Nikki Valdez, latest victim ng Bukas-Kotse Gang sa QC! Naku, mag-ingat na po lahat ha!

Monday, May 3, 2010




Grabe na talaga ang bukas-kotse gang sa QC! Sobrang ang dami nang nabibiktima! After ni Direk Paul Soriano (sa may Tomas Morato), at isang friend namin sa office (sa may tapat ng National Bookstore sa Quezon Avenue), eto naman si Nikki Valdez ang latest victim!


Last Friday, nang maisipang kumain nina Nikki (kasama ang kanyang daughter at mother) sa isang restaurant sa Tomas Morato, near E. Rodriguez... nasalisihan na agad ang kotse nila! Sa pag-uusap namin ni Nikki, maliwanag daw super ang pinag-parkan niya at sa harap pa mismo nung resto. Wala pa raw silang isang oras na kumain, paglabas nila ayun basag na ang window ng sasakyan niya! Nakuha ang mga gamit ng mom niya at ng anak niya. Nakakaloka! Pero sabi nga ni Nikki, at the end of it all, nagpapasalamat na rin sila sa Diyos at least materyal na bagay lang ang nawala, at hindi sila nasaktang mag-iina. Si Lord na raw ang bahala sa mga halang ang kaluluwang yun!


Ang mga ganitong pambabasag ay nangyayari ng super bilis, at hindi nag-aalarm ang kotse. Alam na malamang ng mga gumagawa nun kung paanong tamang babasagin ang salamin. Sabi ng mga pulis, iwasan daw mag-iwan ng bags at valuables sa loob ng car, kasi mas takaw pansin pa ito sa mga magnanakaw / mambabasag!  Sa ngayon mukhang wala pang lead ang QC police - sa pagkakaalam ko - kaya at large pa kung sino man ang gumagawa nito. Kaya ingat po lahat ha!

1 comments:

Anonymous,  May 14, 2010 at 10:25 PM  

Naku! Nung wed ako rin victim nga bukas kotse! Yung door lock ko yung sinira. Sindikato sila kasi sa cctv footage naka pajero pa sila. Grabe na talaga mga halang na kaluluwa.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP