Ama ni Sarah Geronimo na si Delfin Geronimo, tinangkang dukutin sa basement parking ng ABS-CBN!

Monday, August 9, 2010

Delfin Geronimo's photo courtesy : www.abs-cbnnews.com

Kahapon, ginulantang at na-alarm ang marami sa pagputok ng balita tungkol sa diumano'y tangkang pangingidnap sa ama ng Popstar Princess / Box Office Queen Sarah Geronimo, na si Mr. Delfin Geronimo. Sa initial reports, nangyari ang diumano'y kidnap attempt sa basement parking ng ELJ Building ng ABS-CBN. Nang finally ay lumabas ang unang report about it sa tv, sa The Buzz... nai-kwento mismo ni Mr. Geronimo ang buong pangyayari. Diumano, tinawagan siya ng security guard ng network para ipaalam na may isang sponsor na naghihintay sa kanya sa basement parking. Ang sponsor diumano na ito, ay magbibigay ng regalo sa anak niyang si Sarah. 

"Noong naglalakad na kami sabi ko parang ang layo, sabi ko kako baka mabigat yan, puwede kako sa driver ko na lang pakuha sabi 'sir kayo dapat, eh' di sige, noong sasakay na kami sa sasakyan niya, dalawang upuang magkaharap, ang daming regalo, inabot niya sa akin yung papel, sir eto na po yung pipirmahan niyo, sabi ko sa kanya madilim kako baka puwedeng bumaba ako, sabi niya hindi may ilaw tayo dito. Ako na mismo bumaba... sinundan niya ako, inano pa rin niya ako 'dito sa loob,' umupo na ko doon sumakay siya, pag sakay niya sa akin, inakbayan niya ko sabay tutok ng ano, tinabig ko na siya sabi ko iba na to,  sabi ko iba na to, tinamaan niya ako ng kaunti dito (pointing at his back), hindi niya naitutok sa akin yung pangkuryente," ang detalyadong kwento ni Mr. Geronimo, referring sa diumano'y tangkang paggamit sa kanya ng stun gun, para mawalan siya ng malay.

Nang maramdaman ang unang buga ng kuryente mula sa stun gun, mabilis daw na naka-iwas at nakatakbo si Mr. Geronimo, sabay hingi ng saklolo sa security guards na nasa basement parking. Mabilis namang naka-responde ang mga guards, kaya nailigtas siya at nahuli ang suspek, na nakilala bilang si Paulino Mercado.

Sa TV Patrol naman ay nakausap ang suspek, at sinabi nitong "Oo, natamaan ko," nang tanungin siya kung natamaan niya ng stun gun si Mr. Geronimo. Nang subukan pa siyang hingan ng ilang impormasyon ay pinili ng suspek na wag nang magsalita at hintayin ng lang ang kanyang abogado.

Sa report naman ng SNN, ay sinabing diumano, may mga regalo ngang laman ang van ng suspek, na nakapangalan sa iba pang artista. Isa sa mga ito ay si Pauleen Luna, na kanina lang ay nagpost ng message sa Twitter na expressing her takot upon hearing na kasama nga ang name niya sa lsitahan ng suspek. 

"Bale modus na yan eh, lumalabas na props niya yun, magpapakita siya kunwari ng mga regalo ng iba’t ibang artista, props niya yun," ang unang espekulasyon naman ng police na nakausap ng SNN. "Attempted kidnapping... hindi lalabas na carnap kasi pinasok siya sa van eh at may stun gun, sa loob ng van may mga panali, madilim, may covered na salami," ang dagdag pa ng police / imbestigador.


Naku ha, nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Kaya sa lahat, ingat lagi. 

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP