ABS-CBN's Official Statement sa desisyon ni Willie Revillame na magpaalam na at tapusin ang kontrata sa network.

Monday, August 9, 2010





OFFICIAL STATEMENT: ON WILLIE REVILLAME'S 
PRESSCON PRONOUNCEMENTS


Napakinggan ng ABS-CBN ang mga naging pahayag ni Willie Revillame sa kanyang press conference na ipinatawag ngayong araw. 

  
Si Willie ay may pinirmahang kontrata hanggang September 2011. Nilabag ni Willie ang behavioral provisions ng naturang kontrata nang binantaan nito ang pamunuan ng ABS-CBN sa episode ng Wowowee noong Mayo 4, 2010 at sinabing siya ay magbibitiw sa trabaho kapag hindi tinanggal ng pamunuan ang isa pang TV/radio personality ng network. Ang kanyang banta ay nagpakita ng kawalan ng respeto at pagiging arrogante. Ang ipinakita nyang hindi magandang asal ay hindi katanggap-tanggap sa mga Pilipino. 
  
Dahil si Willie ang lumabag sa kontrata, hindi sa kanya ang desisyon na mapawalang bisa ito. Sinumang lumabag sa kasunduan ay hindi maaring mag-dikta kung ito ay itutuloy o tatapusin. Ang kontrata ay isang kasunduan na dapat bigyan ng kaukulang respeto.Ano pa ang magiging halaga ng mga kontrata kung ito ay maaring tapusin anu mang oras naiisin. 
  
Ang ABS-CBN ang naagrabyado dito kaya ito ang may karapatan na magdesisyon kung itutuloy ang kontrata o hindi.  
  
Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, desisyon ng ABS-CBN na ituloy ang kontrata. Naniniwala ito na dapat pa rin gampanan ni Willie ang mga obligasyong nakasaad sa kontrata na magtatapos pa sa September 2011. 

Bong Osorio, ABS-CBN Head of Corporate Communications 

10 comments:

Anonymous,  August 9, 2010 at 10:18 PM  

GO ABS-CBN!!!

Anonymous,  August 9, 2010 at 10:27 PM  

hay nako sirang sira na yang willie na yan. yumaman lang yubang na. akala nya yata kasi sya may ari ng abs-cbn. hindi lang sya ang dahilan ng sikat ng wowowee kundi ang mga staff o mga taong naghihirap para makapagbigay ng masayang show. sya maayos kinalalagyan nya maganda ang dressing room, uupo lang tuwing commercial break, utos lang ng utos at ang laki ng sweldo nya. tapos kung hamakin nya mga staff nya ganun ganun na lang. kamusta na ang WIL TOWER nya tuloy pa ba yun? kawawa si willie naranasan na nyang umangat hindi pa pinag ingatan. hindi ko makakalimutan ang sinabi sa report ni marie lozano, yung... "HUWAG MONG KAGATIN ANG KAMAY NG NAGPAPAKAIN SA'YO" tinamaan kaya si willie dun? pero mayabang parin sya siguro hindi tinablan.

Anonymous,  August 10, 2010 at 6:18 AM  

ilang beses nang ipinahiya ni willie ang ABS,hinamon pa nya ang network on air,nation wide?grabe ka willie,pasalamat ka sa ABS dahil pinapatawad ka nila at pinag bibigyan pero inabuso mo masyado ang kabaitan ng network sau.ngayon matitikman mo ang karma mo!sama kase ng ugali mo,bastos,manyak arugante!

Anonymous,  August 10, 2010 at 7:55 AM  

kung nabasa niyo kasi ang mga comments ni jobert kay willie tiyak masasaktan din kayo kung kayo ang nasa lugar ni willie. ara-araw siyang direktang pinatatamaan nito, hindi ako fan ni willie pero sa mga pahayag ni jobert na "masmagandang panooorinnalamang ang showtime kaysa sawowowee"..kung kayo si willie natural lang na masaktan dahil pareho kayong nagtratrabaho sa ABS ngunit kinukumparapa niya ang ga programa nito sa isat-isa. May point si willie but the bad part is only he reacted in a wrong way.

ABS MUST ALSO SEEW HAT JOBERT'S WRITE-UPS are,lagi akong nagbabasa ng bandera... and jobert ALWAYS say things against willie... ask also those people who reads bandera specially JOBERT'S column, for sure JOBERT does those things willie have said

opinion lamang ito

Anonymous,  August 10, 2010 at 2:04 PM  

OUST JOBERT SUCALDITO!Dumb asS!!

Anonymous,  August 10, 2010 at 3:52 PM  

YANG BAKLA NA YAN SANA TANGGALIN DIN YAN.

Anonymous,  August 10, 2010 at 7:12 PM  

admit it or not :

willie, noontime is boring now since you were gone

Anonymous,  August 12, 2010 at 9:53 AM  

sa totoo lang masmaganda pa manood ng eat bulaga kaysa wowowee. i cannot blame robin if he wants to leave the show. iba pa rin ang hatak ni willie sa masa, aminin man ng ABS yan o hindi.

and pwede bang wag magmalinis ang ABS. alam niyo bang yung mga cameramen nila na ten years ng nagtatrabaho sa kanila, ginwa lang regular ang status nung pnpirate na ng tv5? o yan ang ipalabas niyo sa tv patrol, kasi yan ang totoo.

Anonymous,  August 12, 2010 at 5:54 PM  

Hahaha! Ganyan talaga, kapag mayabang ka at wala kang urbanidad, sa kangkungan ka talaga pupulutin.

Anonymous,  October 8, 2010 at 3:26 PM  

kht wla na ang wowowee ok parin ang abs-cbn stil d the same 4 me THE BEST PARIN ANG ABS-CBN..
WALA PARIN PAPANTAY SA ABS-CBN..
pati nrrpat lng tanggalin c willie myabang na kc cya!!! hnd nmn cyang malakng kwla sa ABS-CBN.. KYA OK LNG KHT WALA CYA!!!
4 me hnd nmn dating sikat c willie sa ABS-CBN na cya sumikat.. kng hnd nmn dahil sa abs-cbn bingyan sya ng show wowowee hnd nmn cya cckat..
AT HND RIN CYA YAYAMAN KUNG HND DAHIL SA ABS-CBN!!!



=ZAMBOANGA=

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP