Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

IS THIS TRUE?! Kristine Hermosa at Oyo Sotto, MAGPAPAKASAL sa Amerika?

Sunday, January 31, 2010


May mga nagtatanong sa akin sa Twitter... Totoo raw ba ang kumakalat na balitang magpapakasal sa US sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto? Sa www.journal.ph, naka-headline nga ang tungkol sa diumano'y planong pagpapakasal ng dalawa! Sa article na sinulat ni Mercy Lejarde, na na-upload noon pang January 25... wala namang kumpirmasyon ang balitang ito. Patanong lang din. Nakakatuwa pa ang anggulong nasilip doon ng writer, sinasabing kapag 2010 nagpakasal sina Tintin at Oyo, sukob ito sa kasal ni Ciara Sotto na pinsang buo naman ni Oyo. As of press time, wala pang ibang information tungkol sa kumakalat na rumor na ito.

Matatandaang sa last taping day ng teleserye ni Kristine na Dahil May Isang Ikaw, for the first time ay nagbigay ng pahiwatig ang beautiful actress tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ni Oyo. Nabanggit ni Tintin sa interview na yun na "...dati hindi ko masabi, pero ngayon masasagot ko na. Mukhang may pupuntahan na." Sa mga oras na iyon, nabanggit ni Kristine na wala na siyang kontrata sa ABS-CBN, pero sa Star Magic meron pa. Tinanong din siya kung may balak na siyang umalis ng bansa, hindi  raw siya sure kung makakaalis siya kaagad. Meron pa rin daw kasi siyang ilang commitments dito na kailangang i-fulfill.

Kung totoo mang magpapakasal ang dalawa, walang masama. Ang tagal na ng kanilang special relationship. Oyo has proven kung gaano ka-espesyal sa puso niya si Kristine. At si Kristine naman... she deserves to be happy.

Read more...

I'll Miss Jun Pyo... Ji Hoo, Woo Bin and Ee Jung!!!

Saturday, January 30, 2010

Tonight nagtapos na ang re-run ng Boys Over Flowers sa ABS-CBN. In fairness, kahit naipalabas na noon... taas pa rin ng ratings! At lakas pa rin ng kilig impact sa viewers! Hay wala lang, mami-miss ko na naman ang F4 kaya nagpost ako nito. Ang photo below? Ito ang closest encounter ko sa Korean F4, reposted! Hahaha!


Read more...

ON THE SPOTLIGHT : JERICHO ROSALES and CESCA LITTON!

Friday, January 29, 2010

Cesca's photo courtesy : www.pep.ph

Nagsimulang maging laman ng usap-usapan ngayon sa showbiz sina Jericho Rosales at Cesca Litton dahil sa post na ito ng PEP sa Twitter, through their account named scoopbox :

"SPOTTED: Jericho Rosales and TV host Cheska Litton inside the actor's silver SUV at the parking lot of Eastwood Mall last Sunday, Jan. 24..."

Si Cesca ay kilalang sportscaster bago siya maging field reporter ng SNN (boses po niya ang naririnig niyo sa mga VTRs ng SNN). Well, we'll get to know her more once na ma-interview na siya regarding this matter.

Mabalik tayo sa kwento. Dahil sa post na ito ng PEP, na-curious naman ako at medyo nagtanong-tanong. Mabuti na lang, may isang friend na nag-tweet sa akin at sinabing nakita niya na rin diumano na magkasama sina Echo at Cesca sa Barcino (wine shop sa Julia Vargas Ave., Ortigas, Pasig)  last December pa (kung 11th ng gabi or 12th ng madaling araw, hindi niya maalala eksakto). Ito raw ay pagkatapos ng taping ng ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum. Kasama daw nina Echo at Cesca si Gab Valenciano, at dalawang non-showbiz personalities. According to my source sa pagkakarinig niya, that time ay may nagbanggit daw sa grupo na "magkabarkada" sila - Echo at Cesca. During the chikahan at konting wine-drinking, ang observation ng aking source ay parang nasa "getting close" stage diumano sina Echo at Cesca. Imposible din naman daw na may something si Gab for Cesca, dahil that time ang kinukwento pa diumano ni Gab ay how he will win Rachelle Ann Go back.


Ayun, gusto lang i-share ng aking source na hindi lang noong January 24 diumano lumabas together sina Echo at Cesca. And by the way, Echo paid daw for the bill ng grupo that time.

Read more...

RUFFA G : Lovely in Paris!

Thursday, January 28, 2010

Last Sunday ay lumipad papuntang France si Ruffa para sa wedding ng isa niyang friend there. In all fairness, hindi magpapatalbog si Ms. World sa mga ladies in Paris! Hahaha!




Thanks Ruffy (and your friend @theshowmanship on Twitter) for the photos!

Read more...

Hot and Fresh Female Celebrity, may not-so-fresh KULUGO sa tuhod!

Wednesday, January 27, 2010


Na-miss niyo ba ang blind items? Ako rin! Ang mga sources ko kasi medyo naging matumal ang pangangalakal eh.Pero si chiclet may nai-chikang bago sa akin! Ready na kayo? Game!

Ang kwento ay tungkol sa isang hot and fresh female celebrity na sa super short period of time ay naging bagong crush ng bayan na. Sa isang shoot ay may not-so-pretty na nadiscover si chiclet! Si pretty girl, merong... uh-oh, not so cool na kulugo sa kanyang tuhod! Naku, madi-disillusion ang maraming boys sa kanya! Pati na rin mga girls and gays na naga-admire sa kanya! Paano ba naman kasi, sa previous pagpapakita niya ng flesh ay super flawless naman talaga si hot and fresh female celebrity na ito --- ako mismo nakita ang pagka-flawless na ito ha! Oh well, sana maitago-maipagamot-maipabura niya agad ito!

Sino siya? Basta. Nali-link siya ngayon sa ilang sikat na hunk actors na parehong "taken" na daw.

Read more...

SISTER POWER! Anne and Jasmine Curtis-Smith!

with Anne and Jasmine, and their mom

Bilang ngayon ko lang nahanap, at napanood ang video ng dance number ng beautiful sisters na ito sa Showtime kahapon, ngayon ko lang din na-ipost ang photo na ito na hinalungkat ko rin sa picture folders ko hahaha! Anne's baby sister Jasmine is going back to Australia na this February (1 ata if I'm not mistaken) dahil may school pa siya. Anne assured naman those na makaka-miss kay Jasmine na every vacation ay babalik ang baby sis niya here. Nagka-iyakan pa ang dalawa after the number, kitang-kita how much they love each other.

On the other hand, dahil parehong beautiful sina Anne at Jasmine, marami ang nagtatanong : Si Anne ba ang sinusundan ni Jasmine pagdating sa fashion? Sabi ni Anne nung na-interview ko siya over the phone, magkaiba raw sila ng trip ni Jas sa pananamit. Nai-kwento niya nga na minsang they were in Hong Kong at pumasok sila sa isang boutique, paglabas nila ay wala silang ni isang magkaparehong item na nabili! Taray di ba? Oh well, let's wait na lang na matapos ni Jas ang school niya agad-agad para makapag-stay na siya dito ng matagal. Or why, Jas, dito ka na lang mag-aral? Hehehe! Showbiz definitely needs another beauty&talent like you!

Read more...

PAANO NA KAYA : P10 MILLION gross sa first day as of 9pm! CONGRATS!!!


 

Read more...

JASON IVLER, may 500 na ang naging GF according to Marlene Aguilar-Pollard!


photo from Jason's www.soundclick.com profile
Laman pa rin ng news ngayon si Jason Ivler, and of course his equally controversial mother - Marlene Aguilar-Pollard, younger sister of folk singer Freddi Aguilar. Kung maraming naloloka sa case na kinasasangkutan ni Jason at sa mga shocking statements ni Mommy Marlene... wag nating i-deny na ang dami ring nagu-gwapuhan kay Jason.

Jason Ivler was a member of the cast of TGIS, a youth oriented series before sa GMA-7. He even attempted to commercially release an album, using the screen name Jsin Aguilar. Pero according to his mom, when she  was interviewed by The Buzz, ikinahihiya ni Jason noon ang malaman ng iba na nagsho-showbiz siya. Ang dahilan daw ni Jason sa kanya kung bakit hindi siya comfortable magshowbiz ay "mom, show business is lying. And I'm not very good at lying."



Mommy Marlene describes Jason as a younger version of Vin Diesel. 13 years old pa lang daw ito nang madiscover niyang hindi na virgin. "Pagpasok niya sa bahay, tiningnan ko siyang ganun. Sabi ko, Jason did you have sex?! Congratulations! You are now a man," ang masaya pang kwento ni Mommy Marlene. Nang tanungin naman siya kung naka-ilang girlfriends na si Jason, eto ang proud pa ring sagot ni Mommy Marlene : "diyos ko kapatid, limandaan siguro meron. Tatlo lang ang nakilala ko dun sa limandaan na yun. Yung isa sikat ang ama." Hindi na pinangalan ni Mommy Marlene kung sino itong may sikat na amang naging girlfriend ni Jason dahil baka daw madamay pa sa kasong kinasasangkutan nila.

Read more...

PIOLO PASCUAL & ZAIJIAN "SANTINO" JARANILLA, magsasama sa pelikula!

Monday, January 25, 2010



Sa mga nag-aabang sa next project ni Papa P at ni Santino, good news! Magsisimula nang magshooting ang dalawa para sa Star Cinema movie nila, pagkatapos ng May Bukas Pa ni Santino. Father and son story daw ito, kaya siguradong ibang Piolo naman ang mapapanood ng lahat. At si Santino, well, we'll see another side of him! Exciting!

Read more...

GRETCHEN BARRETTO & BEA ALONZO, tuloy na tuloy na ang teleserye!



                                                 Gretchen's photo courtesy of blogs.stylebible.ph

Confirmed na confirmed na ang teleseryeng pagsasamahan nina Gretchen at Bea sa ABS-CBN, to be produced by Star Cineme! Sa kasalukuyan ay nag-i-story conference na ang grupo kasama sina Gretchen, at take note, ngayon pa lang ay masayang-masaya at excited si Greta!

Now, sinong nagsabing hindi matutuloy ang teleserye ni Greta dahil sa paglipat ni Claudine sa GMA-7? Baka nga mauna pa ang airing ng soap ni G kay C ngayon! I think well-deserved ni Gretchen ang teleseryeng ito. At ang leading men nila ni Bea? Abangan!

Read more...

DIREK PAUL SORIANO, Tom Ford shades at Christian Louboutin na sapatos ang regalo kay Birthday Girl TONI GONZAGA!

Saturday, January 23, 2010



Kagabi, sa SNN pa rin, Toni revealed kung ano ang special gift na natanggap niya from Direk Paul nung birthday niya - last January 20. Sa nakakatuwang pagku-kwento ni Toni, hindi niya daw ine-expect ang regalong ito from Direk Paul, dahil nag-emote na daw sa kanya ang boyfriend na kesyo wala na yung style na gusto niya, at mahirap ang shipment nung bagay na iyon. Isa pa, nagbigay na daw ng regalo sa kanya si Direk Paul --- Tom Ford na shades. Pero on the night of her birthday, ginulat si Toni at kinabahan naman ang kanyang Mommy Pinty sa isang box na naghihintay sa bahay nila!

"After ng surprise party dito sa PBB, may malaking box sa bahay, tapos nung binuksan ko mabuhay box, ay nakakaramdam na ako parang may shipment ngang naganap. So ayun na nga nai-ship nga ng maganda," ang masayang kwento ni Toni sa SNN. Kaharap daw ang kanyang mommy nang nangyari ang bukasan ng regalong ito, at according to her "akala kasi ng mommy ko kung ano yung laman ng box. Kasi pagbukas ko ng box, may isa pang box, hanggang sa papaliit yung box, eh nasabi ko napanood ko na sa pelikula to, alam ko ang ending nito, maliit na box. So wag na wag kang aarte ng hindi tama, so nakabantay si mudrax! Pero hindi naman, inasar lang niya ako yung last naka-wedding na wrapper. So na-tense si Mommy Pinty ano yan! Sabi ko hmph halata namang tense na tense tong si mommy!"

Read more...

PIOLO PASCUAL, tutol nga ba sa team-up nina KC CONCEPCION & JERICHO ROSALES?

Ngayong nagsisimula nang mag-prepare sina KC Concepcion at Jericho Rosales (and of course Gabby Concepcion) for their upcoming movie under Star Cinema, nagsisimula na ring i-entertain ng marami ang possibility na mahulog ang loob nina KC at Echo sa isa't isa. Hala!

Sa pagtatapos ng Lovers in Paris, ibig bang sabihin mauudlot na ang napapabalitang espesyal na pagtitinginan nina KC at Piolo Pascual? Well, mukhang hindi naman. Hindi ba nga't nagbakasyon daw ang dalawa --- with some showbiz and non-showbiz friends daw --- sa El Nido, Palawan? Isang balitang until now ay hindi pa kino-confirm ng dalawa. Pero, ang kulit, eto nga't KC-Echo na ang bagong loveteam. Ma-a-out of the picture na ba si Papa P? Okay lang ba sa kanyang ipinartner na sa iba si KC, I mean, na mauuna pa si Echo na makasama ni KC sa movie?



Sa friday episode ng SNN, habang nagsisimula pa lang ang issue... sumagot na agad si Piolo! "Echo and I are friends, and of course trabaho naman yun, wala naman tayong karapatang magalit or mag-react because as far as I’m concerned, kanya-kanya tayo ng kailangang gawin sa buhay and, I’m excited you know, something new for Kristina as well, and Echo. And I’m sure excited din si Echo na makasama si KC," ang statement ni Piolo. Oh. Okay lang daw ha. Walang magagalit sa side ni KC, sana sa side ni Echo wala rin. Peace. Peace. Peace.

Read more...

ANGEL LOCSIN : "Ayokong magpa-asa..."

Thursday, January 21, 2010


After ng much-publicized panliligaw daw ng CNN Hero na si Efren Penaflorida kay Angel Locsin, at ng page-express ni Luis Manzano to win his ex-girlfriend back... Muli ay humarap si Angel sa media, and this time, may next level na ang mga kaganapan sa kanilang tatlo.

In her SNN interview, malinaw na sinabi ni Angel na wala siya sa stage ng buhay niya now para mag-entertain ng suitors. "Hindi naman ako nagpapaligaw eh. Iki-clear ko lang hindi ako nagpapaligaw. Right now we’re good friends talaga," ang sabi ng sexy actress patungkol kay Efren. However, may communication pa rin naman daw silang dalawa, at paminsan ay lumalabas din kasama ang mga batang tinutulungan ni Kuya Ef. "Minsan pumupunta sa bahay, kasama yung mga kids. Minsan lumabas kami, nanood kami ng sine kasama yung mga bata rin. Yun din naman yung usapan namin, ayoko rin naman na kausap ko si Luis may kausap akong iba.. ayoko rin naman magpaasa dun sa taong nageeffort," ang honest revelation ni Angel.

Read more...

Ito ba si MAYEN AUSTRIA, ang babaeng pinagselosan ni Kris Aquino?

Wednesday, January 20, 2010

Hanggang ngayon mainit pa ring pinag-uusapan ang hot revelations ni Kris Aquino last Sunday sa The Buzz. Marami ang nakiki-simpatiya kay Kris, lalo na ang mga babaeng may asawa o nasa isang relasyon. Pero kasabay nito, naging matindi ang curiosity ng lahat... sino ba si Mayen Austria at ano ang itsura niya? Ano naman ba ang panig niya mismo sa big showbiz controversy na kinasasangkutan niya? Finally ay may lumabas nang diumano'y photo ng controversial woman! May nag-message sa akin sa twitter giving me a link to pinoygossipboy.ph, kung saan lumabas ang diumano'y photo ni Mayen. According to the site, a reader sent the photo. Para sa nacu-curious dyan, heto po ang diumano'y photo ni Mayen na naka-post sa http://pinoygossipboy.ph with the following disclaimer.

Again, this photo with disclaimer ay mula sa http://pinoygossipboy.ph, ni-repost ko lang.


http://pinoygossipboy.ph's disclaimer : Pinoy Gossip Boy does not warrant the veracity of this photo. No infraction to the right of privacy of the person above is intended as it forms part of public interest.


Read more...

MAJA + ENCHONG + ERICH + EJAY + XIAN = ano nga ba talaga?

Tuesday, January 19, 2010


Magulo talaga ang lovelife kapag nasa showbiz. Proven na ito ng mga latest love and relationship issues na naglalabasan sa news lately hindi ba? Some of the hottest young stars today ay hindi rin nakaligtas sa kaguluhang ito. Maja Salvador at Enchong Dee, may namumuo nga bang relasyon? O si Erich Gonzales ang totoong nililigawan ni Enchong? Si Erich na binasted nga ba si Xian Lim for Enchong? Nasaan naman sa picture na ito si Ejay Falcon na nakasamaan ng loob ni Erich?

Read more...

The Buzz Magazine january!

Monday, January 18, 2010




Ang babaw ko! Wala lang, unang columns ko bilang "showbiz columnist"! Hahaha! Bili na!

Read more...

KRIS AQUINO AT JAMES YAP, hiwalay na muna habang inaayos ang kanilang problema!

Kahapon sa The Buzz, hindi humihinga ang lahat ng tao sa studio habang inaabangan ang bawat salitang bibitiwan ni Kris Aquino, tungkol sa pinagdadaanan nilang problema ng asawang si James Yap. At tungkol sa pagpunta niya sa bahay ni Mayen Austria, ang babaeng diumano'y panay ang tawag at text sa basketbolista.


Most probably, marami sa inyo ang nakapanood na ng video ng pinag-uusapang tell-all ni Kris na ito. Pero para sa mga hindi pa... here's the transcription of the interview. Some sentences might be missing, and there are typographical errors pasensya na, pero makukuha niyo na rin lahat ng ipinaabot na message ng Queen of All Media sa kanyang interview.


Boy : krisie, importante sa amin ang panig mo. importante sa amin ang katotohanan. Exactly what happened? We are listening.

Read more...

BIGTIME SHOWBIZ CONTROVERSIES, REVEALED!

Friday, January 15, 2010

Sa column ni Ricky Lo sa The Philippine Star Today, dalawang bigtime showbiz controversies ang sumambulat sa lahat!

Una, ang pagpunta daw ni Kris Aquino sa bahay ni Mayen Austria, 35 years old, sa Valle Verde para pagsabihan ito tungkol sa kanyang diumano'y constant pagte-text at pagtawag sa asawa ng tv host-actress na si James Yap. Sa ibang reports, sinasbaing "sumugod" daw si Kris at tinalakan si Mayen at ang mother nito. Pero Kris clarified na walang sigawan na nangyari, malumanay daw siyang nakipag-usap sa mga ito. Sabi pa sa ibang balita, si Mayen ay avid fan lang ng team ni James sa PBA.


Second bigtime controversy : Nagka-konek-konek naman ang mga pangalan nina Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao at John Prats. Isa ba itong issue sa relasyon at pag-ibig? Para po sa hindi pa nakakabasa sa article ni Ricky Lo sa The Philippine Star, narito ang ilang bahagi ng artikulo niya :

According to reports, John Lloyd and Shaina are sometimes seen “having some drinks” at a joint (Countryside ba ‘yon?) frequented by showbiz folk. John got wind of it that’s why he broke up with Shaina. Could it be true that John now wants to “confront” John Lloyd? Is it true that John is spreading the yarn that John Lloyd is teaching Shaina “bad habits” (such as drinking)? Those are the speculations.

Enter Vina Morales, Shaina’s older sister.

Perhaps concerned about Shaina, Vina called up Ruffa to verify what Ruffa and John Lloyd’s “status” is — you know, are they really “on” or what?


Basta nung tinanong daw ni Ricky Lo si Ruffa kung anong status niya ngayon, ang sagot daw ni Ruffa ay "I am fabulously single!"

Nakaka-tumbling ang mga bagong issues di ba? Pero mas ta-tumbling ang lahat sa mga shocking expose sa The Buzz sa Linggo! Mga kontrobersiyang doon niyo lang mapapanood, maririnig at maiintindihan! Kaya tutok lang sa Linggo! 4pm!

Read more...

DAHIL MAY ISANG IKAW, ang pinaka-aabangang pagtatapos!

video

Isang gabi na lang... ang pinakapinag-uusapang teleserye ng bayan... magtatapos na! Don't miss it!

Read more...

Ellen DeGeneres, chinika si Angel Locsin sa Twitter!

Thursday, January 14, 2010

photos courtesy : ellen's - www.palzoo.net/EllenDeGeneres / angel's - http://twitter.com/143redangel

After Paulo Coelho's bonggang bonggang pag-follow at pakikipag-usap kay Anne Curtis sa Twitter... eto naman ang panibagong panalong kaganapan! Si Angel Locsin, fina-follow at dinirect message pa ni Ellen DeGeneres! Waging wagi! Kung anong message niya kay Gel, yan ang abangan!

Read more...

KRISTA RANILLO finally speaks up!

Monday, January 11, 2010

After the long wait and the endless speculations-allegations... After the many unfruitful ambush interviews... Krista Ranillo finally found the courage to confront the issues hurled against her.


Sa The Buzz yesterday, for the first time ay narinig ng lahat ang panig ni Krista sa controversy na kinasasangkutan niya at nina Manny and Jinkee Pacquiao. Kababalik lang ng sexy actress sa bansa last Tuesday from her ten-day vacation sa Los Angeles, kung saan naka-base ang lahat ng kamag-anak niya (fyi daw, sila na lang ng Daddy niya sa immediate family nila ang nandito sa bansa). Habang nasa US daw ay peaceful sila at hindi nagpapa-apekto sa mga intriga sa kanya dito sa Pilipinas. According to Krista, prangkahan naman daw kasi ay trabaho at pamilya niya lang ang mahalaga sa kanya and nothing else. Right now daw ay naka-focus ang attention nila sa pagpapagamot sa sister niyang may cleft palate, who is undergoing several check ups ngayon bago tuluyang sumalang sa operasyon.

In her The Buzz interview, isa-isang sinagot ni Krista ang mga akusasyon at diumano'y kasinungalingan about her. At eto ang 10 pasabog niya sa The Buzz sa pagsisimula ng 2010 :

1. Totoo bang may business sila sa US, na naitayo mula diumano sa puhunang ibinigay sa kanya ni Pacman?

Krista : "Wala, wala kaming business. Yun nga my brother kasi works as a chef, and then they do like catering business, pero matagal na nilang ginagawa yun. But i heard we have a restaurant, it’s not true. It’s definitely not true."

2. Ano ang reaction niya sa allegations ng iba na siya daw ang malas at dahilan kung bakit nag-flop as takilya ang pelikula ni Manny Pacquiao na "Wapakman"?

Krista :
"It’s kind of unfair, kasi i mean ahm, pag napanood mo rin naman hindi rin naman ganun kalaki yung role ko because ako yung villain. And you know parang i don’t wanna blame anybody, i don’t know why it didn’t do well in the box office. I really hoped, i was hoping talaga, praying na sana maging successful because it’s a project i’m proud of, it’s a project i’m part of. Pero yun i mean, parang it’s not just fair to blame it on just one person."

3. Pinagsisisihan niya bang nakasama pa niya sa pelikula si Manny Pacquiao?
Krista :
"No, no regrets, no, none at all. Because it’s a very good project, i was very excited to do it, i was proud to be on the set, like i gave my best talaga kasi it was my first mga action scenes ."

4. Totoo bang pati aso niya ay naka-business class ticket nang lumipad sila papuntang Amerika?
Krista : "Ahm it’s just funny, kasi parang sorry but you know parang common sense, cause ahm if you bring an animal to the states or any other country, they don’t fly with you. Cargo, cargo yun, parang excess baggage sila so whatever i pay, my dog’s so tiny d ba? Ang binayaran ko lang yung excess baggage nung aso ko and yun parang, old issues kasi like i’m here, when i work i give it my best, i give it my all. And parang when i earn money nasa sa akin naman yun if how i wanna spend it eh, di ba if i wanna fly, or something ganyan. Nasa sa akin yun because tinrabaho ko naman yun, parang i worked hard, nagpuyat ako ginalingan ko yung trabaho, ayan sumasayaw ako di ba (referring to her guesting sa Wowowee kung saan may dance number siya)."

5. Nasasaktan pa ba siya sa sunod-sunod na pang-iintriga sa kanya?
Krista :
"I think any other person masasaktan talaga. Kasi i said di bale na ako, ako na lang yung tirahin niyo, im very patient, im very understanding. Hindi ako warfreak na tao simple lang ako, little things, simple things make me happy. Pero yung pag sinasama yung pamilya ko, yun na yung masakit."

6. Ano ang katotohanan sa balitang lumalabas na siya ay buntis?

Krista :
"Yun i said obviously im not pregnant, i dont know where it started, i dont know saan nanggaling na i went to cebu na nagtatatalon ako for joy? i dont know kung saan nanggagaling na nakikita ako sa Makati Med, i mean if they have proof why dont they show it? You know im actually very ahm, matapang ako ngayon gusto kong sabihin na i can give you my blood, kunan mo ko ng dugo ibibigay ko sayo kasi alam kong susunod na sasabihin nila pag hindi lumaki yung tyan ko na nagpa-abort ako. Which is really unfair. I can give you my blood right now, i asked doctors if i give you my blood right now mache-check talaga kasi may pregnancy hormone na if ever nagpalaglag ang isang tao, lumalabas pa rin yun."

7. Why is her status "single and broken-hearted"?
Krista : "I'm not sure if it’s public knowledge, i had a boyfriend for almost 8 years, we were engaged and then syempre ayun things happened and then ahm, we broke up. So im just really heart-broken over that, and devastated of course it was an engagement di ba?"

8. Sabi ni Jinkee Pacquiao sa Starstudio Magazine's January issue, she hates you. Comment?
Krista : "Parang i dont know what to say. Let’s move on na lang. Ako i don’t hate anyone."

9. Bakit natagalan bago siya humarap sa media at magsalita ng ganito?

Krista :
"My world has been turned upside down, it’s just, im just requesting people for people to respect that i’m healing, i want to recover. Gusto ko pag humarap ako yung buo akong tao."

10. Ano ang gusto mong sabihin sa lahat ng naninira sa'yo?

Krista :
"Wala happy new year! I mean what else can i say di ba? Message ko rin dun sa mga maraming tumitira na ibang, you know parang mga kapwa artista na marami ring sinasabi about them, when they say you can’t, you just say WATCH ME."

Read more...

JUDY ANN SANTOS & PIOLO PASCUAL, muling magsasama sa movie?!

Friday, January 8, 2010

Mukhang marami talagang sorpresang nakahanda ngayong 2010! Isa na nga kaya dito ang reunion project nina Juday and Piolo?


Recently ay laman ng balita ang pagiging super okay ngayon ng dalawa - na noon ay laging iniintrigang may hindi pagkakaunawaan remember? Pero as shown last night on SNN, ang dalawa na mismo ang tumuldok sa patuloy na pagbibigay kulay sa kanilang pagiging friends.


Piolo : "Matagal na naman yun, matagal na and then mas naging frequent lang, sa trade launch nagkikita kami, sa mga events nagkikita kami, so i guess we’re just more comfortable now."


Juday : "Madalas naman kaming nagkikita eh hindi lang nalalaman ng mga tao, paminsan may dinner kami nina rye magkakasalubong kami sa taste of la, batian kami, kwentuhan kaming tatlo, wala na yun. I mean everything is okay, na-settle na lahat ng mga bagay na yan at sa mga nag-iisip at naglalagay pa ng malisya sa amin ni pj at nagsasabing may kaganapan pa sa amin, tama na po kasi magkaibigan po kaming maayos ngayon ni pj wag niyo na po sanang lagyan pa ng ibang kulay, may asawa ako at sana naman eh konting respeto lang yun lang naman yung sa akin."


If all's well that ends well ang drama ng dalawa... dapat na nga bang ma-excite ang lahat sa muli nilang pagsasama sa isang pelikula o teleserye? Heto naman ang pahayag ng dalawa kung tungkol sa reunion project ang pag-uusapan...

Piolo : "Ako i’ve always been open, i love my job, i love my profession. Nasa kay Juday na yun, ako naman i never closed my doors. Siya na lang tanungin niyo dun, ako naman okay ako. If she wants to do it, i’m always free."


Juday : "In the right time and the right project. Yun lang naman yung sa akin ahm, lahat yan magsusunod-sunod sa tamang panahon at sa tamang proyekto."


Read more...

DAHIL MAY ISANG IKAW, MAGTATAPOS NA!



Ang teleseryeng pinag-usapan ng bayan mula simula, hanggang katapusan... Ends with a bang!

Kahapon ginanap ang last taping day ng dahil may isang ikaw. Highlight ang court scene kung saan naroroon lahat ng cast, including jericho rosales, kristine hermosa, lorna tolentino, gabby concepcion, john estrada and chinchin gutierrez!

Nalulungkot ang cast sa napipintong paghihiwalay nila pagkatapos ng halos isang taong pagtatrabaho para sa proyekto pero masaya sila sa feedback mula simula hanggang katapusan ng teleserye.

Sa napipintong huling araw ng teleserye, abangan ang mga kapanapanabik na mga kaganapan that makes the teleserye worthy of being tagged as teleseryeng pinag-uusapan ng bayan mula simula hanggang katapusan ng ating mga kapamilya here and abroad!

Malaki rin ang pasasalamat ng mga loyal fans nina jericho and kristine here and abroad dahil napagbigyan ng abs-cbn ang kanilang kahilingang muling magsama ang ang dalawa. Dahil sa teleseryeng ito, pinatunayan ng dalawa that they are still one of the most well-loved onscreen pairs ngayon.

Malaki rin ang pasasalamat ni lorna tolentino dahil naging top-rater ang kanyang pagbabalik-kapamilya! Katulad ng kanyang teleserye noong Kay Tagal Kang Hinintay, muli na namang pinatunayan ng Grand Slam Queen ang kanyang galing sa pag-arte sa teleseryeng ito.

Read more...

HUNK ACTOR, IN LOVE PA RIN SA NAKA-TRABAHONG... HUNK ACTOR?

Wednesday, January 6, 2010

Uy nakaka-miss magblind item! Hehehe! Kaya eto na ulit siya...

My source Misty Blue Carr told me the other night na nagkita sila ng P.A. ng isang sikat na hunk actor sa isang restaurant. After ng konting chikahan, napansin kaagad ng source ko ang naka-"tattoo" (hindi totoong tattoo, parang ballpen lang daw ang ginamit) at the back of the P.A.'s hand. Ang nakasulat daw ay ang initials ng alaga nito, then heart symbol, then initials ng isa pang hunk actor na na-link sa kanya. Nakakaloka. Ayaw talaga paawat ni hunk actor 1 sa paghahasik ng kanyang lagim sa mga kapwa aktor at some non-showbiz males! Pero nang tanungin ng aking source si P.A. kung kanino yung isa pang initial na "naka-tattoo," ang sagot ng P.A. ay sa anak niya daw. Oh marunong lumusot!

Clue? Si hunk actor 1 ay two letters ang initials na "naka-tattoo" sa kamay ng kanyang P.A. at yung other hunk actor's initial naman ay isang letter lang na hindi vowel at sa bilang sa alphabet ay even number siya.

Read more...

Angel Locsin + Efren Penaflorida = WHATCHUTINK?

Tuesday, January 5, 2010

Marami talaga ang nagulat when the news about CNN Hero Efren Penaflorida and Angel Locsin came out. Efren admitted daw na limang taon niya nang ipinagdadasal si Angel, and he really wants her to be his "The One" (di ba kasi never pa daw nagka-gf si Kuya Ef). Balak daw talaga ligawan ni Efren si Angel, as in sa level na nakadalaw na ito sa bahay ng aktres at nakausap ang Tatay ni Angel with matching pagbibigay dito ng chocolates. Pero nang sasabihin na ng Papa niya sa kaniya ang napag-usapan nila ni Efren, Angel said that she stopped him. Ayaw niyang marinig anuman yun dahil, ang term na ginamit ni Gel, "madidiskaril" daw siya. Mas okay daw na maging magkaibigan na lang sila. Si Kuya Ef daw kasi ang "hope" ng bansa natin at ayaw niyang masira ito pag nadamay na siya sa mga intriga na galing sa showbiz.

Sa isang interview, nabanggit ni Angel na nakilala niya na si Efren bago pa ito maging CNN Hero. Sa Facebook daw si sila nagkakilala, they have a common friend na nag-tag ng photo na pareho nilang kinommentan. Pero una nilang na-meet ang isa't isa in person sa airport, nung kasagsagan ng Emmy's at CNN Hero Awarding. At alam niyo ba, bago pa aminin ni Efren sa TV ang matagal niya nang pagdadasal para kay Angel... nauna niya na itong sinabi kay Angel through a note that he gave the actress that airport-meeting nila noong November 19, 2009. Here's a photo of the note, courtesy of www.arajasmina.multiply.com :

Efren Penaflorida's note kay Angel Locsin when they first met

On the other hand, marami naman ang kinilig kagabi sa SNN when Kris Aquino revealed that sa nagdaang weekend, nasa bahay ni Angel si Luis na sa pagkaka-describe daw ng Mom niyang si Governor Vilma Santos ay very persistent. Nung unang gabi daw ay donuts ang dala ni Luis, pero hindi siya binaba ni Angel kaya si Daddy lang din ang kinausap niya. Sa pangalawang gabi, spaghetti naman daw ang dala ni Luis na sobrang nagustuhan ni Kris na nagkataong nasa bahay din nina Angel noong Sunday night. Now... marami ang nacu-curious sa dalang spaghetti ni Luis dahil sobrang nagustuhan ito ni Krisy. Saan siya nabibili? Ang sagot : sa Amber Golden Chain of Restaurants! Hehehe! (Thanks Luis for sharing!)

Ang abangan natin ngayon : magkabalikan kaya sina Angel at Luis? Sana no? (=

Read more...

Picture ni ANGELICA PANGANIBAN sa ABS-CBN hallway, MINUMULTO?!

Monday, January 4, 2010

I just want to share this photo, taken last Sunday by the driver of the Buganda group (a group of drummers na nag-guest sa ASAP XV). Sobrang crush daw nung driver si Ms. Angelica Panganiban, kaya talagang kinunan niya ng photo ang picture ni Angelica sa gallery of stars, sa hallway ng old building ng ABS-CBN. According to him, during that time ay walang tao around him. As in siya lang mag-isa nang kinunan niya ang picture. He was wearing a red shirt. Tingnan niyo na lang ang photo and decide for yourselves if this is true or another hoax. Pang-November post ko ba dapat ito? Hahaha!

Ang diumano'y minumultong picture ni Angelica...

Ang reflection ng driver na naka-red shirt na kumukuha ng picture...

Ang diumano'y ghost, long hair at naka-barong daw...

Read more...

Ex-PBB Housemate RICA Paras, gustong kalbuhin si PBB Housemate Cathy!

Sunday, January 3, 2010


Sa pagkadismaya ng marami - hindi lang ng mga bading ha, napalabas na sa PBB House ang Math Goddess na si Rica. Kanina, live na live siyang humarap kay Tito Boy sa The Buzz. At eto totoo ha, sobrang ang daming na-aliw sa kanya kanina when she arrived sa studio! Eto ang ilan sa mga prangkang revelations ni Rica :

Ang Big Winner at pinaka-totoong tao inside Kuya's House for her : Si Melai.
"Totoo siya, hindi siya nahihiya na galing siyang probinsiya, pag nage-english siya.. confidence!" ang sabi niya.

Ang pinaka-hindi totoong tao na hanggang ngayon nasa loob pa rin ng Bahay ni Kuya... Si Cathy daw! At ang hirit pa ni Rica : "Makabalik lang ako kalbuhin ko yung buhok niya!"

Inamin din ni Rica na meron na siyang boyfriend, at gusto niyang itago ang lalakeng ito sa pangalang "Papa J"... "Pilipino siya, Pangalatok siya. Magfa-five years na kami."

Read more...

MMFF Box Office Ranking!

Here's the official box office returns ranking of the MMFF entries as of January 1, 2010. Last day of showing is tentatively set on January 8... pwera na lang kung may super lakas pa at ma-extend. Source : MMFF

1. Ang Panday - P69.7 M

2. Ang Darling Kong Aswang - P66.7 M

3. I Love You Goodbye - P60.8 M

4. Shake, Rattle & Roll XI - P59.8 M

5. Mano Po 6 - P29.9 M

6. Nobody, Nobody But Juan - P26 M

7. Wapakman - P2.4 M

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP