Sharon Cuneta at Aga Muhlach, nagka-ayos na!

Sunday, December 5, 2010

Matapos malantad sa publiko ang tampo ng Megastar Sharon Cuneta sa close friend niyang si Aga Muhlach, finally this time ay pwede nang sabihing okay na ang lahat. Aga's wife, Charlene Gonzalez, revealed last Sunday on The Buzz na nagka-usap na sina Sharon at Aga the day before.


"Oo... ni Aga, Saturday... Basta nag-usap kami, pinuntahan niya ako tapos nag-usap, ano lang apologies were exchanged, accepted. Yun lang," ang confirmation ni Sharon nang muli siyang ma-interview ng The Buzz.

Dagdag pa ng Megastar, masaya ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap. "Siyempre maganda, kasi ang friends naman ganon dapat nag-uusap di ba? Maganda okay naman. Marami pa rin akong tanong, pero ayoko nang magtanong (giggles) Wala na, wala yun... I can never not forgive Aga, hindi ako mapagtanim. Kaya lang nga hindi na kami kasing dalas na mag-keep in touch, siguro life happens, so kanya kanya kaming pagka-busy ngayon."

Pero when asked kung posible pang matuloy ang movie team-up nila, na sinasabing isa sa mga naging tampo niya kay Aga, ito lang ang naging sagot ni Sharon : "Siguro wag na natin muna pag-usapan kasi pagod na pagod ako (laughs) Napagod talaga ako! Isang linggo rin ng buhay ko yun!"

Basta sa nangyaring gulo between them, isa lang ang natutunan ni Mega. "Ako naman I've always learned na ang friendship naman, you keep it special basta kami ni Aga, nagkaka-intindihan kami, so I know... basta nag-usap kami ayos na kami." 

6 comments:

Anonymous,  December 5, 2010 at 6:38 PM  

I'm glad okey na si Sharon at Aga. Kaya pwede ba sa mga negatron diyan, sana tigilan na ang mga comment na panay nakakasakit! maayos na ang lahat, kaya dapat maging masaya tayo para sa kanila..

Anonymous,  December 5, 2010 at 11:47 PM  

Agree! Super love Sharon forever! Love her when she is mataray and frank.. Love you MEGA!

Anonymous,  December 7, 2010 at 2:22 PM  

Hay naku! Pa-star talaga tong si Sharon! Dati pa yan, ayaw niya na may kapangalan siya sa Showbiz kaya si Vina Morales, na ang real name ay Sharon Magdayao, ay ayaw niya na gamitin ni Vina ang Sharon. Eh kung sa ayaw ba naman ni Aga to do a mivie with her, bakit pinipilit niya sarili niya. For all we know, mas type siguro ni Aga to do movies with younger and sexy female stars. Tapos ngayon na naman sinasabi niya na marami pa rin siyang tanong, pero ayaw na niyang magtanong... hmmmm.... OA na masyado ha, papansin talaga. Goodluck nalang din sa anak niyang wala naman talagang bonggang talent na ma-shoshowcase sa industry... flop nga yung first ever teleserye niya... tapos yung mga albums niya... halos wala nga tayong ma-recall na kinanta niya... movie... wala din, hindi na nga nasundan pa... Kaya yan, nakipag-collaborate nalang kay Piolo na 'in-love' kuno yang dalawa na yan. Both parties would benefit nga naman, para kay Piolo na hindi na ma-isyu na bading at para sa girlalu na mapag-usapan... publicity at work kung baga. Buti nalang magaling ang ABS, nagagawan ang lahat ng paraan :)

Anonymous,  December 7, 2010 at 3:04 PM  

^
hoy mahiya ka nga sa mga pingsasasabi mo! napaka nega mo naman, kung wala kang masabing positive tumahimik ka na lang. ang dami mo pang satsat pati si piolo na matino dinadamay mo sa mga kalokohan mo. matitinong tao yang bina badmouth mo.

Anonymous,  December 8, 2010 at 1:44 PM  

Hahahahaha! @Anonymous, December 7, 2010 3:04 PM !!! Masakit talaga malaman ang katotohanan :) Kung alam mo lang kung isa kang fans sa nakikipag-kamay kay Sharon... alam mo bang kulang na lang ipangligo niya ang alcohol oras nang sumakay na siya sa kanyang sasakyan :)

Yang si Piolo din na sinasabi mong matino... fine. He just really has that "people skills" :) Magaling lang yan makitungo sa fans or the public pero kung ang usapan kung talagang girlalu siya... eh talaga namang Piola siya :) May kakilala nga ako sa isang Ad Agency, dati crush na crush niya yan. Nang ma-confirm niya na isang ganap na girlalu nga, eh mabilis pa sa alas kwatro na sinabi niya na ayaw niya na sa kanya, heheheheh! Nakakaloka talaga kung alam mo lang behind the scenes. Tsk. Tsk. Tsk. :)

Anonymous,  January 5, 2011 at 5:29 AM  

I really really love mega! i Admire her views in life, her acting, her insight the way she speak grabe she speaks with depth and wisdom talaga, the way she raised her children is worth to be immitated.

i just remember my childhood moments with my sisters and my titas paulit ulit kami pag manood ng mga movies niya and in our house pag sharon na stop lahat ang mga ginagawa namin. he he....

MORE POWER MEGA!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP