UPDATED : RACHELLE ANN GO, lilipat na rin sa GMA-7? ASAP XV to Party Pilipinas?

Wednesday, March 31, 2010


Pumutok na ang balita today na lilipat na rin daw si Rachelle Ann Go sa GMA-7. Susunod na rin daw ang Ultimate Champion kay Mark Bautista na nasa Party Pilipinas na ngayon. Si Mark at Rachelle Ann po ay parehas ng manager, ang Viva.

Bago pa man ma-confirm ang paglipat noon ni Mark, nagkausap na kami ni Rachelle Ann and I think it's safe to say here na sinabi niya sa akin na love niya ang ASAP at wala sa isip at puso niya ang lumipat. Kahit pa sa GMA-7 nagchampion si Rachelle Ann, ang mga kaibigan niya naman ay nasa ABS-CBN. Mahal niya ang Kapamilya Network.

Pero dahil nga sa may lumabas na balitang lilipat siya dahil diumano sa magandang offer ng Kapuso Network... tumawag po agad ako sa bahay nina Rachelle Ann. She wasn't home so I talked to her Mom instead. And sabi po ni Mommy, wala pa silang alam tungkol sa balitang ito. Holy week daw po kasi so walang pasok ang mga tao sa Viva office. Ang Viva ang magde-decide dito, pero syempre kakausapin din muna nila si Rachelle Ann. Nakakalungkot lang, sana wag lumipat si Shin. Si Mark din kasi noon, nung unang tinanong ko hindi niya alam ang balita... Nagdecide na lang din bigla ang Viva. Sana wag mangyari to kay Rachelle Ann.

Tinawagan ko si Rachelle Ann after ko kausapin ang Mom niya, pero nanunuod pa siya ng movie, kaya she'll get back to me na lang daw later. I'll update once na magkausap ulit kami.

Rachelle Ann's statement, sent to me through sms now :
"Haha. Di ko pa nababalitaan yan. Wala pang sinabi na ganyan ang Viva sa akin."

Thanks Shin!


25 comments:

oh_yeah,  March 31, 2010 at 8:10 PM  

sana lumipat na din sya. tapos e-loveteam sya kay Mark

Anonymous,  March 31, 2010 at 8:19 PM  

pleeaaaase! I hope its not true! if it is, she's the 1st ABSCBN artist na lumipat sa GMA ang panghihinayangan ko!

Anonymous,  March 31, 2010 at 8:39 PM  

ayan na naman c darlaSEWER, FEELING NA NAMAN! nagmamaclose na naman sa mga artista! ambisyosa ka masyado.kapal ng mukha mong tumawag pa sa bahay. feelinggera ka talaga. ginagamit mo pa ang snn sa pagiging ambisyosa mong feelingera. magtanim la na lang kamote darla sewerage system. ang yabang yabang mo. nakakaawa ka magmaclose ba sa mga sikat! hahaha. sakit na yan, sa utak. feeling close syndrome. hahaha

Anonymous,  March 31, 2010 at 9:29 PM  

wag naman sana

❤ ❛ABS-CBN's PRETTIEST❜ ❤ March 31, 2010 at 10:01 PM  

Oo nga eh, sana wag. I love Shin, we've been close since search for a star in a million pa lang. )= sad nga ako kasi umalis na si Mark... Love ko ang champions talaga.

Anonymous,  March 31, 2010 at 10:52 PM  

this is erwin, i really like shin's performance, wag naman sana sya umalis sa abs cbn.lagi ko inaabanagan ang kanta nya, sya lang ang pede makipagcompete kay sarah geronimo. sa totoo lang mas maganda ang vocal range ni rachelle, nagkataon lang na nauna pasikatin ng abs si sarah pero kung nauna si rachelle ann, wala si sarah sa kinatatayuan nya, pareho sila magaling at sana lang wag magkamali ang channel 2 pplease lang.

Anonymous,  April 1, 2010 at 10:01 AM  

Rachel wag kana lumipat !! ang ganda na ng career mo sa ASAP! may YRS kana .. may sarili kang number dun .. pag lumipat ka sa GMA .. masisira lang career mo .. !! please wag kna lumipat !!1

Anonymous,  April 1, 2010 at 11:26 AM  

Love ko si Rachel and mas nakilala talaga sya sa ASAP sna wag sya lumipat.

Anonymous,  April 1, 2010 at 1:48 PM  

i hope hindi toto ang balitang ito.. sayang lng kng lilipat xa,, and sa totoo lng magaling din nmn xa., hndi nga lng binibigyan ng pansin,, tsk3

Anonymous,  April 1, 2010 at 4:21 PM  

Viva should ask first their talents what they want before doing any sudden actions... kawawa ang mga talents nila.. tao rin naman sila...

Anonymous,  April 1, 2010 at 10:43 PM  

sana pls.. no.1 fan ako ni shin..stay kapamilya!
walang kwenta party pilipinas!!!!!!!!

Anonymous,  April 2, 2010 at 4:25 PM  

Sana hindi siya lilipat sa gma-7,.. so sad naman if ganoon nga

Anonymous,  April 2, 2010 at 5:34 PM  

posible bang humindi ang artist sa gusto ng manager niya?? sa tingin ko naman mas gusto ni rachelle na manatiling kapamilya... ano ba yan.. kelan ba matatapos ang kontrata niya sa viva?? sana lumipat na lang siya ng ibang handler.. baka sakaling mas magiging maganda ang career niya... sayang ang talent niya...

Anonymous,  April 2, 2010 at 8:29 PM  

wag na wag kang lilipat sa channel ng mga laos at starlets.....magaling ka hindi ka bagay don.....lumipat ng manager mabuti pa yon ang gawin mo....si sarah lang ang pinagtutuunan nila ng pansin...

Anonymous,  April 3, 2010 at 1:22 PM  

sa asap ka nalang shin.. sobrang ganda na kasi ng raport nyo sa ch2 e. saka napapansin naman ang talent nya sa 2. may mga solo spots nga sya dun diba?? sana pahalagahan ng viva nag feelings ng mga talent nila bago sila magdecide para sa kanila.. shin for asap xv!!

ANN,  April 3, 2010 at 3:39 PM  

yang VIVA na 'yan ang mismong sisira sa career nang kanilang mga talents...basta nalang silang magdecide na ilipat nila talents nila sa ibang tv station ni hindi manlang tinatanong kung gusto ba nang talent mismo na ilipat sya lalo na sa isang loser na tv station katulad nang GMA...si Mark nagmukha tuloy kawawa napasali sya sa kanilang new show na i am sure hindi rin magtatagal. Kailan ba matatapos contract nila sa VIVA huh Darla. Like Sarah kahit nakadalawang box office hits na pero akalain mong ang liit pala nang talent fee nya at hindi ito kasalanan nang Star Cinema kundi sa makasariling VIVA artist center!

Melanie April 3, 2010 at 3:54 PM  

I don't like the management of Viva for their artists. Kung saan may pera, duon sila. Though malaki ang offer kay Rachelle Ann, dapat ikonsulta muna nila sa talent kung gusto ba nitong lumipat siya. Ang dami niyang awards and shows local and abroad sa ABS. Kung lilipat siya sa Party Pilipinas, baka gawin siyang 4th member lang ng La Diva. Hay... Wag sana siyang matuloy.

Anonymous,  April 4, 2010 at 1:28 AM  

Rachell has grown so much in Asap. I didn't even know her atfirst. Di ko din sya like before kasi di ko man sya kilala. But when I've seen her growth as a total performer/package in Asap, of course na learn ko na din syang magustuhan. I am very saddened with this news. Hopefully not true but if it is, Rachel ann is LOSING ME AS A FAN! ABS should have rules about artist na basta basta nalang e pull out ng managers kahit maganda naman treatment sa kanila. Asan na ang respeto? With Rachel? I don't think she's being treated any less in Asap! Kaya Pls ABS, if lilipat yang mga yan tapos babalik pag laos na,wag na tanggapin!!! I feel bad for Asap kasi malaki na investment nila kay Rachel as an artist. If not with Asap, hindi sya mag grow ng ganyan kahit maganda pa boses nya. Asap helped her improve and made her who she is now especially in the eyes of us, TFC peeps! Kung totoo na lilipat sya, goodbye nalang din sa kanya...

Anonymous,  April 4, 2010 at 9:16 AM  

huhu.. sana naman wag ka nang ilipat sa party pilipinas!first day pa nga lang nila puro kapalapakan na agad.. ee dapat nga dun sila pinaka nagpakitang gilas para subaybayan man lang sila.., di ka bagay dun masyado kang magaling para lang dun.. sa ASAP XV ka bagay dahil dun puro magagaling lahat..at ska para magkasama pa din kayo ni christian!! hihih.. super bagay kasi kayo ee.. para nga kayong magkapatid kasi magkamukhang magkamukha kayo sobra..ganun nman daw talaga nagkakatuluyan..sana magkabalikan pa kayo kaya wag ka nang lumipat.

Anonymous,  April 4, 2010 at 11:25 PM  

i hope you will stay with abs-cbn...the home of world class performers....

Anonymous,  April 4, 2010 at 11:31 PM  

sayang if lilipat si rachelle, i can't see her perform na.nanonood lang kame ng ASAPXV.... sana ndi matuloy

Anonymous,  April 6, 2010 at 12:49 PM  

what else should i say? i read already what i want to say.... maybe there is a rift between viva and abs... sana magtayo nalang ng sarili isasyon yang viva na yan na mukang pera

Anonymous,  April 7, 2010 at 1:10 AM  

hais stay kapamilya...pti si iya...

darla follow me sa twitter

marklexter

tnx

Anonymous,  April 7, 2010 at 10:22 AM  

huhu so sad if shin will transfer to GMA, i really like her, sana wag nalang cyang mag ibang bakod... ASAP kanalang shin... watching ASAP wont complete our day without you... specially in YRS... huhu... I like you panaman...

Anonymous,  April 7, 2010 at 12:15 PM  

mawawala na ang YRS?, mawawala din ang GFO pag nagkataon...??? anu ba!!!! kung mahalaga talaga sa ABS si ate shin, hindi naman nila hahayaang mapunta si ate shin sa GMA eh.... sana naman wag nilang bitawan si ate shin.....

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP