Nakakaloka! As in ito ang unang word na nasabi ko nung nag-shoot kami nina KC at Echo sa Concepcion Market in Marikina, kung saan dating nag-trabaho si Echo bilang tindero / tagalinis / kargador ng mga isda. In all fairness, nakita ko kung gaano kamahal ang aktor ng mga Marikenyo at pati na rin syempre si KC! Nakuwento nga ni Echo sa akin na dati, after nilang mag-trabaho ng buong araw sa palengke, uuwi silang malalansa at talagang marurungis. Pagsakay nila ng jeep, yung ibang pasahero bumababa dahil ayaw silang makatabi dahil sa amoy at itsura nila. Kaya madalas daw noon, sumasabit sila sa jeep pauwi! Wow! Tingnan niyo nga naman ang kapalaran di ba? Dahil sa sipag at tiyaga, at sa ganda ng kalooban... Echo is one of the most in demand and brilliant actors now sa Philippine show business. Kaya naman love na love ko rin si Echo!




Sarado na kung tutuusin ang palengke nung dumating kami, pero naghintay talaga ang mga tao at super dami! Dumog kung dumog! Kaya talaga namang lahat kami, super lapot dahil sa pawis! Hehehe! Sa photos, asan ako? Halos nakaluhod sa tapat nung puwesto kung saan naglinis ng fish sina Echo. Katapat ako mismo ng mga bangus! Hahaha! Kapagod the shoot, pero happy!
KC nga pala calls Echo "fish," Echo naman calls KC "cloud." I love the article about them sa Chalk Magazine. Si fish nangarap lumipad at nagkatotoo. Si Cloud naman, ayaw na laging nasa sky, gusto ring bumaba at maranasan ang buhay na dating tinitingnan niya from above. Ngayon ang fish at ang cloud, nagkatagpo. ♥
Read more...