Is Zanjoe Marudo dating Bianca Manalo?

Tuesday, November 16, 2010


Pumutok sa SNN ang balitang meron na raw bagong special girl sa buhay niya ngayon ang hunk actor na si Zanjoe Marudo. At ito ay walang iba kundi ang beauty queen turned actress, bida sa Juanita Banana, na si Bianca Manalo. Sa interview sa kanya ay halatang nagulat si Bianca sa issueng ito.

"Uy! Wala po! Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya baka isipin ng tao bakit may biglang lumabas, nung nasabi ko lang naman yun, lumabas kami as a group ng magkaribal," ang pagpapaliwanag ng prangkang si Bianca.

Samantala ayon naman kay Zanjoe, na-surprise siya kung gaano kasayang kasama at kausap si Bianca. "Ang saya kasama, nung first time naming nagkasama sa isang event... naging komportable agad kami, makulit din eh, di mo akalain na may kalog pala kahit beauty queen," ang sabi pa ni Z.

Kahit pa nahihiyang-naiilang si Bianca sa bagong issue na ito sa kanila, si Zanjoe naman nagbitaw ng medyo makahulugang statement. Sabi niya, "minsan parang nai-intimidate ako na baka... di mo masubukan kasi beauty queen... buti na lang matangkad ako, so ako baka puwede."

Source : Showbiz News Ngayon

6 comments:

Anonymous,  November 17, 2010 at 2:10 PM  

BIANCA GONZALEZ pa rin kahit anong mangyari..peace :)

as in BIANCA GONZALEZ.....i heart BIANJOE pa rin...

Anonymous,  November 20, 2010 at 1:55 AM  

typo error...should've been gonzalez instead of manalo... (-:

Anonymous,  November 21, 2010 at 11:11 PM  

okay lang si bianca manalo...bagay din sila..pero solid pudgies parin

Anonymous,  November 21, 2010 at 11:12 PM  

maganda din si bianca manalo...

Anonymous,  November 22, 2010 at 6:54 AM  

mas gusto ko si manalo kesa kay gonzalez!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP