Sam Milby, may anak nga ba sa kapatid ng housemate niya dati sa PBB na si Uma Khouny?

Friday, May 7, 2010



Kung naaalala niyo, before ay lumabas na ang issueng ito tungkol sa diumano'y pagkakaroon ng anak ni Sam, sa sister ni Uma. This week ay nabuhay ulit ang issue, after mag-guest ni Uma sa isang show, kung saan diumano ay ininsinuate nitong totoo ang balita. Syempre, hindi umiwas si Sam sa intriga at agad niya itong sinagot!
"Matagal na issue na ito, and I’ve already answered about this and ah, from, all I know wala akong anak kahit sino. I don't have a son or daughter with anybody. Actually ano, parang naawa ako sa kapatid ni Uma, hindi naman siya showbiz and she lives a private life. And I don’t think you know, she should be brought into this. Ako sanay naman ako sa ganitong issue syempre kasi ano showbiz ako, let’s respect their privacy," ang pahayag ni Sam sa isang interview.
Never din daw na nagkaroon sila ng romantic involvement ng sister na ito ni Uma, pero magkaibigan daw sila at mabait na tao ito kaya wag nang intrigahin pa.

Hindi naman daw narinig ni Sam ang pagsasalita ni Uma sa guesting niya sa isang show kaya ayaw niyang magbigay ng sagot dito. Sabi lang niya :
"Hindi ko alam kung anong exactly sinabi niya, I don’t ano, kaya wala akong comment kung anong sinabi niya kasi hindi ko napanood. The more I talk about this, mas lalo ano, kawawa naman yung kapatid ni Uma, it’s gonna be talked about more. So yun lang ang comment ko."
Samantala, according to my reliable source, sabi diumano ni Uma ay wala siyang kinumpirmang kahit anong balita. Kaagad diumano siyang pinutol sa pagsasalita sa nasabing guesting niya, kaya hindi niya na naipaliwanag o nalinaw ang naging pahayag niya tungkol sa pagkakaroon daw ng anak ni Sam sa kanyang kapatid.

Sam's interview source : SNN, May 7, 2010

3 comments:

Anonymous,  May 8, 2010 at 5:13 AM  

Can you please let habang buhay's director & to abs also na sinisira nila ang istorya ng serye ni juday...juday is definitely good pero binaboy ni wenn deramas ang kuwento..ang ganda ganda ng simula tapos ngayon parang hindi naman kapnipaniwala ang mga nagaganap...ang here are some scenes that i think is impossible:

1. juday got a visa within so many days lang..ang dali na palang kumuha ng vsa ngayon...and take note nakakuha agad siya ng trabaho...bakit puwede ka bang magtrabaho kaagad pag wala kang working permit...?

2. ang nanay ni jane gustong sumama kay david na maghanap sa us...hello ulit paano naman siya makakasama eh wala naman siyang visa at kung mag apply siya hindi naman yun basta basta at kailangan mo ring iprove na kaya mong magtravel like you have to show assets etc..

3. si manuel nahawakan na si clarissa nung gusto niyang patayin ang nanay ni jane...napakalakas pala ni clarissa at kinaya niyang maipush si manuel...ang liit liit ni glady reyes at di pa siya trained for self defense (according sa story) paano naman niya matatalo si manuel na lalaki...

4. the same scene na kung saan pinalo niya si manuel...hello po ulit kapag pinalo ka ng isang tao lalo na at isang napakaliit na babae ang mangyayari lang eh baka matumba ka pero not to the extent na mapapalipad ka at maihahagis ka hanggang sa baba eh yung railing napakataas para ka tumapon..

5. napaka oa na ng kuwento kasi i don't know na may taong kagaya ni clarissa especially yung kuwento wala naman talagang malalim na pinanggagalingan ang galit ni clarissa kay jane...it was just a love for david na hindi masuklian tapos you will kill people just because of that parang napakaimposible lang at hindi totoo..

sana lang you would able to send this message to abs or to the cast & crew especially to the director of habang may buhay..i love juday na nakakainis manood pag nakikita mong nabababoy at nagging oa at di kapanipaniwala ang istorya ng pinapanood mo...yun lang po thanks for the space.

Anonymous,  May 8, 2010 at 11:54 PM  

bat di mo man lang ma-mention ang juicy ng tv5 kung saan nag-guest si uma? bat isang show?

Anonymous,  May 10, 2010 at 10:39 PM  

IMPOSTOR I GUESS

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP