Kris Aquino at James Yap, HIWALAY NA! The Buzz, tuluyan na ring iniwan ng Queen of All Media!

Sunday, June 27, 2010



Hay, may nag-tweet sa akin kanina, sabi niya today's The Buzz episode is the saddest episode ever. Tama! Grabe, kulang na lang humagulgol ako kanina sa pamamaalam ni Krisy. Pero teka, sige issues first para sa mga hindi pa nakapanood.



After pag-usapan buong linggo ang marital problems na pinagdadaanan nina Kris and James, kanina finally ay binigyang linaw na ni Kris ang lahat. Pero before anything else, she made it clear na ang desisyon niya ay hindi overnight decision lang. Matagal niyang pinag-isipan at dinama ang sarili. Pero as she said nga, sumusuko na siya sa relasyon nila ni James. Their marriage, according to her, is over. And as of press time, ay inaayos na raw ang legal matters patungkol sa kanilang kasal. As a changed woman, pinili ni Kris na wag nang i-detalye ang dahilan ng pagkalas niya kay James. Dahil for her, tanging ang anak nilang si Baby James lang ang may karapatan na mag-demand ng explanation from her, or from James. Sad, pero kung sa ikabubuti nilang dalawa ang desisyong maghiwalay na, ipagdasal na lang natin sina Kris at James, and of course Baby James.


Pagdating naman sa farewell niya sa The Buzz, syempre through a VTR ay binalikan ang unang paglabas ni Kris sa programa - bilang isang guest pa lamang sa pilot episode ng The Buzz. Hanggang sa naging host na nga siya, at pinatunayan na siya ang reyna hindi lang ng daytime talk, kundi of all media. Hehehe! I got so emotional kanina, well lahat naman sa studio umiiyak. Umiyak ako not because close kami or host ko siya, pero mas napaiyak ako bilang viewer, bilang isang fan. Damang-dama ko kanina ang laki ng sacrifice na ginawa ni Kris para sa kanyang pamilya, especially for President Noynoy Aquino. Tama naman siya, hosting is what she does best and iiwan niya ito. Sobrang naantig din ang puso ko nang magpaalam siya kay Tito Boy... Hay. Pero sa kalagitnaan ng pag-iyak, nagawa pang magpatawa ni kris when she said na malay natin, after 6 years (term ng brother niya sa presidency), ay through science maganda pa rin siya, baka makabalik pa siya. Hehehe! Hay. We will miss you Krisy. We hope na magbunga ang lahat ng ito ng maganda. Hanggang sa muli our Queen.

The Buzz photos courtesy : EJ Salut

21 comments:

Anonymous,  June 27, 2010 at 11:02 PM  

You will be missed, Ms. Kris Aquino! I wish you all the luck in your new life as a less intriguing / less visible celebrity. Good luck to your new role as a Presidential sister!

Anonymous,  June 27, 2010 at 11:04 PM  

oo matagal ngang pinag isipan yan para makagawa ng mas malaking ingay! so typical of Kris! sino bang nagbansag dyan ng queen of all media? self proclaimed, i bet! hindi sya queen of all media, reyna sya ng lahat ng mga kulang sa pansin!

good riddance at wala na sya sa Buzz! sana nga manahimik na sya forever! pero knowing Kris, never mangyayari yan!

Anonymous,  June 27, 2010 at 11:16 PM  

sobrang sad nga kanina ang buzz episode and mas na-sad ako sa sinabi ni kris about their marriage ni james. am such a big fan of kris and james yap too. been following his basketball career since he started sa purefoods. sana magbago pa ng decision si kris esp now that wala na cya macyadong dapat na isipin pa na work at focused na lang cya sa family nya. will be praying for kris and james.

Anonymous,  June 27, 2010 at 11:23 PM  

To: Anonymous, June 27, 2010 11:04 PM
Are you an expert on everything Kris? Obviously, you care about what happens to her. If not, you won't bother reading this story or posting a comment. I see that your parents didn't teach you well. Golden rule: If you have nothing good to say, then don't say anything at all.

To Ms. Kris Aquino: I wish you all the best of luck, Ma'm. Please remember that there are tons of people rooting for your and praying for your success in your endeavours to help President Noynoy and the rest of the country (it just so happens that your critics are much louder and more vocal).

Anonymous,  June 28, 2010 at 12:20 AM  

i will miss ms kris aquino i know shes been misunderstood by others the way she comment pero i know it makes a lot of sense and talagang when she praise people u know its for real coz shes real to those who are real too like her no one can ever replace like her shes one of a kind i hope she will comeback in an unexpected time we love ms kris mwaaah we will pray for you and your family were here to give u strength and support thanks ms darla for giving the space we loves u too
from me janice:)

Anonymous,  June 28, 2010 at 6:42 AM  

cried buckets sa the buzz kanina....really sad...really hard to say goodbye,sad also for kris and james,so heartbreaking...you can feel the heavy heart of kris...
no one can do better than KRIS AQUINO in hosting!
Goodluck kris!

Anonymous,  June 28, 2010 at 8:02 AM  

Yeheeeyyy, no more Kris on the Buzz! Who cares about her lovelife! If ayaw nya pag-usapan, she should have kept her big mouth shut! Obviously, sya lang naman gumawa ng paraan para pag-usapan! Duh! So long, farewell! We are glad to see you go!

Anonymous,  June 28, 2010 at 9:23 AM  

Iba si Kris, walang sinabi ang ibang mga hosts. She's very articulate, very interesting and entertaining. She will make you listen, kahit anong ginagawa mo kapag siya na ang nagsalita siguradong titigil ka at makikinig. Kahit walang kwenta ang istorya kapag siya ang nag kwento nagiging interesting. May bago palagi sa mga sinasabi niya. Hindi kagaya ng iba, paulit ulit mga sinasabi, parang routine. Ang most of all matapang. Wala kang katulad Kris! We will miss you.

Anonymous,  June 28, 2010 at 10:32 AM  

TO ANONYMOUS JUNE 28, 2010 08:02 AM

Kung matuwa ka naman para kang tumama sa lotto, wala naman nagsabi sau na suportahan mo si Kris Aquino so kung ayaw mo sa kanya eh di wag mo siya panoorin...Sau ilan lang bang kayo masaya sa pag alis niya dahil triple kami nalulungkot sa pag alis niya. Siya may puso marunong magsakripisyo, mapagbigay at walang sawa tumutulong, ikaw ano na ba ang nagawa mo sa buhay mo na pde mong ipagmalaki sa diyos kapag binawi niya na ang buhay mo na pinahiram niya sau? Worth ka ba sa buhay na pinagkaloob sayo, wag mo sayangin ang buhay na pinahiram sau, kung wla ka rin lang magandang sasabihin sa kapwa mo eh di manahimik ka na lang....Tingnan mo ang sarili mo sa salamin, ano ba ang nagawa mong kabutihan sa mundo?

Anonymous,  June 28, 2010 at 10:38 AM  

Hay nalungkot kami lahat sa house lahat umiiyak, peo okei lang yan alam ko may magandang pupuntahan ang sakripisyong ginawa mo

Anonymous,  June 28, 2010 at 10:42 AM  

Hihintayin namin ang iyong pagbabalik, anuman ang maging show mo umasa kang susuportahan namin lalo ng ang ate ko..Kumpleto sa collection album mo at mga magasin..Happy rin siya kasi nakatsikahan ka na rin niya...Ang may mabuting puso kailanman ay di kayang idown

Anonymous,  June 28, 2010 at 11:34 AM  

Hindi talaga ibibigay ng Dios ang lahat. Mayaman si Kris, kapatid siya ng ating bagong halal na Pangulo Noynoy, mahusay ang pinanggalingan na pamilya, may pinag-aralan, etc... pero malas sa pag-ibig. Siguro nga mas mainam na matahimik na lang ang buhay niya sa intriga. Kadalasan kasi na papahamak niya ang sarili niya sa kanyang pagiging prangka.

Anonymous,  June 28, 2010 at 4:35 PM  

To Anonymous, June 28, 2010 10:32 AM
Opinyon ko yun, opinyon mo yan.. walang pakialamanan dahil you cannot change my mind and i don't expect to change yours. Wag ka nang mandamay ng Diyos o buhay at kamatayan. You are sad that she's leaving. I am not. Let it be that way. Period.

Anonymous,  June 28, 2010 at 6:16 PM  

nakakainis naman bat sila naghiwalay!.fan ako ni kris and james pero mas fan ako ni JAMES!!!.nakakalungot talaga...kawawa naman si Baby James!.sana maayos!sana maayos!please ayusin niyo!GOD BLESS Kris nd JAMES!

Anonymous,  June 29, 2010 at 6:37 AM  

hay jris...di ka na nagsawa sa lalaki....imagine mo dalawa anak mo sa ibat-ibang lalaki....di ka na nahiya...in a marriage sapat magsakripisyo...di kana naaw sa ank mo...sinakripisyo mo nga carreer mo kahihiyan ng anak mo di mo na naisip...anu ba talaga nagawa ni james sa iyo? ksi kung cya tatanungin parang wla naman cyang alam sa nanagyayari.palibhasa ikw dumidikta s buhay nya...well, mabuti naman yan james, pwede ka nang mag-asawa ulit, at least ka edad mo na... simple lang naman su james kaya maraming gusto cyang aasawahin. at me trabaho naman ang tao...gusto kasi ni kris ang gurang siguro, or ina-ambisyon nya na bk prinsipe or billionaryo ang magkagusto sa kanya dahil sister na cya ng presidente... Naiinis ako sa iyo KRIS.... fan mo pa naman sana ako...di bale ke james nalang ako...sana mabugok ka ulit para matauhan ka kris na maarte...

Anonymous,  June 29, 2010 at 9:48 AM  

it was probably a relationship doomed from the
start..coming from different socio-economic
backgrounds, some substantial age difference
(though this is a common thing nowadays!),
extreme personalities/traits..they say that for
a relationship to succeed, the man must love
the woman more, if such a thing existed...i vaguely remember reading that it was the woman
who was doing all the courting/chasing, and in
fact, the man was in a relationship at that time...and so the young (probinsyano) man was probably flattered to death...and by the
time you knew it, they were already getting
married in boy abunda's house...so, is anyone
surprised now what a rocky marriage it has been,
and that it's now finally gone kaput!!

Anonymous,  June 29, 2010 at 10:21 AM  

Showbiz talk shows will never be the same again without the one and only Krissy. Hindi man aminin ng mga detractors mo, isa kang malaking kawalan sa industriya. At pinahanga mo kami sa ginawa mong sakripisyo for the love of your family, and for the love of this country. We will surely miss you.

Anonymous,  July 1, 2010 at 5:29 PM  

Nakakaawa tong mga fans ni Kris Aquino. How can you people keep on defending someone so horrible? and yes, I know her personally, kaya manahimik na ang mga hihirit pa dyan n a wala akong karapatan to say these things because I don't know her.

Same people who see Cory as a Saint. Same people na nagpauto kay Noynoy. No wonder the Philippines is going nowhere. Mapamahirap o mapamayaman, Napakarami kasing mga Pilipino na utu uto.

Anonymous,  July 2, 2010 at 1:44 AM  

ngee...matapang b kamo ang sabihin mo mayabang kya wala pakundangan kung mkapanlait sa mga guest face to face kc nga may pngmamalaki.minsan pasimple lng siya mamintas madalas bulgar ewan ko na lng sa iba na hindi nkakapansin sa ugali nitong c kris.he way she look pa lng sa tao prang feeling niya ang taas taas nya.at hindi siya sincere sa pgpraise kc khit anong gawin niya lumalabas ang pgkaplastic niya.pinpraise niya ang gusto niya yung mga manok niya at lalong ginagawa niya yun dhil utos ng management...duh, mgisip naman ang iba dyan ng malalim as a viewer.ok siya sa taong gusto niya pero sa hindi goodbye sa knila.at kung d niya kaya mpatalsik kaagad maraming paraan...in short corrupt din siya mg-isip tampa malinis lang paepek ba, babye na lang.

Anonymous,  July 2, 2010 at 2:39 AM  

ibang klase tlaga itong si kris ang galing mgsalita about sacrifice pero para sa kanyang anak di niya kaya.ok sana ang sakripisyo ginawa niya para sa kampanya sana tinuloy-tuloy na niya.binuhos niya ang pera 't oras niya sa campaign kumayod siya ng husto ang dami nyang shows, ewan ko pgmay quality time pa siya sa asawa't anak niya.sana inisip niya ang anak niya bago sarili niya nanalo na kapatid niya sana ang focus niya ay pamilya niya na secondary na yung pagiging first lady.eh, ano kung presidential sister siya dpat ba isakripisyo niya pamilya nila ni james para mdami siyang time mamigay ng mga school supplies? kung gugustohin niya pwede pa nila maayos ang problema.pero hindi ang lupit niya d man lang niya pinatapos ang inaguration, parang pinmumukha talaga niya kay james kung ano ang nawala dito hindi lang sila ni baby james kundi ang fame,fortune and power...ksp tlaga, sobra niyang pinahiya ang asawa niya sa boung pilipinas at sa buong mundo.grabeee...kung ako si james d ko na siya babalikan. mgasawa ka na lang ng matinong babae yung khit anong laki ng problema hindi bigla lumalayas ng bahay para naman di mlaman ng lahat na ngaway kayo.yung kaedad mo yung ka level mo sa buhay para hindi ka maliitin.yung hindi insecure at lastly not paranoid...tsktsk grabe, kawawang james yap sobrang pinahiya ni kris aquino. khit sino at khit kailan pg hindi ngabgo si kris walang tatagal sa kanya.pero pagngchange na siya hindi na siya si kris....bwahahaha, ay ewan ko sayo.

Anonymous,  July 2, 2010 at 11:13 AM  

Aaay sus...mapagpaniwala kayo dyan sa kris na yan.
Hindi nyo ba alam kapag umiral ang pagka-KSP nyan
sasabog yan parang bomba.Sobrang bait ni James sa totoo lang panay ang pag-bibigay kay kris...pero itong kris walang awa...pati pagkatao ni james gusto nyang baguhin...pintasira..inggetera pa sa
kapwa. haaayy naku gising James...ikaw ang lalaki!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP