Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Kris Aquino, emosyonal sa pagsisimula ng Pilipinas Win na Win!

Saturday, July 31, 2010



Napag-usapan rin nina Boy Abunda at Kris Aquino ang pagbabalik telebisyon ng Queen of All Media, through the new noontime show of ABS-CBN that replaced Wowowee, ang Pilipinas Win na Win! Magsisimula na ang programang ito mamaya - Saturday, July 31, 12 noon - to be hosted by Kris and Robin Padilla, kasama pa rin sina Pokwang, Valerie Concepcion at Mariel Rodriguez. Bakit napa-iyak si Kris nang mapag-usapan ang Pilipinas Win na Win? Narito po ang full transcription ng bahaging yan ng interview ni Kris for SNN - July 30, 2010.




boy : Ang bilis ng panahon krissy, isang taon na ang nakakaraan, it’s the first death anniversary of your mom... kung buhay pa ang mommy sa lahat ng nangyayari sa iyo ngayon sa buhay mo, sa palagay mo anung sasabihin niya sa iyo?
kris : Good luck about tomorrow kasi she knows how much I’ve invested in this career, my sisters also know and even PNoy acknowledges it. Sinugal ko ang lahat para sa kapatid ko boy kasi kung iba kinalabasan nito at natalo si noy di natin alam kung saan ako pupulutin ngayon... Mom would be so excited about tomorrow kasi alam niya that’t what I love the most, alam niya how much joy ang maibibigay ko sa mga tao, alam niya that I’m at good place of my heart now, mature enough ako na pahahalagahan ko talaga yan, kasi napakalaking biyaya talaga nito... This is the first big show that I’d be launching na wala na yung mommy ko, she was my biggest fan. My biggest cheerleader, nakabangon ako ng ilang beses boy kasi nandun yung mom ko...
boy : marami ang nagtatanong, akala ba namin ay si kris di na babalik sa telebisyon, iklaro natin yun.
kris : Wish lang ng mga nega di ba (laughs) alam mo boy don’t put words in my mouth kasi I never said that in the same way kung anu anung ina-accuse nila sa akin dati na di ko naman sinabi, ang sinabi ko na it’s very difficult to be in the show where you give opinions kasi in every opinion will be a reflection on the president because he’s my brother kadugo ko siya di mo maiiwasan yun... Pero I’ve always said that I would love to have a game show kasi yun naman di kontrobersiyal//

boy : what do you look forward to Pilipinas win na win?
kris : the audience, yah, it’s exciting boy! Boy nakaka-adik ang palakpak, nakaka-adik ang hiyaw, nakaka-adik makakuwentuhan ang bawat tao, puyat ka pagod ka pero, kahit sa kampanya dalawang oras na tulog pero kapag sinisigaw na Kris! Kris! Buhay ang energy! I’m so excited! I’m excited to have a game again, I’ve missed having games, I’ve missed having contestants and it’s a challenge because I was in my comfort zone, ikaw lang ang nakatrabaho ko for ten years di ba (laughs) may mga bago akong pakikisamahan at may mga bagong makikisama sa akin, ikaw get na get mo na ugali ko eh sila? Kaya good luck! (laughs)
boy : sambayanang Pilipino, imbitahan mo…

kris : Tomorrow na po, it’s july 31, it’s going to be good, alam ko po, na ako namiss ko  na... pero eto sinabi nga nila kung merong mga sinasarang pintuan may mga bagong binubuksan, at eto na po, panibagong noontime na ito, panibagong energy, panibagong combination, all in the service of the Filipinos. So I’m gonna do my best, the next few weeks will be about learning, but I assure you, you will never be bored, magiging excting at win na win!

source : SNN, July 30, 2010

Read more...

Kris Aquino, sinagot ang issues linking her to Coco, Gerald, Gabby, Robin, Diether, Chiz and Junjun Binay!




Friday, around 5:18am ay dumating na sa bansa ang Queen of All Media na si Kris Aquino sakay ng PAL flight PR 113 from Los Angeles. Nakasama ako na sumalubong kay Krisy, at sa NAIA Presidential Lounge ay agad-agad, nagpa-interview na si Krisy kay Boy Abunda pagpasok niya. In all fairness, nag-iisa pa rin si Krisy. Lahat sinagot niya, prangka, diretsa, at walang tinatago. Pero sa ngayon po, eto muna ang unang part ng kanyang tell-all interview : ang tungkol sa lahat ng lalakeng nali-link sa kanya. Nakakaloka! Eto po ang buong transcription ng interview. Go read! Abangan ang iba pa niyang pasabog, lalo na ang mga tungkol kay James Yap, syempre... sa The Buzz lang on Sunday!


Boy:  isa isahin natin krissy ang mga lalaking nali-link sa iyo ngayon. Let’s start with the co-stars in your teleserye... coco martin.
Kris:  alam mo kami kasi ni coco di kami nagkasundo nung umpisa.nagka-bwisitan kami. Nabwisit siya sa kin, nabwisit ako sa kanya.  Then the campaign started, and I saw how devoted he was to noy. He filmed the movie, he went all-out sa campaign napamahal siya sa buong pamilya.  So he’s really a friend now. And I asked permission before his interview, I said bumubusina ako sayo, we were close enough for me to know na pinopormahan niya si erich… ok. So sorry. Maloka na kayong lahat pero alam ni coco yan na sasabihin ko yun. Para tapos na di ba. Clear.



Boy:  gerald anderson.
Kris:  utang na loob. Doon talaga ako napa-ano!?
Boy:  where is this coming from?
Kris:  yeah that was really talagang… si kim at si gerald I also know di naman ako ganon ka-clueless. Kasi katext ako ni kim habang nasa abroad, hingahan ako ng sama ng loob, alam ko may mga problema sila. And alam ko na maraming iniintriga sa kanila ngayon. She was telling me now, ate iba na pala talaga na wala ka na sa Buzz kasi wala nang nagdedefend sa amin.  So ang sasabihin ko lang simple, I love both of them. They’re like my younger brother and my younger sister. We really had a good working relationship. 

boy:  alright, gabby concepcion.
Kris:  alam mo umabot na sa kin na may producer na nagsabing kami na nakita raw sa grocery na kung ano ano. Ano ba. No way! Because why? He’s married. I know what it’s like so I will never encourage that.










Boy:  ikaw ay gagawa ng pelikula for the MMFF at makakatambal mo si diether. Hindi malayo na again ililink ka kay diet?
Kris:  as far as I know he still has a girlfriend and if magkaproblema sila, I’m sure ako ang mabe-blame don pero diet and I have known each other since I’ve been in abs. so 14 years. We used to even go to church togeher, we were neighbors. Friend ko sila talaga.






Boy: you’re working with robin padilla pagusapan na natin habang maaga.
Kris:  they’re in love! Robin and mariel are in love! So let’s let them stay in love. Wag namang gawin na ako pa ang mangahas sa magandang relasyon ng dalawa. Mariel, You know this boy, I love her. She’s really my sister through and through. Robin and I, 24 years na kaming magka-kilala. So wag nyo na gawan ng intriga. 
boy:  in an interview, sa kaliwa ng kanyang dibdib nakatattoo ang pangalan ni shawie. Kung magpapatattoo raw siya sa kanan ang ilalagay niyang pangalan ay kris aquino.
Kris:  utang na loob. Bawiin mo yan! Mariel ang ilagay mo don. Ok.
boy:  ang hindi mamatay-matay na pangalang kinakabit sayo, si chiz escudero.
Kris:  maganda po ang kwentong ito (laughs) kasi boy ganito, proclamation ni pnoy sa batasan. Sumama ako kay pnoy paakyat / then nakita nya si sen. Chiz.  Sabi niya o kristina si chiz.  Sabi ko sen. Thank you so much for all the help. Then I said this may mga nakarinig, siguro dun nagsimula di ko alam.  I said, o sen. Sa 2016 pwede tayong magtambalan at may slogan na tayo chizy krissy. Then he said game ako dyan. That’s it boy. I do not have his number, he doesn’t have my number.  I have never seen him again since that time. We barely know each other./Di ko alam kung san galing ang balitang yan. Kasi yan talaga sobrang imbento. And again he’s married, he has twins. I also know what it’s like na ma-chismis ang asawa mo na hindi namamatay ang chismis maawa tayo sa asawa niya, maawa tayo sa pamilya niya. And please maawa kayo sa kin at sa mga kapatid ko kasi the last thing I want is to be accused of being a home wrecker. 


boy:  junjun binay. Kaibigang mayor ng makati.
Kris:  among everybody na nili-link sa kin, he’s really been the only one I’m communicating with. kaklaruhin ko po hindi siya nanliligaw sa kin. Pero matalik ko siyang kaibigan. Nakilala ko sya when I was losing my mother.  Nakilala niya ko when he lost his wife. In the span of that one year, both our lives changed so much. He’s been good to me. A true friend. Kung tatanungin nyo ko, nasa kanya yung mga qualities I admire in a man. He’s smart, he’s hardworking, he’s responsible he has accomplishments of his own, mapagmahal sa pamilya niya, mapagkakatiwalaan siya.  Ipepremise ko to boy ha, kinaklaro ko po next year, pag alam ko na ok na ko, if I’m sure na naitayo ko na nag pilipinas win na win, kung kumportable na mga kapatid ko na mag-entertain ako o makipagdate ako, kung lahat sila di na naha-heart attack at naha-high blood sa mere thought of it, at importante ako na sigurado akong si josh at si bimby well adjusted na sa situation and if junjun were to say ‘kris gusto mo ba mag-dinner, I’d say yes’.  Why? Dahil alam ko di nya ko lolokohin. Wag nyo ho itorture ang buhay nya... ayoko machismis sya ng wala sa lugar. Kaya lang kinaklaro ko lang... and he knows and I know that now is not the right time. If all we’ll ever be is friends, fabulous kasi loyal sya at mabait sya talaga. At marami siyang pinakinggan na hinaing at sama ng loob galing sa kin na from a male perspective kasi sorry lahat ng kaibigan ko bakla. He’s been good to me. And I wanna be good to him also by sparing him and his family. Kawawa naman si vp binay at buong angkan nila kung masasali sila sa teleserye ng buhay ko. Pero kung darating ang panahon na maayos na ang lahat at maramdaman nya na kaya ko, kaya ko tong harapin lahat, why not. He’s eligible!
Boy:  I get it.
Kris:  no you don’t get it. Namumutla ka e!
Boy: kinakabahan man ako natatakot man ako but I get it.
Kris:  pinaalam ko to sa kanya.  Before I came home I said I know I’m gonna be asked about you and this is what I’m gonna say, I hope it’s ok with you. Ang sinabi niya sa kin. I know you’ll protect me. And whatever it is I can do to be of help gagawin ko para sayo. Ano pa ba hihingin mo?
Boy:  tatanggapin kong kinakabahan ako, tinatanggap kong natatakot ako pero naiintindihan ko.
Kris:  matagal pa yan!  Sabihan mo rin siya matagal pa, wait ka lang ha.


boy:  krissy diretsang tanong, ito ay isa pa ring mainit na tanong na umiikot sa bayan, buntis ka nga ba?
Kris:  ano ba boy, dun ako naiinis talaga... may iphone na ko, meron ako dong period tracker na ililista mo ron para alam mo kung kelan ka magkakaroon. Why? Because pinaplano namin ang outfits ko depending on that the last thing you want on tv is matagusan ka. sorry ganon na ka-graphic ang sasabihin ko. E ma-aaccuse pa ko of being sexually active, e hello 7 months na po kaming hiwalay na kwarto bago kami naghiwalay.
Boy:  san ka natutulog?
Kris:  sa mga bata, kasama ng mga kids ko. So anyway, alam ko at nandon nakalista, july 18, I had my period while we were in disneyworld when we arrived in boston.So tigilan nyo na ko.
Boy:  yun ang reaction mo, who told you that?
Kris : deo!  Sinabi niya na o buntis ka raw? Sabi ko sinong tatay. Kasi di ba sobrang nakakabaliw na. 3 weeks ka lang nawala, ang dami nang inimbento sayo.
Boy:  I know you’re irita.
Kris:  yes because it’s so untrue.and I wont do that number one to myself because I could die, because I have pulmonary embolism di ba.delikado sa kin magbuntis pwede akong mableed to death. Pangalawa hindi handa ang dalawang anak ko magkaroon ng kapatid.  Sa pagkapossesive ng dalawa baka kung ano gawin nung dalawa. Pangatlo, there is no man I feel I would want a life with at this point. And lastly, bigyan ko naman ng kahihiyan pamilya ko boy. 

source : SNN, July 30, 2010

Read more...

Welcome back to the Queen, Ms. Kris Aquino!

Friday, July 30, 2010


Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Read more...

Pilipinas Win na Win to replace Wowowee starting Saturday, July 31 : 12 noon!

Wednesday, July 28, 2010

Simula Sabado, magbabago na ang tanghali ng buong bayan at buong mundo sa panibagong show ng ABS-CBN na papalit sa Wowowee! Ito nga ang Pilipinas Win na Win (earlier reported as "Pilipinas For The Win), to be hosted by Kris Aquino and Robin Padilla kasama pa rin ang love na love ng sambayanan na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang. Sa mga nagtatanong po bakit balik TV ulit si Krisy, muli alalahanin po natin na she said goodbye lang sa mga SHOWBIZ talk shows at hindi naman sa ibang aspeto ng TV career niya. Kaya ngayong Saturday, sabay sabay natin silang i-welcome! Pilipinas Win na Win!!!



Narito po ang lumabas na official statement kanina ng ABS-CBN :

Ilulunsad na ng ABS-CBN ang isang bagong noontime show sa Sabado, July 3I. Ito ay ang Pilipinas For The Win (FTW) [Pilipinas Win na Win], na pagtatampukan nina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, Pokwang at Kris Aquino. Ang programa ay isang game at variety show na tiyak na magbibigay sigla at pag-asa sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo.
Ang Pilipinas For The Win ay papalit sa Wowowee. Si Willie Revillame, sa pamamagitan ng kangyang manager, ay nasabihan na tungkol sa pagbabagong ito. Napaalam na rin kay Willie ang programang pinaplano para sa kanya at ito ay ipapahayag sa takdang panahon.
Ang Pilipinas For The Win ay pamumunuan nina Direk Johnny Manahan, Creative Director Bobot Mortiz, Business Unit Head Jay Montelibano, Executive Producers Phoebe Anievas and Rancy Recato. Ito ay mapapanood pagkatapos ng Showtime.
– Bong R. Osorio
Head, ABS-CBN Corporate Communications

Read more...

KPOP fever sa E-Live! Ngayong Sabado na!

Tuesday, July 27, 2010



video
KPOP FEVER TAYO!
Abangan sina Chance, Peter at Young Sky ng sikat na K-Pop Trio na One Way! LIVE NA LIVE SA ELIVE! Follow e-live on Twitter --> @eliveofficial and at www.facebook.com/eliveofficial!


Saturday, July 31, after ng Wowowee!

Read more...

R.I.P. Redford White ☹

Sunday, July 25, 2010


photo courtesy : PEP.ph

Early this morning, nakatanggap ako ng tawag informing me na pumanaw na nga ang batikang komedyanteng si Redford White dahil daw sa brain tumor. Napag-alaman na 2008 pa lang ay nakaramdam na ng pananakit ng ulo ang komedyante, pero hindi ito pinansin sa pag-aakalang vertigo lamang ito. February this year lamang nakumpirma na may brain tumor nga siya. Matatandaang naging laman din ng blind item ang balitang may cancer si Redford, pero pinili ng pamilya nitong wag nang ipaalam sa publiko ang pinagdadaanan niya, hanggang sa tuluyan na nga siyang sumakabilang buhay kanina. Huling napanood sa ABS-CBN si Redford White sa mga shows na Palos at Kokey.

Ang wake daw ni Mr. Redford White ay sa chapel na sinusupervise niya for ten years, sa Maligaya Subdivision malapit sa SM Fairview.

Read more...

Christian Bautista and Carmen Soo, nagde-date na? Christian may sagot, exclusive!

Thursday, July 22, 2010



Nakita ko lang sa isang site ang baltiang diumano, nagde-date ngayon si Christian Bautista at Carmen Soo. After silang makita together sa As 1 concert nina Martin Nievera at Gary Valenciano last Friday, lumabas ang rumors na nagkakasama na raw sila bago pa ang gabing ito. Kaya naman, I immediately asked Ian about it at eto po ang sagot niya :
"We're not dating ☺ we're just friends, we just happened to be together on Gary and Martin's concert."
So there, clear na po ang issue. Hehehe. Thanks Ian!

Read more...

Exclusive Photos : Diether Ocampo, binalikan ang buhay bilang dating carwash boy! KC Concepcion, game na game na naki-join!

Para sa Simply KC (aired last Tuesday), muling binalikan ni Diether Ocampo ang isa sa mga naging trabaho niya dati sa Cavite na hindi niya malilimutan. Ito nga ay ang pagiging isang carwash boy, na noong panahon nila, P5 ang nakukuha nilang bayad ng best friend niya kada tatlong jeep na nililinis nila. Here are some photos ng nakaka-aliw na pagca-carwash nila ni KC Concepcion!






Read more...

Pahabol : Derek Ramsay and Angelica Panganiban, mas pinalalim ang pag-iibigan ng kanilang South Africa trip!

Wednesday, July 21, 2010




"Babe, it's been four great years,  ahhh… this is sooo ahh... You know how I feel for you.  Everyone’s got their eyes on us, waiting, expecting if we walk down that aisle, I’ve always said that if that’s what you want, that’s what I want. I think it’s definitely just around the corner. But where we are right now, I'm very, very happy. I'm very much in love."


"Gusto ko lang magpasalamat, hindi ko akalain na ang ganda ganda ng mundo dahil sa kanya.  Ang ganda ganda ng mga bagay na nakikita ko dahil sa kanya, dahil naging bahagi siya ng mundo ko…"








Read more...

Anne Curtis and Vice Ganda : Divisoria - Tutuban Adventure!


Nakakatuwa ang dalawang to kanina sa Divisoria o! Wala kasi silang work whole day kaya doon nila naisipang mag-adventure! Hmmm... Ano kaya ang mga napamili nila? Hehehe! Ang cute o! Vice Ganda naka-white, at si Anne naman yung isa. Thanks Anne and Vice sa photos, at sa pagre-reply kanina kahit nasa gitna kayo ng Tutuban! Mwah!





Read more...

Rayver Cruz, sinorpresa nina Cristine Reyes sa birthday niya!

Tuesday, July 20, 2010




Happy talaga ang birthday celebration ni Rayver Cruz dahil sa surprise celebration na inihanda sa kanya ng mga kaibigan niyang sina Cristine Reyes, Diane Medina, his brother Rodjun Cuz. Kasama rin syempre sa celebration ang ilan pa nilang friends! Chaka pala ang tawag nila kay Rayver, bilang ito ang nakasulat sa cake o hehehe! So, Ray happy birthday! Abot pa naman siguro ang greetings ko hehehe! Thanks Cristine for allowing me to post the photos here! Love you teh!


Oh nga pala, sa Twitter ay damang-dama rin ang saya ng grupo based sa mga tweets nina Cristine and Rayver! 



Read more...

Exclusive photos! Pokwang, Vina Morales, Melai, Jason, Randy Santiago and Gabby Concepcion... dinumog sa London Barrio Fiesta show!

Nakaka-dalawang araw na sa London ang ilan sa ating mga Kapamilya Stars para sa Barrio Fiesta held at Lampton Park, Hounslow, London... and sponsored by TFC and Philippine Centre. Syempre, nandun din ang London Correspondent kong si Jhey dela Cruz para i-update tayo with the photos! Hehehe! Thanks Jhey! Miss yah!

Day 1 :





Day 2 :











Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP