Kris Aquino pinakanta si Risa Hontiveros!

Friday, April 30, 2010

Nasa Laguna nung April 22 si Kris Aquino sa sariling campaign sortie, para mangampanya sa kanyang kuya Noynoy sa pagka-presidente ng samahan siya ni Risa Hontiveros, na tumatakbong senador sa ilalim ng tiket ng Liberal Party.


Maliban sa pag-endorso kay Hontiveros sa kanyang tv commercial, nag-tweet pa si Kris na nagalingan siya kay Hontiveros sa katatapos lamang na Harapan Debate sa ABS-CBN noong linggo na hinost ni Ted Failon. "And she's really pretty talaga, " ang sabi pa ni Kris sa mestisang senatoriable sa shoot ng TV ad na ginawa ni Kris for the senatoriable.

Paulit-ulit na inindorso ni Kris ang tumatakbong senadora at pagdating ng Cabuyao ay biglang pinakanta ni Kris si Risa. Kinanta nina Kris at Risa ang theme song ng kanyang teleserye sa ABS-CBN na "Kung Tayo'y Magkakalayo". Kahit hindi nakapag-praktis, ay naawit ni Hontiveros ng mahusay ang awitin. Natural ang malamig at malambing na tinig ng senatoriable na nakuha niya marahil sa kanyang Ilonggo genes. Dati rin namang kumakanta si Risa Hontiveros sa teatro. Noong mga bata pa sila, nakasama ni Risa sa entablado sina Monique Wilson, Raymong Lauchengco at Lea Salonga nang gumanap sila bilang magkakapatid na Von Trapp sa play na "Sound of Music".

Pinuri ni Kris si Hontiveros sa entablado at sinabing, "maganda na ang boses, maganda pa, maganda talaga ang laban!" Aliw na aliw si Risa sa mga papuri ni Kris. "Pakiramdam ko tuloy, kasali ako sa Pilipinas Got Talent", sinabi ng nahihiyang si Hontiveros matapos kumanta. Inamin din ni Hontiveros na kahit madalas na silang nagkakasama ay nasa-struck pa rin siya sa tinaguruiang Queen of Talk ng Philippine TV. "Sobrang charming ni Kris, nama-magnet niya ang lahat." sabi ni Risa. Idinagdag pa ng tumatakbong senadora na may magic talaga ang tambalan ng mag-inang Kris at Baby James. Sinabi ni Risa na si Baby James ay parang little version ng mom niya, kahit kamukhang-kamukha pa nito ang basketbolistang ama na si James Yap. "People-person kasi si Baby James, kahit ang liit-liit nya pa lang" ayun kay Risa. Sinabi rin niya na kahit commercial na lang ang gagawin ni Baby James at mawawalan na ito ng mga teleserye at tv guestings, ay tututukan pa rin ng mga tao ang paglaki niya. "Obviously, namana ni Baby James ang charm ng mga Aquino. I'm sure hindi pa rin siya mawawala sa limelight", kwento ni Risa na cute na cute sa bunso ng mga Aquino habang naka-Michael Jackson costume ito con todo puting gloves na tadtad ng sequins. Sumayaw- sayaw din si Baby James para aliwin ang fans nilang mag-ina.

Pagkatapos mag-ikot sa buong probinsya ng Laguna, pahinga muna si Kris sa pangangampanya para mag-taping ng kanyang hit teleserye sa dos kasama sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Samantala, diretso si Risa Hontiveros sa Cagayan para sumama naman sa kampanya nina Noynoy at ng buong Liberal Party.

4 comments:

zyrone,  April 30, 2010 at 5:54 AM  

hello...visit niyo naman po!

http://showbiz-cheezemis.weebly.com/
http://showbiz-cheezemis.weebly.com/
http://showbiz-cheezemis.weebly.com/
http://showbiz-cheezemis.weebly.com/
http://showbiz-cheezemis.weebly.com/
http://showbiz-cheezemis.weebly.com/
http://showbiz-cheezemis.weebly.com/
http://showbiz-cheezemis.weebly.com/
http://showbiz-cheezemis.weebly.com/
http://showbiz-cheezemis.weebly.com/

Anonymous,  April 30, 2010 at 8:47 AM  

Risa will definitely get our family's votes.

Anonymous,  April 30, 2010 at 11:20 AM  

hello darla... san sa cagayan ang punta ng lp? cagayan de oro ba or cagayan valley? thanks po sa info...

❤ ❛ABS-CBN's PRETTIEST❜ ❤ April 30, 2010 at 8:39 PM  

Naku, na-late ako ng post nito eh. for sure tapos na. hehehe!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP