James Yap releases statement regarding their hiwalayan ni Kris Aquino. Kris chooses to keep silent!

Friday, July 2, 2010

Thursday : Isang mahabang statement ang lumabas mula sa kampo ni James Yap, patungkol sa side ng basketball player sa hiwalayan nila ng asawang si Kris Aquino. Narito po yung full statement :


“Kilala niyo po naman ako. Tahimik at simple lang akong tao. Tingin ko din itong lahat na issues na naglalabasan siguro dapat kami na lang mag-asawa ang mag-aayos in private. Ever since naman, never niyo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris. Kaya konti lang ang gusto kong sabihin.

Naniniwala ako sa kahalagahan ng pagkakaroon ng buo ang pamilya. Kaya ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don’t think na ngayon pa kami susuko. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil syempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama. Umaasa pa rin ako na darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat.

Marami nang lumabas na mga balita at mas pinili ko na manahimik muna bilang paggalang sa ating bagong Presidente Noynoy Aquino. May nagtatanong din tungkol sa hindi ko pagsipot sa inauguration ni President Noynoy Aquino. Nagkausap kami at nag-text ako kay President Noynoy at naiintindihan niya ako. Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong presidente ng ating bansa.

At isa pa, nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na-aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay.

Alam kong mahirap para sa anak ko ang nangyayaring ito sa amin ng Mama niya pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang situwasyon. May tamang oras at panahon ang lahat. 

Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin.

Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na tunay na anak na ang turing ko.

Inuulit ko, it’s final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos , alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito!” --- James Yap





After lumabas ito (at i-confirm na totoo ng manager niyang si Dondon Monteverde), isang text message naman ang ipinadala ni Krisy sa ABS-CBN (na lumabas sa TV Patrol and abs-cbnnews.com) saying na gusto niyang manahimik na lang tungkol dito.

“I fully intend to keep a dignified silence. My immediate family, meaning my siblings, respect and understand my decision. That is what matters to me.” --- Kris Aquino.

10 comments:

Anonymous,  July 2, 2010 at 8:29 AM  

pangit sya

Anonymous,  July 2, 2010 at 8:44 AM  

Panindigan na lang ni James Yap ang sinabi niya sa last interview niya na ipapaubaya na lang niya kay Kris ang lahat, so irespeto na lang niya si Kris na its over at inaayos niya na ang legalidad para sa kanila paghihiwalay... Bakit ngayon eh bigla nagbago ang ihip ng hangin at bigla gusto niyang ipaglaban si Kris, dahil ba naiisip niya maraming o malaki ang mawawala sa kanya? Kung totoo na gusto niya maayos ang lahat sana kinausap na lang niya si Kris o kaya ang magkakapatid ng personal sa tunay niyang hangarin para makita ang tunay na sinseridad sa sinasabi niya ipaglalaban niya mabuo ang pamilya niya...Saludo ako sau Kris sa pagtahimik mo sa ginawang hakbang ni James kung san ka masaya susuportahan ka pa rin namin anuman ang mangyari. God bless you Kris Aquino

Anonymous,  July 2, 2010 at 10:07 AM  

once a babero, always a babaero. asa ka pa!

Anonymous,  July 2, 2010 at 1:28 PM  

Something is fishy talaga sa statement ni James, bakit nagbiglang liko siya ngayon??? If I were Kris paninindigan ko yung sinabi ko at maghanap siya ng lalaking mature mag-isip at yung tunay na aalagaan siya!

Anonymous,  July 2, 2010 at 7:42 PM  

basta ano man ang final decision nilang dalawa, mahalaga pinag-isipan na nilang mabuti. yung walang galit na nararamdaman. dahil kung concerned silang dalawa sa mga anak nila, may epekto sa mga bata ang kahit na anong nangyayari sa pamilya nila, good or bad man ito. don't make it a circus. james, listen to what you want, don't force yourself to keep your family just because... baka this time kris is right, na dapat na ninyong tapusin ang marriage ninyo, you are still young ang makakahanap ka pa ng tamang tao for you. wag mo nang ipilit ang hindi na puede at ayaw na sa iyo.... mahihirapan na kayong maging isang pamilya dahil sa sobrang busy ng mga sarili nyong buhay. hindi nyo na magagampanan ang mga obligasyon nyo sa isa't isa dahil abala kayo sa mga sarili nyong career. ngayon pa ba uubra? mas magiging abala na ngayon si kris...

Anonymous,  July 2, 2010 at 8:30 PM  

sana lang maging ok sila kahit bilang kaibigan man lang para din sa anak nila na si baby james...
sa tinggin ko si kris talaga ang immature pagdating sa isang relationship...

Anonymous,  July 3, 2010 at 12:24 AM  

hay loka loka naman talaga yang kris na yan, trip niya matalino siya pero hindi boba siya. mkasarili tlga at ksp. mgsakripisyo kunu para sa bayan tutulong pgmay camera pero hindi man lang kaya maging mabuting asawa't ina.paano hindi makatingin si james sa iba pgpalagi wala si kris sa bahay tapos maguni-guni pa.masyadong dominante gusto niya siya lang intindihin pero paano panganagilangan ng asawa niya?wala syang quality time pra sa pamilya nya pero madami siyang time mgtaping ng snn,pgt,buzz,kung tm,at kung ano pngcommercials, mangangampanya pa siya.anong oras siya umuuwi ng bahay?tapos siya p mgiisip ng anu-ano...khit ppaano nkatulong si james sa pamilya niya dhil naappreciate ng tao na ang isang aquino ay nkpangasawa ng isang ordinary citizen.ngayon tapos na ang palabas iiwan na niya si james, bka nman siya ang nkahanap ng ipapalit sa asawa niya dhil lumaki msyado ang ulo niya na sikat siya( sa kahihiyan).may kaya naman si james bago sila ikasal may career, ngayon bka mawala yun tulad ng ginawa niya kay joey nilaglag ng partido at nasira ang political career dhil sa drama niya.ang dami niyang pngdaanan hindi maganda pgbuhay pag-ibig ang pinagusapan pero si james lang ang tanging lalaki ngpakasal sa kanya at ngbigay ng pangalan sa kanya na hindi kaya ng kahit na sinong lalaki ng mga panahon na yun.hindi si james ang maswerte sa kanya, si kris ang maswerte kay james dhil pnakasalan siya khit may std siya. at presto may nauto siya!

Anonymous,  July 3, 2010 at 4:18 AM  

OMG!!! MARUNONG PALANG MAGSALITA SI JAMES!!!!

Anonymous,  July 3, 2010 at 5:48 AM  

MARRIAGE is a lifetime commitment… You need to love your spouse unconditionally as long as no third party involve. for better or for worse….Who has a godly wisdom? Kris or James

Anonymous,  July 9, 2010 at 3:48 PM  

tahimik na ang issue thanks to abs-cbn! in respect to the new elected president kailangan matigil na ito, but in the first place si kris din naman talaga ang ksp!
si james ang pgkakilala ng tao sa kanya tahimik na babaero.kaso nabubulgar ang sikreto niya dhil mismo asawa niya ang maingay at iskandalosa.but, now he's saying that he's trying and willing to save their marriage for the sake of his son which is good.
kris naman is so outspoken as in over ang pgka outspoken kc nga si kris aquino siya...in the the past she is trying din daw to save their marriage but now she wants to end it...just curious hindi kaya this time around siya naman ang may third party?
meroon ba sa inyo nkkaalam ng mga deepest secret nila, share naman oh.....

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP