"It's now time for me to stay away from her," John Lloyd Cruz on Ruffa Gutierrez

Thursday, October 21, 2010


Sa patuloy na pag-init ng hindi mamatay-matay na issue tungkol sa diumano'y patuloy na communication nina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez, kahit pa committed na sa ngayon ang aktor kay Shaina Magdayao, finally through Showbiz News Ngayon (SNN) ay humarap na rin sa publiko ang ultimate leading man ng industriya para klaruhin ang mga bagay-bagay. Una nang nilinaw ni John Lloyd ang kontrobersiyal na on-going communication daw nila ni Ruffa.
"When I was asked before about it, if I was still  in communication with Ruffa, parang  hindi ko madiretso kasi hindi siya  ganon kadaling tanong na sagutin. It's not communication like kung paano siya ini-insinuate ng mga tao, ng ilang mga members ng press di ba. It's communicating na may effort  na to address some issues na involved kami pareho. Because as you know it, madalas  na may pagkakataon na sasabihin nili-link pa rin kami, and may maririnig ka or may maririnig ako na may sinabi ako, may sinabi siya so, anong dapat mong gawin pag ganon? So sa amin, for two people na who used to be together, it's just normal na pag-usapan niyong kayo mismo kung ano ba talaga yung lumalabas na issues, na sinabi mo o sinabi ko... Ganon lang kasimple yun," ang paliwanag ng aktor.
Itinanggi rin ni John Lloyd na nagkaroon siya ng intensyon na magsinungaling sa publiko. Dagdag pa niya : 
"Wala, I mean siguro yung pagkakataon kung kalian naitatanong siya o kailan dapat sagutin, dun lang nagkakaroon ng ano eh, ng pagkakaiba eh, pero what I'm saying now, eto yung dapat kong sabihin eto yung gusto kong sabihin."
Sa gitna ng issueng ito, malaki naman ang pasasalamat ni John Lloyd dahil wala siyang naging problema kay Shaina. 
"As you know it hindi naman ito first time nangyari di ba? Parang paulit ulit na nga ito, para na nga kaming mainstay sa isang show sa TV5 eh. Pero si Shaina, she’s been very understanding about the whole thing, very mature about it, we're very much okay, wala kaming problema about it and nagkakaintindihan kami, pag ganon mas lalo mong minamahal yung tao."
At para tuluyan nang matigil ang usaping ito, ito ang nakikitang solusyon ni John Lloyd :
"Ano lang naman kasi ito eh, here are two people who used to be together. But who are open to the idea of friendship after a relationship, parang we tried naman, pero may mga bagay na hindi na namin, in other words, parang nakakapanghinayang kasi, kaya naman sana eh, kung hindi lang binibigyan ng malisya ng ibang tao. Siguro yung friendship can last, for how long I don’t know. Pero minsan dala na rin nung kagagawan ng ibang tao, binibigyan ng malisya, kung anu-ano ang ini-insinuate, eh unfortunately and sadly , nakakasira and I don’t know, for now, para siguro matahimik na rin lahat, especially  people who are dear to me, hindi na rin kasi maganda yung mga naglalabasan eh, parang  laging ako yung napapasama, often times, they put me on a bad light and it's not easy for my family, it's not easy for Shaina, it's not easy for our relationship... So para matapos na, siguro it's ime for me to ano, stay away muna. Siguro para alam na rin nila, it's time to make it public na maybe, it's now time for me to stay away from her, para na rin matapos na no, out of my respect for her and for my family. Ganon na lang."
Sa tanong naman kung tuluyan niya nang isinasara ang pinto sa posibilidad na pagiging friends nila ni Ruffa, eto naman ang diretsang sagot ng aktor. 
"Siguro kasi kung ganito lang naman ang mangyayari, parang bakit ba sobrang laking issue na parang pag nag-communicate yung dalawang tao who used to be together, parang napakalaking issue sa kanila, I mean sayang lang, hindi siguro kinaya nung friendship.  So maybe it's best kung medyo ako na yung lalayo. Pero don’t get me wrong ha, wala akong pinuputol na anything. Siguro for now eto muna yung pinakamagandang magagawa ko."
Sa pagsasalita niyang ito, aasa na lang daw si John Lloyd na matitigil na ang issues sa kanila. Sobra na raw kasi ang mga lumalabas na usapin kaya napilitan na siyang magsalita.
"Sobra na eh. Parang sagad na sagad na yung ano sa akin, parang masyado naman akong napapasama na ngayon, parang na-realize ko lang na parang ngayon na dapat magsalita... Eto na yung akin, sabi ko nga may mga bagay na  hindi ko na hawak. So pagka ganun, ang pwede mo na lang panghawakan, yung sa'yo. Kung ano na lang ang parte mo. But ako talaga personally, kung ano pa yung lalabas after nito, wala nako diyan," ang paniniguro ni John Lloyd.
Sa kasagsagan ng lahat ng ito, malaking sorpresa raw kay John Lloyd kung gaano ka-mature at supportive si Shaina sa pag-handle sa mga bagay-bagay. Kaya naman mas lalo pang napapamahal sa kanya ngayon ang aktres.
"Gusto ko lang for Shaina, kung paano siya naging  supportive and mature and kasama ko, through all these, parang now is a good time para ma-appreciate siya, I just wanna tell her na I really love her and for her patience and understanding, and it makes me wanna love her more and sana maging maayos lahat because I love the life that we have togerher and I can't let anyone or anything take that away from me," ang pagtatapos ni John Lloyd.

15 comments:

Anonymous,  October 22, 2010 at 2:24 AM  

Denial King or a BIG LIAR?

Anonymous,  October 22, 2010 at 2:28 AM  

susssss lalayo daw , yon din ang sinabi ni JLC noon na lalayo sila ni ruffa sa isat isa, then what do you know there were pictures of them together in Beverly Hills, how about that, anong say mo JLC? deny ka pa ng deny, yon pala TRUE!

Anonymous,  October 22, 2010 at 3:10 AM  

dati hate na hate namin si ruffa dahil akala namin hindi totoo yung relasyon niyo at feeling namin siyang humahabol sayo! tapos nagulat kami nasa beverly hills kayo nag shopping. putulin mo mga daliri mo---hindi totoo may relasyon kayo only para aminin mo rin nung wala na kayo na naging magon pala kayo! eto nanaman deny ka ng deny tapos nung nabuking ni belo inamin mo ulit!! ayoko na sayo! mgapakalalaki ka!! sinungaling!!!

Anonymous,  October 22, 2010 at 4:51 AM  

I don't like JLC,Masyadong mayabang! Malaki na ang ulo niya, hindi naman guwapo! Kung ako kay Shaina iiwan ko yan!

Anonymous,  October 22, 2010 at 5:28 AM  

He is such a liar at sweet talker. Narinig na namin yan. Hindi ko pababayaan mawala si ____ akin. Nobody can get that away from me. Look at him now.

Tama ang sabi ng iba. Super liar ka na JLC! Sabi wala silang relasyon noon, ngayon pareho na kau nag sasbai na naging mag ON kau. Hindi ka talaga magandang huwaran. Agree ako kay Tito Alfie, yong relasyon nyo ni Shaina is bound for splitville soon, hanggang hindi ka magbago.

Kawawa lang si Shaina sau. Sa pag iintindi sa mga kasinungalingan mo.

Anonymous,  October 22, 2010 at 8:02 AM  

si john lloyd magaling magpaligoy ligoy, nagpapaka lalim sa interview feeling full of wisdom na tao...eh ang bottom line SINUNGALING parin...kaka dissapoint. kawawa lang mga babae na makaka relasyon nya. sana matuto syang rumespeto ng babae especially gf nya...dahil yun ang nagdadala ng kahihiyan sa mga pinaggagawa nya.

Anonymous,  October 22, 2010 at 10:44 AM  

Credibility-wise, I'd go for Ruffa. Papalit-palit ng statement si JL. Why deny it in the first place when he said they're just friends lang?

I used to be a fan of JL but sobrang nagkakalat na sya ngayon. Dude, sobrang nega na ang image mo...at kahit ilang beses yang pagdadamage control,it wont help clean up the mess u made. pity.

Anonymous,  October 24, 2010 at 12:02 AM  

If there is nothing to keep, if there was no malice, there is no need to deny...JLC took quite a while to answer because he was thinking of an alibi... sadly there were people who are bold enough to say what's the truth.... what's up with you JLC? You are ruining yourself...

Anonymous,  October 24, 2010 at 9:53 AM  

kopyang-kopya ng pep.ph to ha, san sila kumuha ng transcript ng interview? eh hindi naman to napanood lahat sa TV Patrol at SNN?

Anonymous,  October 25, 2010 at 7:05 AM  

ang comment ko.. though, am not a fan of
Ruffa, but for me she is right, it does not matter kung lovable ka or idolo ka ng lahat ng tao dahil magaling ka sa an actor ang importante may BACKBONE KA! idol ko pa naman si JL, wanted him and KC to do a movie or a teleseyre together. It didn't made MORE OF A MAN, the whole thing made him LESS OF A MAN. Siguro itong lalaking ito is the type na hindi niya kayang ipagtangol ang isang babae.

Anonymous,  October 25, 2010 at 7:55 AM  

team JLC = team love

team RUFFA = team bitter

TEAM LOVE for the win!

Anonymous,  October 25, 2010 at 10:48 AM  

Anong purpose ng isang ex boyfriend na patuloy pa rin ang pakikipag communicate sa ex girlfriend? Friendship? I don't think so! JLC has already a girlfriend, si Shaina,para namang sampal sa mukha niya yon na patuloy pa ang communication ng dalawa. for me parang cheating na rin yon. Sana nga totoong mahal ni JLC si Shaina, kasi wawa naman si girlfriend!

Anonymous,  October 25, 2010 at 1:57 PM  

for me..i admire JL for his being a man of a few words. san ba nagstart ung issue na ito? hndi ba kay Mo? para saan? para sa sarili nilang interes... hndi nmn kasi madali ipaliwanag sa publiko kung anu ang nangyayari dahil gagawa at gagawa sila na sarili nilang konklusyon..bakit kailangan pag naiipit na sila tska nmn nila pipilitin magsalita ang isang tao na gusto ay matahimik na relasyon? siguru nga totoo si ruffa sa pag amin may komunikasyon sila ni JL..sana nga lang mag iingat xa sa mga taong nakapaligid sa kanya..dahil...sa nakikita ku..gamitan lang ang pinupunta ng issue na ito..bigyan nmn ng chance na lumigaya ang mga tao...

Anonymous,  October 26, 2010 at 9:47 AM  

dapt nun cnb ni mo un about pagtawag ni jlc kay tanda ruffa, right there & then itinama n nia na.nat twag lng un kasi meron certain issues dpat pag usapan. eh hinayaan nia mag isip,karon malisya un mga nsa paligid nia pati mga manonood n meron p nga sumthing s knila 2. ibg sbhin gus2 tlga ni TANDA n pag usapan at guluhin un relasyon ng 2 taong nagmamahal.. MOVE ON TANDA!!!

Anonymous,  October 26, 2010 at 9:49 AM  

MATANDA... HINDI CIA LAOS KASI KHIT KELAN NAMAN NDI CIA SUMIKAT! DB TANDA RG?

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP