Ai Ai delas Alas at Pokwang, after ng mga intriga sa kanila... nagharap na! Ai Ai dineklara si Pokwang bilang "Prinsesa ng Komedya!"

Sunday, May 23, 2010



Mula nang magsimula si Pokwang sa showbiz, sinimulan na rin silang pagtapatin at pilit pagbanggain ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Kung tutuusin, 6 years na ngayon si Pokie sa industriya, at sa mga taong iyon, never pa silang nagsama ni Ai Ai sa kahit anong project, guesting o production number. Kaya naman mas lalong lumakas ang espekulasyon ng mga taong may issue ng competition sa pagitan nila.

Pero last Saturday night, sa isang special dinner na isinagawa ng common friend nilang si Kris Aquino, finally ay nag-krus na ang landas nila. Oh, hindi lang nag-krus, the dinner also served as their first bonding moment --- with Krisy. Bago pa sila ma-interview, nagka-iyakan na sina Ai Ai at Pokie dahil pareho silang na-overwhelm sa kanilang pagtatagpo.



Sa kwento ni Kris, una niya raw tinext si Ai Ai at ininform about the dinner, para finally ay matapos na ang pang-iintriga sa kanila ni Pokie. Ang naging sagot naman agad ni Ai Ai, ay game! Kaya naman, kaagad nang niyaya ni Kris si Pokie at ito naman ang naging kwento ng huli, when she got Krisy's message :
"Nung nabasa ko po, nag-bbm (blackberry messenger) kayo sa akin. 'Pokie, okay ka ba dinner with Ai?' (natulala) Mga ten seconds ito na, ito na 'to! Sobrang natuwa talaga ako non pero may kaba, ano kayang mangyayari? Pero eto na..."
Dagdag pa ni Pokie, isang dream come true ang makaharap niya si Ai Ai, na eversince ay siyang idol niya talaga. "It’s a dream come true po talaga na finally talagang yung totoong idolo ko talaga ito na (hug ni pokwang si aiai) thank you, thank you..." ang pag-amin niya.


"Oh… baka magkaiyakan na naman tayo," ang biro naman sa kanya ni Ai Ai. Sa tuwang nararamdaman that night, abot-abot ang pasasalamat ni Pokie kay Kris. "Ms. Kris maraming salamat po. Dapat kasi nong birthday niyo pa e," ang hirit ni Pokie.


Syempre pa, sinundan agad ni Kris ng tanong ang dalawa - kung ano yung sa tingin nila ay same traits nila that would make them love each other as a friend.
"Nakita ko sa kanya yung pagiging nanay ko, kasi yung anak niya dati nakita ko sa ABS sabi 'hi tita' 'o kanino kang anak?' 'Kay pokwang po' 'hi, hello'... and ngayon na nagkita na kami nakita ko kung gaano siya kabait and yung sincerity niya nakita ko kaya naiyak din ako sa kanya," ang sincere na pagtatapat ni Ai Ai.
Umagree naman si Pokie kay Ai Ai, dahil talaga naman daw pareho silang maka-ina, at maka-anak. Nang hiritan naman sila ni Kris na pareho rin silang medyo malas pagdating sa pag-ibig... eto ang banat ng mga comedy royalties :
"Hayaan mo na okay na yun na mas marami tayong pera kesa sa mga lalaki inuubos lang nila pera naitn hahahaha!" ang sabi ni Ai Ai.
"Andyan naman ang mga anak namin," segunda mano naman ni Pokie.
Sa ending ay nagbigayan pa ng madamdaming messages ang dalawa sa isa't isa, na ang bottomline ay parehong mas gumanda pa ang career at maging happy sa personal nilang mga buhay.

Sa pagkikita ring ito, nagkabiruan pa ang tatlo na kung Comedy Queen si Ai Ai, dapat may title na rin si Pokie. And eto ang nakakatuwa, si Ai Ai pa mismo ang naka-isip ng bagay na title kay Pokie. Simula ngayon, si Pokwang na ang kikilalanin ng showbiz bilang "Prinsesa ng Komedya"!

source : The Buzz, May 23, 2010
pokie and ai ai's crying photos courtesy : Nancy Yabut

2 comments:

Melanie May 24, 2010 at 8:00 AM  

Nakakatuwa naman... Iba talaga ang Kapamilya... Sana magsama sila sa isang movie na pang MMFF entry ng Star Cinema. For sure box office yun!

Jemjem Mendez Sipsip January 18, 2012 at 1:51 PM  

Tama nga.. iba talaga.. talangang tunay na kapamilya talaga ang kapamilya.. :D

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP