Maja Salvador, naging emotional nang mapag-usapan ang amang si Ross Rival.

Monday, May 3, 2010


Sa ngayon, isa na si Maja sa hottest young female stars sa showbiz. With her sexier image... marami ang nag-iisip na mature na talaga siya sa lahat ng aspeto ng buhay. Pero as she guested on The Buzz KC Exclusives kanina, Maja revealed na deep inside her... nanatili ang isang batang minsang naghanap ng pagmamahal ng isang ama.

While promoting for her upcoming series, ang Precious Hearts Romances Presents : Impostor (ipapalabas na sa May 17), hindi napigilan ni Maja ang maiyak when KC asked her about her late father - Ross Rival Salvador. As in, ang tagal bago nakapag-salita ni Maj. She admitted na kinailangan niyang makita at kahit in a very short time, ay makasama ang ama dahil matagal niya nang gustong maranasan, ang magkaroon ng isang ama sa pamilya. Kasunod nito, nagpasalamat si Maja sa talent manager na si Chit Ramos, kay Boy Abunda, at sa The Buzz na siyang naging daan para makita niya ang ama, at eventually, ay mapasok niya ang mundo ng showbiz.

Pero sa tinatakbo ng buhay niya ngayon, I'm sure na super happy for her ang Papa Ross niya. Marami na sa dreams ni Maj ang natupad, at ang latest dito : ang bonggang-bonggang bahay na naipatayo niya for her family. 

Isang oras ata after ng The Buzz, magka-BBM kami ni Maj at hanggang sa mga oras na yun, medyo hindi pa siya nakaka-get over sa interview niya with KC. Kaya naman, heto... mega luto siya ng spaghetti! Opo, dahil marunong din talagang magluto ang ABS-CBN's Drama Sweetheart! Thanks Maj for the photo!


2 comments:

Anonymous,  May 3, 2010 at 6:51 PM  

Loveyou Maaaaaaaaaajj!! :)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP