Angel Locsin, nakakatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang pamilya!

Wednesday, November 10, 2010


Matapos mapaslang ang kanyang pamangkin na si Rachelle Marie Colmenares Salvador Sansan (28 years old) sa Carcar, Cebu, kanina sa report ni Marie Lozano sa TV Patrol ay inamin ni Angel nakakatanggap daw ng banta ang pamilya nila mula sa suspect - ang mismong asawa ng biktima na nagngangalang Fernando.

"Meron kaming death threats, pag di raw kami tumigil sa kakasalita, may gagawin siya sa amin," ang rebelasyon ni Angel. Kasabay nito ay ang paghingi niya ng tulong sa lahat. "Sa mga tao, sa authorities, please lang tulungan niyo kami na bigyan ng hustisya si Ate Shel."

Sinabi din ni Angel na handang magbigay ng reward ang kanilang pamilya sa kung sino mang makatutulong na mahuli ang suspect.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP