CESAR MONTANO : "I'm sad to say, that my son Angelo took his life this morning"

Saturday, March 27, 2010


Kaninang umaga, natagpuang may tama ng baril sa ulo ang 23 year-old son ni Cesar na si Christian Angelo Manhilot sa kusina ng bahay nila sa Yakal St. Tivoli Royale, Quezon City. May naka-hang na telepono sa tabi, at .45 pistol na according to Cesar's manager Norma Japitana, ay licensed na baril ni Cesar. Reports show na isang gunshot sa ulo ang ikinamatay ni Angelo, at dead on arrival na ito nang isugod sa General Malvar Hospital, QC. 6:18am nang matagpuan diumano ng kasambahay nina Buboy na si Alicia Pancho ang binata.



Nang makarating ang balita kay Buboy, na nasa Bohol nang mangyari ang diumano'y suicide ng anak, agad na lumipad pabalik dito sa ang aktor kasama si Sunshine at daughter nilang si Angela. Noong una ay ang manager at publicist nilang si Shirley Pizarro muna ang humarap sa media. And through Shirley ay isang statement ang ipinadala ni Cesar.

Cesar's Statement :
"To our dear friends in the media, I received the shocking news of my son, Christian Angelo’s death very early this morning while i was in Bohol. I along with my wife Sunshine, and daughter Angela, immediately flew back to Manila first thing today to be with my son. No words can describe the grief that my family and I are experiencing with this devastating news. He was so young, a cheerful, thoughtful and loving son who has a generous heart and spirit. I was with him yesterday before leaving for Bohol. Little did I know that it would be the last time I was to see him alive. Doctor Tony Leachon, a good friend and neighbor pronounced Angelo dead on arrival at the Malvar General Hospital in Quezon City early this morning. Initial police investigation show that Angelo died from a single gunshot wound in the head, we are still trying to piece together some facts pertaining to his death. While i am still reeling from this tragic incident, my family and I would like to appeal to everyone to respect the privacy of my grieving family at this time. Thank you very much for your understanding, may God’s strength be with all of us."

Samantala, pinatigil na rin ng kampo ang investigation at hindi na pina-autopsy ang mga labi ni Angelo. According to Atty. Joel Ferrer, abogado nina Cesar, "alam na nilang walang foul play, walang forcible entry sa bahay nila," kaya nagdesisyon sina Cesar na wag nang magpa-imbestiga.

Sa ngayon po ay "lovers quarrel" ang tanging nakikitang dahilan ng pagpapakamatay daw ni Angelo. "Well as early as now, im sure medyo nag-away lang sila ng girlfriend niya, very sketchy... bata pa kasi eh, we’ll have more, we’ll come up, as of now magulo pa rin lahat ang isip," ang binigay na pahayag ng manager ni Buboy na si Norma.

Nang finally ay humarap sa media, hindi na nag-entertain ng questions sina Cesar, at ibinigay na lamang ang pahayag na ito : "I'm sad to say, that my son Angelo took his life this morning. My family and i are grieving right now, ahm, we request you to join us in praying for Angelo’s soul and for the entire family as well. We ask for your respect also for our privacy, which is why we don't take any questions at this time. Salamat po sa pang-unawa ninyo, salamat po sa pagmamahal ninyo, at sa inyong pakikiramay. At higit sa lahat po para sa inyong mga dasal, para kay Angelo, at para po sa buong pamilya namin po. May god bless us all."

Kasalukuyang nakaburol sa Crematory Chapel ng Arlington ang mga labi ni Angelo, at sa Sunday ito naka-schedule na i-cremate.

1 comments:

Anonymous,  March 29, 2010 at 2:45 PM  

our heartfelt condolences to cesar & his family.. may his son rest in peace..

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP