Megastar Sharon Cuneta, bagamat may tampo, nami-miss ang Willie Revillame na kaibigan niya!

Monday, September 13, 2010



Kasabay ng tatlong bagong shows ng Megastar na si Sharon Cuneta, ay ang muling pagkabuhay ng intrigang hindi pagkakaunawaan between her and Willie Revillame. Binibigyan ng issue ng iba ang pagtapat daw ng star search show ni Mega, ang Star Power, sa diumano'y bagong show ni Willie sa ibang istasyon na usap-usapang magsisimula rin sa October 10, 2010. Sa interview sa kanya ng The Buzz ay ito ang naging sagot ni Sharon :
"October 10, 2010, 10-10-10, is an auspicious date! It is something na kontrolado ng mga boss! Wala akong magagawa dahil ABS-CBN naman is such a big company..."
Diretsahan ding inamin ni Sharon na kahit may tampo kay Willie, ay nami-miss niya pa rin ang Willieng kaibigan niya...
"Di naman siguro sikreto na may tampo ako sa kanya... Nasasaktan ako kasi mahal ko ang tao... Ang akin lang, gusto ko makausap ang Willieng kaibigan ko yun lang. Minahal ko siya as a friend, siyempre naman namimiss ko siya sa pagkakakilala ko sa kanya noon, siyempre naman iba na ang buhay rin niya. I'm happy for him pero I miss my Willie."

2 comments:

Anonymous,  September 14, 2010 at 7:07 PM  

willie ang swerte mo na may isang megastar na nagmamahal sayo. isa yan sa tumulong sa yo nung down ka at palagi pa kayong magkausap dati. so sana mr willie, mag apologize ka kay mega para ma retain ang friendship ninyo.

Anonymous,  September 20, 2010 at 12:57 PM  

Naku sana magbago na yang willie na yan! Super nega-sya after nyang tirahin si Sharon. Sharon is super nice.. She does not deserve what willie din to her.. hmmp

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP