Angelica Panganiban : "Sana wag siyang malagay sa posisyon ko, dahil mahirap yung ginagawa niya sa akin"

Monday, May 3, 2010


Palaban talaga si Rubi! Nang mag-The Buzz Tougher Ten siya with Kris Aquino... aba naman, walang preno at prangkahan ang mga sagot niya! At ang ilan dito... nakaka-intriga talaga ha!

Una... Sino ang mas maganda at sexy sa kanila ni Gretchen Barretto, na isa sa mga leading lady ni Derek Ramsay sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na "Magkaribal"? Ang sagot ni Angelica?
"Ako... hehehe... ng bonggang-bongga!"
Nathreaten ba siya o nakaramdam ng kahit konting selos sa team-up nina Derek at La Greta?
"Wala naman, secure naman ako... sa ganda ko."
Nakakaloka naman, nang mismong si Derek ang magtanong sa kanya through a VTR, kung ready na rin siyang magpakasal in 3 years... ang sagot ni Gel? Kung with Derek, YES! And bakit?
"Ang dami na naming pinagdaanan, na pakiramdam ko binigay yun sa amin ni Lord para subukan kami kung kaya ba talaga namin. And, mahal niya ko! (Kris : Eh ikaw?) Mahal na mahal ko siya! Hahaha!"
Pero eto na ang pinaka-nakakaloka! May isang tanong sa kanya na ganito : Kung may isang tao kang tatarayan ngayon ala-Rubi, sino siya at bakit? Anong gusto mong sabihin sa kanya? Hindi pinangalanan ni Angel kung sino pero ito raw ang gusto niyang sabihin :

"Sana wag kang malagay sa posisyon ko ever. Kasi maldita ako! (then inulit niya for Kris) Sana wag siyang malagay sa posisyon ko dahil mahirap yung ginagawa niya sa akin."
(Kris : sa larangan ba 'to ng career or sa larangan ito ng pag-ibig, para lang mas klaro)
"Parehas! Hehehe!"
(Kris : you want to go into details?)
"Wag na! Baka mawalan ako ng work."

Okay. Ang biggest question... sino ang gustong tarayan ni Angelica Panganiban ngayon na may ginagawang hindi maganda sa kanya --- sa career at sa lovelife niya? Hmmm... Hindi ko kayang sabihin kung sino ang nasa isip ko, baka ako ang matarayan ni Rubi eh!

5 comments:

Anonymous,  May 3, 2010 at 3:13 PM  

EB babes dancer..***** hahahahaha

Anonymous,  May 4, 2010 at 8:35 AM  

gretchen barretto.. ^_^

Anonymous,  May 4, 2010 at 1:40 PM  

ex ni derek na super gorgeous! na may name pa rin sa body ni derek na naka tattoo na naka code =)

Anonymous,  May 5, 2010 at 4:19 AM  

hehehe ..its eb babes zaida ...direk making so close to her,making sundo and hanging out with her.

Anonymous,  May 11, 2010 at 10:32 PM  

its darla sauler

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP