Gretchen Barretto, nag-walkout sa isang presscon dahil sa pilit na pagtatapat sa kanila ni Claudine!

Wednesday, April 7, 2010


Mainit-init pang balita... a few minutes ago ay nag-walkout daw si Gretchen sa press conference ng ini-endorse niyang whitening product! Ang dahilan according to my source Chiclet Navarro, diumano ay hindi nagustuhan ni Gretchen ang pilit na pagtatapat-pagsasabong sa kanila ng kapatid na si Claudine Barretto. Sa Sabado ay si Gretchen ang bida sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya, kasabay nito sa GMA-7 ang simula naman ng drama series ni Claudine.
Actual walkout photo of Gretchen. Photo courtesy : Chiclet Navarro

According to Chiclet, sa unang tanong kay Gretchen tungkol sa tapatan nilang show sa Sabado, sinabi diumano ng aktres na matutuwa ang magulang nila dahil ang mga anak nito ang nagtatapatan sa dalawang malalaking tv networks sa bansa. Hindi na diumano nagustuhan ni Greta nang may mag-follow up, at sinabing according diumano sa interview nila kay Claudine ay sinabi diumano nito na hindi ito natutuwa sa pagtatapat ng mga programa nila dahil naa-apektuhan nito in a bad way ang kanilang parents. Ayun, dito na daw nag-walkout si La Greta. 

Thanks Chiclet Navarro for the info and photo!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP