EXCLUSIVE! Heart Evangelista, super happy na napagsasama ang kanyang daddy at ang kanyang "love"!

Wednesday, April 14, 2010


Isa si Heart Evangelista sa mga Kapamilya-turned-Kapuso stars na until now ay nakakausap ko pa rin. In all fairness naman kasi sa kanya, hindi nagbabago - sweet at mabait pa rin, and alam mong hindi ka lang shinowbiz nung nagkakilala kayo. 


Right now ay natutuwa na rin ako dahil finally ay nasa super happy stage ng kanyang buhay si Hearty. Hot ang career, at ang lovelife. Idagdag pa ang masaya niya ring family life. Naging vocal naman si Heart tungkol sa exclusive na pagde-date nila ni Ian Dy, na mula sa isang pamilya ng mga pulitiko sa Isabela. Si Ian ang first boyfriend ni Heart... at ngayon, they're back in each other's arms. Kaya nakakatawa na lang lagi pa ring nauungkat ang past nila ni Jericho Rosales. Parehas silang happy now ni Echo kasama ang kani-kaniyang special someone.


Last Holy Week ay nag-Hongkong ang buong pamilya nina Heart, at syempre kasama si Ian. Bonding kung bonding. And for a change, ang lalakeng dini-date ni Hearty ay nakakasama na ang Daddy niya. Close si Ian sa family ng aktres, at ganun din naman si Heart sa family ni Ian. 

Heart's first ever photo with her Dad and her love ♥

On the other hand, kung si Ian lang ang only man sa buhay ni Hearty ngayon... kabaliktaran naman ang mangyayari sa bago niyang teleserye sa GMA-7. Dahil not just one, not just two... kundi tatlong lalake ang mag-aagawan sa kanya. Bongga! Sa ngayon, wala pa akong details ng bagong soap ni Heart, but as soon as may makuha na ako I'll let you all know.

Thank you so much Hearty for allowing me to post your photos here. Thanks also dahil until now we're friends.

13 comments:

Anonymous,  April 14, 2010 at 10:50 AM  

thanks so much for this article darla about heart w/ her family and ian in HK. sweet nila sa pics. i wish Heart all the best!

Anonymous,  April 14, 2010 at 2:24 PM  

kaninong anak kya si ian, im from isabela at very well known ang family dy dun samin, now, ben dy is running for mayor, bojie dy for gov at cesar dy for congressman, lahat sila magkakapatid.. maybe si bojie dy ang father nya..

germaineps April 14, 2010 at 5:48 PM  

and Ian dy is running for Vice Mayor (Alicia in Isabela-tama ba Hearty?).. basta happy ka Heart, happy rin ang Heartworld!

those photos are from her FB account right!..

Anonymous,  April 15, 2010 at 11:49 AM  

only in the philippines kung saan sila-sila rin lang ang nagpapatakbo ng kanilang bayan, magkakapatid pa talaga. kaya hindi umaasenso ang pinas..

Anonymous,  April 15, 2010 at 4:35 PM  

cute pala si ian, bagay sila ni pretty heart.

Anonymous,  April 16, 2010 at 1:01 PM  

one word... LAOS.

kalea April 16, 2010 at 1:41 PM  

I'm a big fan of Heart. I wish her all the best but I hope she follows her heart and give it a chance to choose the one that she loves and not an influenced by family.Sorry I'm not very enthusiastic about this Ian and his politics.

Anonymous,  April 16, 2010 at 9:57 PM  

yan ba BF ni heart? ang panget naman parang pwet lang ni JEricho! LoL!

Anonymous,  April 20, 2010 at 1:39 PM  

c echo ang laos

Anonymous,  April 20, 2010 at 1:41 PM  

pinag tyagaan na lng yan ng abs. pro d na talaga masyado yan bumenta...katulad na ni john lloyd ngayon ang ma.benta. at ang girlfriend ni echo, my god!!!! yucks!

Anonymous,  April 24, 2010 at 8:53 AM  

heart are you sure of Ian...think 70 times 7

Anonymous,  June 23, 2010 at 12:06 AM  

REGALFILMS: sana kahit sa movie lang mapagsama muli sina pratty at hearty! parehas naman silang under regal, grabe marami pa ring joheart fans ang umaasang magkakabalikan muli ang dalawa... kahit sa movie lang, we miss them soooo much!... to ms. DARLA pls. paki inform po itong request namin to "mother L" >♥ thanx!

Anonymous,  March 9, 2012 at 8:46 PM  

I'm from Isabela and sobrang bait ng mga Dy.minsan ko ng nlpitan si VM Ian at napaka generous, gentleman at cute niya.sana magkabalikan sila ni Hearty..i love IAN+HEART.sobrang bagay talaga...

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP