Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

MELAI and JASON finally met their idol ROBIN PADILLA! Part 2 (click here for more photos)

Wednesday, March 31, 2010

As in wala po talagang idea sina Jason at Melai na makikita at makakasama nila si Robin Padilla nung araw na iyon. Si Jason nga, na laging may dalang camera at notebook for autographs, that time hindi dala yung notebook kasi hindi niya daw alam na si Robin ang makikita nila! Nakakatuwa yung dalawa, kasi kahit owver, owver ang kasikatan ngayon... hindi pa rin nahiyang magpaka-fan sa harap ni Binoy! Kaya naman si Robin love na love sila!
Grabe friends, hindi niyo kakayanin ang mga hirit ni Jason kay Robin! Sample? Nung napag-usapan yung aksidente na nag-cause ng sunog sa balikat nii Robin, hiniritan niya ito ng "kalokohan nya eh! Aksidente nga pero may pagka-mayabang din yan! Kaya nga yan ano, naaksidente!" Hahaha! Tuwang tuwa si Binoy sa kanya! Totoong tao daw kasi talaga. Thanks Mash Zapanta for the photos!

Bukas, may ipo-post pa ulit ako... si Robin at Jason, nagtapatan sa isang ma-aksyong tagpo! Si Melai, may naka-engkwentro... as in napalaban siya! Alamin lahat yan bukas lang, dito sa www.darlasauler.com hahaha!

Nakakaloka! Nakakawindang! Nakakatuwa! Hinding hindi niyo dapat ma-miss ang paghaharap nina Melai, Jason and Robin Padilla na ipapalabas this Sunday sa The Buzz!

Read more...

UPDATED : RACHELLE ANN GO, lilipat na rin sa GMA-7? ASAP XV to Party Pilipinas?


Pumutok na ang balita today na lilipat na rin daw si Rachelle Ann Go sa GMA-7. Susunod na rin daw ang Ultimate Champion kay Mark Bautista na nasa Party Pilipinas na ngayon. Si Mark at Rachelle Ann po ay parehas ng manager, ang Viva.

Bago pa man ma-confirm ang paglipat noon ni Mark, nagkausap na kami ni Rachelle Ann and I think it's safe to say here na sinabi niya sa akin na love niya ang ASAP at wala sa isip at puso niya ang lumipat. Kahit pa sa GMA-7 nagchampion si Rachelle Ann, ang mga kaibigan niya naman ay nasa ABS-CBN. Mahal niya ang Kapamilya Network.

Pero dahil nga sa may lumabas na balitang lilipat siya dahil diumano sa magandang offer ng Kapuso Network... tumawag po agad ako sa bahay nina Rachelle Ann. She wasn't home so I talked to her Mom instead. And sabi po ni Mommy, wala pa silang alam tungkol sa balitang ito. Holy week daw po kasi so walang pasok ang mga tao sa Viva office. Ang Viva ang magde-decide dito, pero syempre kakausapin din muna nila si Rachelle Ann. Nakakalungkot lang, sana wag lumipat si Shin. Si Mark din kasi noon, nung unang tinanong ko hindi niya alam ang balita... Nagdecide na lang din bigla ang Viva. Sana wag mangyari to kay Rachelle Ann.

Tinawagan ko si Rachelle Ann after ko kausapin ang Mom niya, pero nanunuod pa siya ng movie, kaya she'll get back to me na lang daw later. I'll update once na magkausap ulit kami.

Rachelle Ann's statement, sent to me through sms now :
"Haha. Di ko pa nababalitaan yan. Wala pang sinabi na ganyan ang Viva sa akin."

Thanks Shin!


Read more...

Toni Gonzaga ♥s darlasauler.com!

video


Read more...

Sino ang sorpresang nakita nina Melai at Jason? Part 1

Tuesday, March 30, 2010


Isang simpleng araw sa buhay ng mag-sweetie pie na sina Melai at Jason... Niyaya silang lumabas ng THE BUZZ. Walang ka-alam alam ang dalawa kung saan pupunta, anong gagawin, o kung sino ang makikita nila....

Dinala sila sa isang napakalaki at napakagandang bahay... Clueless pa rin yung dalawa. Habang naghihintay... ang magsweetie pie, nagtingin-tingin muna ng iba't ibang albums and collections nung may-ari ng bahay...
Pagkalipas lang ng ilang sandali... May pumasok na sa kwarto kung nasaan ang MELASON, isang matipunong lalake... makisig... macho... astig kung astig! Kaya si Melai, at lalo na si  Jason... Owver owver, walang char, nagulat at natuwa to  the highest level! 

SINO ANG NAKITA NG MAG-SWEETIE PIE? Ano ang mangyayari sa hindi inaasahan, at pinapangarap na tagpong ito? Ang pagpapatuloy ng ASTIG na pagtatagpo... bukas! Abangan dito lang sa www.darlasauler.com! Hehehe! Love you guys!

PERO ANG BUONG ARAW NG PAGTATAGPO AT BONDING, ang mga nakakatuwa at nakakatumbling na hirit ng mag-sweetie pie sa taong nakita nila... ang mga memorable gifts... at ang mga hindi inaasahang tanong ni Jason kay mystery guest... mapapanood sa SUNDAY, sa THE BUZZ! EXCLUSIVE! ABANGAN, AT PAKA-TUTUKAN okay?

photos courtesy : MASH

Read more...

Bianca Gonzalez ♥s darlasauler.com!


video

Read more...

Last leg ng Team Noynoy sa Negros Occidental : Silay


Thanks Alvin Gagui for the photos!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

Team Noynoy sa Victorias City Hall, Negros Occidental


Thanks Alvin Gagui for the photos!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

Krisy in Cadiz City, Negros Occidental


Thanks Alvin Gagui for the photos!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

Ricky Martin : "I am proud to say that I am a fortunate homosexual man. I am very blessed to be who I am."

Here's Ricky Martin's coming out of the closet announcement, posted on his website (March 29) :

A few months ago I decided to write my memoirs, a project I knew was going to bring me closer to an amazing turning point in my life. From the moment I wrote the first phrase I was sure the book was the tool that was going to help me free myself from things I was carrying within me for a long time. Things that were too heavy for me to keep inside. Writing this account of my life, I got very close to my truth. And thisis something worth celebrating.

For many years, there has been only one place where I am in touch with my emotions fearlessly and that's the stage. Being on stage fills my soul in many ways, almost completely. It's my vice. The music, the lights and the roar of the audience are elements that make me feel capable of anything. This rush of adrenaline is incredibly addictive. I don't ever want to stop feeling these emotions. But it is serenity that brings me to where I'm at right now. An amazing emotional place of comprehension, reflection and enlightenment. At this moment I'm feeling the same freedom I usually feel only on stage, without a doubt, I need to share.

Many people told me: "Ricky it's not important", "it's not worth it", "all the years you've worked and everything you've built will collapse", "many people in the world are not ready to accept your truth, your reality, your nature". Because all this advice came from people who I love dearly, I decided to move on with my life not sharing with the world my entire truth. Allowing myself to be seduced by fear and insecurity became a self-fulfilling prophecy of sabotage. Today I take full responsibility for my decisions and my actions.

If someone asked me today, "Ricky, what are you afraid of?" I would answer "the blood that runs through the streets of countries at war...child slavery, terrorism...the cynicism of some people in positions of power, the misinterpretation of faith." But fear of my truth? Not at all! On the contrary, It fills me with strength and courage. This is just what I need especially now that I am the father of two beautiful boys that are so full of light and who with their outlook teach me new things every day. To keep living as I did up until today would be to indirectly diminish the glow that my kids where born with. Enough is enough. This has to change. This was not supposed to happen 5 or 10 years ago, it is supposed to happen now. Today is my day, this is my time, and this is my moment.

These years in silence and reflection made me stronger and reminded me that acceptance has to come from within and that this kind of truth gives me the power to conquer emotions I didn't even know existed.

What will happen from now on? It doesn't matter. I can only focus on what's happening to me in this moment. The word "happiness" takes on a new meaning for me as of today. It has been a very intense process. Every word that I write in this letter is born out of love, acceptance, detachment and real contentment. Writing this is a solid step towards my inner peace and vital part of my evolution.

I am proud to say that I am a fortunate homosexual man. I am very blessed to be who I am.

RM

photo of ricky martin courtesy : www.askmen.com

Read more...

Phoemela and Jobert ♥ darlasauler.com!

video


video

Read more...

Heartthrobs and Friends Concert sa San Jose, RECORD-BREAKER! (click here for more photos)

Monday, March 29, 2010

Super bait naman ni Ate Fay or MadameBovet of LaBers, dahil sinendan niya ulit ako ng marami pang photos ng Heartthrobs concert sa Event Center Arena sa San Jose State University. At may good news siya sa atin! Here's a part of her e-mail, copied and pasted :

"The Event Center Arena told Nanette who is one the producers of Lighthouse Entertainment that the Heartthrobs and Friends concert last night, March 27, 2010 in San Jose, California had the largest audience, to date, of an Asian concert. Bonnga!!!! Piolo Pascual who came out with the arena audience cheering and applauding loudly for the final artist perfomance of the night was in awe and was so touched when the lights were turned for him to see the audience. He said, "Ang daming tao. Nakakataba ng puso. Maraming salamat sa inyo lahat!" One of the songs he sang was, "Babe I Love You", the soundtrack of Sam Milby and Anne Curtis' Star movie that will be in Philippine theaters on April, 3, 2010."

She also sent me a message from the organizers of the Heartthrobs and Friends San Jose producer. Here's the message :

We would like to extend our heartfelt gratitude on behalf of Lighthouse Entertainment to your endless support for the 'Heartthrobs' huge success concert in San Jose, Saturday, March 27th. We just broke the attendance record of avy foreign concert done at The Event Center Arena at San Jose State University. Once again, thanks for your support and please watch our upcoming on July 3, 2010, Arnel Pineda and The Zoo Band. Please call (510) 7459290.

Thanks,
Archie

Salamat again MadameBovet of LaBers for sending me photos and information. I you na talaga! Hello rin of course sa lahat ng LaBers out there! Mwah!

Read more...

Krisy now in Kabankalan City, Negros Occidental - certified Team Noynoy din!



Thanks Alvin Gagui sa matiyagang pagse-send ng photos!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

Kris Aquino in Binalbagan, Negros Occidental



Krisy is with Mar's cousin Veana. Thanks alvin Gagui for the photos (pati the previous one)
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

Binalbagan, Negros Occidental is Team Noynoy!



Grabe ang crowd! Here, Krisy is with her cousin Manang Lisa.
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

FIRST SEEN : JOHN LLOYD & BEA, KIM & GERALD... spotted sa kanilang sweet "kiss" moments!

John Lloyd and Bea

Kim and Gerald, ay teka lips to lips ba yung nasa lower photo? Hehehe! O mareng Pokie ano naman ang masasabi mo dyan sa gilid? Hehehe!

Ang saya saya ng heartthrobs concert di ba? Mabuti na lamang at kahit papaano naa-aliw ang mga kababayan natin abroad.

Again, nagpapasalamat ako kay Therese Gonzales for the photos, at kay Charisse (@yoitzcharisseh on twitter) for one of the Kimerald photos. Sa lahat po ulit ng sumusuporta at nagco-contribute sa blog na ito, maraming salamat po!

Read more...

POKWANG, hit na hit sa Heartthrobs and Friends US Tour!

World-class talaga ang talent ng mahal nating si Pokwang dahil sa kasalukuyan po, ang daming kababayan at kapamilya natin ang napapasaya niya ng bonggang bongga with her performances sa show niya with the Heartthrobs and other kapamilya stars sa US. 
Pokwang with Richard Poon

Super thank you po sa mga beautiful TFC friends ko na walang sawang nagco-contribute ng photos and scoops dito sa darlasauler.com! These photos, galing po kay Therese Gonzales (@MommyTherese on Twitter).  Thanks girl!

Read more...

ANGEL LOCSIN at ANNE CURTIS, napa-iyak dahil sa intrigang patuloy na ibinabato sa kanila!

 
Marami ang na-antig ang puso sa pagiging emotional kahapon nina Angel at Anne sa live interview sa kanila sa The Buzz. Pero kahit nasasaktan, pareho silang buong tapang na hinarap at tinapos na ang mga issues na patuloy na ipinupukol sa kanila. 

So sana po tigilan na natin yung dalawa. Suportahan na lang natin sila sa kani-kanilang projects. Si Anne po, sa movie niya with Papa Sam Milby, ang Babe, I Love you showing on April 3. Si Angel naman sa movie niya with Papa Aga Muhlach and teleserye with John Lloyd Cruz na malapit na malapit na nilang simulan! Okay? Peace, peace, peace! ♥♥♥

Read more...

Angel Locsin, umaming nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ng ama dahil sa issueng paglalasing at pagiging pasaway!

Finally ay hinarap na ni Angel Locsin ang hindi matigil-tigil na intriga tungkol sa diumano'y paglalasing, paglalayas at pagiging pasaway niya sa trabaho. Aminado ang aktres na nagulat siya dahil may mga taong naniwala sa balitang ito. 

APEKTADO ANG AMA. Nasasaktan si Angel at hindi naiwasang mapaluha nang ma-bring up ang tungkol sa nangyaring hindi pagkaka-unawaan nila ng ama. Naapektuhan si Angel ng issueng ito dahil ang kanyang ama daw, na ilang taon niyang pinagsikapang makuha ang tiwala, ay naniwala sa intriga. “Actually kami ni daddy ngayon kasi, medyo may hindi kami pagkaka-unawaan kasi medyo naniniwala siya sa issue na alcoholic ganyan," ang pahayag ng aktres na hindi niya naituloy dahil napaiyak na siya.

“Bilang isang ama hindi naman nagkukulang magpangaral si Daddy. Sinabi ko naman na Dad kailangan ko rin to para sa trabaho ko eh, kasi mag-25 na ako never pa akong nalasing sa buong buhay ko. Kailangan ko rin i-experience talaga eh, para sa growth ko, ahm sa friends ko, ahm yun nga sa career ko rin kasi may mga bagay na hindi mo naman pwedeng imbento lang bigla yung emosyon di ba? Kaya yun,” ang tinutukoy dito ni Angel ay ang "immersion" na kailangan niyang gawin para sa role na Japayuki sa pelikulang gagawin nila ni Aga Muhlach, under Star Cinema at sa direksyon ni Olivia Lamasan. Bawat artista po talaga dumadaan sa tinatawag na immersion, o yung pakikihalubilo o pagsubok mismo sa klase ng buhay na meron ang character na gagampanan nila sa isang project.

Pero bago pa magsimula na naman ang intriga na hindi sila okay ng kanyang ama ngayon, nilinaw ni Angel na magkasundo sila ni Tatay Angel, dahil ang nangyaring ito ay normal lang naman sa kahit na sinong magulang at anak. “Okay naman po kami, hindi naman, syempre tatay ko pa rin siya anak pa rin naman niya ako, kaya lang ayoko kasing mababahiran ng... ilang taon kong tinrabaho na makuha ko yung trust ng tatay ko tapos biglang mababahiran yung ng duda dahil sa isang issue na hindi mo alam kung saan nagmula.”

NAG-TAXI AT LUMIPAD PA-HONGKONG. Totoo ang lumabas na balita last week na nag-taxi at pumunta si Angel sa Hongkong. Pero nilinaw ng aktres na hindi siya pumunta doon dahil naglayas siya o nagpapasaway siya. Katulad nga naman ng kahit sinong artista, may karapatan naman si Gel na umalis at mag-relax pa-minsan di ba? “Umalis ako magkasama kami, nung bumalik ako dito kasi may nangyari na may rehearsal ako, so bumalik lang ako dito ng gma alas-dos, dumating ako dito ng alas-dos ng hapon, ang rehearsals ko alas-kwatro... tapos umalis ulit ako ng 7:30 ang flight ko, bumalik ulit ako ng Hongkong,” ang kwento ng aktres na ginawa lang palang Cubao ang Hongkong hehehe.

SA INTRIGANG PAGPAPASAWAY AT PAMBIBITIN SA TRABAHO. Diretshan ding hinarap ni Angel ang issue na diumano ay nagiging unprofessional na siya ngayon. “Nung una okay lang hindi ako, kahit sila Darla tinatanong ako una ayokong mag-explain kasi para sa akin wala naman akong kailangang i-explain. Kasi mas kilala ko naman yung sarili ko, nakakagulat kasi pati sa p.a. ko na kasama ko naman hanggang ngayon, tapos may mga trabaho daw ako na hindi nasisipot, eh wala pa naman akong ginagawa ngayon so anong hindi ko masisipot na trabaho?” Totoo naman ang sinasabing ito ni Gel, sa pagputok ng issue ay nag-usap agad kaming dalawa, at gaya po ng requests niyong lahat ay sinubukan kong hingan siya ng statement. Pero gaya nga ng sabi niya, nakakagulat na may mga naniwala sa tsismis na ito. I respect her decision to keep silent about the issue nung simula.

BAD INFLUENCE ANG BARKADA? Nadamay sa intrigang ito kay Angel ang kanyang mga kaibigan sa Ampalaya Anonymous / Calamansi Incorporated dahil sila daw ang laging kasama ni Angel gumimik. Unfair naman ito. Kaya ang pakiusap ni Gel, “yung mga friends ko sobrang bait na ang swerte ko nakasama ko sila... Kaya sana wag na lang pong madamay yung ibang taong nananahimik naman.”

source : The Buzz, March 28, 2010 episode 

Read more...

Anne Curtis, pumalag sa issueng ginagamit for publicity ng pelikula nila ang nangyaring wardobe malfunction sa Boracay!

 Matapos kumalat ang controversial photos at videos ng nangyaring wardobe malfunction kay Anne Curtis during her number for ASAP XV in Boracay... isang panibagong intriga naman ang kaagad na pumutok! May nagpapakalat na isang sikat na columnist na diumano ay ginagamit ng Star Cinema ang controversial incident para sa publicity ng pelikula nina Anne and Sam Milby, ang Babe, I Love You na ipapalabas na sa April 3.

Doble ang sakit na nararamdaman ngayon ni Anne dahil sa malisyosong balitang ito. “I’m very angry and upset dun sa mga taong, who would even think that i would go to that extent na gagawin ko yun sa pagkatao ko, sa sarili ko na, alam ko naman hindi ko kailangan yun eh,” ang sabi ng aktres.

“Bakit ako gagawa ng isang gimmick na, it would disrespect myself... it would violate myself, and i really look upon those people who would even think that way, with contempt, kasi parang anong klaseng utak meron kayo para pag-isipan ako ng ganun?” ang buwelta ni Anne sa nagkakalat ng issue.

IDEDEMANDA BA ANG TABLOID NA NAGLABAS NG PICTURE? Marami ang nag-aabang sa gagawing aksyon ni Anne o ng Viva Management patungkol sa paglabas ng controversial photo ng aktres sa front page ng isang tabloid. At para matapos na ang speculations, sinagot na ito ni Anne.

“I spoke to my dad, and ah ang sabi sa akin ng Daddy ko, because you know all the issues of if we should sue, if dapat ba kaming gumawa ng aksyon... my dad and I spoke about it and he said wag na lang. just lto ook upon this people yun he said with contempt, and napaka-distasteful," ang pahayag ni Anne na hindi naiwasang mapa-iyak dahil sa sakit ng pinagdadaanan niya.

Hindi maintindihan ni Anne kung bakit hindi parang hindi man lamang inisip ng pamunuan ng tabloid ang mararamdaman niya sa walang censorship na paglalabas nila ng photo. “The misfortune of someone else, they took it for their advantage and ahm, you know it’s my embarrassment nakakahiya yung nangyari sa akin, tapos they use it for what? Para lang kumita yhung kanilang magazine or tabloid"

"Masakit, so my Dad just said you know, para matapos na, kalimutan na ng mga tao, he actually call them gutter press, because these are people whoa re below the standards of what normal press people... that’s below the belt na.”

Pero kahit na galit at patuloy na nasasaktan, hindi na palalakihin pa ni Anne ang malala na ngang controversy. “Nagagalit talaga ko sa kanila, but ahm, kahit na I’m running on those emotions, my Dad told me na you know you’re above all this, and they’re below your dignity, so wag ko na lang silang patulan, parang pag-uusapan pa sila pag I go through suing them, and ano pang makukuha ko dun? Hahaba pa yung issue so wag na lang.”

MESSAGE SA MGA PATULOY NA NAGKAKALAT NG PHOTOS AT VIDEOS. Sa interview niyang ito, umaasa si Anne na this will be the  last time na mapag-uusapan ang issue. And being a woman of strength and substance... ipapakita niyang kaya niyang mag-move on at wag magpatalo sa pagsubok na ito. Para sa mga taong tila walang sister, ina o girlfriend na patuloy na nagkakalat ng photo, iisa lang ang panawagan ni Anne. “Asan yung konsensya ninyo na meron kayong nasasaktan na tao? Meron kayong pinapahiya na tao, sana nakakatulog kayo ng maayos i mean, kasi ako hindi. It’s really painful knowing na, may mga taong they can do that to someone who’s still, I’m not doing anything to anyone else. I’m just doing my job, gusto ko lang you know just to make people happy, to promote my movie, I’m just doing my job!” 

source : The Buzz, March 28, 2010 episode

Read more...

SHOWTIME GOES ON!

Sunday, March 28, 2010



BACKGROUND
The MTRCB has rendered a decision that Showtime violated the MTRCB law and its implementing rules and regulations due to the utternaces of Rosanna Roces in the episodes aired on January 4 and 7, 2010.  The penalty imposed is suspension for a period of one (1) month.  The suspension also applies to Magpasikat and any other similar show.  Further, the MTRCB directed the filing of criminal charges against Head of Entertainment Production Linggit Tan and such other officers 'responsible for the violation.'  

OFFICIAL STATEMENT ON SHOWTIME  
The decision was not totally unexpected. The MTRCB committee hearing the case could not have contradicted the Chairman who had earlier issued a preventive suspension order of Showtime.
 
ABS-CBN questioned the validity of the preventive suspension order and filed a complaint with the Ombudsman against the MTRCB chairman for violation of the anti-graft and corrupt practices act.
 
The MTRCB decision is not final and executory. ABS-CBN disagrees with the decision and will appeal such to the Office of the President.
 
Meantime SHOWTIME goes on!
 
OPISYAL NA PAHAYAG TUNGKOL SA SHOWTIME
Ang lumabas na desisyon ng MTRCB kaugnay ng programang Showtime ay hindi  na ikinagulat ng ABS-CBN.
 
Ang MTRCB committee na duminig ng kaso ay hindi na inasahang sasalungat sa naunang desisyon ng Chairman na naghain ng preventive suspension order sa Showtime.  Matatandaang, tuwirang kiniwestyon ng pamunuan ng ABS-CBN ang 'validity' ng ipinataw na preventive suspension order kung kaya't  ang ABS-CBN ay naghain ng pormal na reklamo sa Ombudsman laban sa MTRCB chairman sa paglabag nito sa anti-graft and corrupt practices act.
 
Ang desisyon ng MTRCB ay hindi final and executory. Hindi sang-ayon ang ABS-CBN sa nasabing desisyon kung kaya’t ito’y iaapela sa Office of the President.
 
Samantala, ang SHOWTIME ay patuloy na mapapanood at magbibigay aliw at inspirasyon sa mga kapamilya sa buong mundo.

Read more...

John Lloyd and Bea sa Heartthrobs and Friends concert in Chicago!



Last night my LaBers friends abroad (sosyal di ba! hehehe) sent me these photos of John Lloyd and Bea habang kumakanta ng "I Miss You Like Crazy" sa Heartthrobs and Friends concert in Chicago noong March 26. The photos were taken by Maila and Leng - Chicago LaBers. Thank you to Ate Glenda, Ate Fara and Tita Fay (LaBers) for sending me the photos ha! Mwah!


Read more...

Bakit hindi na nagpopost sa kanyang TWITTER account si Angelica Panganiban?

Saturday, March 27, 2010


                                                                      Photo Courtesy : twitter.com

Marami ang nagtatanong sa akin sa Twitter kung bakit hindi na nagtu-tweet si Angelica Panganiban. In fairness nga, nakaka-miss ang mga tweets ng ating bida kontrabida. March 15 pa ang last tweet niya. Hehehe! Kaya para masagot ang tanong niyo, tinext ko now si Angelica and here's her reply :

"Haha. Busy lang. D na din kasi ko naka-blackberry. Pag may time magttweet ako. Kamusta mo na lang ako sa mga bakla. :)" - Angelica Panganiban

Read more...

Kris Aquino in Naga City

Sent from my BlackBerry® wireless handheld
 (thanks Alvin Gagui for the photos ♥)

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP