Presidential Front Runner Senator Noynoy Aquino's GF, Valenzuela City Councilor Shalani Soledad, tells all to Kris Aquino!

Sunday, May 23, 2010



Sa pagtakbo ni Senator Noynoy bilang president ng bansa, naging curious ang marami tungkol sa espesyal na babae sa kanyang buhay - si Shalani Soledad, na councilor naman ng Valenzuela City. Sa simula, kaagad na inintriga ang councilor sa kapatid naman ni Senator Noy na si Kris Aquino. May mga lumabas na issueng hindi masyadong like ni Kris si Shalani for her brother, intrigang sa kanilang paghaharap kanina sa The Buzz ay finally natuldukan na.

Ipinanganak noong April 27, 1980 si Shalani Carla Soledad sa Catanduanes in the Bicol Region. Pero dito na sa Manila siya lumaki at nagkaisip. Hiwalay ang mga magulan ni Shalani simula pa noong bata siya. Lumaki siya sa nanay niyang 20 years namang nag-trabaho sa Middle East. Human Resources Management ang kinuha niyang kurso sa College of St. Benilde. Hindi niya completely natapos ang college niya, dahil may natira pa siyang P.E. classes nang pasukin niya na ang mundo ng pultika. She first worked sa office ni Senator Ping Lacson, sa legislative staff nito noong 2002-2003. Ayon kay Shalani, sa pagpasok niyang ito sa pulitika ay natagpuan niya ang sense of fulfillment na hinahanap niya sa buhay, natagpuan niya ang direksyon sa buhay na gusto niyang tahakin.


Exclusive sa The Buzz interview niyang ito with Kris, detalyadong kinuwento ni Shalani ang love story nila ni Senator Noynoy.

KRIS : Eto na yung gusto nilang marinig lahat… paano ba kayo nag meet?
SHALANI : Yung first was during 2005. I was then with UNTV television and I was covering the 2005 SONA.
KRIS : Ano ka?
SHALANI : Reporter
KRIS: Oh okay…
SHALANI : So we were trying to get the reactions of the congressmen, the senators... So we did an interview kay Noy... My question was, it was not something about SONA but it was something about you. Tapos sabi ni Noy ‘my sister is old enough to answer those questions' sabi niya.
KRIS : Pero kelan kayo nagkita ulit na?
SHALANI : 2008
KRIS : Alfredo's tama ba?
SHALANI : Alfredo's ata oo, kasama ko yung vice mayor ko, and at the same time nandun din sila Noy. And then afterwards nagpa-picture kami kay Noy. Sabi ni Noy “I’m the chair of the local government committee baka meron kayong mga local amendments na you would like to introduce let me know.”
KRIS : So binigay niya yung number niya sayo?
SHALANI : Hindi kinuha nila yung numbers namin. Across Alfredo's merong coffee house so nauna sila Noy dun then after a few minutes nag-ring yung phone nung vice mayor namin… ini-invite daw kami ni Noy na mag coffee.
KRIS : Ohh… [laughs] pero I’m sure hindi naman si vice mayor ang gusto niyang makakape. O tapos?
SHALANI : So nag-cross kami. When we got there nandun yung staff niya
KRIS : And you realized now, that Noy doesn’t even drink coffee!
SHALANI : Yes! [LAUGH SILA]
KRIS : Tumabi ka naman sa kaniya?
SHALANI : No we were seated across... And then kinu-kwento niya na 20 years ago, merong coup and three of his PSG’s were gunned down so sabi niya it’s a miracle na nabuhay daw siya. So sabi ko sa kaniya, ‘baka senator hindi mo pa talaga time,’ sabi niya, ‘oo nga dahil 20 years after makikilala pala kita’...
KRIS : Kadiri Noy ha! [laughs] Hindi ko kaya. My god I thought I was the baduy one in the family, kinabog ako ni Noy sa linyang yun... Okay tapos, do you remember what day this was yung exact date?
SHALANI : Yes, july 28 (2008)
KRIS : Ano yung first date niyo? Alam ko nanood kayo ng movie di ba ni KC at ni Richard Gutierrez, "For the first Time," kasi we we’re all tripping on Noy na 'ano ba Noy,' kasi movie ko na nga lang sapilitan pang manood yun. So sinamahan ka pa niyang manood.
SHALANI : Oo pero first and last na raw yun sabi niya. [laughs]
KRIS : And SM Valenzuela ba kayo nagdate for that?
SHALANI : yes.

KRIS : May anniversary ba kayo?
SHALANI : Yes... September 5...
KRIS : What made you decide na eto na, this is it?
SHALANI : Kinikilig ako [giggles] kasi with Noy, siguro from my previous relationships, you would want, parang nare-realize mo na kung ano yung gusto mo. You would want someone na honest sayo, yung totoo, yung hindi ka binobola lang

According to Shalani, she asked Noy to give her time and space, para makapag-hiwalay na sila ng maayos ng boyfriend niya that time. Gusto niya raw kasi na malinis at klarong naghiwalay sila nung guy dahil talagang maghihiwalay na sila. In fairness naman kay Noy, pinagbigyan daw nito ang kahilingan ni Shalani.

KRIS : How long did it take you to fix it?
SHALANI : Well at least 2 weeks. Because we were really on the brink of a break up. I just wanted it na maging formal.
KRIS : Ilang years mo siyang naging boyfriend, itong naka-break mo?
SHALANI : One year… almost 2...

KRIS : So one year, 8 months na kayo ngayon. Matagal na yun ah, for Noy [laughs]. Anong nafeel mo nung una mo kaming nakilala?
SHALANI : In fairness kay Noy afterwards sabi niya sakin ‘how was it’ ang tinatanong niya more on sa mommy niya, sa mommy niyo. So sabi ko Noy actually na-starstruck ako hindi sa mommy niyo, kundi kay Kris. So tawa lang siya ng tawa.
KRIS : Kelan bago mo siya pinakilala sa mommy mo?
SHALANI : Si Noy kasi nanliligaw, pumupunta siya sa bahay.
KRIS : Hindi ba naalangan ang mommy mo na halos kaedad niya si Noy? How old is your mom now?
SHALANI : 60
KRIS : So ten years older lang siya than Noy... So wala ba siyang mga payo or alinlangan nung umpisa?
SHALANI : Ang apprehension ng mommy ko was sinasabi niya sakin to na ‘anak senator yang nakakasama niyo,' kasi baka we seem to forget that kasi nakakasama namin si Noy sa Timezone, almost every night kasama namin dinner out... And sabi ng mom ko, ‘anak hindi tayo mayaman, baka hanapan ka or sinuhin ka,’ sabi ng mommy ko baka api-apihin daw ako.
KRIS : Ko? [laughs] hindi… [laughs] me?!
SHALANI : Hindi kasi sabi ng mommy ko, Noy bilang Aquino very prominent nung family.

KRIS : I hate to bring this up because it means I know too much, but nung time na medyo my mom was nearly dying na. I think you went through a rocky point in your relationship. Tama ba ko? Nahihirapan ka bang ilagay ang sarili mo kung saan ka dapat lalagay?
SHALANI : In a way siyempre alam kong masakit kay Noy, and at the same time I wanted to be there for him pero ang hirap.
KRIS : At least finally na-tackle, alam na ng buong mundo na kaya ako nagalit sayo kasi dinedma mo si Noy…
SHALANI : Hindi!
KRIS : Hindi kasi si Noy nagku-kwento siya kay Ate. Eh ako tulug-tulugan so narinig ko. So ang feeling ko the way I heard the story parang 8 hours siyang nagtext o nagmiss call pero ang tagal bago ka nakareply.
SHALANI : No! Wait lang Noy hindi ah... Walang 8 hours, matagal na siguro yung 1 hour and a half pero walang 8 hours.
KRIS : Do you also realize na he’s also the type na minsan ite-text mo and then 14 hours, and then 24 hours later yung sagot?
SHALANI: Si Noy?
KRIS : Oo sa akin. Sayo hindi naman? Nagrereply kaagad?
SHALANI : Oo nagrereply kaagad
KRIS : So iba ang girlfriend iba ang sister!

KRIS : Dun na tayo sa ngayong nag-iba na, kasi nung tumakbo for the presidency thats why sinabi ko yun sa the buzz na appreciative kami na marami kang napuntahan na mismong kami hindi na namin napuntahan at nagawa para sa kaniya. Kung tatanungin kita, why? Why did you do it?
SHALANI : I believe in him number 1, and second I wanted to be of help also to Noy.

KRIS : Pero thoughtful naman ba siya as far as being a boyfriend is concerned?
SHALANI : Thoughtful si Noy in the sense na pag birthday mo, special occasions kung ano yung magiging need mo he anticipates.
KRIS : Pero sa family mo, may extra effort naman siya? Kasi ikaw in fairness both Christmases lahat ng pamangkin meron kang gift.
SHALANI : In general, parang for the whole family.
KRIS : Ganun din naman samin so patas na lang tayo na in general

KRIS : Anong stage na kayo sa relationship niyo?
SHALANI : It’s a deep commitment pero at this point kasi napakalaki ng task na haharapin ni Noy. So ang focus talaga should be on the task ahead of him kaya ang hirap/
KRIS : Tanungin kita ah… 30 ka ngayon, are you ready to wait six years?
SHALANI : I hope...
KRIS : Kasi ilang time na inulit na ni Noy na within his term parang hindi niya nakikita na he’ll be settling down? Nahurt ka ba nung narinig mo yun? Yung totoo lang.
SHALANI : In a way... Kasi ako I'm looking forward in a relationship, long term. Since mahal mo, you would support what he wants and what he needs.
KRIS : Hindi mo ba naisip na baka sa kakahintay mo, hindi kayo magka baby? Magka-family na sa inyo.
SHALANI : Ako kris, I just pray because when you are in a relationship you just hope na it would be better and syempre long term so lets see kasi hanggat mahal mo yung tao maghihintay ka.
KRIS : Totoo bang nag-cool off si Shalani at si President Noy?
SHALANI : No
KRIS : Kapag nagtatampuhan may mga moments bang walang pansinan?
SHALANI : Meron
KRIS : Ilang days yun?
SHALANI :pinakamabigat 3, 4 days
KRIS : tapos sino nagmemake ng move, siya o ikaw?
SHALANI : Take turns
KRIS The last tampuhan who made the first move?
SHALANI : Ako, kasi kasalanan ko
KRIS : Mabilis mo naman siyang makuha yung lambing? Hindi naman pakipot?
SHALANI Si Noy kasi may mood siya na very sweet may mood din siya na medyo mataray. Like one time this was during the campaign. I called him up and he said ‘why?’ sabi ko lang ganun… ‘namimiss lang kita’ sabi ni Noy, ‘you called me just to tell me that. Im in a middle of a conversation here’ yun ganyan sya [laugh sila] lagot ako!
KRIS : Tapos hurt hurtan ka dun?
SHALANI : Oo.
KRIS : May love song ba kayo?
SHALANI : Yeah "for the first time."

KRIS: Ano yung pwede mong sabihin kay Noy na pwedeng ma-share sa buong Philippines
SHALANI : Congratulations of course and whatever happen siguro dahil it’s a very hard time siguro dahil andaming magiging adjustments both sa relationship natin or relationship mo and your family and other people.. na andito lang ako. I hope he really appreciates how much people loves him. But siyempre kay Noy… super love kita…
KRIS : Mushy ba kayo? Nag i-ilove you ka ba on a daily basis?
SHALANI : Not everyday
KRIS : Sa text?
SHALANI : Yes
KRIS : Ano yung text? Love yah? Oh diba [laughs]
SHALANI : Complete na I love you - with smiley face. Flowers for you. Thank you… thank you so much!

source : The Buzz, May 23, 2010 episode

11 comments:

Melanie May 24, 2010 at 8:06 AM  

Nakakaaliw yung interview ni Kris kay Shalani sa The Buzz... Halatang di sanay si Shalani sa interview na pang showbiz. Kakatuwa si Kris sa pick up line ni Noy! ;D

Anonymous,  May 24, 2010 at 1:03 PM  

Sayang d ko cya napanood?
Saan b cya pwedeng panoorin?

Arlene Figueroa,  May 24, 2010 at 1:06 PM  

ang ganda ni shalani!
saan bang site cya pwede panoorin?
thanx!

Arlene Figueroa,  May 24, 2010 at 1:11 PM  

Ang ganda ni Shalani!
Sana pakasalan na cya ni Noy
Saan bang site cya pwedeng panoorin?
Thank u....

Anonymous,  May 24, 2010 at 5:52 PM  

haha! nakakatawa ung interview nila! ang sweet pla ni pres. noy!

Anonymous,  May 24, 2010 at 7:09 PM  

naku maka KCHARD din pala si Shalani..
Pres. Noy, isali mo ang KCHARD movie sa mga projects mo. hahaha

Anonymous,  May 24, 2010 at 8:19 PM  

here's the link to the interview (credit to the owner, nengds213:
part1:
http://www.youtube.com/watch?v=zaexOBPh0fk

part2:
http://www.youtube.com/watch?v=NKlFjZOnyhc

I so love Shalani.. beauty and brains :)

Anonymous,  May 25, 2010 at 12:19 AM  

I think di sila magkalevel ni Noy ng intelligence so it will be a cold relationship. She is holding on because of his status. Sabihan ka ba naman ng "youre calling me to say that? im the middle of a conversation..." just because she called to say she misses him....RED FLAG!!! I say magartista ka na lang! Leave Noy to the likes of someone like Corina Sanchez.

Anonymous,  May 25, 2010 at 3:44 AM  

bobita naman nitong si Shalani kung patulan niya si Noynoy. she's beautiful, intelligent, well mannered, with a pelasing personality... she's perfect! e si noynoy, super chaka, gurang na, bobito pa... so what kung presidente sha? wala na yan in 6 years. sasayangin mo lang ang beauty mo dyan kay Noynoy. Find a man who truly deserves you, huwag ka magpagamit dyan sa mga Aquino.

Anonymous,  May 25, 2010 at 3:48 AM  

KADIRI TALAGA TONG SI NOYNOY TYPICAL DIRTY OLD MAN ANG DATING! EEEWWWW!!!! MAS YUCKY PA TONG RELATIONSHIP NA TOH KINA VICKY AT HAYDEN!

Anonymous,  July 19, 2010 at 3:35 PM  

Shalani is so pretty. Medyo hawig sya ni Christine Reyes and Pauleen Luna.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP