Sikat na Aktres, nagsuka after ng kissing scene with Hot Young Actor!

Tuesday, April 27, 2010

Namiss kong mag-blind item ha... Buti na lang, my correspondent Chiclet made chika to me this nakakalokang inside scoop! Ready na kayo? Game!

Eto na, sa shooting daw ng isang movie... kung saan may love scene ang isang sikat na aktres at isang hot young actor, tensed ang lahat bago kunan ang eksena syempre. Bago raw mag-roll, may nakarinig kay sikat na aktres na tinanong si hot young actor kung nagtoothbrush na ba raw ito. Dedma lang everyone, dahil baka nagjo-joke lang si sikat na aktres.

Okay, so nakunan na ang mainit na love scene. Right after sumigaw si direk ng cut, tumakbo paalis sa scene si sikat na aktres. Nawala itong bigla. Pati ang hot young actor na naka-love scene niya syempre worried kung nasaan na napunta si sikat na aktres. Until... natagpuan si sikat na aktres sa loob ng banyo. Nagsusuka. Bakit? Hindi dahil sa conservative siya at hindi sanay makipag-love scene... kundi, dahil sa sangsang ng hininga diumano ng hot young actor! Nakakaloka! As in nakaka-tumbling! So totoo talagang may mabahong breath ang lalakeng ito?! Kaya ba nasuka-nahilo rin daw si _______ dati! OMG! 

Thank you chiclet for this chika! 

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP