Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Mariel Rodriguez and Robin Padilla, so happy and so in love!

Sunday, August 29, 2010

Here are some photos of Mariel and Robin during their trip to India. Kitang kita naman sa photos how happy they are to be with each other di ba? Sabi nga ni Mariel, "I’ve never been this happy... I’m really contented with life. Di ko alam na pwede pala maging ganito kasaya." Kaya naman, kahit ako super happy na rin for Ma! Thank you so much Mariel for the photos, and thanks to E-live also! Hihihi!


At eto naman po ang controversial footage, kung saan sinabi ni Robin na he'll come back with his "Wife." Pahayag ni Robin na ikinagulat din daw mismo ni Mariel, pero according to her... ganun lang daw yata talaga si Robin pag nagmamahal, mga ganung tipo ng words ang ginagamit.

video

Read more...

Angelica Panganiban, piniling manahimik sa issue between her and Claudine Barretto!

Friday, August 27, 2010

Usap-usapan ngayon ang hindi pagkakaunawaan diumano sa pagitan nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban. Marami ang nagugulat, dahil ang pagkaka-alam ng lahat ay super close ang dalawang ito na huling nagkasama sa teleseryeng "Iisa Pa Lamang." Marami rin ang nagtatanong kung ano ba talaga ang tunay na story sa umano'y away ngayon ng dalawa. 


Nagsimula diumanong pumutok ang intrigang ito sa Twitter accounts ng dalawa, sa mga diumano'y pasaring nila sa isa't isa. Nagsalita na si Claudine at dinetalye ang issue sa isang entertainment website, sabi diumano ni Claudine pinagkakalat daw ni Angelica na may affair sina Claudine at ang kaibigan ni Derek Ramsay na si Martin Castro. Diumano, paraan daw ito ni Angelica para masira ang pagkakaibigan ng boyfriend na si Derek at ni Martin. Sa kampo naman ni Angelica ay si Mr. Johnny Manahan ng Star Magic ang sumasagot at nagtatanggol sa aktres, kung balak daw magdemanda ni Claudine ay nakahanda sila. At ngayong gabi nga lang, isang panibagong statement mula kay Mr. M ang lumabas - explaining kung bakit hanggang ngayon ay hindi nagsasalita si Angelica. Ayon kay Mr. M, pinipili raw ni Angelica ang "path of silence" dahil kung magsasalita siya, siguradong makakasira sa career ni Claudine ang mga sasabihin niya. Sa kabila raw ng mga nangyayari, may "compassion" pa rin daw si Angelica ngayon para kay Claudine.

Nagsisimula pa lamang umingay ang kontrobersiyang ito. Abangan niyo na lang ang mga susunod na mangyayari. 

Read more...

Kris Aquino, appointed Ambassador for Dengue Prevention by the Department of Health!



Kanina lang ay lumabas ang balitang ang Queen of All Media na ang Ambassador for Dengue Prevention sa bansa, as appointed by the Department of Health. Pumutok ang balitang ito habang si Kris Aquino ay nasa kanyang first medical mission sa Rosa Susano - Novaliches Elementary School, Barangay Gulod, Quirino highway (Novaliches, Quezon City). Here are the photos from the medical mission. Thanks Alvin Gagui!







Read more...

Miss Universe 4th Runner Up VENUS RAJ finds COCO MARTIN cute!

Thursday, August 26, 2010


Kanina lang sa press conference para kay Ms. U 4th runner up na si Venus Raj, kasabay ng lahat ng kasiyahan ay inamin niyang kung sakaling papasukin niya ang show business, ang gugustuhin niyang makapareha ay ang Indie Prince na si Coco Martin, na para sa kanya ay super cute. Ni-reveal din ng beauty queen na bago pa man siya sumikat, ay talagang nakikipagsiksikan siya sa kung saan man naroon si Coco para makita lamang ito. Hmmm... so ang next nating aabangan, ang pagkikita ng dalawa! 

source : SNN, August 27, 2010

Read more...

Mas marami pang kwentong simple at totoo! SIMPLY KC, EXTENDED!


Isang panibagong kabanata ang bubuksan ng Simply KC simula next wek! Sisimulan ito ng first time na paghaharap nina KC Concepcion at Anne Curtis, para sa isang two-part special na mapapanood sa Monday at Tuesday (August 30 & 31)!  Kung akala niyo alam niyo na lahat tungkol sa nag-iisang Dyosa, naku… marami pang ni-reveal si Anne tungkol sa marami niyang adventures sa buhay, na siguradong ikagugulat niyo! Mula sa Divisoria escapade nila ni Vice Ganda, hanggang sa mga natutunan niya pagdating sa pag-ibig! Syempre pa, ang mga kwento ni Anne tungkol sa buhay-pamilya niya, at sa kanyang mga kapatid all over the world… exclusive niyong malalaman! 




Kaya tutok lang sa tunay na pinapanood at nangungunang morning talk show sa bansa. Ang programang bumago sa morning viewing habit ng lahat…. Ang programang pilit tinatapatan, pero hindi mapantayan… ang Simply KC!

Read more...

Paul Jake, Tibo and Jason... tropang totoo!



Bukas sa Simply KC... isang super sayang kwentuhan kasama ang barkadang C3 nina Paul Jake, Tibo at Jason ang mapapanood ng lahat, 9:30am! Maraming ibubuking ang tatlo tungkol sa isa't isa... at sa mga pinagdaanan nila sa buhay na karamay ang bawat isa.





May bonus pa ang episode, dahil from the C3 friends... mapapanood niyo rin ang Miss Universe friends! Ang bagong YouTube sensation ngayon, ang magkakaibigang fashion designers na hindi itinago ang super 'nother level happiness nila sa pagwawagi ni Venus Raj sa katatapos lamang na Miss U beauty pageant! Sila yung apat na magkakaibigang naka-white shirts na super nagtatatalon sa kama, nang huling tawagin si Venus sa Top 15. 

Veejay Floresca and Martin Bautista

BUKAS NA PO (Friday, August 27), SIMPLY KC, 9:30am!

Read more...

Venus Raj, 4th runner up sa Miss Universe 2010! Congratulations!!!!

Tuesday, August 24, 2010

Okay na rin kahit 4th runner up si Venus Raj, aba eh kelan ba tayo huling nakapasok sa finalists di ba? Hay salamat. Hindi naman naka-apekto ang ginawa ni Rolando Mendoza... medyo pumalya lang si Venus sa Q and A eh. Sa tanong na "What is the one big mistake that you did in your life? And what did you do to make it right?"... ang isinagot niya kasi eh something like "Nothing MAJOR, MAJOR..." Awww. Pero pasok ka pa rin Venus, salamat ibinangon mo ang imahe ng Pilipinas! Go, fight, win!

4th runner up : Ms. Philippines
3rd runner up : Ms. Ukraine
2nd runner up : Ms. Australia
1st runner  up : Ms. Jamaica
Miss Universe : Ms. Mexico


Read more...

Good luck Venus Raj! GO Philippines!

Monday, August 23, 2010

Kahit pa super nakakalungkot at nakakapangit na naman sa image ng Pilipinas ang ginawang pangho-hostage ni Rolando Mendoza, let's all pray for the victims and pati na rin kay Venus Raj na lalaban bukas as Miss Universe. Sana hindi maka-apekto ang pangyayaring ito sa laban niya. Go, fight, win Venus!


Read more...

Ang bagong Precious Hearts Princess... Makikilala na! SOON!

Makikilala na natin ang bagong prinsesa ng Precious Hearts Romances... Ang kanyang kwento, pagkatapos na ng Impostor! Sa ngayon, eto muna ang pwedeng i-post na photo eh. Hulaan niyo nga kung sino siya! Hehehe!


Read more...

Robin Padilla at Mariel Rodriguez, balik Pilipinas na!

Sunday, August 22, 2010



Dumating na nga kanina lang sa bansa sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla from India. Ngayon ang tanong ng bayan, magbabalik na kaya agad si Mariel sa mga iniwan niyang tv shows? Bago ang mga panibagong intriga, welcome back muna Ma! Hehehe!

Read more...

Angelica Panganiban at Gretchen Barretto, nagkita na nang pumunta si Angelica sa set ng Magkaribal!

Thursday, August 19, 2010



Kaninang madaling araw, sa taping ng Magkaribal sa Makati, marami ang nasorpresa in a nice way nang magkita na finally sina Angelica at Gretchen matapos ang mga intriga at apologies. Mabilis nilang niyakap ang isa't isa the moment na nagkita sila. Sa statement nga ni Gretchen about it :
"It is pure joy to make peace at all cost. Humility is what Angelica Panganiban has taught me. I see Angelica's beauty inside and out. I thank my co-star and friend Derek Ramsay  for making it possible for Angelica and me to be friends. Angelica came to our set at around 2:30am today and she brought a lot of joy to everyone."
Dagdag pa ni La  Greta, "I am so looking forward to countless years of great friendship, fun and laughter."


Thanks RS Francisco and Tita Bets Aspillaga for the photos!

Read more...

Kris Aquino, emotional sa pagdating ng unang hearing ng hiwalayan nila ni James Yap!

Habang nasa office lang tonight at nagpapalipas ng oras... kagaya ng marami, ay nagulat ako sa tatlog magkasunod na Twitter posts ni Kris Aquino. Lahat patungkol sa pinagdadaanan nilang pagsubok ngayon, partikular ang tungkol sa magiging hearing ng kaso ng hiwalayan nila ni James Yap bukas. Sa post din na ito ay binigyang linaw ni Krisy kung bakit wala siya sa Pilipinas Win na Win kanina. Eto po ang tatlong tweets niya :

"Yes I was sick today, totally heartsick & crying nonstop. I shouldn't admit weakness, but I'm falling apart because ending a marriage is hell. Bimby gave me kleenex & asked what's wrong mom? I was honest & said mama & papa r fighting. Then he said wise words na super wake up call for me, u r brave mama ko. I asked him if he wanted his papa to come back to live w/ us & he said mama dito tayo (then he said name of condo where we live), papa ko sa other house pero friends tayo no more away-away."
"And so I face tomorrow's hearing w/ that intention, for bimby's sake, I'll offer friendship to his papa. Somebody text me, may angels tread before u sa path u'll go thru tomorrow. My angel baby james already did."
"That is the truth in my heart & all that I feel. I know I failed as a wife & james also failed as a husband. But we still have a chance to succeed as parents. And our son deserves the best effort I can give. Di ko man nabigyan si bimby ng complete family, but I can still make sure he'll always feel the love of both his parents for him. Good night. Say a prayer for our hearing tomorrow."

Read more...

JamLi, BretZie, VanZie, JaDe : Kaninong loveteam ka?

Salamat po sa lahat ng JamLi Poppers, Vanzies at Bretzies for sending these photos, para mai-share sa marami pang nakaka-miss sa mga PBB Teen Clash stars! In fairness, iba't ibang combination ng pares ang naririnig ko ha. Abangan na lang natin kung sino ang magki-click at patuloy na mamahalin ng fans. Thanks again friends - Chelsea Avanzado, Zim de Vera, and Jamie Hinog!


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP