Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Luis Manzano, nagsalita na tungkol sa bagong Mystery Girl sa kanyang buhay!

Saturday, October 30, 2010

Heto ang ilan pang photos na dumating sa e-mail ko, showing Luis Manzano and the alleged new girl ng buhay niya na until now ay hindi pa lumalabas ang tunay na katauhan - at koneksyon nilang dalawa.



Pero the photos this time came with a few statements from Luis and the girl. Nang makausap daw ng aking source si Luis at pina-describe sa kanya ang girl na ito, Luis said : "Nakasama ko na siya sa isang project before nung mag-host ako para sa isang event nila . . . We talked, kuwentuhan, ganon. For one thing, she's very out of the box... She has so much energy..."


Nang turn naman daw nung girl na i-describe si Luis, heto ang sabi niya : "Luis is a good old friend of mine... He is very 'makulit' in a fun and funny kind of way!"


Read more...

TONI GONZAGA and CHARLENE GONZALEZ, nilinaw na walang iringan sa pagitan nilang dalawa!


Rumors are spreading now about the alleged rift between The Buzz hosts Toni Gonzaga and Charlene Gonzalez-Muhlach. The issue apparently started from some people’s observations posted in the online community board pinoywap.net, resulting to allegations that Toni’s fans are now saying bad words against Charlene. But both tv hosts were shocked, when they were asked about the intrigue.
“Huh? Hindi, naku di mang-aaway fans ko! Saka I think wala namang reason kung bakit sila magagalit kay Ate Charlene kasi ang bait bait ni Ate Charlene. I’m sure di nila magagawa yun,” Toni said.
Even Charlene made it sure that this rumor is false, and definitely won’t affect their relationship. “Working with Toni, KC (Concepcion) and Tito Boy (Abunda)… It’s been a pleasurable experience. At sobra kaming nag-eenjoy and it’s nice that I was given the opportunity to work with genuinely sincere and kind people in the industry. At habang tumatagal mas mas lumalalim ang friendship namin, kaming apat,” Charlene assured the fans.

Read more...

Congratulations to the new PMAP President: Phoemela Baranda!

Friday, October 29, 2010


Tama! Si Phoemela Baranda na po ang bagong presidente ng Professional Models Association of the Philippines! Congrats Phemy!

Read more...

Richard Poon umaming nanliligaw kay Maricar Reyes!


Matapos maging palaisipan sa marami kung totoo ang bali-balitang pinu-pursue ni Richard Poon si Maricar Reyes, sa nakaraang press conference para sa kanyang concert sa PICC Plenary Hall on November 12 ay umamin si Richard sa tunay na feelings niya about Maricar. He said na labis na happiness ang dinudulot ni Maricar sa buhay niya ngayon. Kung dati ay crush niya lang daw kasi ang aktres, ngayon ay madalas niya na itong nakakausap tungkol sa kahit ano about life. Umamin din si Richard na alam niyang very private na tao si Maricar, kaya kung hindi man daw ito magsalita ng kahit ano about him ay maiintindihan niya. 

Kayo, ano ang opinyon niyo tungkol dito?

Source : PEP.ph

Read more...

My Amnesia Girl, ngayong November na!

Tuesday, October 26, 2010

Late na 'tong pag-post ko ng teaser ng movie nina John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga, pero baka may hindi pa nakakapanood. At ayokong hindi ito mapanood ng lahat, dahil super ganda! Eto ang pelikulang trailer pa lang, masasabi mo nang havey na havey!

video

Read more...

Mara Clara, noon at ngayon!

Monday, October 25, 2010



Read more...

SPOTTED! Luis Manzano, kasama ang bagong babae sa buhay niya?!

Sunday, October 24, 2010

May nag-send sa akin ng photo na ito. Ang babaeng ito raw ang bagong babae sa buhay ni Luis Manzano! Gosh! Sino siya? Abangan ang ibang detalye as soon as may makuha ako.


Read more...

FIRST HERE! EXCLUSIVE : "Thank you for being a man. Thank you for being my man." - Shaina Magdayao on John Lloyd Cruz

Friday, October 22, 2010


Nalaman na po natin ang side ni John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez patungkol sa issue sa kanilang "controversial communication," now heto naman po ang reaction ni Shaina Magdayao sa mga binitiwang pahayag ni John Lloyd about her, at sa desisyon ng aktor na tapusin na ang gulong ito.
"Salamat... Thank you for beaing a man. Thank you for being my man may He continue to bless us."
Thanks mars! Love you!

Read more...

EXCLUSIVE! FIRST HERE : "If he intends to stay away from me then he should WALK HIS TALK dahil siya naman ang unang nag-reach out sa akin," Ruffa Gutierrez on John Lloyd Cruz

Thursday, October 21, 2010


After reading what John Lloyd Cruz revealed about their "controversial communication," finally ay napatunayan ni Ruffa Gutierrez na hindi imbento ang balitang nagkaka-usap pa sila ng aktor. Kaya naman, heto po ang reaction at mensahe ni Ruffa patungkol sa mga sinabi ni John Lloyd. 
"Hay salamat sa Diyos! Inamin din ni JL na may communication kami, na nagkakausap kami at nagtatawagan bilang KAIBIGAN. Yun naman ang sinabi ko. May pinagsamahan kami at hindi dapat binibigyan ng malisya. If he ADMITTED this before pa di sana walang issue. Ang masakit diyan pinapalabas pa ng ibang walang magawa na ako pang naghahabol sa kanya that's why Dra. Vicky belo came to my defense cuz she knows the truth."
"We now have separate lives and walang naghahabol kanino man. And if he intends to stay away from me then he should WALK HIS TALK dahil siya naman ang unang nag-reach out sa akin at nakipag-communicate nung end of June. And all of you know naging napakatahimik ng pag-uusap naman mula noon na walang nakakaalam. Until a few weeks ago lang nung nai-kwento ni Doc Vicky kay Mo (Mo Twister) and this daldal Mo spilled it on air.  Now that all is clear let's close this book and continue living our lives. Life is beautiful!!!"
Thanks so much Ruffy! Love you girl!

Read more...

"It's now time for me to stay away from her," John Lloyd Cruz on Ruffa Gutierrez


Sa patuloy na pag-init ng hindi mamatay-matay na issue tungkol sa diumano'y patuloy na communication nina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez, kahit pa committed na sa ngayon ang aktor kay Shaina Magdayao, finally through Showbiz News Ngayon (SNN) ay humarap na rin sa publiko ang ultimate leading man ng industriya para klaruhin ang mga bagay-bagay. Una nang nilinaw ni John Lloyd ang kontrobersiyal na on-going communication daw nila ni Ruffa.
"When I was asked before about it, if I was still  in communication with Ruffa, parang  hindi ko madiretso kasi hindi siya  ganon kadaling tanong na sagutin. It's not communication like kung paano siya ini-insinuate ng mga tao, ng ilang mga members ng press di ba. It's communicating na may effort  na to address some issues na involved kami pareho. Because as you know it, madalas  na may pagkakataon na sasabihin nili-link pa rin kami, and may maririnig ka or may maririnig ako na may sinabi ako, may sinabi siya so, anong dapat mong gawin pag ganon? So sa amin, for two people na who used to be together, it's just normal na pag-usapan niyong kayo mismo kung ano ba talaga yung lumalabas na issues, na sinabi mo o sinabi ko... Ganon lang kasimple yun," ang paliwanag ng aktor.
Itinanggi rin ni John Lloyd na nagkaroon siya ng intensyon na magsinungaling sa publiko. Dagdag pa niya : 
"Wala, I mean siguro yung pagkakataon kung kalian naitatanong siya o kailan dapat sagutin, dun lang nagkakaroon ng ano eh, ng pagkakaiba eh, pero what I'm saying now, eto yung dapat kong sabihin eto yung gusto kong sabihin."
Sa gitna ng issueng ito, malaki naman ang pasasalamat ni John Lloyd dahil wala siyang naging problema kay Shaina. 
"As you know it hindi naman ito first time nangyari di ba? Parang paulit ulit na nga ito, para na nga kaming mainstay sa isang show sa TV5 eh. Pero si Shaina, she’s been very understanding about the whole thing, very mature about it, we're very much okay, wala kaming problema about it and nagkakaintindihan kami, pag ganon mas lalo mong minamahal yung tao."
At para tuluyan nang matigil ang usaping ito, ito ang nakikitang solusyon ni John Lloyd :
"Ano lang naman kasi ito eh, here are two people who used to be together. But who are open to the idea of friendship after a relationship, parang we tried naman, pero may mga bagay na hindi na namin, in other words, parang nakakapanghinayang kasi, kaya naman sana eh, kung hindi lang binibigyan ng malisya ng ibang tao. Siguro yung friendship can last, for how long I don’t know. Pero minsan dala na rin nung kagagawan ng ibang tao, binibigyan ng malisya, kung anu-ano ang ini-insinuate, eh unfortunately and sadly , nakakasira and I don’t know, for now, para siguro matahimik na rin lahat, especially  people who are dear to me, hindi na rin kasi maganda yung mga naglalabasan eh, parang  laging ako yung napapasama, often times, they put me on a bad light and it's not easy for my family, it's not easy for Shaina, it's not easy for our relationship... So para matapos na, siguro it's ime for me to ano, stay away muna. Siguro para alam na rin nila, it's time to make it public na maybe, it's now time for me to stay away from her, para na rin matapos na no, out of my respect for her and for my family. Ganon na lang."
Sa tanong naman kung tuluyan niya nang isinasara ang pinto sa posibilidad na pagiging friends nila ni Ruffa, eto naman ang diretsang sagot ng aktor. 
"Siguro kasi kung ganito lang naman ang mangyayari, parang bakit ba sobrang laking issue na parang pag nag-communicate yung dalawang tao who used to be together, parang napakalaking issue sa kanila, I mean sayang lang, hindi siguro kinaya nung friendship.  So maybe it's best kung medyo ako na yung lalayo. Pero don’t get me wrong ha, wala akong pinuputol na anything. Siguro for now eto muna yung pinakamagandang magagawa ko."
Sa pagsasalita niyang ito, aasa na lang daw si John Lloyd na matitigil na ang issues sa kanila. Sobra na raw kasi ang mga lumalabas na usapin kaya napilitan na siyang magsalita.
"Sobra na eh. Parang sagad na sagad na yung ano sa akin, parang masyado naman akong napapasama na ngayon, parang na-realize ko lang na parang ngayon na dapat magsalita... Eto na yung akin, sabi ko nga may mga bagay na  hindi ko na hawak. So pagka ganun, ang pwede mo na lang panghawakan, yung sa'yo. Kung ano na lang ang parte mo. But ako talaga personally, kung ano pa yung lalabas after nito, wala nako diyan," ang paniniguro ni John Lloyd.
Sa kasagsagan ng lahat ng ito, malaking sorpresa raw kay John Lloyd kung gaano ka-mature at supportive si Shaina sa pag-handle sa mga bagay-bagay. Kaya naman mas lalo pang napapamahal sa kanya ngayon ang aktres.
"Gusto ko lang for Shaina, kung paano siya naging  supportive and mature and kasama ko, through all these, parang now is a good time para ma-appreciate siya, I just wanna tell her na I really love her and for her patience and understanding, and it makes me wanna love her more and sana maging maayos lahat because I love the life that we have togerher and I can't let anyone or anything take that away from me," ang pagtatapos ni John Lloyd.

Read more...

Annabelle Rama, tinawag diumanong "ingrata at laos" si Heart Evangelista! Heart, hindi apektado!



Kanina sa kanyang birthday press conference, ni-report ng PEP through their Twitter account na diumano'y ni-lambast ni Annabelle Rama ang dati niyang alagang si Heart Evangelista. Annabelle allegedly said that Heart is "ingrata, walang utang na loob, laos at hindi na sisikat."

I immediately talked to Heart about this, and heto po ang sagot niya sa paninira diumano ng kanyang dating manager. 
"Contracts are made to end I guess by not renewing the other party isn't happy. I've always been handled by my family I don't think there's anything wrong with that. ☺ I'll always be grateful to the people that helped me along the way positive vibes God bless!"
Thanks Hearty for this. Love yah!

Read more...

Kim Chiu opens her heart to KC Concepcion!

Wednesday, October 20, 2010


Sa huling dalawang araw ng Simply KC - 8am, Thursday (October 21) and Friday (October 22), isang simple, totoo at mapusong kwentuhan ang pagsasaluhan nina KC Concepcion at ng Prinsesa ng Primetime na si Kim Chiu. Sa 2-part special na ito ay ishi-share ni Kim kung paano siyang nag-grow bilang isang artista at isang babae, dahil sa mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay. Hindi rin napigilan ni Kim ang mapaiyak nang mapag-usapan ang kanyang pamilya. At syempre pa, hindi maku-kumpleto ang kwentuhan nila ni KC kung hindi mapag-uusapan si Gerald Anderson. Nag-end na nga bang talaga ang heartaches ni Kim? Kamusta na ba talaga sila ni Gerald ngayon? Ang lahat ng kasagutan, nasa Simply KC! Kaya huwag na huwag palalampasin ang natitirang dalawang araw ng paborito niyong morning talk show! Go, fight, win!

Read more...

More EXCLUSIVE PHOTOS from KC Concepcion's latest visit to Mindanao for UN WFP!

Sunday, October 17, 2010

Earlier this week ay bumisita sa Mindanao si KC Concepcion, para gampanan ang kanyang responsibilidad bilang National Ambassador against Hunger ng United Nations World Food Programme (click here for related article). At narito po ang ilan pang photos mula sa visit niyang doon. Thanks UN WFP!




Read more...

Kris Aquino, back to work! Back to horror!

Friday, October 15, 2010

Matapos ang ilang linggong pananatili sa bahay dahil sa trangkaso, at pagkakasakit nina Bimby at Josh, today ay officially back to work na ang Queen of All Media na si Kris Aquino. First shooting day po ngayon ng pelikula niyang "Dalaw," under Star Cinema. Ang movieng ito ay isa sa tatlong entries ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival this December - ang dalawa pa ay ang "Tanging Ina 3" ni Ai Ai delas Alas at ang RPG Metanoia (First Philippine Full Length CG-Animated feature film in 3D). Ang bagong horror movie ni Kris is directed by Dondon Santos, kung saan makakasama niya sina Diether Ocampo at Karylle. Thanks Alvin Gagui for the photos!

Read more...

KC Concepcion muling bumisita sa Mindanao para sa United Nations World Food Programme (UN WFP)!

Thursday, October 14, 2010


This week ay marami ang nakapansin sa tila hindi pagiging visible ni KC Concepcion sa Twitter world. Pero wala pong dapat ikabahala ang mga nagmamahal sa tv host dahil, as some of her followers know, nagpunta sa Mindanao si KC para ituloy ang kanyang responsibilidad bilang United Nations World Food Programme National Ambassador against Hunger. Monday ng 3am, ay nasa airport na si KC.

KC visited the WFP supported projects assisting former IDPs (Internally Displaced Persons) who have returned in recent months to their place of origin in Barangay Pagatin, Datu Salibu, Maguindanao. Sa pagbisita niyang ito sa, dumiretso si KC sa Food for Training (FFT) site sa Sitio Gadong. FFT activities on site are the formulation of halal feeds and rope-making for the women. Bumisita rin si KC sa Barangay Health Station in Sambulawan para kamustahin ang Supplemental Feeding (SF) activity doon for pregnant and lactating mothers, and for 3 to 24-month old children who are undernourished. WFP provided corn soya blend, oil and sugar (mixed together). Mula dito ay pumunta naman ang tv host-UN WFP Ambassador sa Pagtin Elementary School where Emergency School Feeding (ESF) was conducted. WFP provided rice, mongo and oil, while the community added locally produced vegetables in the ESF progam. The school has a total of 750 enrollees all of whom benefit from WFP food assistance.

Pagkatapos ng mga ito ay nagkaroon naman ng press conference sa Estosan Hotel with Mindanao media and ARMM government. Saka naman tumuloy si KC sa WFP Salimbao Warehouse, bago ang courtesy call niya sa Mayor ng COtabato City na si Mayor Japal Guiani, Jr.

Ang pagtupad sa kanyang responsibilidad at advocacy na ito, outside showbiz, ang naging focus ni KC Concepcion nitong mga nakaraang araw kaya po hindi niyo siya nakikita sa Twitter o anumang showbiz events the past days. Pero now, she's back po and bukas magte-taping naman for Simply KC.

Read more...

Melai Cantiveros, love birds ang regalo sa birthday ng kanyang sweetie pie na si Jason Francisco!

Wednesday, October 13, 2010




Last Sunday ay naganap ang celebration gn 23rd birthday ni Jason Francisco sa isang resort sa Novaliches, Quezon City. Ang party ay inorganize ng mga kaibigan at supporters ni Jason from Tropang Jason Inc. with the help from other Melason groups (Melason Pexer, Melason Jewels, and Melason.com). Nagsimula ang selebrasyon with a thanksgiving mass, followed by a small program. Wala si Melai Cantiveros sa actual program dahil may ABS-CBN Station ID shoot pa ito nung mga oras na yun. Pero syempre, humabol din si Melai sa venue para personal na maibigay sa kanyang sweetie pie ang regalo niyang love birds. Aside from Melai's presence and gift, malaking surprise rin for Jason ang pagdating ng kanyang lolo and lola from Mindoro. Thanks to Roselyn Tabangay ng Tropang Jason Inc. for the photos and information! Love you guys!


Read more...

Mark Herras, super thankful sa lahat ng nagtanggol sa kanya sa paglabas ng diumano'y webcam scandal niya!

Sa paglabas ng diumano'y webcam photos scandal ni Mark Herras last week, halos lahat ay talaga namang na-curious at nagtanong kung totoo ba ang photos o edited lang tulad ng ibang photo scandals ng celebrities na lumabas dati. Pero finally ay lumabas din ang totoo, na walang katotohanang si Mark Herras ang nasa photos na lumabas. Sinasabi ng iba na "mark h" ang nakalagay dun sa chatbox, pero ang totoo po never ginamit ni Mark ang "mark h" o "mark herras" sa internet. Mapa-Facebook o Twitter po, hindi niya ginagamit ang "Mark Herras."

Sa kainitin ng intrigang ito, naka-usap ko rin ang diumano'y ka-chat ng "mark h" na yun - si Dale diumano. At eto po ang sagot niya sa akin tungkol sa diumano'y pakikipag-chat sa kanya ni "Mark Herras" :
"I know the issue and I just want to say i dunno why they dragged my name, and my pix, even my fb account... I dunno what they're talkin' about... Di ko kilala personally si Mark Herras o nakakausap sa chat... Yun lang po muna statement ko po."
Thanks Dale!

And after ng intrigang ito, heto naman po ang gustong ipaabot ng totoong Mark Herras sa lahat ng nagtanggol at hindi nanghusga sa kanya :
"Sa lahat ng nagtanggol at naniwala sa akin, maraming, maraming salamat po. Hindi ko ine-expect 'tong suporta at dami ng pagmamahal. Diyos na po ang bahala sa inyong lahat. Okay na po ako, tuloy ang (ma)sayang buhay... Mahal ko po kayong lahat."
Salamat Mark!

Read more...

Anne Curtis and Ogie Diaz, certified exclusive Kapamilyas pa rin!




Last Monday ay parehong pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN sina Anne Curtis at Ogie Diaz. Kasama na sa mga bagong projects ng dalawa ang E-Live ni Ogie, at ang Green Rose ni Anne. Syempre pa, present sa contract signing ng dalawang stars ang mga ABS-CBN Executives na sina Ms. Cory Vidanes, Ms. Linggit Tan, Mr. Deo Endrinal, and Mr. Louie Andrada. Congrats Ogie and Anne! And thanks Ms. Hervie Bautista for the photos!

Read more...

Kim Chiu at Gerald Anderson, napa-iyak sa kanilang press conference!

Tuesday, October 12, 2010


Marami ang nagulat nang mapa-iyak kanina sa harap ng press sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Syempre, kaagad naglabasan ang iba't ibang espekulasyon kung bakit naging emosyonal ang dalawa. Pero bago pa kung anu-anong intriga na naman ang lumabas, kaagad nang nagbigay ng official statement ang Star Cinema tungkol dito. According to them :
"Kim Chiu and Gerald Anderson are ok now and are actually on their way to a common appointment together. They just shot a highly emotional scene yesterday and the press conference was their first public appearance together."

Read more...

Finally! KIM CHIU breaks her silence! Talks about Gerald, Bea, Enchong, Jason Abalos and her alleged SUICIDE!

Sunday, October 10, 2010

Matapos umiwas sa mga maiinit na issues noon about her relationship with Gerald Anderson, sa wakas ay nagsalita na rin si Kim Chiu para tuldukan na ang mga rumors about her. Una na dito, ang diumano'y panliligaw sa kanya ng ilang kapamilya actors.
"Nahiya naman ako. Di ko alam. Tanungin natin si Enchong... Close kami nung "My Girl" days. Lagi kaming nagkukwentuhan, nagtatawanan," ang paliwanag ni Kim regarding the real score sa kanila ni Enchong Dee. Nang mapunta naman kay Jason Abalos ang usapan, eto ang tila gulat na pahayag ni Kim, "ano ba yan! (laughs) Parang ang kapal ng mukha ko ‘pag sinabi kong: Opo, nililigawan nila ako."

Sumunod namang inamin ni Kim, na hindi na siya nagugulat kung pagdating sa leading man niyang si Gerald, ay marami pang ibang babaeng na-uugnay. "Magandang lalaki si Gerald. Aminin naman natin ‘yun. Mabait pa, gentleman. Lahat naman siguro magkakagusto sa kanya kaya hindi imposibleng may ma-link pa sa kanya," ang sabi ni Kim.

Pagdating naman kay Bea Alonzo, ay sinabi ni Kim na hanggang hi and hello lang ang relasyon nila. Iba raw kasi ang circle of friends nila sa ASAP XV kung saan sila magkasama. Hindi rin daw totoo, na nagiisnaban sila kapag nagkikita. Pero kasabay ng sagot na ito, ay ang pagkumpisal ni Kim na sa lahat ng pinagdaanan nila ni Gerald, tao lang din siyang marunong masaktan. "Di naman ako robot na walang pakiramdam. Aminin na natin… opo," ang diretsahang sagot ng aktres.
At maging ang pinaka-controversial rumor about her, walang takot na hinarap ni Kim. Ito ay ang diumano'y tangka niyang pagpapakamatay. "Alam mo kalokohan at katangahan para sa akin ‘yung gawin ko yun. Papatayin ko ‘yung sarili ko, bakit? Parang, sinong mag-aalaga sa mga kapatid ko? Sinong bubuhay sa kanila? And may pinapagawa akong bahay, dream house ko. Sinong magtatapos nun? Ito sasabihin ko, lahat ng tao dumadaan sa proseso ng buhay, sa baba, sa taas, malungkot, masaya pero dahan-dahang namang nagiging okay ang lahat. Katulad ko, masaya naman ako ngayon. And ‘yung tungkol kay Ge, ayokong isipin ng mga tao na masama siyang tao kasi hindi naman talaga. Sa lahat ng haters niya… parang ako yung nasasaktan para sa kanya," ang buong honesty na pahayag ni Kim.

Sa dulo ng interview sa kanya, sinabi ni Kim na hindi basta-basta maitatapon ang pinagsamahan nila ni Gerald. At meron silang maraming followers, kaya ayaw niyang magkasira sila. Lalo pa't may pelikula ulit silang ginagawa ngayon, ang 'Til My Heartaches End under Star Cinema na ipapalabas na sa October 27.


Source : The Buzz, 10.10.10.

Read more...

Hand, Foot and Mouth Disease : Ano nga ba ang sakit na ito, na tumama kay Kris Aquino at sa kanyang sons?


Nauna nang i-anounce ni Kris through her Twitter account, ang karamdamang dumapo sa kanilang mag-iina. Pero sa latest update niya, kung ang mga anak niyang sina Baby James at Josh ay may Hand, Foot and Mouth disease, malamang ay ibang virus ang tumama sa kanya dahil hindi siya nagkaroon ng rashes o mouth sores.

Dahil dito, naging curious ang marami. Ano ba itong HFMD? Paano ito naiba sa nakilala nang sakit ng hayop noon, na Foot and Mouth disease? O, pareho ba sila? Sa nakausap na doktor ng The Buzz na si Dr. Eric Tayag, ito ang naging paliwanag :

"Ang hand, foot and mouth disease ay isang viral illness kung saan karaniwan mga bata ang nagkakasakit. It’s very uncommon in adults. Ito ay nakakahawa sa pamamagitan ng mucus, saliva o kaya dumi. Nag-uumpisa ang hand, foot and mouth disease sa mataas na lagnat, pananakit ng lalamunan at pagkakaroon ng mouth sores. Sa loob ng bibig pwedeng magkaroon na ng sores. Tapos dito sa kamay dito sa mga palad at saka sa talampakan... Yun namang foot and mouth disease sakit naman yun sa cattle, sheep, o kaya goats o kaya baboy... (foot and mouth disease-free na diumano ang Pilipinas) so walang dapat ikatakot. At saka yung foot and mouth disease naman bihirang mahawa ang tao dun. Itong hand, foot and mouth disease, person to person ang transmission. So para wag kayong malito, tayo po ang may kamay kaya dapat hand, foot and mouth disease."
Naku, at hindi raw dapat balewalain ang sakit na ito dahil maaari itong lumala at umabot sa kamatayan.
"Importante sa amin 'to dahil lingid sa kaalaman ng iba, maaaring maging grabe ang hand, foot and mouth disease sapagkat pwede itong maka-cause ng meningities o encephalitis, mamamaga yung utak, magkakaroon ng kombulsyon, maninigas yung… at kadalasan ay baka mamatay pa nga yung bata. O magkakaroon ng paralysis o napagkakamalan yung may polio yung bata so wag nyong babalewalain yung hand foot and mouth disease."
Kaya ang panawagan pa ni Dr. Tayag sa ating lahat :
"Para sa mga kababayan po natin, yung mga bata po lalo na sa daycare center, i-monitor nyo po kung nagkakaroon sila ng lagnat at saka kung lumalabas yung rashes sa katawan. Pag napansin nyo hong meron na sa bibig, sa palad o sa talampakan, o kaya sa may bandang puwitan, ang pinakamaganda ho ay ipagbigay alam nyo halimbawa sa teacher para yung ibang bata ho ay mabantayan na rin, tapos ibukod yung batang yun kasi nakakahawa nga pero sa loob ng lima hanggang pitong araw, makakarecover yun wag ho kayong mag alala. Subalit kung nagkakaroon ng kombulsyon, naninigas yung leeg baka naapektuhan na yung utak, kaya nagkakaroon ng paralysis, dalhin nyo po sa ospital para maagapan yung kumplikasyon. Wala hong pinipiling antas sa lipunan yung virus, so mayaman ka, mahirap, pag yun eh nakapitan ka, kahit anong estado mo sa buhay ay magkakasakit ka pa rin."

Read more...

CONFIRMED! Judy Ann Santos, nanganak na!

Thursday, October 7, 2010


Ilang sandali pa lang ang nakakalipas - before 6pm today, ay nanganak na po ang Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos sa Asian Hospital and Medical Center in Alabang. Normal delivery po. Syempre, as we all know, baby boy po ang anak ni Judai at Ryan Agoncillo - si Juan Luis o si Baby Lucho. Abangan lang po ang ilang detalye maya maya.

Read more...

Kapamilya stars - Sid Lucero, Nikki Gil and Jodi Sta. Maria... certified pang-International ang galing!

Tuesday, October 5, 2010

Iba talaga ang level ng husay ng mga Kapamilya stars pagdating sa pag-arte! After ma-nominate ni Angel Locsin last year, si Sid Lucero naman ngayon ang nominated sa Best Performance by an Actor category sa 38th International Emmy Awards. Ito ay para sa kanyang performance sa ABS-CBN teleseryeng Dahil May Isang Ikaw, na nominated din para sa Best Telenovela Category. Nang makausap ko si Sid about this, sabi niya he doesn't know what to say daw about this major, major recognition. Pero sa isang linya, ang gusto niyang ipaabot sa lahat about his nomination ay, "para sa industria ng pelikulang pilipino."
But hindi lang si Sid ang may bonggang nomination, dahil pati ang ASAP XV and E-Live host na si Nikki Gil, nominated rin para sa Best Actress category sa 2010 Asian / Vietnam Film Festival! Ito ay para naman sa kanyang performance sa pelikulang The RED shoes, kung saan nakasama niya ang aktor na si Marvin Agustin. The festival will be held on October 21, at sa October 19 ang alis ni Nikki para dumalo rito. When we talked about it, super excited si Niks and thankful sa pagkilalang ito sa kanya.
Hindi rin syempre mawawala sa ganitong eksena ng kahusayan ang kilala na rin sa galing sa pag-arteng si Jodi Sta. Maria. Paalis ngayon papuntang Korea si Jodi para sa Pusan International Film Festival, para sa premiere ng kanyang movieng CHASSIS. Pero una pa lang itong Pusan for her, dahil this October ay na-invite din sila sa Vancouver International Film Festival, sa Argentina Film Festival naman on November, at sa January ay sa Netherlands naman - Rotterdam. Nominated din si Jodi for Best Actress sa dadaluhan nilang festival / awarding sa Argentina on November. And according to Jodi nga, "para sa Pinas!"



I am so proud of these Kapamilya stars! Kaya Sid, Niks, and Judiel... GOOD LUCK! And CONGRATULATIONS! Ngayon pa lang, winner na kayo! Para sa Pinas, go, fight, win!

Read more...

Imortal, tinutukan ng buong bayan! Inilampaso sa National at Mega Manila People Ratings ang katapat na programa!

Kagabi ay natapos na rin sa wakas ang matagal na paghihintay ng lahat sa bigating teleseryeng pinaghandaan at pinaghirapan ng ABS-CBN, ang Imortal! Tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa para walang mapalampas sa pilot episode nito, na ipinalabas after ng top-rating ding Kapamilya teleseryeng Noah. At gaya nga ng inaaasahan ng marami, inilampaso ng Imortal ang katapat nitong programa sa TNS o Nationwide ratings - Imortal 34.4% vs Grazilda 22.7%, at sa AGB o ang Mega Manila People Ratings - Imortal 15.1% vs Grazilda 11.2%.

Kaya naman, todo ang pasasalamat nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz, at ng lahat ng bumubuo sa programa sa todo suportang ipinakita ng sambayanan. Simula pa lang po ito, tutok lang gabi-gabi dahil mas marami pang magaganda at bigating eksena tayong mapapanood! Go Imortal!

Read more...

Pauleen Luna at KC Montero, huling naglalaplapan?

Monday, October 4, 2010

KC Montero's photo from his twitter / plixi account

Kumalat today ang balitang diumano, nakitang naglalaplapan ang Kapuso Stars na sina Pauleen Luna at KC Montero sa may swimming pool somewhere. At para malaman agad ang truth behindi this rumor, kinausap ko si Pauleen and here's her paglilinaw sa issue :
"KC and I are good friends. Let's not put malice. We were not kissing. We were at a friend's house with my Eat Bulaga co-hosts - Paolo, Ruby, Allan, Phillip Lazaro. Pwede naman siguro mag-enjoy [ang] mga magkakaibigan. Wag po nating lagyan ng malice."
Ayun po. Thanks Pau!

Read more...

Zanjoe Marudo, happy maging single... happy rin for ex-girlfriend Mariel's wedding!

Sunday, October 3, 2010





Lahat ay nag-aabang sa reaksyon, o sa anumang sasabihin ni Zanjoe Marudo, when finally ay kinumpirma na nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla ang kanilang pagpapakasal. Kanina sa The Buzz, finally ay inilabas na ni Zanjoe ang tunay niyang saloobin tungkol dito! Sa tanong kung happy ba siya for his ex-girlfriend, eto ang maikli but very meaningful sagot ni Z :

"...(smiles) Congratulations (pauses). Congratulations, oo naman."
Sa ngayon daw ay masaya siya sa buhay niya bilang single, choice niya raw ito at hindi totoong hindi pa siya nakaka-get over kay Mariel.
"Kumbaga ako, hindi dahil matagal na akong single eh, kailangan ko nang maghanap ng girlfriend... Hindi naman ‘yun ang basehan ko."
Kasunod ng issueng ito ay sinagot din ng hunk actor ang kumakalat na rumors, na nililigawan niya raw ang anak ni Robin na si Queenie Padilla.
"Yun nga eh, di ko alam kung saan nanggaling ‘yung balitang ‘yun eh. Ah, never pa kaming na-introduce, so wala pong katotohanan ‘yun na may balak akong ligawan... Parang halata naman na imbento lang, para mai-connect lang ‘yung mga bagay-bagay... Nakakahiya dun sa tao. Nakakahiya kay Queenie na merong ganung issue," ang depensa ni Zanjoe.

Read more...

Kris Aquino, pinagsisisihang wala silang pre-nuptial agreement ni James Yap!




Sa pagpapatuloy ng kaso ng annulment ng kasal nina Kris Aquino at James Yap, umamin ang Queen of All Media na ngayon lang niya nare-realize ang pagkakamali niyang, wag sundin ang payo ng namayapang inang si President Cory Aquino, na magkaroon sila ni James ng pre-nuptial agreement bago magpakasal. Dahil ayon sa kanya, sa nangyayaring ito... ang higit na apektado ay ang panganay niyang anak na si Josh.
"Walang hiwalay na madali, lahat naman yun mahirap talaga, pero kasi  if there was a child prior to that marriage, yung interest of that child... nasa-sacrifice, kasi yung conjugal, hindi siya kaparte nung conjugal na yun eh. Kung meron lang akong isang iniyak sa mga kapatid ko, sinabi ko kasi si Bimby was blessed with every possible benefit. Matalino siya, gwapo siya, sa genes niya alam mo magiging athletic siya. Sa school pa lang ngayon sinasabi he’s a born leader, he’s so articulate, he’s so smart. Lahat nun hindi nabigay kay Josh. And yet si Josh na mas nangangailangan, kung ano yung para sana kay Josh na buong buo, nakuhanan pa. Yun lang, and yun ang masakit."
Sa interview niyang ito sa The Buzz, inamin din ni Kris na sa ngayon ay wala siyang natatanggap na suportang pinansiyal mula kay James.
"Wala... Hindi ko hiningi at hindi rin naman inoffer so wala... It's in my petiton to say na hindi ko hiningi na, and siguro also hindi mo naman kailangan hingin. I honestly think na maybe, you have to remember we are eleven years apart. He’s 28, the level of responsibility is really very different and the level of maturity. I can't blame him because there must be that notion na ang laki naman ng kinikita mo eh so kayang kaya mo... So sana lang kung may mangyari sa ‘kin hindi niya pababayaan si Bimby."
Pero nauwi man sa malungkot na ending ang love story nila ni James, hindi naman daw pinagsisisihan ni Kris ang naging bahagi ng buhay niya ang basketbolista.
"Why will I regret, I have Bimby... the regret if you ask me, my mom just said to me, I only ask you one thing, humingi ka ng pre-nup para ma-secure mo si Josh. It was not for any other reason and sana wag sabihin ng mga tao na naging matapobre ang pamilya namin, or anything like that. Hindi eh. My mom’s concern because Josh is illegitimate, Josh is a special child who has so many needs. So my mom just wanted nung time na yun na kung anuman ang mangyari, hindi dadating sa point na maagrabyado yung isa kong anak. So yun ang ano ko ngayon, na medyo kailangan talagang magsumikap. Kasi, tutal napag-usapan na yung settlement. One-sided po yung settlement, yung settlement po nanggaling sakin. It's my fault wala kaming pre-nup so I'm paying the price for it but not me.. .sabi ko nalugi talaga yung panganay kong anak."
Sa pinakabagong pagsubok na ito sa kanyang personal na buhay, ito lang daw ang natutunan ng tv host-actress.
"I think my personal life has to be put in order. If I look back in the entire year from August of 2009 to now, I haven’t really had a chance to just reflect yung the loss of my mother, the campaign of my brother, the demise of my marriage. Parang along the way I just had to survive, nakalimutan ko ata na kailangan ko rin namang mabuo as a person again... Kung pwede lang ma-rewind ang buhay sana nakinig ako sa mom ko, sana kung nakinig lang ako sa mom ko, hindi ko to pinagdadaanan sa ngayon. I think that’s the one lesson in life talaga na everything na sinabi ng mom ko sa ‘kin, has been 100% accurate."

Read more...

Dalawang tulog na lang, IMORTAL na! Lunes, sa ABS-CBN Primetime Bida - after NOAH!

Saturday, October 2, 2010

video

For more IMORTAL news, trivias, photos and kung anu-ano pa, just visit : 


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP