Pilipinas Win na Win to replace Wowowee starting Saturday, July 31 : 12 noon!

Wednesday, July 28, 2010

Simula Sabado, magbabago na ang tanghali ng buong bayan at buong mundo sa panibagong show ng ABS-CBN na papalit sa Wowowee! Ito nga ang Pilipinas Win na Win (earlier reported as "Pilipinas For The Win), to be hosted by Kris Aquino and Robin Padilla kasama pa rin ang love na love ng sambayanan na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang. Sa mga nagtatanong po bakit balik TV ulit si Krisy, muli alalahanin po natin na she said goodbye lang sa mga SHOWBIZ talk shows at hindi naman sa ibang aspeto ng TV career niya. Kaya ngayong Saturday, sabay sabay natin silang i-welcome! Pilipinas Win na Win!!!



Narito po ang lumabas na official statement kanina ng ABS-CBN :

Ilulunsad na ng ABS-CBN ang isang bagong noontime show sa Sabado, July 3I. Ito ay ang Pilipinas For The Win (FTW) [Pilipinas Win na Win], na pagtatampukan nina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, Pokwang at Kris Aquino. Ang programa ay isang game at variety show na tiyak na magbibigay sigla at pag-asa sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo.
Ang Pilipinas For The Win ay papalit sa Wowowee. Si Willie Revillame, sa pamamagitan ng kangyang manager, ay nasabihan na tungkol sa pagbabagong ito. Napaalam na rin kay Willie ang programang pinaplano para sa kanya at ito ay ipapahayag sa takdang panahon.
Ang Pilipinas For The Win ay pamumunuan nina Direk Johnny Manahan, Creative Director Bobot Mortiz, Business Unit Head Jay Montelibano, Executive Producers Phoebe Anievas and Rancy Recato. Ito ay mapapanood pagkatapos ng Showtime.
– Bong R. Osorio
Head, ABS-CBN Corporate Communications

12 comments:

Anonymous,  July 28, 2010 at 5:08 AM  

Please lang. Get rid of Mariel!

Melanie July 28, 2010 at 6:22 AM  

Pwede. Mas magandang palitan kesa ibalik si Willie... Oh anong sey ngayon ni SHREKTY FERMIN!?! Kawawang Reyna ng Nega, asang asang babalik si Willie...

Anonymous,  July 28, 2010 at 7:13 AM  

oh! that would totally be fun! i super like Mariel. miss her in wowowee

Anonymous,  July 28, 2010 at 7:50 AM  

Tanong ko lang ano na reaction ni cristy ipinagkalat na babalik na si willie, he he he. Napakaganda balita wla na si willie kaya lang bakit may proyekto pa para sa kanya paalisin na yan sa abs, gusto na niya lumipat sa channel 5 bkit di na lang siya pabayaan umalis kasama ng ina niya si cristy para ituloy na nila ang naudlot nilang pagmamahalan

Anonymous,  July 28, 2010 at 2:14 PM  

nabalitaan ko rin na babalik si willie...ok naman kahit wala si willie pero iba parin yung show ng wowowee na siya ang host kasi mas masaya at maraming na22lungan...ika nga, pag-22long ka mas doble ang babalik sayo na biyaya...

Anonymous,  July 28, 2010 at 2:45 PM  

Buti nga hindi na bumalik c willie s wowowee,sobrang yabang dinaig pa nya ang mga bosses ng ABC-CBN...Masaya parin naman ang wowowee kahit wala c willie..

Anonymous,  July 28, 2010 at 7:08 PM  

Ms Darlang maganda... tatutuwa po ako kina powkie, mariel at Val... Tapos may Robin at kris pa... Excited na po akong manuod this saturday. at aabangan ko ang comment ni shrek na fermin. sabi ko na nga ba eh. nung sinabi nyang babalik si willie. panakot lang nya yun kina ma at powkie. kunwari ipapatanggal daw sila. yun pala tsugie na ang WOWOWEE. R.I.P na. nakakalungkot kasi infairness marami talaga napapasaya sa programng yun. Dati gustong gusto ko si Willie. Nung pumunta nga sila dito sa Dubai isa ako sa mga taong nasaharap nun at nabigyan ng jacket ni pappy. kaso sya lang din ang sumira sa maganda nyang imahe. Good Luck Pilipinas Win na Win. tyak marami nanamang matutulong tao sa programang eto.

Anonymous,  July 29, 2010 at 8:20 AM  

Good riddance, Willie Revillame! Kung may ibang TV station na kukuha sa kanya, sakit ulo lang ang mapapala ninyo sa sobrang swell-headed na si Willie.

Anonymous,  July 29, 2010 at 11:58 AM  

Ms. Darla, kasama rin ba si Bentong sa new show nina Robin et al..

Anonymous,  July 29, 2010 at 10:56 PM  

Showbizness is not the same w/o Kris Aquino. I miss watching her. With her there is no gray area, either its' black or white. Love her!!!

chestine08,  July 30, 2010 at 3:15 AM  

whhhooo!!! buti nlng balik tv na si kris aquino...miz na miz ko n sya as in super...kala ko nga indi na sya babalik...buti nlng may game show sya...at sana teleserye ulit...welcome back krissy...i miz and luv u!!...cant wait na for diz show...:)

Anonymous,  August 6, 2010 at 3:12 AM  

i hope they will improve the show more, so they will have a solid following! Goodluck!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP