Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Sarah Geronimo at Cristine Reyes, nag-isnaban nga ba nang magkita sa ABS-CBN?

Friday, April 30, 2010

Grabe na ang itinakbo ng issueng hiwalayan diumano nina Rarver at Sarah ha! Ikinagulat ng marami ang pagkakadawit ng pangalan ni Cristine Reyes sa intriga. At eto pa ang mas nakakaloka! Pati sina Cristine at Sarah ngayon, pinagbabangga!

Pero sa isang interview niya, sinabi ni Cristine na nagkita sila ni Sarah recently sa ABS-CBN para sa shoot ng kapamilya stars for the new Lupang Hinirang music video. In fairness kay Cristine, kaagad niyang nilinaw na hindi totoo ang mga rumors na nag-isnaban sila. Mabait daw si Sarah at imposibleng mangyari ito. Bumeso pa nga raw siya sa Popstar Princess at sa mother nito. Kaya naman nagtataka siya kung bakit ini-intriga pa sila. Sabi niya nga :
"Bakit may issue sa amin ni Sarah? I don't know why, parang wala naman dapat issue."
Nang muli namang ma-ungkat ang pagkaka-link niya sa na-link din kay Sarah na si Rayver, eto ang prangkang statement ni Cristine :
"Okay lang, laughs... Hindi kami friends na solid friends. Hindi kami palagi nagha-hang out, kilala ko lang siya. And that's it... Ewan ko binibigyan nila ng issue."
Para sa mga hindi nakaka-alam, nagkaroon ng koneksyon si Cristine kay Rayver dahil close friend ng sexy actress si Dianne Medina, na girlfriend naman ng kapatid ni Rayver na si Rodjun. Malinaw ding sinabi ni Cristine na hindi siya nililigawan ni Rayver.
"Hindi naman siya nanliligaw eh, ewan ko kung naliligaw, hindi ko alam, hindi. Para sa akin, hindi naman. Para sa akin magkakaibigan lang lahat."
On Sunday, abangan niyo pong lahat si Sarah Geronimo, First on The Buzz!

Source : SNN, April 30, 2010

Read more...

Kris Aquino pinakanta si Risa Hontiveros!

Nasa Laguna nung April 22 si Kris Aquino sa sariling campaign sortie, para mangampanya sa kanyang kuya Noynoy sa pagka-presidente ng samahan siya ni Risa Hontiveros, na tumatakbong senador sa ilalim ng tiket ng Liberal Party.


Maliban sa pag-endorso kay Hontiveros sa kanyang tv commercial, nag-tweet pa si Kris na nagalingan siya kay Hontiveros sa katatapos lamang na Harapan Debate sa ABS-CBN noong linggo na hinost ni Ted Failon. "And she's really pretty talaga, " ang sabi pa ni Kris sa mestisang senatoriable sa shoot ng TV ad na ginawa ni Kris for the senatoriable.

Paulit-ulit na inindorso ni Kris ang tumatakbong senadora at pagdating ng Cabuyao ay biglang pinakanta ni Kris si Risa. Kinanta nina Kris at Risa ang theme song ng kanyang teleserye sa ABS-CBN na "Kung Tayo'y Magkakalayo". Kahit hindi nakapag-praktis, ay naawit ni Hontiveros ng mahusay ang awitin. Natural ang malamig at malambing na tinig ng senatoriable na nakuha niya marahil sa kanyang Ilonggo genes. Dati rin namang kumakanta si Risa Hontiveros sa teatro. Noong mga bata pa sila, nakasama ni Risa sa entablado sina Monique Wilson, Raymong Lauchengco at Lea Salonga nang gumanap sila bilang magkakapatid na Von Trapp sa play na "Sound of Music".

Pinuri ni Kris si Hontiveros sa entablado at sinabing, "maganda na ang boses, maganda pa, maganda talaga ang laban!" Aliw na aliw si Risa sa mga papuri ni Kris. "Pakiramdam ko tuloy, kasali ako sa Pilipinas Got Talent", sinabi ng nahihiyang si Hontiveros matapos kumanta. Inamin din ni Hontiveros na kahit madalas na silang nagkakasama ay nasa-struck pa rin siya sa tinaguruiang Queen of Talk ng Philippine TV. "Sobrang charming ni Kris, nama-magnet niya ang lahat." sabi ni Risa. Idinagdag pa ng tumatakbong senadora na may magic talaga ang tambalan ng mag-inang Kris at Baby James. Sinabi ni Risa na si Baby James ay parang little version ng mom niya, kahit kamukhang-kamukha pa nito ang basketbolistang ama na si James Yap. "People-person kasi si Baby James, kahit ang liit-liit nya pa lang" ayun kay Risa. Sinabi rin niya na kahit commercial na lang ang gagawin ni Baby James at mawawalan na ito ng mga teleserye at tv guestings, ay tututukan pa rin ng mga tao ang paglaki niya. "Obviously, namana ni Baby James ang charm ng mga Aquino. I'm sure hindi pa rin siya mawawala sa limelight", kwento ni Risa na cute na cute sa bunso ng mga Aquino habang naka-Michael Jackson costume ito con todo puting gloves na tadtad ng sequins. Sumayaw- sayaw din si Baby James para aliwin ang fans nilang mag-ina.

Pagkatapos mag-ikot sa buong probinsya ng Laguna, pahinga muna si Kris sa pangangampanya para mag-taping ng kanyang hit teleserye sa dos kasama sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Samantala, diretso si Risa Hontiveros sa Cagayan para sumama naman sa kampanya nina Noynoy at ng buong Liberal Party.

Read more...

Aga Muhlach ♥s darlasauler.com!

Thursday, April 29, 2010



video

Nung nagkita kami, ang una niyang sinabi sa akin "Uy, ikaw ha nakikita namin yung website mo!" Awww! Thank you sa inyo ni Charlene for the support! I love you both to the max, you know that! Una kayo in my heart!

Read more...

Piolo Pascual, napabalitang "nasawi" sa mga kumalat na text messages!



Yesterday ay marami ang nabahala nang kumalat ang mga text messages tungkol sa pagkamatay diumano ni Piolo Pascual. Diumano, na-aksidente raw ito... at may versions din na parang nahulog daw sa isang building.

Pero bago pa lumala ang malisyosong balitang ito, kaagad nang nagbigay si Thess Gubi, Star Magic's PR head sa abscbnNEWS.com. Ayon sa statement ng PR Head sa nasabing website :
"Walang katotohanan 'yon. Nagulat nga ang Star Magic kasi si Piolo nasa bahay niya sa Quezon City [at] natutulog ng kumalat ang text messages and reports."
Maging ang good friend and former leading lady ni Piolo na si KC Concepcion ay nilinaw ang balitang ito sa kanyang Twitter post :
"Pj is training at a 24 hr survival camp, in preparation for his super 'nother level soap. Rumour that he's dead is not true."
Nakakaloka ang mga ganitong balita di ba? May mapag-usapan lang, pumapatay na ng tao sa text. Tsk... tsk... tsk...

Read more...

FIRST HERE : Christian Bautista, pumirma na ng bagong contract with ABS-CBN!

Tuesday, April 27, 2010

Okay... after ng maraming usap-usapan, at lipatan... finally po ay heto na ang malinaw na truth about Christian Bautista and ABS-CBN.


Hindi po aalis sa ABS-CBN ang ating Asia's Pop Idol. Yehey! Kanina lang, pumirma na si Christian ng bagong 2-year NETWORK contract with the Kapamilya Network. So we'll surely see more of him sa ASAP XV... and hindi lang yun, mapapanood na rin natin siya acting and hosting some more! I immediately BBMd Ian when I heard na tapos na ang contract-signing. And here's the message he sent for darlasauler.com :
"After my contract expired in ASAP, ABS worked out a network contract for me this year. I'm very grateful to ABS because they've been behind me all these years in developing me as an artist."
 Christian Bautista, with ABS-CBN Business Unit head Ms. Joyce Liquicia

Great news! Good luck Christian, we're looking forward to see more of you sa ABS-CBN shows, and hindi lang sa ASAP XV!

Thank you Ms. Hervie Bautista and Chiclet for the photos!

Read more...

Sikat na Aktres, nagsuka after ng kissing scene with Hot Young Actor!

Namiss kong mag-blind item ha... Buti na lang, my correspondent Chiclet made chika to me this nakakalokang inside scoop! Ready na kayo? Game!

Eto na, sa shooting daw ng isang movie... kung saan may love scene ang isang sikat na aktres at isang hot young actor, tensed ang lahat bago kunan ang eksena syempre. Bago raw mag-roll, may nakarinig kay sikat na aktres na tinanong si hot young actor kung nagtoothbrush na ba raw ito. Dedma lang everyone, dahil baka nagjo-joke lang si sikat na aktres.

Okay, so nakunan na ang mainit na love scene. Right after sumigaw si direk ng cut, tumakbo paalis sa scene si sikat na aktres. Nawala itong bigla. Pati ang hot young actor na naka-love scene niya syempre worried kung nasaan na napunta si sikat na aktres. Until... natagpuan si sikat na aktres sa loob ng banyo. Nagsusuka. Bakit? Hindi dahil sa conservative siya at hindi sanay makipag-love scene... kundi, dahil sa sangsang ng hininga diumano ng hot young actor! Nakakaloka! As in nakaka-tumbling! So totoo talagang may mabahong breath ang lalakeng ito?! Kaya ba nasuka-nahilo rin daw si _______ dati! OMG! 

Thank you chiclet for this chika! 

Read more...

The Truth Behind the Controversial Sarah Geronimo Photo na kumakalat sa Internet!

Marami ang na-shock sa paglabas ng photo ni Sarah Geronimo kanina, na naka-yellow at naka-L sign ang fingers. Na-intriga agad ang Popstar Princess na kesyo nagpalit na ito ng sinusuportahan sa pulitika. Pero mabilis ding nag-react ang mga supporters ni Sarah, at nilinaw ang larawan. I received lots of comments sa Twitter regarding the photo, at isa sa kanila ang nag-email sa akin ng totoong kwento sa likod ng larawang ito ni Sarah. Thanks Jane Elizabeth for this email :
Hello Miss Darla--

The Photo of Sarah Geronimo in yellow circulating in the net was taken in July 24, 2007, during her 19th Birthday. She celebrated it with some of her supporters who wore yellow shirts. In fact, the original photo was posted with www.sarahgeronimo.com watermark in this thread (click here: http://www.sarahgeronimo.com/forums/index.php?showtopic=10929&st=228). I think Miss Marie Lozano already posted the original photo with the watermark of Sarah G website.

Thank you very much,
AshLloyd Baldiks
Bago ko nga mareceive ang email na ito, ABS-CBN reporter Marie Lozano tweeted me na this photo, ang original copy daw ng kumakalat ngayon na galing sa website ng singer-actress, at taken diumano by a certain "Ate Mhel." Kung mapapansin ay may watermark nga www.sarahgeronimo.com ang original photo, at sa baba ay makikita ang date na July 24, 2007 at ang photo by Ate Mhel. Thanks Marie!


Nakikiusap ang mga supporters ni Sarah na sana wag nang haluan ng political issues ang photo na ito. At nasa pakikiusap na rin lang tayo, sa mga guma-grab po ng "i love darla" photos ko, at pinapalitan ng ibang name ang name ko, please tigilan niyo na rin po kung negative ang kalalabasan nito. Thanks po!

Read more...

Lipatan! Palitan! Angelica Panganiban at Eugene Domingo... Lilipat? Magpapalit?

Monday, April 26, 2010

Naku, here comes the nakakalokang twist this summer... May magaganap na big lipatan at palitan! Ano itong kaguluhang ito? Panoorin ang video nang malaman!


video

Read more...

EXCLUSIVE! FIRST HERE : Paul Jake and Cathy's special "wedding day" with the PJCath team! (click here for more kilig and super cute photos)


Sayang! Hindi ako nakapunta sa wedding-themed get-together ng PJCath friends with Paul Jake and Cathy last April 24, Saturday! Ang saya-saya sana o! Pero buti na lang, kahit wala ako doon, na-feel ko ang kasiyahan and kilig through the photos na ipinadala sa akin ng PJCath organizers! Ang bait! Grabe ha! Bagay na bagay din talaga sina PJ at Cathy! Naku, nakakalito ang loveteams hehehe! Pero thanks so much again PJCaths, ang bait niyo talaga sa akin! Di bale, as soon as may marinig akong project nilang dalawa, i'll inform you A.S.A.P.!

Oh, and thank you so much sa gift niyo! Mwah! Hope to see you all soon! (Sana wala nang conflict sa sked ko hehehe!)

Read more...

Congrats Lloydy, Luis and Ate Vi! 26th Star Awards for Movies' Best Actor, Supporting Actor, and Actress!

Read more...

Sam Milby, kinabahan nang makipag-kissing scene kay Maja Salvador!

Sunday, April 25, 2010

Kung si Melai at Sam may "kissing scene" sa Precious Hearts Romances presents Impostor, aba syempre pwede ba namang wala sina Sam at Maja? Sa isang interview, inamin ni Sam na kinabahan siya nang gawin na nila ni Maja ang eksena. His exact words were :

"It was my first time to do a kissing scene with her. Ahm, medyo kinabahan ako syempre. It reminds me of... when I did "Only You" with Angel (Locsin)."
Dagdag pa ni Sam, mag-asawa sila sa series na ito ni Maja kaya imposibleng hindi sila mag-kiss. Anong klaseng kiss naman kaya ang aabangan natin?
"Nagawa na yung isang kissing scene, kasi mag-asawa kami eh, syempre lambing-lambingan pag mag-asawa... Small kissing scene naman, one scene na smack lang talaga. And we did one actually scene na... it wasn’t simple smack."

Thanks Liezl Visorde for the photo!

Read more...

Angel Locsin, sinorpresa ni John Lloyd Cruz at ng Imortal group sa kanyang birthday!

Yesterday, nag-story conference na for the much-anticipated TV series starring John Lloyd Cruz and Angel Locsin. Pero hindi lang ito ang nangyari, dahil walang kamalay-malay si Angel na naghanda pala ng munting birthday surprise sina Lloydy at ang mga taga-Imortal for her!


Thanks Angel Locsin for the photos! Winner pa rin kahit blurred! Hehehe!

Read more...

Boys Over Flowers' F4 Member : KIM BUM "Hello, Darla Sauler!"

Friday, April 23, 2010

UBER! TO THE MAX! Maraming, maraming salamat Bianca Gonzalez for this video! Mahal na mahal kita! Ibang level talaga kayong tatlo nina Mariel and Toni! ABS-CBN's FAB 3!!!


video

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Sino ang IMPOSTOR? Malapit na!


Teaser pa lang, marami na ang nae-excite sa pinaka-bagong series ng Precious Hearts Romances, ang Impostor. Sino nga ba ang Impostor? Sino ang api at mang-aapi? Sino ang para kay Sam? Sino ang para kay Jason? Ang daming sino... ang sagot, abangan malapit na!

With Direk Jerome Pobocan, si Precious Lara Quigaman ang latest cast member ng Impostor. First time niyang gaganap na kontrabida dito, at hindi lang basta kontra... dahil siya po ang may hawak ng susi sa sikreto ng IMPOSTOR!

Thanks Liezl Visorde for the photos!

Read more...

FIRST SEEN : Here Comes The Bride... May 12 na!



video

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Melai and Sam Milby, na-trap sa isang island? Anong mangyayari sa dalawa?!

Thursday, April 22, 2010


Hala, ano kaya ang mangyayari pag na-trap sa isang island ang isang hunk actor at ang dyosa ng masa? Sam Milby and Melai... ano ang mangyayari sa dalawa? Naku, isa lang to sa mga kaabang-abang na kaganapan sa super exciting na bagong series ng Precious Hearts Romances, ang Impostor. Malapit na malapit nang ipalabas! Tutukan!

Thanks Liezl Visorde for the photos!

Sam, with Maja Salvador and director Jerome Pobocan

Read more...

Gerald Anderson ♥s darlasauler.com!

video

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Kim Chiu, nagregalo ng incubators sa isang hospital as part of her birthday celebration!

Wednesday, April 21, 2010


Masaya talagang makatanggap ng sunod-sunod na blessings from above, pero mas masarap sa pakiramdam kung naishi-share mo ito sa less fortunate mong mga kababayan. Ito malamang ang eksaktong na-experience ng ABS-CBN Primetime Drama Princess na si Kim Chiu, when she decided to share her blessings instead of throwing out a bonggang birthday party. Kim just turned 20 last April 19.

Kahapon, pumunta si Kim sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital in Sta. Cruz, Manila, para dalhin ang espesyal na regalo niya para sa hospital, at sa mga pasyente nitong mothers and babies. Nagbigay si Kim ng dalawang incubators para sa Fabella Hospital. Bonggang bongga, dahil when i asked a friend of mine na may sariling hospital sa Fairview, ang isang basic incubator ay nagkakahalaga ng P220, 000! Whoah! Kahit ako na-feel good sa ginawang ito ni Kim. Based sa kwento ng young actress, kaya niya raw naisipang magbigay ng incubators sa Fabella ay dahil minsan habang nasa salon siya, may nakita siyang photos sa isang magazine kung saan 4 to 5 kids daw ang pinapakitang nagshi-share sa iisang incubator. Naantig ang puso ng ating prinsesa from Cebu, dahil hindi naman daw mga sisiw o mga kuting ang mga babies para mag-share sa isang incubator.

Aside from the incubators, nagbigay din si Kim ng mga diapers, gatas, kumot, at iba pang goodies. Habang nasa Fabella siya kahapon, hinanap syempre sa kanya ng mga tao si Gerald Anderson. Pero may work that time ang hunk actor, kaya hindi nito nasamahan si Kim.

Thanks Ms. Liza B. Madriennes for the photos!

Read more...

EXCLUSIVE! BY REQUEST : Toni Gonzaga's new album leak, longer video of her recording!

Due to insistent public demand, the mp3 of the raw song recording of Toni Gonzaga can now be downloaded at www.starrecords.ph!

video

Read more...

Congratulations KC Concepcion! New Album tops charts!

Yesterday, while having my "family day," I got news that KC's new album (which I personally love) jumped into #3 sa OPM charts. After ko mag-watch ng "Shutter Island" with my parents and my sister, I received another news : Number 1 na ang album ni KC sa Astrovision stores! And #2 na sa over-all music charts! Wow! Last Sunday lang na-launch ang album niya ha, and eto ang bilis ng akyat sa charts. In all fairness naman kasi, ang ganda ng songs sa new album na 'to, even her own compositions ang ganda! Kaya sa wala pang album ni KC, grab your copy now na! Ako yun lagi soundtrack ko while driving. Hehehe!


Aside from this successful sophomore album, and her fabulous pagpasok sa The Buzz, super busy rin ngayon si KC sa Star Cinema movie niya with her papa Gabby Concepcion and Jericho Rosales - ang  "I'll Be There." Kapag nanunuod ako ng movie at pinapalabas ang trailer ng pelikulang ito, feel na feel ko ang excitement ng lahat. Na tama lang naman, dahil ang ganda ng third movie na ito ni KC. Malapit na ito kaya ngayon pa lang, paghandaan na natin!

Thanks Ms. Hervie Bautista for the photo!

Read more...

Cristine Reyes at Zanjoe Marudo... Manggugulat sa Kristine Series soon! (click here for more photos)

Monday, April 19, 2010


Photos from Cristine and Zanjoe's taping for the Kristine Series in Tuy, Batangas today. Wawa naman si Cristine dahil she's sick daw, dahil sa sunod-sunod na taping nila. Tungkol naman sa issue linking Cristine to Rayver... na-clarify na po ito ng young actor kahapon sa The Buzz. Magkaibigan lang sila. How? Kaibigan ni Cristine si Dianne Medina, na girlfriend ng brother ni Rayver na si Rodjun. Minsan nagkakasama-sama syempre sila pag may gimik ang grupo. Nai-issue kasi minsan na nakikita raw silang magkasama sa gimikan, eh ang totoo po, may bar sina Rayver sa President's Ave, Paranaque (CABOOZE ang name ng bar), pag nagpupunta dun si Cristine bilang kasama siya ni Dianne and others, si Rayver po bilang kapatid ng may-ari, ay nandun para po mag-entertain naman. Keri? Keri!

Thanks to Ms. Liza B. Madriennes for the photos!

Read more...

YES! Magazine's List of TOP 20 Celebrities Who Ruled the Past Decade!

Sorry po na-delay ako ng post. Busy lang with work nitong mga nakaraang araw. Heto na po ang list ng Top 20 celebrities who ruled the past decade 2000-2009. According to the magazine's editor in chief na si Ms. Jo-Ann Maglipon, ito po ang naging basehan nila sa pagpili:

"Yung process una naisip ko ang importante malaman ng tao kung sino talaga yung mga stars na sa tingin ng YES namayagpag nitong dekadang huli... Ang ginawa ng YES, pinagkumbinasyon ang mga box office figures, average ratings ng AGB Nielsen, at kung anu ano pang datos na isinabay sa anecdotes network perception, network executives’ assessment, reports, sentiments lahat yun minimix mix to come up with who really defined mass taste for the last decade!" (source : the buzz)
#1

#2

#3

#4

#5

#6

#7

#8
Regine Velasquez - wala akong picture

#9

#10

#11

#12

#13

#14

#15
Marian Rivera p- walang picture

#16

#17

#18

#19 (tie)
 and Michael V - wala akong picture

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP