Anne Curtis, pumalag sa issueng ginagamit for publicity ng pelikula nila ang nangyaring wardobe malfunction sa Boracay!

Monday, March 29, 2010

 Matapos kumalat ang controversial photos at videos ng nangyaring wardobe malfunction kay Anne Curtis during her number for ASAP XV in Boracay... isang panibagong intriga naman ang kaagad na pumutok! May nagpapakalat na isang sikat na columnist na diumano ay ginagamit ng Star Cinema ang controversial incident para sa publicity ng pelikula nina Anne and Sam Milby, ang Babe, I Love You na ipapalabas na sa April 3.

Doble ang sakit na nararamdaman ngayon ni Anne dahil sa malisyosong balitang ito. “I’m very angry and upset dun sa mga taong, who would even think that i would go to that extent na gagawin ko yun sa pagkatao ko, sa sarili ko na, alam ko naman hindi ko kailangan yun eh,” ang sabi ng aktres.

“Bakit ako gagawa ng isang gimmick na, it would disrespect myself... it would violate myself, and i really look upon those people who would even think that way, with contempt, kasi parang anong klaseng utak meron kayo para pag-isipan ako ng ganun?” ang buwelta ni Anne sa nagkakalat ng issue.

IDEDEMANDA BA ANG TABLOID NA NAGLABAS NG PICTURE? Marami ang nag-aabang sa gagawing aksyon ni Anne o ng Viva Management patungkol sa paglabas ng controversial photo ng aktres sa front page ng isang tabloid. At para matapos na ang speculations, sinagot na ito ni Anne.

“I spoke to my dad, and ah ang sabi sa akin ng Daddy ko, because you know all the issues of if we should sue, if dapat ba kaming gumawa ng aksyon... my dad and I spoke about it and he said wag na lang. just lto ook upon this people yun he said with contempt, and napaka-distasteful," ang pahayag ni Anne na hindi naiwasang mapa-iyak dahil sa sakit ng pinagdadaanan niya.

Hindi maintindihan ni Anne kung bakit hindi parang hindi man lamang inisip ng pamunuan ng tabloid ang mararamdaman niya sa walang censorship na paglalabas nila ng photo. “The misfortune of someone else, they took it for their advantage and ahm, you know it’s my embarrassment nakakahiya yung nangyari sa akin, tapos they use it for what? Para lang kumita yhung kanilang magazine or tabloid"

"Masakit, so my Dad just said you know, para matapos na, kalimutan na ng mga tao, he actually call them gutter press, because these are people whoa re below the standards of what normal press people... that’s below the belt na.”

Pero kahit na galit at patuloy na nasasaktan, hindi na palalakihin pa ni Anne ang malala na ngang controversy. “Nagagalit talaga ko sa kanila, but ahm, kahit na I’m running on those emotions, my Dad told me na you know you’re above all this, and they’re below your dignity, so wag ko na lang silang patulan, parang pag-uusapan pa sila pag I go through suing them, and ano pang makukuha ko dun? Hahaba pa yung issue so wag na lang.”

MESSAGE SA MGA PATULOY NA NAGKAKALAT NG PHOTOS AT VIDEOS. Sa interview niyang ito, umaasa si Anne na this will be the  last time na mapag-uusapan ang issue. And being a woman of strength and substance... ipapakita niyang kaya niyang mag-move on at wag magpatalo sa pagsubok na ito. Para sa mga taong tila walang sister, ina o girlfriend na patuloy na nagkakalat ng photo, iisa lang ang panawagan ni Anne. “Asan yung konsensya ninyo na meron kayong nasasaktan na tao? Meron kayong pinapahiya na tao, sana nakakatulog kayo ng maayos i mean, kasi ako hindi. It’s really painful knowing na, may mga taong they can do that to someone who’s still, I’m not doing anything to anyone else. I’m just doing my job, gusto ko lang you know just to make people happy, to promote my movie, I’m just doing my job!” 

source : The Buzz, March 28, 2010 episode

6 comments:

Marielle March 29, 2010 at 5:44 AM  

I love you, Anne. I'll stand beside you whatever happens.

Jen,  March 29, 2010 at 9:25 AM  

Love You Anne :)

iba ang level ni Anne..bakit nga nmn sya bababa sa level ng mga bakulaw na menyak?

tama k anne....hayaan nlng ang mga mahilig magpapansin...

she,  March 29, 2010 at 9:45 AM  

ah basta doon ako sa tama at habang buhay ako nakapanig sa nagIISANG DYOSA!!!

dianne,  March 29, 2010 at 9:54 AM  

love you anne !! mga papepal nha yan ! eh tsaka ndi mo naman ginusto un dba !?

Anonymous,  March 29, 2010 at 1:08 PM  

im an avid viewer of the buzz...i dont miss an episode. i just noticed that kris aquino does not interview anne curtis anymore or defend her or give words of encouragement especially after what she's gone through this week. from what i know, they're super close, like sisters pa nga. are they ok?

Anonymous,  April 1, 2010 at 8:01 PM  

i truly agree with anonymous..matagal ko nang na notice na parang di an nga close c kris kay anne..unlike before..para kasing mas close c kris kay kim ngayon..

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP