Kris Aquino at James Yap Hiwalayan : Ang buong detalye mula kay Kris mismo! Issue kay Hope, never na-resolve! Kris, April 26, 2010 tuluyang nawala ang pagmamahal kay James! Read na!

Sunday, August 1, 2010

Marami pong nagtatanong sa akin, kahit saan ako mapunta, kung ano ba talaga ang dahilan ng hiwalayan nina Kris Aquino at James Yap. Well, eto na po ang sagot, mula mismo kay Krisy. Sa mga nagre-react na kesyo bakit daw nagsalita si Krisy kahit sinabi niyang mananahimik siya alang-alang kay Baby James, nandito rin po ang sagot! So here na po, the transcription of Boy Abunda's interview with Kris Aquino on The Buzz, tungkol sa hiwalayan nila ni James. Pasensya na po sa mga typographical errors.



BOY : Based on the interview I think with the lawyers na may namention, na maaring, mayroong posibilidad na you’re marriage was null and void, to begin with. Ano ang iyong take?
KRIS : Probably because the premise kung paano sya nagsimula na hindi ko inamin sa pamilya ko right away, part of destiny yan. Kasi siguro kung kumpyansa ako na it will really be okay and all, hindi na tayo nagtago sa bahay mo. [laughs] siguro regalo na yan ng tadhana sa’ming dalawa. I don’t know boy, I have to sit down with the lawyers. I have to see the papers, It has to go through the process in court. But kung totoo yan at mayroon kaming mga requirements na hindi na-fullfill at yung technicality nanduon at marurule nga ng korte na null and void to begin with, then maybe it’s really a lesson for me. That no matter how I tried to avoid it and no matter how much my family tried to accept james, if ever boy in the future, and im saying malayong future ito ha… sisiguraduhin kong I’ll do it correctly this time. Wala nang mga patago tago pa.
BOY : Two things krissy, bago ka umalis, syempre patuloy nang pinag uusapan ang hiwalayan. Even before you left he made a declaration. Naaalala ko ito na ipaglalaban ko ang pagbuo ng aking pamilya. Napakahirap na desisyon ito, napakahirap ng aming kinalalagyan dahil nangako ako sa mommy, sa former president cory, na gagawin ko ang lahat para mabuo ang aking pamilya... At ito po ang tanong ng sambayanan na ikaw lamang ang makakasagot. Bakit kayo naghiwalay or better yet, bakit ka nagdesisyong humiwalay sa  iyong asawa na si james yap? 
KRIS : First of all I would like to make a request kay james. Mom was so good to you. Wag mo na idamay ang mom. Nakikiusap ako, kasi nananahimik na ang mom sa langit and if you also love mom, don’t bring her into this. Pangalawa, I tried my best to not give the reasons and you know that boy. Kasi nakikiusap ang mga kapatid ko, ‘krissie no washing of dirty linen in public’ at tinutupad ko yun. but I also told my sisters na ang hirap naman na magmukha akong wicked witch, na merong lalaking sabi ng sabing gusto nyang makabuo ng pamilya tapos eto ako, nagmamatigas na ayaw ko na. so sinabi ko sa mga kapatid ko na okay lang ba kung sabihin ko na 3 and a half years ko namang sinubukan... alam naman ng lahat boy kung ano yung mga binato samin along the way. Alam din ni james kung ano yung mga kasalanan nya, in the same way na alam ko yung mga naging kasalanan ko. Pero siguro I gave it my best. And I have no bitterness in my heart. Walang halong kaplastikan yan, hindi ko sinasabi yan para maging mabango ang tingin ng tao sakin. Pero ang sasabihin ko kasi, may notes ako… okay lang? kasi ayoko maging emotional. Pasensya na ha, alam mo na I deal with feelings through songs and it just so happen sa album ni kc yung aka Cassandra, she had a beautiful version for me the best, I have seven different versions of this song on my ipad, hers is the clearest. the song was it must have been love. So eto na, yung lyrics nito sums up exactly what I feel. it must have been love but its over now, it must have been good but I lost it somehow, it must have been love but its over now, from the moment we touch till time had run out... naubos… naubos yung kagustuhan ko to make it work. I was miserable. And I’m sure, eto, ill address this to james, wag kang mahiyang aminin na pati ikaw miserable. Alam ko siguro maraming nag advise sa kanya kung ano yung mga dapat nyang sabihin and I respect that, kasi alam ko eto yung trabaho ko kaya I know how to deal with it. Pero magpakatotoo na tayong dalawa. Ang tagal tagal na nating hindi maligaya sa piling ng isa’t isa. Ang tagal na nating co-existing in one house but having no communication. Matagal na kung nag-uusap man tayo, nagsisigawan lang tayo... At sana aminin mo rin naman sa mga tao na bago ko umalis, kaya nga hindi ako humarap sa kahit sinong camera, pinagbigyan ko sya boy dalawang oras kaming nag usap sa bahay. For me that’s my closure.
BOY : Sandali lamang, before you left for this vacation?
KRIS : Yes, he was there, because he wanted to say goodbye to bimby and then he said pwede ba tayong mag-usap. Harapan yes. At alam nya.
BOY : At ang inyong pinag usapan?
KRIS : Samin nang dalawa yun. ang pinakamahalaga, alam nya at alam ko why this marriage ended. Alam din nya kung saan sya nagkulang dahil may mga tinext sya sakin while I was abroad, saying na he realizes where he went wrong. But I said it’s really too late. And then, it ended because napagod na ko pretending that everything was okay. Mahirap pong gawin yun talaga in the midst of a campaign where my marital status could have been used against my brother. Mahirap yun kasi yung mga kapatid ko were really trying to help us save it. At mahirap dahil 3 years old lang ang anak ko. But the truth is and james knows this also we stopped loving each other a long time ago. I’m honest enough to admit it I wish he could be honest enough to also admit it. Masyado kaming maraming mga pagkakaiba sa personalidad na umabot na sa point na james wants to be james, I want to be kris. So yun lang.
BOY : Krissie, sana tanggapin ninyong dalawa na sabi mo nga na matagal nang you stopped loving each other. How long ago was this?
KRIS : Ako? [long pause] I acknowledge na naubos talaga yung love april 26 of this year. May nasabi sya sa anak ko which I will forever keep between the two of us. May nasabi sya sa galit namin sa isat isa siguro nung panahon na yun, na nasaktan talaga ko at yun ang nagpatunay sakin na this is not the man to be and this is not the man I want to stay with because dinadamay na nya ang three years old na bata na dapat protektahan naming dalawa
BOY : That was the moment na sinabi mong it’s over
KRIS : Di ba may kasabihan tayong the straw that broke the camels back. For me that was it. The love was dying for a very long time but syempre boy you’ll try. Subukan mo talaga. Dyusko naman yung babae pinatawad ko pero eto talaga hindi ko kinaya!
BOY : Mapangahas na tanong 3 and a half years ago, nangyari yung eskandalong may kinalaman si hope. Na-resolve ba yun? (read more)

KRIS : Never. Never. Ofcourse to all of you I said yes, siyempre diba boy kahihiyan ko yun parang pinamukha sakin na you’re not good enough dahil kailangan ko maghanap sa iba. So in my mind and to present to everybody gagawin ko na, pipilitin ko na wala na yun, napatawad ko na… nakalimutan ko na, pinaniniwalaan ko sya. But the truth is any woman who’s in a relationship whether boyfriend, girlfriend, whether kinasal kayo… once may infidelity, ang hirap lagpasan nun. and alam mo boy, it goes both ways eh. Kasi magtatrabaho ako magkakaleading man, ibabato sakin na ‘o yan, makikipaghalikan ka dyan para mabawian ako.’ Alam mo yung ganun. Yung parang he’s expecting the other shoe to drop. Hindi ko inaangat yung sarili ko sa isang bangko, but you know me… I’m crazy loyal... yun talaga ko pag meron na at may commitment ako, single minded ako so I can honestly say na in the five years na nagsama kami, hindi ako nagloko. I don’t think he could say the same thing.
BOY : I will say that, I will ask that. Diretsahan. Sa limang taon na kayo’y nagsama bilang mag-asawa, naging loyal ka sa asawa mo?
KRIS : Of course!
BOY : Sa limang taon na nagsama kayo ni james, naging loyal ba si james sayo?
KRIS : Obvious ba, hindi?!
BOY : Umalis ka papuntang America sa bakasyon, tumahimik ka maraming tao ang nasurprise, pero dumami ang mga ispekulasyon 3100 /ang mga speculations na naghiwalay daw si kris at saka si james diumano dahil may nabuntis si james ito ba ay totoo o hindi?








KRIS : Syempre boy I’d be the last to know [laughs] kung meron man o kung meron man syang dinedate ngayon, do you honestly think itetext nya uy, kris ka-date ko kagabi si ganito ah… di ba? malay ko, and okay lang 








BOY : Nabigla ako dun.






KRIS : Why? My ate mentioned na napapabalitang he’s dating somebody already and then I think my ate Was testing the waters with me, and I said ‘good’. And I said good. Yun talaga, yun ang opinion ko. Kasi we don’t live under one roof anymore. Right? so it’s his right, and it would make much easier for the entire country to move on. 








BOY : Krissy how do you react when people say na sanay bigyan pa nila ng pagkakataon ang kanilang mga sarili alang alang sa bata or I hope they can still fight, fix things together as a couple because that’s the common reaction 


KRIS : Kung masama akong ina at alam kong hindi ko ipa-prioritize si baby james, then maybe I would try. But I know in my heart, say what you wanna say about me pero mabuti akong ina boy. I think if you look at my children you’ll know. They’re happy, they’re well adjusted, they’re cared for. That’s what matters to me








BOY : Sa usaping ito, sa usapin ng iyong pamilya, sa usapin ng iyong marriage, nasaan ang iyong mga kapatid?








KRIS : Feeling ata nila 16 years old ako ulit. yung mga sisters ko sinabi, si pinky she’s the most vocal. So she told me ‘krissy,’ ate is just too mabait and she’ll sugar coat everything so I have to be the bad guy. ‘kris kung kaya in the next six years wag ka munang mag boyfriend’ [laughs] sabi ko ah ok. And then sinabi ni pinky, fame enough diba, ang hirap na makahanap ng magiging totoo sayo what more kapatid ko pa si pnoy. And then sinabi nya na bigyan mo naman si noy ng chance to succeed without stress from you 








BOY : And you said?

KRIS : [laughs] sabi ko I’ll try
BOY : I think what people want to know is suportado ka ba ng iyong pamilya, naiintindihan ka ba ng iyong pamilya?
KRIS : They’ve seen the journey, yes nakita nila. And one thing about me is im so vocal so they know. And my sisters acknowledge the fact na nabilib na sila kung paano ko nadala at the peak of the campaign na ganun kabigat ang inuuwian ko. Nadala ko yun ng walang nakahalata. Kundi naman nangyari yung cebu boy lahat kayo until now walang alam. Kasi nga nagawa ko na itahimik. Because I did it for them and they know it.
BOY : Naalala ng sambayanan in one interview of james, maikli ang kanyang deklarasyon, ang sinabi nya ay nung kayo ay nagkaroon ng diperensya he went to your brother, to the president. At ang sabi ni president, stay put. What was that about?
KRIS : I was not there eh. But I’ve said everything to pnoy. Lahat. And at the end of the day boy, the most protective over me and over my kids will always be my brother. Because that’s the promise he made our mom. So kung nakikita ni noy and narinig na ni noy diretso galing sakin, lahat ng pinagdaaanan at sumuko ako. Although talagang sya sinasabi nya, noon, sinasabi nya na set aside your own interests kasi kawawa yung mga bata. Pero nung naintinidhan na nya ko, siyempre hindi naman sila matutuwa, sino ba namang matutuwa na eto na naman si kris na hiwalay na naman. Pero tanggap na nila boy. I feel that. I feel that they know what’s my life and noy said as much as it’s your life, we’re only here to guide you, to help you but at the end of the day sana… Kristina, lessons learned. Yun lang sinabi nya sakin
BOY : Okay para lang madaanan ko ang tanong na ito, pinky, ate viel, lalo na yung dalawa, in the beginning did they understand what you’re coming from at nasaan sila ngayon?
KRIS : They’ve always understood. Ang fear lang nila is public opinion, why because public opinion of me would determine how comfortable my sons will be. It’s a fact, I don’t work in a bank, I don’t work in a private industry kung anong tingin nila sakin, will be equated sa kikitain ko. At ako ang magpapalaki sa dalawa, responsibilidad ko yun lalo na si josh. I think more than anything, si josh ang inaaalala nila. Na kung hindi magustuhan ng mga tao ang desisyon ko or hindi na ko panoorin at hindi tangkilikin ang mga ineendorse ko  what happens to us? And they were afraid for their children. But I think They know I behaved boy. I think nakita nila I’ve been prudent and to the best of my ability, naging tahimik ako. Kung Sasabihin ng lahat na naku umuwi yan para magpasabog, hindi po. Nagsasalita lang ako dahil andami niyong iniimbento tungkol sakin. So its about time to hear it straight from me.
BOY : And you know what people would say kasi, kris is a domineering wife, kris is the intelligent wife, kris is the stronger character, when you hear this things krissy…
KRIS : It’s true. Alam mo boy, that’s the good thing about my family. Lalo na si pinky at si viel they’ll say it like it is didiretsahin nila ko. So ang sinabi nila sakin is that everything that has made you a success sa career mo, that single mindedness the leadership skills, the yung ano yung decision making, parang ano talaga.. firm. Those are the things that will make it impossible to have a successful marriage. Why dahil ang pilipinas is still male dominated. Dahil sa country natin talaga hindi pa rin equal pag kasal kayo. And tama sila. Siyempre I was inlove hindi ko narealize yun, I didn’t take into consideration our age gap, I didn’t take into consideration the difference in upbringing, education, likes and dislikes coz I was inlove. So now na pinagdaanan na naming lahat yun, get ko na
BOY : But it’s.. to say that you didn’t adjust
KRIS : I tried... but then naintindihan ko na rin ngayon kasi before I used to question na bakit kinailangang mambabae, ngayon narerealize ko kasi nga minsnan kailangan mo maramdaman na ikaw ang hari and I understand and I moved on
BOY : Did you give him time?








KRIS : Tagal ah. Matagal ah. Matagal kami ah… in all fairness he also tried oo I’ll grant that to him but I guess boy alam mo yung parang ano, I think I came at that time when I did some good in his life. I think I helped give him direction and focus and he came at that time when I needed stability. And he gave me baby james so kung anuman, bali-baligtarin natin, balikan natin kung isusuma total natin lahat ng iniyak ko, lahat ng iniyak nya lahat ng pinagawayan namin. Ang suma total nyan is nagkaroon kami ng bimby at burado na lahat ng sama ng loob dahil kay bimby.

34 comments:

Anonymous,  August 1, 2010 at 7:08 PM  

Sayang talaga ang marriage ni Kris at James.. I thought di na sila maghihiwalay.. hayzzz..

Pero napa bilib talaga ako ni Kris for saying those things at sa pagiging prangka..

How i wish na magkabalikan kayo.. But kung ano man ang maging resulta, yun na yun eh.. Di na mababago.

Anonymous,  August 1, 2010 at 7:26 PM  

Sayang... super sad tlga!!! khit na di ko tlga type si James pra kay Kris my opinion pro sad parin dhil alam naman natin nasaktan din si Ms. Kris at dhil sad sya sad rin ako!!!... kaya gusto ko happy sya plagi!!!

Wish Ko lng at ipag pi pray na sana kung magkaroon sya ng LOVE LIFE ulit sana NO EXPIRATION DATE na!!! as in FOREVER na!!!
At sana di na siya masaktan ulit dhil sobra na !

Anonymous,  August 1, 2010 at 7:44 PM  

Ever since Kris Aquino talked about her failed marriage with James Yap, I never really give a damn about it until now, when I saw her talk about it openly. I understand where she is coming from, for Christ's sake, she tried very hard to make the marriage work and God knows how much he tried to but I guess it's better this way for both of them. I admire you Ms. Kris Aquino for being so honest and straight-forward with your answers, you didn't sugar-coat anything.

Anonymous,  August 1, 2010 at 8:20 PM  

I admire Kris Aquino for being Strong!!! Dapat Lang yan kay James kasi babaero Cya..!! Take care Kris I know you wiLL survive w/out Him, You are A SMART, BeautifuL and True To yOurseLf.. God is always there for yOu., -Vanessa Ruallo

Anonymous,  August 1, 2010 at 8:37 PM  

hay nku version yan ni kris how about ang totoo version namn ni james...para naman malaman ntin lahat ang totoo, siya na mismo nag sabi itinago nya ang pinagdadaanan nila ngayn nya lang sinabi so how about james ang totoo version naman nya...

Anonymous,  August 1, 2010 at 8:53 PM  

sobrang like ko yung mga sagot ni Kris sa interview.

nakaka-relate somehow. And its true tlaga cguro na nangyayari na nauubos yung pagmamahal.
Individual differences, it will start in small things, na hindi nyo pinapasin sa umpisa. magaaway kayo magbabati ng di pinaguusapn, un reason nun pagaway nyo. at hanga sa lumaki na ng lumaki yun butas.

na one day, magigising kna lang di mo na pla mahal itong taong ito :(

Anonymous,  August 1, 2010 at 9:18 PM  

sana'y naman yang si kris sa hiwalayan at sanay din na saktan mula pa kay salvador, marquez at requistas.. addicted to breakup hahaha

Anonymous,  August 1, 2010 at 10:17 PM  

si james yap mega-get ang number ng channel 7 GRACE LEE sa salon, partida andun pa si kris, & grace lee didnt gave her number. that's according to mismo Grace Lee via Mo Twister.

---- mga babaero. di naman kagwapuhan?
GO KRIS!

Anonymous,  August 1, 2010 at 10:20 PM  

di bale makakarecover yan si kris, mas matindi pa nga ginawa ni Joey Marquez kanya mega pasa pasa pa sya nun at tutukan ng baril. sa bago nya asawa anak uli, o di ba panganay lahat.

Anonymous,  August 1, 2010 at 11:22 PM  

I admire her in some ways, its true that in our country iba pa rin ang views sa lalaki at babae..james made mistakes and it is painful indeed kaya lang minsan baka may mga pagkukulang din si Kris that contributes kung bakit nagawa ni James ang ganun..for sure it takes two to tango

Anonymous,  August 2, 2010 at 12:07 AM  

you know miss kris I SUPER ADMIRE YOU sa pagmamahal na binigay mo kay james and sana kung mag aasawa kaman sana makita mo na right man na na magmamahal sayo nang totoo na di ka sasaktan nasa likod mo lang kaming lahat nang krissy girl we love u!!!!!!!!!!!!!! ♥♥♥♥

Anonymous,  August 2, 2010 at 1:11 AM  

I can understand where Kris is coming from and I wish her all the best. May she be able to meet "Mr. Right" in the future. James was Mr. Wrong for her from the very start.

Anonymous,  August 2, 2010 at 1:18 AM  

Good luck Crissy wed will support you all the way luv you

Anonymous,  August 2, 2010 at 1:22 AM  

you are intelligent, smart Crissy and you tried to save your marriage..now we are on 20th century already ..you have the right to move on..I agree with you...and being a mom...yes you did the right decission..

Anonymous,  August 2, 2010 at 1:24 AM  

oh my gosh...i can't help it i wish I can talk to just to say we are here to support you..luv you and take care... dont be in hurry to find a guy

psychiatrist of usa,  August 2, 2010 at 2:01 AM  

ALL I CAN SAY, IT TAKES TWO TO TANGO!!!

My observation is that, by the look of KRIS....I can say, she is a nagger w/attitude problem, manipulative and controlling person.

Sometimes and most of the time MEN are superior and ego plus. They doesn't want their woman to step on their shoes 'coz they are the head of the family whether their woman is intelligent or not.

In Kris nature...being the youngest,"whatever Kris wants Kris gets"....so by looking at Kris
she contributes a lot of what you call " marriage itch". And also Kris doesn't know want she WANTs....she needs a psychiatrist...to work in her attitude problem first before she goes again for another relationship. She has a history that even her MOM and family cannot control Kris since she become teenager.

So I conclude that....its more on Kris the problem than James.

Anonymous,  August 2, 2010 at 2:27 AM  

We have the saying, and this is true!

"THE ONE WHO BARKS SO LOUD IS THE ONE GUILTY"

So think....who's the one talking all the time?

Poor James, what did you do with your life.

Anonymous,  August 2, 2010 at 5:33 AM  

hindi ba kayo naku-curious kung ano kayang sinabi ni james about baby james na ikinagalit ni kris? any guesses?

Anonymous,  August 2, 2010 at 6:50 AM  

Siguro sinabi na, ang mommy mo ay *******.
siguro nagalit si Kris dahil totoo..hahahahha

Anonymous,  August 2, 2010 at 9:02 AM  

ay naku,nagsawa na yan kay james. like na naman niya makatikim ng iba! pag nagsawa iiwanan na parang basura.di nga niya masabi what's the real truth kasi may fault din siya. alam na niya poor lang sila james bakit pumayag siya. wait natin siya na magsawa kay junjun.ilang men kaya ang qouta niya?

Anonymous,  August 2, 2010 at 10:01 AM  

sa mga babeng nag comment,let me just ask you guys?may mga asawa na ab kayo? the hardest to dealwith sa isang asawang lalaki ay ang magkaron ng ibang babae..you will never get over w/ that thing and lots of people know na si James ay babaero..yun nangyari sa Belo,pinagtakpan at kinampihan siya ni kris eventhough totoo naman!Kris belongs to the women of the new generation and i support feminism,hindi na pwede na gagawin ng mga lalaki ang gusto nila then titiisin lang ng mga babae kasi BABAE sila??c'mon!

Anonymous,  August 2, 2010 at 10:25 AM  

I agree with PNoy....this should serve as lessons learned....At utang na loob, please, please, at please lang, tigilan nya ang inclination towards Jun Jun Binay. The Aquino name is the legacy of Ninoy's martyrdom and Cory's clean presidency, wag naman yurakan dahil lang sa kalandian. Mag isip naman siya, tuwing pupunta sila sa party ng mga Binay, di ba siya nagtatanong, how can a mere city councilor for so many years afford such a luxurious house and lifestyle. Di naman ito artista, di rin PBA player, at lalong di bigtime negosyante. Tanungin naman sana ni Kris sarili niya, saan ba galing yaman ng mga ito......

Anonymous,  August 2, 2010 at 5:30 PM  

He said: “…nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na-aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay.”
She said: “… I would like to make a request kay James. Mom was so good to you. Wag mo na idamay ang Mom. Nakikiusap ako, kasi nananahimik na ang Mom sa langit and if you also love Mom, don’t bring her into this.”
I say: So when a couple married in Church are having major problems & one party says “…but we made a vow to God to love each other for better or for worse, for richer, for poorer, in sick and in health…,” etc, the other party can just say “please leave God alone and if you really love God, please don’t include Him in our problems?” Same banana, right?

Anonymous,  August 2, 2010 at 5:36 PM  

c Kris kala mo kung makapagsalita wag daw gamitin nanay nya! bakit c PNoy sa kampanya nga ginagamit lagi ang nanay at tatay nya!

Anonymous,  August 2, 2010 at 11:43 PM  

i thought kris doesn't want to be in the limelight anymore. this girl really wants to hit the headlines as always. poor james..
kris should just shut up and keep family matters private, and please, you're still in the middle of this mess, yet you're so kilig talking about jun binay. di ka na nahiya sa anak mo. bigyan mo din kahihiyan si Pnoy.

Anonymous,  August 3, 2010 at 5:20 PM  

it is really true that when infidelity becomes the issue in a relationship, mahirap na itong kalimutan. u forgive the person but u wont forget the mistake kc u will always have that notion na it can happen again lalo na if u havent really made closure on the issue..ung tipong, forgive mo n xa kc mahal mo pero hndi nyo diniscuss tlga ung issue..

i dont want to say or comment kung sino ang tama..kc i know that they both had their share of mistakes katulad ng sinabi ni Kris sa intervw..

i just wish for Kris to have faith in God. she doesnt need a man to complete her kc she has her sons and God to do that... hope also for James the same things..

Anonymous,  August 3, 2010 at 5:59 PM  

Ang weird mo talaga Kris.

Love is sweeter the second time around, kya dpat try lang ng try.
ano ba yan, wag ka na magkalat sa media!

Anonymous,  August 3, 2010 at 7:03 PM  

nakakahiya ka kris aquino !

Anonymous,  August 4, 2010 at 11:10 AM  

bakit hindi nila try hingin ung side ni james nu para patas? tsk2x,

Anonymous,  August 5, 2010 at 2:55 AM  

before i liked Kris kasi honest sya....ba't ngayon parang inis na inis ako kay Kris kasi i felt na kaya mabilis syang nakipaghiwalay kay James dahil she's in love with JunJun Binay. Masyadong transparent kasi si Kris and with her look at this time she's really inlove....di ba obvious na nakapag move on na sya..parang too much na Kris...parang akala mo lagi ka na lang maiintidihan ng mga tao...nagsasawa din kami!!!! OA na and sana di mo na lang pinalaki ang issue...

Anonymous,  August 6, 2010 at 12:09 AM  

KRIS HATES SHALANI SOLEDAD because shalani is pretty and she is ugly! kris full of shit. i hate her and everything she stands for. YUCK!

Anonymous,  August 6, 2010 at 5:20 PM  

i used to like Kris Aquino, a lot. I used to defend her all the time. But now, im sorry kris. now i see you true color. nakaka-awa si James, siguro napag-sawaan na sha ni kris?

Kris. you are a sister of our President for God's Sake. please give PNOY some respect. yun lang naman kris.

And please wag mashadong biased, please get also the side of James. I'm sure he also has something to say. i really feel sorry for james.
SANA SANA magkabalikan. sana, pero kung hindi magchi-change si kris, wala talagang lalake na magmamahal sa'yo ng totoo!

Anonymous,  August 6, 2010 at 11:12 PM  

guys its true wen ur husband cheat u npakahirap klimutan..kse ung trust ndi n 100%..well,to kris goodluck to u girl sna mka move on kna n and sana nga no bf mna..

Anonymous,  August 9, 2010 at 1:00 PM  

I HAVE A FRIEND WHO VACAY AT HK, THEN HER DAD WAS A FRIEND OF FRIEND OF JAMES YAP, SABI NYA, TALAGANG NAMBABABAE C JAMES YAP.. AT TRUE NA TRUE TALAGA YUNG KAY HOPE AND JAMES, BINAYARAN LANG NI V.BELO SI HOPE NA WAG NG MAGSALITA.. THAT'S SAD.. I THINK ITS TIME NA TALAGA NA IWAN NI KRIS SI JAMES..

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP