pinagsikapang makuha ang tiwala, ay naniwala sa intriga. “Actually kami ni daddy ngayon kasi, medyo may hindi kami pagkaka-unawaan kasi medyo naniniwala siya sa issue na alcoholic ganyan," ang pahayag ng aktres na hindi niya naituloy dahil napaiyak na siya.

“Bilang isang ama hindi naman nagkukulang magpangaral si Daddy. Sinabi ko naman na Dad kailangan ko rin to para sa trabaho ko eh, kasi mag-25 na ako never pa akong nalasing sa buong buhay ko. Kailangan ko rin i-experience talaga eh, para sa growth ko, ahm sa friends ko, ahm yun nga sa career ko rin kasi may mga bagay na hindi mo naman pwedeng imbento lang bigla yung emosyon di ba? Kaya yun,” ang tinutukoy dito ni Angel ay ang "immersion" na kailangan niyang gawin para sa role na Japayuki sa pelikulang gagawin nila ni Aga Muhlach, under Star Cinema at sa direksyon ni Olivia Lamasan. Bawat artista po talaga dumadaan sa tinatawag na immersion, o yung pakikihalubilo o pagsubok mismo sa klase ng buhay na meron ang character na gagampanan nila sa isang project.

Pero bago pa magsimula na naman ang intriga na hindi sila okay ng kanyang ama ngayon, nilinaw ni Angel na magkasundo sila ni Tatay Angel, dahil ang nangyaring ito ay normal lang naman sa kahit na sinong magulang at anak. “Okay naman po kami, hindi naman, syempre tatay ko pa rin siya anak pa rin naman niya ako, kaya lang ayoko kasing mababahiran ng... ilang taon kong tinrabaho na makuha ko yung trust ng tatay ko tapos biglang mababahiran yung ng duda dahil sa isang issue na hindi mo alam kung saan nagmula.”

NAG-TAXI AT LUMIPAD PA-HONGKONG. Totoo ang lumabas na balita last week na nag-taxi at pumunta si Angel sa Hongkong. Pero nilinaw ng aktres na hindi siya pumunta doon dahil naglayas siya o nagpapasaway siya. Katulad nga naman ng kahit sinong artista, may karapatan naman si Gel na umalis at mag-relax pa-minsan di ba? “Umalis ako magkasama kami, nung bumalik ako dito kasi may nangyari na may rehearsal ako, so bumalik lang ako dito ng gma alas-dos, dumating ako dito ng alas-dos ng hapon, ang rehearsals ko alas-kwatro... tapos umalis ulit ako ng 7:30 ang flight ko, bumalik ulit ako ng Hongkong,” ang kwento ng aktres na ginawa lang palang Cubao ang Hongkong hehehe.

SA INTRIGANG PAGPAPASAWAY AT PAMBIBITIN SA TRABAHO. Diretshan ding hinarap ni Angel ang issue na diumano ay nagiging unprofessional na siya ngayon. “Nung una okay lang hindi ako, kahit sila Darla tinatanong ako una ayokong mag-explain kasi para sa akin wala naman akong kailangang i-explain. Kasi mas kilala ko naman yung sarili ko, nakakagulat kasi pati sa p.a. ko na kasama ko naman hanggang ngayon, tapos may mga trabaho daw ako na hindi nasisipot, eh wala pa naman akong ginagawa ngayon so anong hindi ko masisipot na trabaho?” Totoo naman ang sinasabing ito ni Gel, sa pagputok ng issue ay nag-usap agad kaming dalawa, at gaya po ng requests niyong lahat ay sinubukan kong hingan siya ng statement. Pero gaya nga ng sabi niya, nakakagulat na may mga naniwala sa tsismis na ito. I respect her decision to keep silent about the issue nung simula.

BAD INFLUENCE ANG BARKADA? Nadamay sa intrigang ito kay Angel ang kanyang mga kaibigan sa Ampalaya Anonymous / Calamansi Incorporated dahil sila daw ang laging kasama ni Angel gumimik. Unfair naman ito. Kaya ang pakiusap ni Gel, “yung mga friends ko sobrang bait na ang swerte ko nakasama ko sila... Kaya sana wag na lang pong madamay yung ibang taong nananahimik naman.”

source : The Buzz, March 28, 2010 episode 

9 comments:

Anonymous,  March 29, 2010 at 9:43 AM  

mabuti naman at marami ang nagtanggol kay angel to defend her.
i watched the buzz and parang hindi siya masyadong ma i express ang gustong niyang sabihin at hindi niya masyadong na explain ang side niya. buti na lang at nandun si tito boy and kris aquino para ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ni angel. like nung sinabi niya na "hindi pwedeng mag imbento ng emosyo" na ang ibig pala niyang sabihin ay kelangan niyang mag immerse para sa gagawin nilang movie ni aga.

mas nakisimpatiya ako kay anne dahil klarong klaro ang kangyang pananalita at she was able to express and defend herself very wel..

Anonymous,  March 29, 2010 at 12:27 PM  

baka ayaw naman talagang mag elaborate ni Angel. diba dun sa twitter nya may pinost sya na d na kailangang mag explain pa dahil kung tunay kang kaibigan hindi na nila kailangan pa nang explanation at ung mga hindi kaibigan hindi din lang maniniwala sa explanation mo..... cguro pagod na sya kaka explain.... buti nlng maraming gustong e-defend sya.... hehehe

fans in Canada,  March 29, 2010 at 3:06 PM  

as far as i know angel explained herself pretty well....its just hard to express yourself sometimes when you are upset about the issue, and you want to control your feelings like....you wanna cry it out...Angel LOcsin is also a human being...she is not perfect like everybody else...i hope that this bad issue about her will stop. and to Angel...we are always here to support you...Just be yourself...we love you ..God Bless!!!!!

Anonymous,  March 29, 2010 at 6:56 PM  

there is no doubt in my mind and heart that angel locsin is a good and kindhearted person but its a pity that she has encountered fake friends known to be alcoholics (well not everyone of them) kaya damay tuloy sya.it seems to me she's so naive to realize that she's being used by bp.

Anonymous,  March 30, 2010 at 9:53 AM  

no one can put you down so easily coz you are beautiful person inside and out, just hang on...God bless you

Anonymous,  March 30, 2010 at 10:10 AM  

pero di ba kaya napilitan siyang magpaliwanag na ay dahil sa involved na ang tatay niya?first time lang naman nya lumabas to explain her side sana nilubos lubos na niya.
anne was upset as well but she was able to kept her composure and express and defend herself very well. kung tutuusin ay mas grabe ang nanyari kay anne but i admire how she handles the situation. medyo nakulangan lang ako sa paliwanag ni angel. even sa mga past interviews niya medyo hindi malinaw ang mga sagot niya.

lovhin-dale March 31, 2010 at 5:53 AM  

BASTA KAMI ANGEL HINDI NANINIWALA SA SABISABI NAYAN (: HWAG MO SILANG PANSININ KASI MGA WALANG MAGAWA AT NA IINGIT SILA SAYO....... BASTA KAMI DITO SA NICE FRANCE,MISS NA NAMIN ANG LOVETEAM NYO NI PIOLO..GELO FOREVER AND EVER KAMI DITO SA NICE...WE HOPE TO SEE GELO WORK TOGETHER AGAIN
DIMAN THIS YEAR,SANA SA 2011 AY IBALIK ULIT NANG ABS-CBN ANG GELO LOVETEAM plsssssssss!!!!LOBO2 X

Anonymous,  March 31, 2010 at 6:01 AM  

WE LOVE YOU ANGEL...KASAMA KAYO NI PIOLO SA PRAY NAMIN EVERYDAY...HINDI KAMI NA NINIWALA NI KATITING.. AT MISS NA NAMIN ANG GELO TANDEM
GOD BLESS YOU BOTH! <3<3<3

Anonymous,  March 31, 2010 at 6:16 AM  

TAMA YONG COMMENT NI PIOLO..WALANG MASAMA KUNG PAMINSAN-MINSAN AY UMINOM...HWAG LANG GRABE,AT NA
NINIWALA SI PIOLO GANON DIN KAMI NA HINDI GAGAWIN NI ANGEL ANG TSISMIS NA YAN...WALA NAMAN TALAGANG DAPAT I-EXPLAIN SI ANGEL NOH! MAY TAO LANG TALAGA NA MGA WALANG MAGAWA SA BUHAY..SI LORD NA ANG BAHALA SA TAONG NA NINIRA KAY ANGEL...MISS U GELO!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP