Is there a rift between Pokwang and K Brosas?

Thursday, November 18, 2010

Matapos mapasama bilang isa sa mga host ng noontime show na Pilipinas, Win na Win, marami ang napapaisip kung isa nga bang malaking threat si K Brosas para kay Pokwang, na matagal nang nasa programa. According to rumors, kung gaano kasaya on camera ang dalawa, eh ganun naman din daw sila ka-cold sa isa't isa when off camera! Issueng mabilis namang nilinaw ng dalawa!


"Rawr! Rawr (nagpapatawa)... Unang araw pa lang aaargh, rawr, i hate you, i hate you! Wala! Diyos ko, magkasama pa nga kami niyan kanina... itong isa, baklita na eh. Baklita, masa, pak boom. O wapak kaming dalawa, nagkakatulungan kaming dalawa," ang masayang kwento pa ni Pokwang.
"Bakit naman kami magdededmahan? Kwentuhan lang kami sa dressing room. Tawanan lang kami nang tawanan. Yun nagsisimula yon e. Behind the camera kailangan magkaibigan kayo at magka-chikahan, pagdating sa screen normal ang dating," ang depensa buwelta naman ni K sa intriga.


Bago pa mas lumala ang rumors, both also made it clear na walang sapawang nangyayari sa kanila, when it comes to hosting the noontime show.
"Hindi kami nagsasapawan, walang ganon. Nagbibigayan kami, saka nakakatawa, meron kaming rapport na normal, di namin pinag-aralan, di namin pinag-usapan. Kusa na lang lumabas. May bago kaming segment, ang galaw galaw. Ang saya saya," kwento ni K. At ang paliwanag naman ni Pokie : "Nakikita niyo naman siguro yung division of labor namin. Pag kami, kami ni Rico J, kami. Tapos pag siya, i-intro ko siya, pak o tapos pagka-ako ulit, ako, may kanya-kanya kaming moment."
In all fairness naman sa dalawang ito, I personally think na hindi sila magkaka-issue dahil mas nagiging close na sila ngayon. Dahil minsan ko nang nakita ang pagkaka-pareho nila bilang tao at babae, nung nag-guest sila sa Simply KC kasama ang kani-kanilang anak na pareho nang dalaga. See, pareho silang single mom, at hindi lang yun, parehas silang dumaan sa maraming pagsubok sa buhay. At ngayon, todo kayod para sa kanilang pamilya. kaya mabuhay kayo Pokie and K!
Source : Showbiz News Ngayon

4 comments:

Anonymous,  November 20, 2010 at 2:08 PM  

I love Pokwang!

Anonymous,  November 21, 2010 at 1:36 PM  

No comparison. K Brosas is so much classier than Pokwang.

Anonymous,  November 22, 2010 at 2:26 AM  

K Brosas is more the real deal...she's witty and a lot smarter and equipped as a comedienne... Pokwang is not funny by herself...only works with someone to banter with and with the scripted materials

Anonymous,  November 22, 2010 at 2:29 AM  

Pak wapaak ka jan! Mare friend ko si Pokie pero mas natatawa ako kay K...yun na paak champion! O alam mo na....

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP